Hindi nakakibo si Edward. Nakatingin lang sya kay Maymay. Maraming tanong ang namuo sa isip nya.
Dahil tahimik lang si Edward ay nagpatuloy si Maymay sa pagsasalita.
Tumawa si Maymay.
"Nosebleed ka noh? Uso gugel translate!"
Seryoso pa rin si Edward.
"Hala ka Maymay!
Bakit ba kasi kapag nakakainom ka ng alak eh panay ang English mo!
Hindi mo pa nga nabubuking ang sikreto ni Dodong, mukhang mabubuking ka na!" ang pagalit nya sa sarili.
She needs to do something to distract him.
Dala marahil ng ininom na alak ay naglakas loob si Maymay na yayain itong sumayaw. Tumayo sya at hinawakan ang kamay ni Dodong.
"Tara Dodong sayaw tayo!"
Nagulat man si Edward ay hindi na ito tumanggi pa.
Seryoso syang nakatitig sa mga mata ni Maymay na para bang ito lang ang nakikita nya.
Bigla tuloy nailang si Maymay sa ginagawang pagtitig sa kanya ni Dodong.
Gusto nyang iiwas ang tingin nya pero may kung ano sa mga mata nito na tila ba nagsasabing tumingin lang sya sa mga mata nito.
Nang makita ni Juliana at Marco na nagsasayaw ang dalawa ay umupo na sila.
Hindi naman sila napansin ng dalawa.
Sino ka nga ba talaga Maymay?
Sino ka ba talaga Dodong?
Bakit ganun na lang ang epekto mo sa akin? - E
Bakit ba ganun na lang ang kagustuhan ko na malaman ang sikreto mo? - M
Bakit ba ganun na lang ang kagustuhan ko na makilala ka pa? - E
Bakit ba pakiramdam ko ay may misteryong bumabalot sayo? - M
Bakit ba simula ng makilala kita ay hindi ka na naalis sa isip ko? - E and M
Nararamdaman mo ba? - E and M
I think I like you! - M
"Gusto kita!" - Edward
Nagulat si Maymay.
"Ano'ng sabi mo?!?
"Oh crap! Narinig nya yung iniisip ko?" ang nasa isip pa rin ni Edward. Hindi kasi nya napansin na nasabi nya yun sa dalaga.
"May sinabi ba ako?" ang tanong nya dito.
"Ah wala naman! Akala ko lang siguro yun!"
Tama Maymay! Guni-guni mo lang yun! Or wishful thinking? Ah basta! Wala kang narinig at wala rin syang sinabi! ang pangungumbinse nya sa sarili.
"Sana maniwala sya na wala akong sinabi!" ang dasal din ni Edward.
Pagkatapos ng kanta ay lumapit sa kanila si Marco para yayain si Maymay sumayaw.
Hindi naman tumutol si Edward at bumalik sya sa kinauupuan.
Ngumiti sa kanya si Juliana. Ngumiti rin sya dito.
Nang makaupo si Edward ay tahimik nyang pinagmamasdan si Maymay at Marco na nagsasayaw.
Mukhang masaya ang pinag-uusapan nila dahil kitang-kita ni Edward na tumatawa si Maymay.
Masaya ito habang kasayaw ang best friend nyang si Marco.
Si Juliana naman ay pinagmamasdan ang mukha nya na nakatingin sa dalawa.
"Jealous?" ang tanong nito sa kanya.
Napatingin naman sya sa tanong ng dalaga.
"Bakit naman ako magseselos?" ang sagot nya.
"Nagsasayaw lang naman yung best friend ko at ang babaeng gusto ko!
Masayang nag-uusap na may kasamang bulungan at pahampas-hampas pa sa braso! Mukhang masaya sila! Yun lang naman! Kaya bakit naman ako magseselos!" ang litanya nya sa isip.
Habang naiisip nya ang mga yun ay nagkakasalubong ang kilay nya at napapasimangot sya ng hindi nya napapansin.
Kitang-kita naman ni Juliana ang mga yun kaya hindi nya maiwasan ang mapangiti.
"Mukhang hindi ka nga nagseselos!" sabi ni Juliana na saktong balik sa pwesto nila ni Marco at Maymay.
"Sino'ng nagseselos?" ang tanong ni Marco.
Napatingin naman si Maymay kay Edward.
Umiwas ng tingin sa kanya si Edward.
"Ah bro, meron pa ba tayong pupuntahan pagkatapos nito?" ang pag-iiba nya ng usapan.
"Overlooking tayo!" sagot ni Marco.
"Wow! I'd love that!" si Juliana.
"Gusto ko rin yun!" hindi mapigilan ni Maymay ang excitement.
She's been to different places to view the city lights but she hasn't seen Tagaytay's version of it.
"I'll just pay our bills and then we'll go!".
Pagkatapos nga magbayad ni Marco ay pumunta na sila kung saan kitang-kita nila ang mga ilaw ng syudad.
Habang pinagmamasdan ni Maymay ang mga ilaw ay hindi nya namalayan na tumabi sa kanya si Edward.
"Iba pa rin talaga ang Pilipinas!"
"Bakit marami ka na bang ibang bansang napuntahan?"
Napatingin sa kanya si Maymay pero nag-iwas din agad ito ng tingin.
"Hindi ko kailangan pumunta ng ibang bansa para maappreciate ang sariling bansa natin." ang pangangatwiran nya sa binata.
"I've seen better!" ang bulong ni Edward.
"Ano'ng sinabi mo?"
"Ah wala! Ang sabi ko mas maganda nga dito!" pero kay Maymay naman sya nakatingin.
Tumango ang dalaga bilang pagsang-ayon.
Hindi nya alam na sa kanya nakatingin ang binata.
"Sobrang ganda!" ang sambit ulit ng dalaga.
"Breathtakingly beautiful!" ang bulong ni Edward sa isip habang nakatitig pa rin sa mukha ng dalaga.