Sirenita : Sirekoy!!! Ano ang ginagawa mo? Pati ba naman ikaw ay
naakit na ng taga lupang iyan? Ang galit na sigaw at usig ni Sirenita
kay Sirekoy...
LAPASTANGAN!!! ang sabay sabay na sigaw ng lahat ng sireno at siyokoy
kabilang na si Neptuno at Sirekoy
Nakangiting hinarap muli ni Arnie si Sirenita
Arnie : huwag kang mag alala dinaing na sirena, hindi ko aagawin ang iyong
kabiyak... Diyan ka lamang muna dahil sagabal ka sa pag uusap
masyado kang lapastangan palalo at mapag mataas pati bathala
ay hindi mo iginagalang... Makabubuting nandiyan ka lamang upang
hindi maging mahirap ang aming gagawing paghanap sa tinidor at paghuli
sa salarin.......
Ganon din sa kasabwat .....
ang pahabol pang pahayag ni Arnie na sadyang ibinitin pa ang sinasabi bago matiim na tinitigan sa mata si Sirenita
Nahintakutan naman si Sirenita at dagling nag baling ng tingin sa asawang
noon ay tumalikod na rin akay sa kamay ang anak na lumangoy papasok
sa loob ng kaharian ng Atlantis...
Muling nagbalik sa bulwagan ang lahat, si Arnie ay muling naupo sa upuan
na idinulot ng isa sa mga sireno.....
Prenteng nakaupo na si Arnie ng kanyang
mapansin na isang malaking kabibe pala ang kanyang inuupuan. Nakangiting
tinapik tapik ni Arnie ang kabibe ng may masalat ang kanyang kamay na tila
malaking bilog na bola....
Arnie : ah??? Ano ito??? Ang tanong ni Arnie na dali daling kinuha ang malaking
bilog na bola mula sa laman ng kabibe...
Umiyak naman ang kabibe ng makitang kinuha ni Arnie ang kanyang pinaka
iingatang hiylas.....
Arnie : ah!!! Perlas pala ito!!! at napaka laki??? Sa iyo ba ito??? ang tanong pa
ni Arnie sa kabibe, gayong obvious naman ang sagot sa kanyang tanong.....
Kabibe : opo mahal na itinakda... Iyan po ang pinaka iingatan at natatangi
kong yaman, ang humihikbing sagot ng kabibe....
Arnie : ah ganon ba??? Huwag kang mag alala hindi ko ito pag iintresan ang sabi
pa ni Arnie sa kabibe na dagling natuwa sa narinig....
Ngunit itatabi ko na muna ito ha??? medyo naiilang kasi ako sa pag upo ang pahabol
pa ni Arnie na pasimpleng itinago na ang malaking perlas . walang nagawa ang kawawang kabibe kung hindi ang tahimik na lumuha. 😢😢😢
Arnie : ah... Ngayon maaari na nating ituloy ang naudlot na pag uusap
Bathalang Neptuno.... Mayroon po ba kayong palatandaan o kahit anong
mapag kikilanlan o suspect na kumuha ng tinidor???
Neptuno : ah!!! Oo meron nga.... Halikayo at ipakikita ko sa inyo, tumayo
na si Neptuno at naunang pumunta sa isang panig ng Atlantis kasunod ang mga
mamamayan ng Atlantis at si Arnie