"Oh em gee... it's so malamig talaga..." ang maarteng reklamo ni Bea habang papasok na kami ng building ng department namin.
Napalingon naman ako sa kanya at nabigla pa ako nang makita ang usok na lumalabas sa bibig nya nang dahil sa sobrang lamig ng paligid.
"Beh..." ang nakatulalang sambit ko sa kanya.
Nagtataka naman syang nagtaas ng tingin.
"Yes?" ang takang tanong nya.
Natutulala naman akong nagsalita saka itinuro ang bibig nya.
Pero bago pa man ako makapagsalita ay OA na syang nagtitili-tili doon.
"Oh my God! Nahulog ang fake lashes ko?! OMG!" ang tili nya.
"M-may..."
"Ano?! May muta pa ako?! OMG! IT'S SO KADIRI!" saka nya pinunasan ang mga mata nya.
"M-may..."
"WHAT?! NAGKALAT ANG LIPSTICK KO?! OMG---!
This time ay sinapak ko na sya.
"Ouch! Why?!" ang lingon naman nya sa akin.
"Wag kang OA beh. Ang sasabihin ko lang ay..." Ang sabi ko. "M-may...may usok na lumalabas sa bibig mo..."
Nagtataka naman syang huminga uli at nanlaki pa ang mga mata nya nang makita ang usok na ibinubuga nya. Saka nya natakpan ang bibig at nanlalaki pa ang mga mata nyang napatingin sa akin.
"Oh em gee beh..." ang shock nyang sabi. "...nagiging fire breathing...I mean usok breathing dragon na ako. Ahuhuhuhu!"
Usok-breathing dragon? May ganun ba? -____-
"Pero..." ang shock parin nyang sabi. "...hindi kaya naililipat na sa atin ang klima ng Korea?! Diba ganito rin sa mga Korean drama na napapanuod natin? Umuusok ang bibig nila ng dahil sa sobrang lamig?"
At hindi ko alam kung bakit bigla akong natigilan sa sinabi nyang iyon. Marahil siguro sa naalala ko bigla ang sinabi ni Professor Santiago sa akin kahapon...
"...nagiging malamig ang paligid natin dahil nalilipat na sa atin ang temperature ng mundo nila dahil sa unti-unting pagkakabukas ng barrier na yun..."
Agad na nanlaki ang mga mata ko nang dahil sa naalala kong iyon.
Hindi kaya...
Hindi kaya totoo ang...
Pero natigil ang kung ano mang iniisip ko nang bigla nalang nagkagulo sa labas ng building. We heard screams, gasps, and whispers around those students.
Nakita ko ring nagmamadaling tumakbo ang ibang estudyante na kasama namin sa loob papunta sa bintana na para bang may gusto silang makita mula sa labas.
Nagkatinginan pa muna kami ni Bea bago kami naglakad papunta sa bintana para makita kung ano ang nangyayari sa labas.
Pero...
Agad ding nanlaki ang mga mata ko at nanigas ako mula sa kinatatayuan ko nang dahil sa una kong nasaksihan.
It is because...
For the first time in history...
I saw those white little things that's been falling from the sky down to the ground.
Yes.
It's snowing.
****************************
Hinihingal akong tumatakbo sa hallway na yun.
Oo. Matapos kong masaksihan ang pagbuhos ng snow sa paligid ay alam kong sa mga oras na yun ay kailangan ko ng puntahan si Professor Santiago.
Alam kong sya lang ang makakasagot sa lahat ng katanungan na bumabagabag sa isipan ko.
Nang makarating ako sa department nila ay nagmamadali akong pumunta sa office nya.
"Professor!" ang hinihingal na tawag ko habang kinakalabog ko ang pinto nya. "Professor!"
Pero walang sumasagot.
Ini-try kong buksan yun pero doon ko lang na-realize na naka-lock yun.
Kaya doon ko na nanghihinang naipatong ang ulo ko sa pinto ng opisina nya.
Professor naman eh...ikaw lang ang nakakaalam sa mga nangyayaring ito!
"Ano ang sinabi sayo ng Professor na yun?" ang biglang sulpot ng deep na boses na yun mula sa likuran ko.
Agad naman akong napalingon and I saw those cold emerald eyes of that handsome guy that's been standing in front of me.
Oo. Yung captain ng Soccer team ng University.
Teka...paano sya nakapunta dito ha? Ni hindi ko man lang naramdaman ang pagdating nya...
Atsaka bakit nya itinatanong kung ano ang sinabi sa akin ni Professor?
But then...
I was so shocked when suddenly he walked towards me and pushed me into the door kaya napasandig ako doon.
And when I turned to him, I came face to face with those cold emotionless face that's now only an inch away from me. He's so close that I could almost hear his breathing and I could almost smell his masculine scent.
"Teka ano bang---"
Pero naputol ang sasabihin ko nang marahas nyang hinawakan ang magkabilang braso ko at nanggagalaiting boses na yun ay nagsalita sya.
"Don't mess up with the vampires" he whispered into my face.
*************************
"Don't mess up with the vampires" he whispered into my face.
Napatulala lang ako sa gwapong mukha nya na ngayon ay may bakas ng galit habang nakatitig parin sa akin ngayon.
At ang isa pa ay sobrang lapit ng mukha nya sa akin na para bang hindi na ako makapagsalita ng dahil sa sobrang pagka-shock.
At paano nya...
Paano nya nalaman na tungkol sa mga bampira ang pag-uusapan namin ni Professor?
"If you want to stay alive, you have to stuck your human nose out of vampires" he said through gritted teeth.
Agad na nanlaki ang mga mata ko nang dahil sa sinabi nya.
Pakiramdam ko kasi ay narinig ko na yun pero hindi ko lang matandaan kung saan...
At isa pa...ay bakit nya sinasabi ang lahat ng ito?
Paano nya nalaman ang tungkol sa mga bampira...?
"Anong nangyayari dito?" ang biglang sulpot ng boses na yun mula sa tabi namin.
Sabay naman kaming napalingon sa bagong dating at nakita ko si Dylan yun na nakatayo sa tabi namin habang nakatingin sa amin ang walang emosyong mukha nyang iyon.
Oh em gee.
Wag nyang sabihin na...
Wag nyang sabihin na...iniisip nyang...nanlalaki ako ngayon?!
Idagdag pa na...mukha kaming...mukha kaming naghahalikan ng captain na 'to! Kyaaaaahhh!!! DYLAN! MALI ANG INIISIP MO!! >///<
"A-ah eh...D-dylan..." ang nasambit ko nalang.
Pero bago pa ako makapagsalita ay doon na ako binitiwan ni Captain...
Uhh...Captain nalang ang itatawag ko sa kanya..k-kasi...ang awkward talaga na tatawagin ko syang Joselito. Eh kasi naman...kahit saang anggulo kong tignan ay parang...parang ang pangit talaga eh! Hindi talaga bagay sa kanya!
Binitiwan naman nya ako at tumalikod na sa aming dalawa ni Dylan pero bago sya umalis ay nagsalita sya uli.
"Remember what I said..." he said in that emotionless voice saka sya bahagyang tumingin sa akin dahilan para manigas ako. "...I don't want to see you snooping around some other people's businesses"
Saka sya tumalikod uli at tuluyang naglakad paalis.
Samantalang naiwan naman akong natitigilan parin doon at hindi parin makapagsalita.
Ano ba talaga ang...nangyayari?
At...sino ba sya?
"Babe?" ang nag-aalalang pukaw naman sa akin ni Dylan mula sa tabi ko.
Agad naman akong napalingon sa kanya at doon ko lang naalalang mag-explain.
"Ah babe, mali yung nakita mo--"
"I know..." he said then smiled.
Saka nya hinawakan ang pisngi ko at nakangiting tinitigan ako sa mga mata.
At katulad ng dati. Sa tuwing tinititigan nya ako ay hindi ko mapigilang mapatulala sa gwapo at maamong mukha nya.
He's just so beautiful...
He smiled.
"You don't have to explain yourself" he said while staring at my face. "I trust you and I love you..."
Napangiti naman ako at hinawakan ko ang kamay nya na nakahawak sa pisngi ko at idinikit yun sa pisngi ko. Saka ko sya tinitigan sa mga mata.
"Thank you..." I whispered.
Pero agad ding nawala ang ngiti sa labi nya bago nagsalita uli.
"But anyway, you seems like you're not with yourself today..." ang nag-aalalang tanong nya. "Are you alright?"
Doon ko naman agad naalala ang ipinunta ko doon. Kaya mabilis akong nagtaas ng mukha at nagsalita.
"Babe, samahan mo ako kay Professor Santiago!"
Meanwhile...
Lumabas mula sa salon na yun ang lalaking may kulay brown na buhok at kulay brown na mga mata. Katatapos nya lang ipagupit ang mahabang buhok nya na dati ay tumatakip sa mukha nya kaya ngayon ay mas nakikita na ang gwapong mukha nya.
At habang papalabas sya ay ang mga kinikilig na bulungan ng mga babaing nanduon ang tanging naririnig nya.
"Oh my God...ang gwapo nya..."
"Ang amo pa ng mukha nya..."
"Grabe, taga saan kaya sya?"
"At mukhang mayaman..."
Yan lang ang naririnig nya habang papalapit sya sa nakaparadang itim at luxurious motorbike nya. Nang makarating sya doon ay agad na nyang isinuot ang itim na helmet nya saka sumampa doon.
Then he drove away from those girls that been hovering all over him. Pinabilis nya ang pagmomortosiklo habang tumatama sa mukha nya ang malamig na ihip ng hangin.
Pero...agad din nyang naihinto ang motorsiklo nya sa walang katao-taong tulay na nanduon nang biglang bumuhos ang mga puting bagay na yun mula sa kalangitan.
He took off his black helmet and look at the sky.
And out of nowhere, that familiar voice suddenly appeared beside him.
"It's starting..." ang sambit ng babaing boses na yun.
Agad naman syang lumingon dito gamit ang walang emosyong mga matang iyon.
Then he called her name.
"Andromeda..." he whispered.
She turned to him and gave him that smile that he hasn't seen for centuries.
"Did you miss me..." she said then those red eyes looked at him. "...Zeke?"
to be continued...