ดาวน์โหลดแอป
42.07% PHOENIX SERIES / Chapter 154: Bouquet

บท 154: Bouquet

Chapter 16. Bouquet

        

        

KINABUKASAN niyon ay naging kapansin-pansin ang pagiging malapit ni Dice sa estudyanteng taga-St. Vincent High School na nakipagkilala sa kanya. Gayunpama'y hindi pa rin niya maalis ang tingin kay Kanon sa gitna ng maraming estudyante. Hindi na nga game ang pinapanood niya, si Kanon na lang nang si Kanon ang pinagtuunan niya ng pansin.

That moment while waiting for the next ball game to start, he noticed her leaving the bleachers. She was following someone and he discreetly followed, too. Naningkit ang mga mata niya nang mapansing dalawang estudyante ang sinusundan nito, babae't lalaki. At hindi inaasahang pangyayari ang nasaksihan nila na naging mitsa nang pagkalat ng mga hindi kanais-nais na balita tungkol sa kanilang dalawa.

Kung nagsisisi ba siya na sinundan niya si Kanon, ang sagot ay hindi. He was even grateful that he was there because if not, who knew what might happened to her? It was possible she'd be blackmailed, or worse, that guy would take advantage of her just so she'd keep her mouth shut. Mukhang maloko pa naman ang binatilyong Devila. Higit na maloko sa kanya dahil sa edad na iyon, ay ginagawa na nito ang dapat ay ginagawa lang ng mga nakatatanda. Hindi siya anghel at aminado siyang kuryoso siya sa sekswal na bagay, pero hindi pa niya ginawa iyon sa mga naging girlfriend.

Matapos niyon ay napag-alaman niyang hindi pumapasok si Kanon kaya sinubukan niyang puntahan ito sa bahay ng mga del Rio, at malugod naman siyang pintuloy. Kahit nagtataka dahil sa ilang beses na pagsubok niyang mangumusta ay hindi siya pinapayagan, ay hinayaan na niya't natutuwang pumasok sa tahanan.

He was served a glass of orange juice and he drank it to ease his nervousness. He felt lightheaded afterwards until his eyelids became heavy as he fell asleep.

When he came in, he was in an unfamiliar room. Inakala pa niyang guest room iyon pero nang luminga-linga ay dumagundong ang kaba sa kanyang dibdib.

There he knew he was kidnapped and kept somewhere he didn't know where. Walang bintana ang silid at isang banyo, at ang kamang hinihigaan niya lamang ang nandoon. Nakabibingi rin ang katahimikan at sa hula niya'y kahit magsisigaw siya para makahingi ng tulong ay walang makakarinig sa kanya. Mayroon ding CCTVs na naka-install sa loobng silid.

He almost jumped out when the door was opened and it was Kanon's mom who went in.

"Hindi kita mapapakulong kaya ako na ang nagkulong sa iyo."

"Si Kanon po?"

"Bakit mo hinahanap ang anak ko? Para pagbantaan? There's no way I'd let her face you! You traumatised her! Ni hindi na lumalabas ng kwarto niya. She doesn't even speak out about what happened that day. About what horrible things did you do!"

Nanatiling tikom ang bibig niya't hindi sinabi ang nasaksihan.

Naluluha ang ginang pero pinigilan nito iyon.

"I'll stay here," bulalas niya.

"Kinokonsensya mo ba akong bata ka?"

"Dito lang po ako, Ma'am. Kung ito ang ikapapanatag ng loob ninyo. Basta tulungan niyo po si Kanon na—"

"Shut up, boy!"

Alam niyang hahanapin siya ng pamilya niya at kapag nalaman ang nangyari ay ipapakulong ng mga ito ang mama ni Kanon. Kaya noong pakawalan siya'y kaagad niyang pinakalma ang papa niya at sinabing huwag na huwag magde-demanda.

Pumayag siya nang dalhin siya sa Japan para roon ipagamot. Sobra kasi siyang namayat at nanghina dahil sa halos dalawang linggong pagkakakulong sa madilim na silid na iyon. Though, he was given foods, he just couldn't properly eat. Kaunting subo lang at pagkatapos ay ayaw na niya. Kahit hindi baliw, pakiramdam niya ay para siyang nababaliw nang nasa silid lamang siya. Hindi rin totoong kung ano-anong gamot ang itinurok sa kanya kaya siya nanghina, pero may speakers doon na naririnig niya ang mga disturbing na tunog twenty-four/seven, ang tanging liwanag ay ang mapusyaw lang na ilaw na nanggagaling sa banyo. Their mental torture was enough for him to almost go insane and unhealthy.

Kaya nga ba halos hindi pumayag ang mama niya na palampasin ang lahat, pati ang ate niya ay ayaw ring pumayag, kaya hindi pinakinggan ang dahilan niya na ayaw niya ng gulo. But then, when he told them about Kanon's situation, they were shaken enough to listen to him.

"Paano kung kay ate nangyari iyon?"

"Huwag mong idaan si Mommy sa ganyan!"

"She's a mother and she clearly believes I did wrong to her child."

"Hindi mo naman ginawa iyon, Daisuke," katwiran ng kanyang mama.

"Alam kong hindi ito katwiran para palampasin na lang ang ginawa niya sa akin."

"Pero bakit mo iginigiit na huwag na tayong magsampa ng kaso? Desidido na akong kasuhan siya."

He sighed. "Malala ang naging epekto ng nangyari kay Kanon, 'Ma. Kung ilalayo pa natin ang mama niya sa tabi niya ay baka hindi na niya tuluyang malampasan ang pinagdaraanan. I heard she doesn't even go out... and w-was suicidal." Napalunok siya dahil tila siya nasaktan sa isiping pinagdaanan ni Kanon iyon. Parehas silang naging biktima ng mga panghuhusga, at kahit hindi man umabot sa ganoong sitwasyon ang kanya ay nasaktan pa rin siya sa pinagdaraanan nito. Hindi niya inakala na mahina pala ang babaeng pumukaw ng interes niya. He just hoped that she'd overcome all of those things and become strong.

Bumuntong-hininga lang ang mga ito at sa huli ay napapayag na rin. Naiwan sa Pilipinas ang ate niyang si Ai dahil sa trabaho nito, pero ang mga magulang niya at nag-indefinite leave sa trabaho.

Halos isang taon silang namalagi sa Japan. Nag-homeschool siya para makaabot sa mga na-missed na aralin. Hanggang sa mapagpasyahan niyang yayain nang umuwi ng Pilipinas ang mga magulang niya dahil alam niyang kailangan na rin ang mga ito sa kumpanya.

He was supposed to go back to his old school but he insisted on transferring schools. He wanted to make it up with Kanon. Dahil hindi niya matanggap na hanggang ganoon lang sila nito.

Kaya lang ay naging mailap na naman ito, at hindi niya alam ang dahilan kung bakit. He was worried that it might be because he'd got lots of girlfriends back then.

It was after the pageant night where Kanon won the title when he decided to take an extra effort to be closer to her again. She was really stunning that night and he's afraid that he might lose his chance completely if he'd let her drifted apart from him, for there were lots of guys who became more interested about her. Kaya paniguradong marami nang aaligid dito lalo pa't malapit na itong tumuntong sa tamang edad kung saan ideal para rito na magpaligaw.

He readied the bouquet of flowers he'd give to her as she walked down the stage but wasn't able to. Ang daming nag-congratulate dito hanggang sa magkumpulan na. One of the judge was an alumni, at inalalayan nito si Kanon sa pagbaba.

Laglag ang balikat niya nang tuluyang hindi makalapit at nakayuko na lang, kaya laking-gulat niya nang mag-angat ng tingin ay napansin niyang nakatitig lang sa kanya si Kanon, may sinasabi ang katabi nito rito pero mukhang hindi nakikinig. Lumakas ang loob niya't dire-diretsong lumakad palapit dito. Mabuti na lamang at nakadaan siya sa mga nagkukumpulang mga tao kaya nakalapit siya.

"Dice..." her soft voice called him out.

"Congratulations... You are so elegantly beautiful tonight."

Iaabot niya sana rito ang pumpon ng rosas ngunit napansin niyang may mga hawak na ito kaya hindi na niya tinuloy. Natuod na lang siya sa kinatatayuan at ilang sandaling tila silang dalawa na lamang nito ang nandoon.

"'M-ma," mahinang tawag nito sa mama nito na kalalapit lang.

"Let's go home now."

There. He woke up in reality.

"Pakikuha naman iyong bulaklak. H-hindi ko na mahawakan."

May kung ano sa mga tingin ng mama nito nang lumingon sa kanya na hindi niya mapangalanan. Napalunok din siya nang ang atensyon ay nabaling sa kanya, kinakabahang inabot niya ang bouquet at c-in-ongratulate ulit si Kanon 'tsaka umalis na. Baka mamaya ay kung anong mali pa ang masabi niya sa sobrang kaba.


Load failed, please RETRY

สถานะพลังงานรายสัปดาห์

Rank -- การจัดอันดับด้วยพลัง
Stone -- หินพลัง

ป้ายปลดล็อกตอน

สารบัญ

ตัวเลือกแสดง

พื้นหลัง

แบบอักษร

ขนาด

ความคิดเห็นต่อตอน

เขียนรีวิว สถานะการอ่าน: C154
ไม่สามารถโพสต์ได้ กรุณาลองใหม่อีกครั้ง
  • คุณภาพงานเขียน
  • ความเสถียรของการอัปเดต
  • การดำเนินเรื่อง
  • กาสร้างตัวละคร
  • พื้นหลังโลก

คะแนนรวม 0.0

รีวิวโพสต์สําเร็จ! อ่านรีวิวเพิ่มเติม
โหวตด้วย Power Stone
Rank NO.-- การจัดอันดับพลัง
Stone -- หินพลัง
รายงานเนื้อหาที่ไม่เหมาะสม
เคล็ดลับข้อผิดพลาด

รายงานการล่วงละเมิด

ความคิดเห็นย่อหน้า

เข้า สู่ ระบบ