Pagkapasok sa kwarto ay nagpaiwan na si Juliana.
"Ako na po ang bahalang mag-ayos ng mga gamit ni Ma'am Mary Dale." ang sabi ni Maymay kay Rosario at sa isa pang katulong.
"Ikaw ang bahala!" si Rosario at lumabas na rin sila ng kwarto.
Nang makaalis ang mga ito ay hinarap ni Juliana si Maymay.
"What was that Maymay? Bakit hindi mo inamin kay lola na ikaw si Mary Dale?"
"Nakita mo naman yung reaksyon nya sa itsura ko di ba? Dahil simple lang ang postura ko ay inisip nya agad na ikaw si Mary Dale. Naisip ko na makakatulong yun sa paghahanap ko ng mapapangasawa!"
"What do you mean? In what way will it help? Don't tell me, hahayaan mo lang yung maling akala ni lola? Don't you have any plans of telling her the truth?"
"Syempre sasabihin ko rin naman ang totoo. Pero hindi pa ngayon! Itutuloy natin ang pagpapanggap. At least, masusubukan ko kung totoong mahal ako ng lalaking makikilala ko bilang ako at hindi bilang si Mary Dale na mayaman at solong tagapagmana ng mga Entrata."
"I don't know about this May, but I feel like this is not a good idea! Mukhang pagsisisihan ko pa na pumayag akong samahan ka dito sa Manila!"
"Sige na Juls pumayag ka na! Ayaw mo nun, para tayong mga artista na umaarte sa teleserye?" ang paglalambing nito sa pinsan.
"Alam mo kung hindi lang talaga kita mahal Mary Dale hindi ako papayag sa kalokohan mo!"
"Alam ko namang hindi mo ako matitiis!" at niyakap pa nito ang pinsan.
"Ugh!" napangiti na rin si Juls.
"Sa ngayon, ako muna si Yaya Maymay at ikaw naman si Ma'am Mary Dale."
~~~
Dumating na rin si Edward sa Manila.
Tumuloy sya sa isang condo na pag-aari nya.
"Kumusta ang byahe bro?" si Marco na tinawagan agad ni Edward para pumunta sa condo nya.
"Okay naman!" sabay abot ng alak kay Marco.
"By the way, Edward, what's the plan? Sigurado ka na ba sa desisyon mo na magpanggap bilang driver ko?"
"Ayaw mo non, mauutus-utusan mo ako?"
"Sabagay, makaganti man lang sa madalas mong pagprank sa akin."
At natawa na silang dalawa.
"But seriously, bro, hindi ba complicated yang gagawin mo? Paano kung mainlove ka sa babaeng makikilala natin na ang buong akala eh ikaw ako?"
"Mainlove? I doubt it!"
"Oo nga pala! Nakalimutan ko! Hindi ka nga pala marunong magmahal!"
"Hindi ko kailangan ang love! Ang kailangan ko lang mayaman na mapapangasawa at magbibigay ng anak sa akin. Hindi ko kailangang mahalin yung babaeng yun!"
"Eh paano kung mainlove sayo?"
"Well sorry na lang sya dahil apelyido lang ang kaya kong ibigay sa kanya at ang magandang lahi ko!"
Napailing na lang si Marco.
Hindi man sya sang-ayon sa pananaw ng kaibigan ay nirerespeto nya pa rin ito.
"Sounds like a business deal to me!"
"Eh ano naman kung business deal nga? Hindi naman siguro sya lugi dahil gwapo naman ako at kaya ko syang paligayahin sa kama!" sabay ngiti ng nakakaloko.
"Sira-ulo!" natawa na lang si Marco.