Chapter 8. Insulted
HALOS isang oras ang nakalipas nang nagpaalam na sina Jinny na magpapahatid na sa kanilang driver nang tawagin siya ni Rexton. Sabay-sabay na napahinto sila sa paglalakad palabas sana ng pantry.
"Maiwan ka, may pag-uusapan tayo."
"Ho?" gulat na bulalas niya. Ano naman kaya ang pag-uusapan nila?
"Kung ganoon, mauna na pala kami," ani Milka.
"Maiiwan ako," anang Bree.
"Kung hintayin na kaya namin kayo? Magtatagal ba ang usapan?" bumaling si Rachel kay Rexton. She's not sure about the other CEOs but theirs wasn't fond of formalities with the talents under Montreal Agency. He didn't even want to be called "Sir" or "Mr. Dela Costa". Gusto nito na first name basis lang pero alam pa rin dapat kung saan lulugar. Noong una, syempre'y nakakailang, hanggang nakasanayan na lang nila. Pero kung minsan ay hindi niya maiwasang mailang, lalo na sa sitwasyong ganoon na may pag-uusapan sila kahit wala naman siyang alam na maaari nilang pag-usapan.
"I'll go ahead first. I want some time to think alone." Naiintindihan niya si Lana dahil sa kanilang lahat, ito ang pinakamalapit kay Acel lalo pa't nagkasama ang mga ito sa iisang banda noon.
"You should better go together," sabad naman ni Rexton. "Sandali lang naman kaming mag-uusap ni Jinny."
"Can't we just talk in here?"
"We can't."
"Sige na nga, mauuna na kami. Mukha namang matatagalan ang pag-uusapan ninyo," desisyon ni Milka na sinang-ayunan ni Rachel. Si Bree lang talaga ang nagpaiwan dahil wala naman daw itong gagawin kaya maghihintay na lang ito sa lobby.
Pagkatapos ay pumunta sila sa opisina ni Rexton. Nagulat pa siya nang makita si Timo na tila bagot na bagot nang naghihintay roon habang nakasandal sa mahabang sofa, kung saan nakaupo sila kanina. Ang akala niya'y kanina pa ito nakaalis matapos masigurong malalagyan ng cold compress ang nabukulan niyang noo.
"Oo nga pala," biglang bulalas ni Rexton na parang noon lang naalalang may usapan ang mga ito.
Naniningkit na nagpalipat-lipat ang tingin ni Timo sa kanilang dalawa ni Rexton.
"You've forgotten about our meeting because of her?"
"Nawala sa isip ko."
Siya rin ay naningkit ang mga mata habang kumunot ang noo ni Timo at mukhang nababanas na bumaling muli sa kanya at kay Rexton. Why did he sound grumpy? He looked grumpy, too.
M-may gusto ba siya kay Rexton? Bigla niyang naisip.
Natutop niya ang bibig. Hindi ba maraming mga ganoon ngayon? Lalaking-lalaki ang dating pero...
"Why is he still here?"
Sabay-sabay silang napalingon sa bandang likuran nila ni Rexton, pareho pa kasi silang nakatayo malapit sa nakabukas pa ring pinto. Si Bree iyon at ang tinutukoy nito ay si Timo.
"Why are you here?" balik-tanong naman ni Rexton sa kaibigan niya. Mukhang lumulan kaagad si Bree sa ibang elevator para masundan sila.
"I, uh, I just thought I'd ask you if you want some coffee... or tea?" palusot nito.
Halata namang ayaw nitong mapag-isa sila ng kababata nito kaya napailing na lamang siya.
"Okay lang na marinig niya ang pag-uusapan natin," desisyon na niya. "Teka, tungkol saan ba iyon?"
Tumikhim si Rexton at bumaling kay Timo na para bang nagkaintindihan na ang dalawa sa isang tinginan lamang. Tumayo naman ang huli at tamad na tamad na lumakad upang makalabas. Na kaagad niyang inagapan.
"Ayos lang din kung nandito siya. M-mukhang may meeting pa kayo, eh."
"You really fancy him, huh?" The side of her CEO's lips rose, almost mocking her—no, it's like he's teasing her.
Nag-iwas siya ng tingin at bumaling kay Bree. "Maupo na tayo?" anyaya niya rito na masama ang tingin kay Timo.
Hindi kaya ang dahilan kung bakit parang galit na galit si Bree kay Timo ay dahil sa may something sa dalawang lalaki? Na dahilan lang nitong niloko ni Timo ang kaibigan nito noon? Was her friend threatened because the two guys seemed too close instead?
Kaagad na umiling siya para iwaglit ang ideyang iyon sa kanyang isipan. She had nothing against gays or bisexuals, she just didn't want that thought to be real. Bakit ba kasi niya naisip ang bagay na iyon? Tuloy ay hindi niya maiwasang isama iyon sa dahilan kung bakit parang malapit nga ang dalawa sa isa'y isa o kung bakit nandoon pa si Timo.
'Di ba nga baka may meeting pa?
"It's about the apartment, you can still occupy it even though Sunshine will be on hiatus."
Natigil siya sa pag-iisip ng kung ano-ano nang buksan na ni Rexton ang pag-uusapan nila. Kung ganoon ay tungkol pala sa pagtira nila ng kanyang pamilya sa apartment unit.
"Pero nakakahiya. Dapat nga'y lumipat na kami kaagad—"
"I agree with him though," sansala ni Bree. Wala namang nangungupahan doon kasi binili na niya iyon dati."
"Ha?"
"Binili niya para sa inyo ng anak mo."
Napakurap-kurap siya. Huli na para suwayin ito ni Rexton.
"So, she's that woman, huh? Iyong ibinabahay mo?" Timo exclaimed and the way he looked at her was as if some puzzles were being solved.
"What?!" She raised her voice. "What woman?" tanong naman niya. "At anong binili para sa amin ni Luella?"
Kakaiba ang naramdaman niya, tila dismayado na hindi siya sigurado kung ano pa.
Rexton cleared his throat. "I'm actually the owner of that apartment building, not just your unit..." Ang tono nito ay parang hindi naman malaking bagay ang pagpapatira nito sa kanilang mag-anak doon.
Bumaling siya kay Bree at mukhang hindi rin big deal dito na pinatira sila ng libre ni Rexton doon.
"Totoo naman. Pati iyong pamilya ng driver niya, roon niya pinatira para raw hindi na kailangang gumastos ng pamasahe sa tuwing bibiyahe pauwi si Manong Peping."
"Is that true?" bumaling siya kay Rexton.
"That's true," si Bree pa rin ang sumagot. "The rest are his paupahan na. Ewan ko ba, lahat na lang yata ng business, gustong pasukin ng mokong na 'to."
If that's what her friend said, then, she's believing it. But what she couldn't take was when Timo mentioned about "ibinabahay" thingy. She felt something she didn't want to feel.
"Pero bakit sinabi ni Timo..." No, she's not going to ask about it anymore. Baka misunderstanding lang. Napanguso na lamang siya at hindi rin siya makapaniwalang dini-depensahan pa rin niya si Timo sa kanyang isipan kahit nadismaya na siya.
"That's just what I wanted to talk with you. And regarding that helper you're looking for—"
"What helper?" putol niya sa sasabihin pa ni Rexton.
"Brianna told me you're looking for a yaya," paglilinaw nito.
"Ay, oo, nabanggit ko nga pala sa kanya noong minsan." Bree crossed her arms after saying that. Sumandal din ito sa sofa.
"Ah..." Napatango siya.
"Excuse me," sabad ni Timo sa usapan at tumayo ito. Nagpaalam na magbabanyo lang daw.
Busangot na sinundan niya ng tingin ang bulto ng lalaki nang papalabas na ito. Ganoon ba kababaw ang tingin nito sa kanya? Na may relasyon sila ng CEO nila kaya nasabi nitong ibinabahay siya ng huli?
Now she knew what was that other thing she felt when he mentioned that awhile ago—she was insulted.