Tiningnan ni Ye Song ang dalawang nagpapanic na lalaki at sinuri niya ang kanilang kasuotan at katangian.
Sa itsura ng mga ito ay para silang mga bandido.
Walang duda na ang mga ito ang umaatake ng mga nayon sa paligid ng Everest!
"Gusto niyong tumakas?"
Nang makita niya ang kanilang aksyon, naglabas ng isang malamig na ngisi sa kanyang mukha si Ye Song. sa isang iglap, ang kanyang idinagdag na bilis sa paggalaw ay sumabog mula sa kanyang katawan at sa ilang sandali lang ay tinawid niya ang distansya ng sampung metro sa pagitan niya at ng dalawang lalaki!
Pinitik ni Ye Song ang kanyang daliri at isang dagger ang lumitaw sa kanyang kamay. pagkatapos ay winasiwas nito ang kanyang punyal at isang matalas na ilaw ang dumaan sa lalamunan ng isa sa mga lalaki!
Habang nangyayari iyon ay sinuntok din ni Ye Song ang isa pang lalaki na dahilan ng paglipad nito pero hindi niya ito tinuluyan at pinanatiling buhay!
Ang dalawang lalaki ay walang pagkakataong gumanti dahil hindi pa sila nag eevolve kaya't hindi sila nakalaban kay Ye Song!
Pumunta si Ye Song sa lugar kung saan lumapag ang lalaki at ang kanyang boses ay puno ng galit habang tinatanong ang lalaki.
"Magsalita ka. asan ang mga tagabaryo?"
Ang lalaking ay takot na takot at sumigaw.
"Huwag mo akong patayin magsasalita ako! ang mga tagabaryo ay pinagsama-sama sa gitna ng nayon!" pagkatapos ay tinuro niya ang direksyon kung nasaan ang mga tagabaryo.
Ngunit sa pagtatapos pa lamang niya ng pagsasalita ay itinuro ni Ye Song ang dagger sa kanyang noo at itinusok ito sa kanyang temple.
Ang silweta ni Ye Song ay muling naglaho!
Gamit ang extrang movement speed mula sa cloaking, sumugod si Ye Song patungo sa direksyong itinuro ng lalaki habang ang lemons ay nakasunod sa kanyang likuran.
Nang makita nilang pinatay ni Ye Song ang lalaki ay nagulat sila. ito ang unang pagkakataon na nakita nilang pumatay ang kanilang master ng isang kauri niya. ngunit kahit ganon ay hindi sila nagduda at nagsalita ng malakas si Ahoka.
"Bilisan niyo! suriin niyo ang paligid at iligtas ang sinumang nakaligtas sa pag atake. huwag kayo magpakita ng awa sa mga tulisan at patayin silang lahat!"
Makalipas ang ilang sandali, si Ye Song na nagmamadaling pumunta patungo sa direksyong itinuro ng lalaki ay dumating sa isang bukas na espasyo sa gitna ng nayon na kayang tumanggap ng libong katao at nakita niya ang mga katawan na nagkalat sa paligid!
Ang ilan sa mga katawan ay pinutol ang mga kamay at paa. ang ilan naman ay walang ulo at ang iba ay hinalukay ang kanilang bituka!
Ang mga katawang ito ay ang mga tagabaryo na nakakasalamuha ni Ye Song araw-araw.
Ang amoy ng dugo ay kumakalat sa hangin!
Sa kabilang banda ay daan-daang bandido na may hawak ng matatalas na patalim ang patuloy sa kanilang pagpatay sa mga tagabaryo.
Ang nakalulungkot na daing ay umalingawngaw sa plaza!
Ang pangkat ng mga tulisan ay halos tatlong daan ang dami kaya wala nang magawa ang mga taganayon kundi umungal sa matinding paghihirap!
Halos lahat ng pinatay ay mga kalalakihan at matatanda.
Nang makita ni Ye Song ang madugong eksenang ito ay isang malakas na poot ang sumabog sa kanyang puso at lumabas ang mga ugat sa kanyang kamao habang isang malakas na hangarin sa pagpatay ang sumiklab mula sa kanyang mga mata.
Samantala nang dumating ang lemons sa plaza ay nabigla silang lahat sa eksena na nakita nila sa kanilang harapan!
-
Nang dumating sina Ye Song at ang lemons, ang mga bandido sa kabilang panig na nagsasaya sa kanilang pagpatay ay biglang napatigil at tumingin sa mga bagong panauhin.
"Mga halimaw?! bakit madaming halimaw ang biglang dumating dito?!" gulat na gulat na sinabi ng isa sa mga bandido na nakasuot ng maskara.
Nanginginig sa takot ang tatlong daang mga bandido habang napapalunok sila ng sariling laway!
Si Ye Song sa kabilang banda ay tinitigan ng malamig ang mga nakatingin sa kanilang bandido pagkatapos ay inutusan niya ang lemons.
"Patayin ang lahat ng mga bandido pero iwanang buhay ang taong may maskara, go"
Sa sandaling sinabi niya ang mga salitang ito ay biglang nawala si Ye Song sa isang iglap habang hawak ang chillblood kamaitachi sa kanyang kamay!
Natulala ang mga bandido nang makita ito!
Bago pa sila makapag-react, lumitaw ulit si Ye Song sa tabi ng isa sa mga bandido at hiniwa ang kanyang lalamunan!
Pagkatapos, ang anino ni Ye Song ay kumislap sa iba't-ibang direksyon kung nasaan ang mga bandido habang winawasiwas ang hawak niyang dagger sa kanyang kamay.
Sa bawat pag-indayog ng kanyang dagger ay tiyak na may dalawang bandido ang sisigaw at babagsak sa lupa!
Ang bawat pag-atake niya ay naka-target sa vital point ng mga bandido kaya naman nalalagutan agad ito ng hininga at hindi kailangan ang pangalawang pag-atake!
Walang exception, bawat direksyon na daanan niya ay may babagsak na bandido!
Ang lemons naman sa kabilang banda ay ayaw magpaiwan at nais ipakita kay Ye Song na ginagawa nila ang kanilang makakaya.
Sumugod sila at nagsimula ng isang massacre!
Ang kung fu turtles ay nagsimulang magpakita ng kanilang pinaka-cool na galaw upang makuha ang pansin ni Ye Song para makita niya na ginagawa nila ang kanilang makakaya laban sa mga bandido!
"Rising dragon soars the sky! Haa!"
"Dragon raises its head! Wataa!"
Ayaw din magpatalo ni Ahoka kaya naman ginamit niya ang kanyang katawan.
"Snorlax slam!"
Boom!
Nanginig ang lupa at ang dalawang bandido ang naging meat paste dahil kay Ahoka!
Ang penguin commandos naman at ilan sa mga kung fu turtle ay lumulundag at nag-glide sa iba't-ibang lugar sa nayon upang maghanap kung mayroong mga nakaligtas.
Makalipas ang ilang sandali ay nakita nila ang isang pangkat ng mga bandido na sumusubaybay sa isang pangkat ng mga tagabaryo!
Karamihan sa kanila ay mga kababaihan at bata.
Nang makita ito ng penguin commandos ay hindi sila nag-atubiling sumugod at mag glide sa isang kapanapanabik na bilis patungo sa mga bandido!
Ang nasa higit na dalawampung bandido ay nakaramdam ng isang malakas na hangin sa kanilang mga likuran.
Bago sila makalingo upang tingnan kung ano ito, isa-isang bumagsak ang kanilang mga ulo at lumabas ang dugo mula sa kanilang mga leeg!
Sa ilang sandali, bumagsak sa lupa ang dalawampung bandido nang hindi alam kung paano sila namatay!
Creation is hard, cheer me up!
Like it ? Add to library!
I tagged this book, come and support me with a thumbs up!