Harriette Kobayashi's POV
Naglakad ako papunta doon sa may puno kung saan nag-uusap sila Lennon at Sedrick. Seryosong-seryoso silang dalawa. At nung makita nilang papalapit ako sa kanila, tumigil sila sa pag-uusap at tumahimik.
"Haayyy.. Okay lang na marinig ko dahil alam ko naman kung ano-- I mean, SINO ang pinag-uusapan nyo." sabi ko.
That's right. Kanina ko pa sila nakikitang pasulyap-sulyap samin kaya alam kong si Crissa ang pinag-uusapan nilang dalawa.
Crissa is so lucky and blessed at the same time. Dahil hindi lang si Sedrick ang may gusto sa kanya. Meron pang isa at nalaman ko kahapon kung sino yun.. And nagkausap kami sandali. Nasa kanya pa nga yung necklace ni Crissa na may pendant na paper plane e. Mukhang humahanap lang sya ng tyempo para isoli yun.
At sana lang, narealize nya rin yung sinabi ko sa kanya na lumaban pa rin sya.
Humarap ako kay Sed at tinignan ko sya nang deretso.
"May gusto ka kay Crissa ano?"
Natigilan sya saglit sa itanong ko pero maya-maya lang din, ngumiti na sya. Ngiti na mapait.
"Yeah. And I know, hindi lang ako yung may gusto sa kanya." bulong nya.
Wait. Alam na rin nyang pati si Tyron, may gusto kay Crissa?
"Paano mo nalaman?" tanong ko.
"That's so simple. Kung ano yung nakikita kong ginagawa ko para kay Crissa, nakikita ko rin na ginagawa nya. Magkaiba lang kami in terms of how we act and behave dahil magkaiba kami ng personality. But it can't hide the truth. Hindi man halata pero nakikita ko yung sarili ko kay Tyron. Kung paano ako tumingin kay Crissa, ganon din sya. He's good at hiding his emotions and feelings. But I bet you, I knew it and I'm so sure. Parehas kaming nagmamahal sa isang babae." seryosong sabi nya habang nakayuko.
Napailing nalang ako. Ang hirap ng sitwasyon nilang dalawa ni Tyron. Magkaibigan na nagkagusto sa iisang babae? Sobrang cliche na ng sitwasyon na yan. But I'm telling you, sobrang cliche man nyan, isa yan sa pinakamahirap na sitwasyon na mararanasan mo sa buong buhay mo.
I've been in the same situation before at sobrang hirap at sakit talaga. And kailangan mo talaga ng matinding courage para magsakripisyo. Kailangan mong bitawan yung isa para hindi dumating doon sa point na kung saan parehas silang pwedeng mawala sa iyo.
"Anong balak mo ngayon?" tanong ko sa kanya.
"Wala."
Marahas akong napatingin sa kanya.
"Anong wala!? Tanga ka ba!? Pano kung sabihin kong may gusto din sayo si Crissa ha!?" sigaw ko sa kanya.
Oo, sinabi ko kay Tyron na lumaban pa rin sya kahit na alam naman naming may gusto din si Crissa kay Sedrick. At ngayon, inamin ko naman kay Sedrick ang tungkol doon. Ang magiging labas lang nito ay parang binubugaw at tinutulak ko parehas sila Tyron at Sedrick na mag-away nang dahil kay Crissa. But that's not really my intention. Gusto ko silang lumaban ng patas. At kay Crissa na ang magiging desisyon sa huli. Dapat parehas silang mabigyan ng chance.
Nakita kong napailing si Sedrick. Bumalik nanaman yung mapait na ngiti sa labi nya habang itinuturo si Crissa at Tyron na nagkakamayan. Mula dito sa gawi namin, hindi nila kami nakikita. Pero sila kita namin. Nakatingin silang dalawa ng deretso sa isa't-isa habang nakangiti.
"Harriette, iba ang crush o gusto, sa mahal."
Bumalik ang tingin ko kay Sedrick. At habang pilit kong binabasa yung ipinapahiwatig ng tingin sa mata nya, unti-unti kong nalaman kung ano yun.
Gusto ni Crissa si Sedrick pero si Tyron ang mahal nya. Pero sa madaling salita, ang buong akala ni Crissa ay may gusto sya kay Sedrick pero ang totoo naman, wala na talaga. Oo, maaring naging crush nya si Sedrick dati pero hanggang doon na lang yon. Simula nang dumating si Tyron sa buhay nya, unti-unting nawala yung pagkakagusto nya kay Sedrick at nadivert lahat kay Tyron. At siguro rin, nararamdaman nya na rin yun pero hindi lang sya aware. Or maaari rung alam nya na rin pero itinatanggi nya lang pilit. Baka natatakot syang aminin at tanggapin sa sarili nya or baka masyado lang syang nabulag at namanhid dahil buong akala nya, si Sedrick pa rin ang gusto nya. Kahit si Tyron naman na talaga.
Ay putek! Ang gulo! Para na akong love expert nito e!
Ibinalik ko yung tingin ko kay Crissa. Wala na si Tyron pero nanatili pa ring syang nakatayo doon at nakangiti. At base sa ngiti nyang iyon, hindi nga malabo na totoong gusto na nya si Tyron.
Or baka mahal na nga..
I always see her smile, but iba yung nakikita ko ngayon. Parang napakalalim ng pinaghugutan ng ngiti na yon.
"See? Wala nakong magagawa kung gusto rin sya ng gusto nya.." bulong ni Sedrick at mas lalo pang pumait yung ngiti nya. Tinapik ko naman sya sa balikat.
"Parehas nyo nga talagang gusto si Crissa. Ganyan din ang sinabi nya sakin e."
"Oh? Pero ako yung nakakaalam ng totoo dahil yung inaakala nya, yun ang mali. Akala nya, ako ang gusto ni Crissa pero ang totoo, sya naman talaga."
"So, magpaparaya ka na nyan?"
"Pagpaparaya? Hindi ko na kailangang magparaya, Harriette. Ginagawa lang ang pagpaparaya kapag parehas kayong nabigyan ng chance na lumaban. But in my case, kitang-kita ko na ang totoo. Hindi ko na kailangang lumaban dahil una palang talo na ko. At ang tawag sa gagawin ko, acceptance.."
Natahimik ako sa sinabi nya at damang-dama ko yung lungkot sa bawat salita na binibitawan nya. Nakakalungkot. Ni hindi man lang nya naamin kay Crissa yung nararamdaman nya.
But I think, mas okay na tong desisyon ni Sedrick. Dahil if ever na umamin sya at naging sila ni Crissa, parehas lang silang tatlo na talo. Magra-rumble yung sitwasyon at maari din na pati silang dalawa ni Tyron, magkaroon ng permanenteng lamat sa pagkakaibigan.
Haaayyy.. I know this feeling.. Relate na relate. Parang déjà vu e. Pero nagkataon na hindi na sakin nangyayari.
Kundi sa mga kaibigan ko..
Napatingin ako kay Lennon at nagulantang pa kami parehas. Nakatitig kasi sya sakin e. Bumilis tuloy yung tibok ng puso ko.
Crissa Harris' POV
Bumalik ako dun sa may pick-up at umupo ako sa may hood. Nasan na kaya sila Harriette? Naiwan tuloy akong mag-isa dito. Buti nalang makulimlim medyo kaya hindi masakit sa balat yung sikat ng araw.
Tumayo ako at umakyat ako sa bubong ng pick-up. Wala. Trip ko lang magmatyag sa paligid. Bagong subdivision palang to kaya may mapuno at madamong part pa. Konti palang din yung mga bahay na nakatayo.
"Teka. Ano yun?" natigilan ako saglit dahil parang dun sa may pinakamapunong part sa di kalayuan, parang may nakita akong mabilis na gumalaw. At sure ako, tao yun.
Bumaba agad ako tapos mabilis akong pumunta sa may parteng yun. Sa sobrang mapuno at masukal ng damo, hindi ko na naabutan yung hinahabol ko. Ibinalik ko sa holster yung baril ko. Hindi ko alam kung bakit hawak ko na to bigla. Siguro sadyang ganito talaga kapag may adrenaline rush, nagiging alerto ka.
May kumaluskos sa likod ko kaya mabilis ko uling kinuha yung baril ko. Itinututok ko agad ng deretso yung baril pagkaharap ko. Pero agad ko din namang naibaba nang makita ko kung sino yun.
"Ikaw lang pala yan, Tyron. Wooohh.." huminga ako ng malalim. Unti-unting nagsubside yung tibok ng puso ko pero masasabi pa rin na mabilis.
"Wala ka doon kaya hinanap kita. Anong ginagawa mo dito?" sabi nya at back to normal nanaman ang expression. Seryoso.
Pero teka. Hinanap nya ako?
Lalong lumakas at bumilis yung tibok ng puso ko. What the heck naman oh. Kalma puso! Bakit ka tumitibok dyan ng parang abnormal!? Hinanap nya ako kasi friends kami. Yun lang yun. Bakit kailangan pang magtanong diba? Tsk.
"A-ah, may nakita kasi akong tao dito. Kaya sinundan ko.."
"Tao? Baka undead lang yun?.."
"Undead? Parang imposible. Kasi as soon as makita ko sya, mabilis na kong pumunta dito. Pero pagdating ko, wala na sya. Walang bakas. Kung undead yun, syempre mahahabol ko pa yun sa bagal nya." sabi ko habang nagpapalinga-linga pa sa paligid.
Nagulat naman ako nang maramdaman ko uli yung sting slash spark na biglang dumaloy sa braso ko. At pagtingin ko sa tabi ko, hawak-hawak na ni Tyron ang braso ko.
"Tara na. Baka nandun na sila Christian." sabi nya sabay haltak sakin paalis. Hindi na ako umangal at sumunod nalang ako sa kanya.
Labo naman nito. Kung saka-sakaling tao nga yun, bakit namin iiwan? Kung makahaltak kasi to si Tyron e, parang akala mo, umiiwas kami sa kapahamakan. Tss. Mamaya, nangangailangan ng tulong yun e.
Pero teka, kung kailangan nya ng tulong, bakit naman sya tatakbo in the first place? For sure nakita nya naman ako. At saka panahon ngayon at ganito na ang nangyayari, yung mga nangangailangan at namemeligro, desperado na sa tulong diba? E bakit sya lumayo? Knowing the possibility na nakita nya nga ako?
Haaayyy. Bahala na nga. Baka survivor din yun na sanay lumaban.
Pagkarating namin sa tapat ng bahay nila Renzo, nandoon na din sila Harriette. Nakatingin sila samin na para bang nagtatanong na kung-saan-kami-galing. Pero hindi na ako nakasagot dahil saktong lumabas sila Christian. Pare-parehas silang may hindi maipintang mukha.
"We didn't find them. Malinis na malinis yung bahay at wala ring undead. Let's hope na nakaligtas sila at nasa safe silang lugar ngayon. We'll try to find them sa buong subdivision bukas. But for now, pumasok muna tayo." sabi ni Christian. Umpisa nang nagpasukan yung iba bitbit ang mga gamit nila pero naiwan kaming apat nila Christian, Tyron at Renzo.
Napatingin ako dun sa mga sasakyan namin.
"H-hindi ba natin ipapasok to?" bulong ko kay Tyron. Meron kasing nakapark sa garahe nila Renzo.
Hindi nya ako sinagot pero lumapit sya kay Christian at kinausap.
"Aight. Para sigurado na rin." bulong ni Christian tapos lumapit sya kay Renzo. "Pwede ba nating ilabas yung kotse nyo para maipasok natin kahit yung pick-up man lang?" tanong nya.
"Sige. Okay lang." sabi ni Renzo tapos pumasok sa loob.
Nung mailabas nila yung isang kotse, ipinasok naman nila yung pick-up. Nandoon nga rin kasi yung motorbike at bike ni Zinnia at Scott? Baka madumihan pa yun dito sa labas kapag iniwan. Yung van, okay lang siguro dito. Kinuha nila Tyron yung mga bag na may lamang mga weapon at baril tapos ipinasok nila.
Bago ako pumasok, nilingon ko pa yung van. Ang weird naman, bakit feeling ko hindi to magiging okay nang nasa labas lang? Feeling ko, mananakaw?
Tss. Nababaliw na ata ako. Pake naman ng undead sa kotse diba? Saka kung saka-sakali mang may magtangkang tumangay dyan, good luck nalang sa kanila. Tangayin nila nang hindi pinapaandar. Pasanin nila sa likod nila.
"May problema ba?.." tanong ni Renzo na biglang sumulpot sa tabi ko.
"Hehe. Wala." ngumiti ako sa kanya ng pilit tapos sinarado na namin yung gate.
Wala nga ba talagang problema?..
Someone's POV
"Yung chicks na pinababantayan satin ni boss, sobrang tinik ano? Kamuntikan na talaga kong mahuli kanina."
"Gago ka we. Hindi ka nag-iingat. Mag-aantay pa uli tayo ng tyempo para magawa yung inuutos ni boss."
"Tsk. Pag nahawakan ko lang talaga yung blonde na yun, hmmm.. Papatayin ko yun. Sa ligaya.."
"Subukan mo pare nang pasabugin ni boss yang bungo mo. Kabilin-bilinan nya na wag gagalawin yun diba?"
"Oo na, oo na. Biro lang yun pare. Type ko rin naman yung may green na buhok e. Yun nalang ang sakin.."
"Tsk. Bahala ka.."