Nakabalik na sa palasyo ng mga tikbalang si Arnie, ang kanyang ama at kapatid ay naihatid na rin ni Kabatao at kabayuhan sa kanilang bahay ,pansamantalang nanatili sa mundo ng mga tao ang dalawa upang tumulong sa gagawing paglilipat ng kanyang mga magulang....
Kasalukuyang nag sasanay ng kanyang kapangyarihan si Arnie sa itaas ng talon, gamit ang kanyang kamay sinubukan niyang kontrolin ang malakas na buhos ng tubig ng talon, habang sinusubukan niyang isulat ang kanyang pangalan sa gintong ding-ding ng talon.....
Samantala...
Si Prinsesa Karimlan na ipinasyang magtungo sa lupain ng mga tikbalang ay nakarating na sa pook na pakay,
dahan dahan siyang naglakad patungo sa mahiwagang bukal habang pinipilit na tiisin ang sakit sa mata na likha ng maliwanag na paligid....
Patawid na siya sa malaking talon ng may marandaman siyang nilalang malapit sa kanyang kinaroroonan...
PRINSESA KARIMLAN : may nilalang dito sa may talon??? hindi kaya ang babaeng itinakda iyon? narandaman niya kaya ang aking presensiya? ang takot na bulong sa sarili ni Karimlan bago dali daling nagtungo sa malagong halamanan upang magtago.
ARNIE : huh??? napalingon si Arnie na katatapos lang isulat ang kanyang pangalan ng may marandaman siyang kakaibang itim na aura malapit sa talon na kanyang kinaroroonan. Lumapit siya upang sinuhin kung sino ang nilalang na naroroon
SINO KA??? ang malakas na tanong ni Arnie ng makalapit sa malabong na halaman....
Isa kang itim na nilalang ano? lumabas ka!!! anong ginagawa mo dito??? ang sunod sunod na tanong ni Arnie....
Hintakot na lumabas sa malabong na halaman si Prinsesa Karimlan, lalo siyang natakot at nag tangkang umurong nang mapag masdan ang mukha ni Arnie.....
PRINSESA KARIMLAN : aaaaaahhhh ang sigaw nito na napaurong ng dalawang hakbang...
ARNIE : huwag kang matakot, ang sabi ni Arnie na ikinumpas ang isang kamay sa tapat ng mata ni Karimlan, dahilan upang magbago ang tingin nito sa paligid at makita ang tunay na anyo ni Arnie.....
PRINSESA KARIMLAN : ah??? ah!!!! ba ____ bakit ganito? nagbago ang paligid???? ang tanong ni Karimlan na labis na nagtataka.
ARNIE : hindi nagbago ang paligid, ito ang totoong itsura ng paligid, nasanay ka lamang sa kadiliman at kabaliktaran ng totoong itsura ang iyong nakikita sa dati mong paningin, ang paliwanag ni Arnie.....
SINO KA??? ANO ANG PAKAY MO DITO??? ang muli ay pagtatanong ni Arnie dito.....
PRINSESA KARIMLAN : ah!!! agad itong lumuha ng maalala ang pakay at kalagayan ng asawa, ilang araw na ang lumipas mula ng lisanin niya ang kaharian ng mga itim na nilalang at hindi niya alam kung ano na ang nangyari kay prinsipe Matuling.
Agad na inalalayan ni Arnie ang prinsesang lumuluha at inalo ito....
ARNIE : huwag kang lumuha, sabihin mo sa akin ang iyong pakay at baka matulungan kita
unti unting nag angat ng ulo si Usana, nagtataka sa sinabi ni Arnie.
PRINSESA USANA : hi____ hindi ka galit sa akin? sa aking mga kalipi?
ARNIE : bakit ako magagalit sa iyo? balak mo rin ba akong bihagin gaya ng iyong mga kalipi???
mabilis na umiling iling si Usana tanda ng pag tutol bago muling lumuha...
PRINSESA USANA : hindi namin kagustuhan ang bihagin ka, ang amang hari ang nag utos sa aking kabiyak na si prinsipe Matuling na bihagin ka at dalhin sa aming kaharian..... ang tanging nais namin ay kapayapaan.....
At ikinwento ni Prinsesa Usana kay Arnie ang sitwasyon ni Prinsipe Matuling pati na ang lahat ng plano ng kanilang hari.....
Unti unti ng nanghihina ang aking kabiyak, hindi ko alam kung daratnan ko pa siyang may buhay, tanging ang tubig mula sa mahiwagang bukal lamang ang makatutulong sa kanya,.....ang lumuluha pang pahayag ni Usana.....
ARNIE : kung ganon ay wala tayong dapat na sayanging oras.... halika, tutulungan kitang kumuha ng tubig sa bukal. ang pag aaya ni Arnie kay Karimlan at iginiya na ito patungo sa mahiwagang bukal....
Pagdating sa mahiwagang bukal, kinuha ni Arnie kay Karimlan ang boteng pagsisidlan ng mahiwagang tubig... Akina ang boteng sisidlan, ako na ang kukuha ng tubig delikado kung mahulog ka sa tubig ng bukal, sa akin ay walang masamang epekto, ngunit sa iyo ay maaring ikasawi mo...
iniabot ni Karimlan kay Arnie ang munting bote, pagkataposmalagyan ng tubig mula sa bukal ay sinamahan ni Arnie si karimlan, nag teleport siya patungo sa kaharian ng mga itim na nilalang upang mapabilis ang pagbalik ni Karimlan sa kanilang palasyo
PRINSESA KARIMLAN : ah ??? ang gulat na namutawi sa labi nito ng makitang nasa labas na siya ng kanilang palasyo.
ARNIE : sige na. pumasok ka na, babalik na ako sa lupain ng mga tikbalang...ang utos at pagpapa alam ni Arnie dito...
PRINSESA KARIMLAN : maraming salamat mahal na itinakda, hindi ko malilimutan ang tulong mong ito ; ang pag papasalamat na wika ni Karimlan bago tumalikod at mabilis ng tumakbo papasok sa kanilang palasyo...
Si Arnie naman ay nakangiting ihinatid ng tanaw ang prinsesa ng mga itim na nilalang, bago muling nag teleport pabalik sa talon....