ดาวน์โหลดแอป
43.75% My Fiancee is a Prostitute (Filipino) / Chapter 28: Together Again

บท 28: Together Again

CHAPTER 28

-=Atilla's POV=-

Mabigat ang katawan kong nang bumangon ako nang araw na iyon dalawang araw na ang nakakalipas nang mangyari ang engagement party namin ni Ram, naipakilala na din ako sa mga tao na kapatid ako ni Henry Cervantes ang isa sa pinakamayamang tao sa Asya ngunit bakit ganoon parang wala pa ding nagbago, yes nakakareceived ako nang mga tawag at imbitasyon sa mga party ng kung sino sino pero ang relasyon namin ni Ram ay wala pa ding pinagbago,

Katulad nang madalas kong ginagawa ay naligo na muna ako at naghanda nang almusal ko, at katulad nang dati ay para sa dalawa ang hinanda ko just in case na maisipan ni Ram na dumaan sa condo unit niya ngunit katulad nang mga nakaraang araw ay hindi pa din ito napapadaan sa sarili nitong unit na labis na nagpapalungkot sa akin ngunit agad ko iyong isinasantabi dahil ayokong dumating sa point na ang nararamdaman ko sa kanya ay mapalitan nang ibang damdamdamin.

Bandang hapon nang magdecide akong matulog na muna tutal wala din naman akong lakad ngayong araw na ito, agad akong humiga sa kama namin ni Ram at pilit pinapatay ang pangungulila habang naiisip ko ang masasayang pagkakataon na magkasama kami ni Ram.

Sobra ko na siyang namimiss, ang bawat hawak at halik na tanging siya lang ang nakagawa sa akin na labis kong pinanabikan, nakatulog ako nang oras na iyon nang may dumaloy na luha sa mga mata ko.

Ayoko pa sanang bumangon at gumising ngunit kanina ko pa nararamdaman na parang may nagmamasid sa pagtulog ko kaya naman dali dali akong nagmulat nang mata at labis ang gulat ko dahil meron ngang nanonood habang natutulog ako at sa ilang segundong pagkakatama nang mga mata namin ay panandalian kong nakita ang tenderness sa mga titig nito ngunit agad iyon napalitan nang malamig na mga titig mula dito.

"Ram." ang tanging nausal ko habang agad bumangon sa pagkakahiga, pinilit ko pang suklayin ang buhok ko gamit nang kamay ko.

"Mag-ayos ka at ayusin mo ang mga gamit mo." malamig nitong utos sa akin bigla naman kumabog nnag mabilis ang puso ko, ayokong umalis dito kahit ipagpilitan pa nito,

"Please Ram, huwag mong gawin sa akin ito, I want to stay here with you." pagsusumamo ko ngunit wala akong narinig na kahit na ano mula dito, at isang buntung hininga ang lumabas sa bibig ko dahil alam kong hindi ko na mapapabago nang isip ang binata.

Mabigat ang bawat kilos ko habang nilalagay ang mga gamit ko sa bag na dala ko nang lumipat ako sa condo unit nito, habang abala ako sa pag-iimpake ay tahimik lang itong nakatingin sa labas nang bintana nang unit, hindi ko maiwasang hindi pagmasdan ang gilid nang mukha nito, kahit saan mo tignan ito ay masasabi mong sobrang guwapo talaga nito, ngunit hindi iyon ang pinakadahilan kung bakit ako nainlove sa taong ito, siya kasi ang naging lakas ko para magpatuloy, agad akong napayuko at nagpatuloy sa pag-aayos nang mahuli ako nitong nakatingin dito.

Minabuti ko na lang manahimik habang nakasunod dito buhat buhat ang bag na naglalaman nang lahat nang gamit ko, medyo mabigat ang dala ko kaya nakailang baba din ako non, pero nagulat na lang ako nang bigla nitong agawin ang dala kong bag at buhatin nito iyon, imbes na matuwa ay nalungkot ako lalo dahil mukhang hindi na nitong mahintay na makaalis na ako sa unit nito, iniisip ko kasing baka ihatid na niya ako sa bahay nila Henry sa Forbes Park hanggang hindi pa dumadating ang araw nang kasal namin, ganito na ba talaga ang galit niya sa akin na hindi na niya ako kayang makita pa. Isang butil ng luha ang tahimik na naglanda sa kaliwang mata ko habang sakay kami ng elevator na maghahatid sa amin sa parking lot ng building.

Tahimik akong sumakay sa kotse nang binata sa tabi nito nang pagbuksan ako nito nang pinto at matapos makaupo ay dumiretso na din ito sa likod nang manibela at agad iyong pinaandar,

Gusto ko sanang kausapin ito ngunit hindi ko alam kung saan ba dapat magsimula o kung ano ba talaga ang dapat kong sabihin dito, tutal naman nasabi ko nang mahal na mahal ko siya ngunit mukhang hindi naman mahalaga sa kanya ang bagay na iyon lalo na't alam kong mas nananaig ang betrayal na nakuha nito sa akin.

Ilang buntung hininga galing sa akin ang maririnig sa loob nang sasakyan, halos lagpas isang oras na ang binibiyahe namin dahil na din nasabay kami sa rush hour ngunit biglang kumunot ang noo ko nang mapansin kong iba ang tinatahak na daan ni Ram dahil hindi dito ang papunta sa bahay nila Henry.

"Sa...an mo ako dadalhin?" mahina kong tanong dito dahil na din sa takot na baka magalit na naman ito.

"Sa bahay na namin tayo sa Dasma titira, gusto kasi ni Dad na makilala ang magiging manugang niya bago tayo magpakasal." sarcastic nitong sinabi, ngunit imbes na masaktan ay bahagya akong nakahinga nang maluwang dahil ang buong akala ko talaga ay ihahatid na ako nito kela Henry, isang simpleng ngiti ang namutawi sa bibig ko at pinangako kong pagsisilbihan ko si Ram sa abot nang makakaya ko at gagawin ko din ang lahat para magustuhan ako ng Daddy nito.

Nang makarating kami sa bahay nito sa Dasma ay namangha ako sa ganda nang pagkakadisensyo nang bahay ng mga Santiago, yes mas malaki at engrande ang bahay ni Henry sa Forbes Park ngunit at mas kinagusto ko sa bahay nila Ram ay ang pakiramdam nang pagiging homey nito, and for the first time I felt at home pagkatuntong ko palang sa naturang bahay.

Agad naman kaming sinalubong nang isang matandang lalaki na sa tingin ko ay nasa early fifties na at hindi matatawaran na magandang lalaki ito noong kabataan nito, kung hindi nga lang namayat ito dahil na din siguro sa problema ay mas lalabas ang gandang lalaki nito, nagkakilala na kami sa engagement party namin ni Ram ngunit masyadong naging mabilis ang mga nangyari kaya hindi ko masyado itong nakausap, and now I intend to know the old man more at mukha naman mabait ito kaya pakiramdam ko hindi ako mahihirapang kunin ang loob ng matanda, kung madali lang din sanang kunin ang loob nang anak nito.

"Welcome to our humble home Atilla." he said and then he kissed me in both my cheeks.

"Salamat po Mr. Santiago sa paginvite sa akin mag stay sa bahay ninyo." magalang ko sinabi dito kasabay ng pag-iling nitong.

"Hija just call me Tito Rodney masyado namang pormal ang Mr. Santiago, and besides hindi na din naman magtatagal at magiging parte ka na nang pamilyang ito." masaya nitong sinabi pero kung alam lang nito ang nangyayari sa pagitan namin ni Ram.

"Kung iyon po ang gusto ninyo Ti.....to Rodney." naiilang ko pang tawag dito, I know it will takes time bago ako masanay na tawagin ito sa ganoong tawag.

Sa pagtingin ko kay Ram ay napansin ko nang wala na ito, marahil ay dumiretso na sa loob nang bahay samantalang dala naman nang mga kasambahay ang bag ko, nakasunod lang ako sa matandang Santiago habang tinutour ako nito sa loob nang malaking bahay na iyon, nalaman kong ang namayapang asawa pala nito ang nagdesign nang bahay at bata pa lang pala si Ram nang mawala ang ina nito, alam ko ang pakiramdam nang mawalan nang ina kaya alam ko kung gaano kahirap iyon.

Madaming naging kuwento ang matanda na talaga naman naenjoy ko lalo na't puro patungkol iyon kay Ram, ramdam na ramdam ko ang pagmamahal ni Tito Rodney sa anak nito base na din sa mga kinuwento nito.

"Señor nakahanda na po ang hapunan." naputol ang pagkukuwentuhan namin nang kumatok at pumasok ang kasambahay nila.

"Agnes, gusto kong makilala mo ang magiging asawa ni Ram, Atilla ito naman si Agnes matagal na siyang nagtatatrabaho dito at parang pamilya na ang turing namin sa kanya." nakangiting pagpapakilala nang matanda at mas lalo akong humanga sa mag-ama dahil sa naging pakikitungo nito dito.

"Welcome po Ms. Atilla." magalang na bati nito at nararamdaman kong makakasunod ko din ito.

Ako na din ang umalalay kay Tito Rodney papunta sa dining room kung saan na nakaupo si Ram at mukhang nayayamot na sa paghihintay sa amin.

"Sorry Ram kasi...." sinubukan kong magpaliwanag ngunit agad akong sinawata ng matanda.

"Hayaan mo siya Atilla sandali lang naman yan naghintay." ang pigil nito sa akin, nasa kabisera ito, nasa kaliwang side ako nang matanda samantalang ako naman ay nasa kaliwang bahagi nang matanda kaya magkatapat kami ni Ram, tahimik lang ito habang hinihintay namin na iserve ang dinner namin nang gabing iyon.

Matipid ang mga sagot ni Ram kapag natatanong ito nang ama, hindi ko alam kung nakakahalata na ang matanda o hindi dahil wala naman itong nasabi.

Mabuti na lang talaga at kasabay namin si Tito Rodney dahil kung hindi ay baka natuyuan na ako nang laway dahil malamang sa malamang ay hindi kami mag-uusap ni Ram.

Matapos kumain ay nakaramdaman na ako nang pagkaantok kaya matapos magpasalamat ay tinanong ko kung saan ako matutulog sa bahay na iyon.

"Ram, dalhin mo na siya sa kuwarto niyo para makapagpahinga na din si Atilla." sinabi naman ni Tito Rodney, nabigla ako dahil ang buong akala ko ay sa magkaibang kuwarto kami, wala naman salitang sinamahan ako ni Ram sa kuwarto, nakaturn on naman anG A/C nang kuwarto ngunit bakit pakiramdam ko para akong init na init, mukhang hindi din ako ang nakakaramdam nang pagkailang dahil ilang araw na din kaming hindi nagkasama sa isang kuwarto.

"Mauna na muna akong maligo." hindi ito makatingin sa akin habang sinasabi ang bagay na iyon at kumuha lang ito nang gamit at agad na itong dumiretso sa banyo na nasa loob mismo nang kuwarto.

Isang napakahabang buntung hininga ang lumabas sa akin nang tuluyan na akong napag-isa, hindi ko alam ang gagawin ko o iisipin ko, bigla kasing naglaro sa isip ko ang mga bagay na madalas namin gawin kapag magkasama kami sa condo unit nito, naramdaman ko ang pag-iinit nang magkabilang pisngi ko sa pag-iisip nang ganon.

Dali dali akong naghanap nang magandang isusuot sa pagtulog namin na iyon, napili ko ang isang puting whitedress na sinabi sa akin ni Ram na bagay na bagay sa akin, hinintay ko lang matapos ang binata at ako naman ang naligo, sinigurado kong mabangong mabango ako bago ako tumabi kay Ram ngunit agad akong nadismaya nang makita kong himbing na himbing na ito sa pagtulog habang nakatalgilid na matulog nakatalikod sa side ko.

Malungkot akong tumabi dito habang nakatingin sa malapad na likod nang binata na ang tanging suot ay ang boxer short nito.

Abot kamay ko lang ang binata ngunit bakit sa pakiramdam ko sobrang layo nito sa akin, hindi ko mapigilang hindi maiyak habang nakatingin ako dito, kinagat ko ang kamao ko para pigilan ang ingay mula sa pag-iyak ko.

"Ram...." nakatulog ako na ang tanging binata lang ang nasa isip, hindi ko alam kung ano ang mas masakit, ang hindi mo makita ang taong mahal mo o ang kasama mo nga siya ngunit parang ang layo pa din niya sayo.


Load failed, please RETRY

สถานะพลังงานรายสัปดาห์

Rank -- การจัดอันดับด้วยพลัง
Stone -- หินพลัง

ป้ายปลดล็อกตอน

สารบัญ

ตัวเลือกแสดง

พื้นหลัง

แบบอักษร

ขนาด

ความคิดเห็นต่อตอน

เขียนรีวิว สถานะการอ่าน: C28
ไม่สามารถโพสต์ได้ กรุณาลองใหม่อีกครั้ง
  • คุณภาพงานเขียน
  • ความเสถียรของการอัปเดต
  • การดำเนินเรื่อง
  • กาสร้างตัวละคร
  • พื้นหลังโลก

คะแนนรวม 0.0

รีวิวโพสต์สําเร็จ! อ่านรีวิวเพิ่มเติม
โหวตด้วย Power Stone
Rank NO.-- การจัดอันดับพลัง
Stone -- หินพลัง
รายงานเนื้อหาที่ไม่เหมาะสม
เคล็ดลับข้อผิดพลาด

รายงานการล่วงละเมิด

ความคิดเห็นย่อหน้า

เข้า สู่ ระบบ