ดาวน์โหลดแอป
85.71% TRANSPORTED: Searching My Mr Right In Another World (Tagalog) / Chapter 5: CHAPTER 5: Meet Toru-san, the Demon Cat

บท 5: CHAPTER 5: Meet Toru-san, the Demon Cat

Anong pakiramdam ito? Bakit parang may kung anong hayop na dumidila sa aking mukha.

Namatay na ako dahil sa nabulunun ako diba? Nabuhay ba ulit ako? Kalokohan! Panaginip na naman ba itong nararamdaman ko?

Aywan. Ayaw ko na isipin, na pag dumilat ako ay aasa lang ako sa wala. Subalit may kung anong halimuyak ng bulaklak akong naaamoy. Magaan sa pakiramdam at nakakawala ng pagod.

W-wait lang! Kung may naamoy ako, malamang hindi pa ako patay diba?! Diba?!

"Pica-picachu!" Aniya ng boses na nasa ulohan ko. Picachu? Ash?! Ano to pokemon?!

Dahan dahan kong idinilat ang aking kaliwang mata at nilibot ng tingin ang buong paligid.

"Ahhhh!" Napatili ako bigla at napaupo sa pagkakahiga. Bumungad kasi sa mukha ko ang isang pusa na nagsasalita ng pica-pica chu! May buntot ito na kurteng puso!

Really?! Nakakalito! "Eh, wag kang lumapit sa akin," utos ko sa kanya. Akala ko napadpad ako sa pokemon world, hindi pala. Sadyang ganun lang ata talaga ang sinasabi niya.

Kahit sino ay magugulat din naman. Ibat ibang kumbinasyon sa kanilang katawan! Ahhh! Nakakaloka na ang mundong ito.

Nalungkot ang mukha nito na parang pinagbagsakan ng langit at lupa. Nakapa ko ang aking bibig kung nasuot ka parin ba ang mask.

Parang nabulunan ako ng tinik sa lalamunan ng makapa ko ito. Kung sino mang nakakakita sa akin at nagligtas, hindi talaga niya talaga tinanggal ang mask. May respeto ito sa akin kahit hindi niya ako kilala.

"Picha-pichachu…" aniya. Napatingin ako sa mukha niya. Mukhang mabait naman ito. Naihilamos ko ang aking palad sa aking mukha, bago ito nilapitan.

"Picha-picha?" Tanong ko sa kanya. Nilapit nito sa akin ang kanyang katawan at naglalambing. Harmless naman ata ito. Nakakawa naman. Kinuha ko ito at kinarga saka hinihimas himas ang likuran. Pinatong ko ito sa aking hita habang nakaupo.

Nasa loob ako ngayon ng bahay na parang kubo ang style. Maganda ang loob, may kusina, mesa. Yun nga lang ang hinihigaan ko pala ngayon ay mga natutuyong mga damo na sinadyang ginawang higaan.

Anong klaseng tao kaya ang nagligtas sa akin. At anv pusang ito na panay picachu ang pinagsasabi ay baka alaga rin niya.

Iisipin ko pa ba kung anong klaseng tao ito? Niligtas niya ako, malamang ay tao siya. Hindi dapat ako mag isip ng hindi maganda patungkol sa kanya. Nakakahiya naman kasi!

Eh? Paano kung hihingi ito ng kabayaran sa pagtulong niya sa akin? Wala akong pera. At wala rin akong mamahaling mga gamit na pwedeng ibigay sa kanya.

Pwede bang utangin nalang muna? Baliw na utak! Savior mo, uutangin mo pa?! Binatukan ko ang aking sarili. Hindi naman na ako baliw sa lagay kong ito diba?

May bigla akong naisip at napayakap bigla sa aking katawan. Hindi naman kaya…katawan ko ang habol niya kaya niya ako niligtas?

Kung katawan ko lang din naman ang habol niya, eh bakit hinintay niya pa akong magising? Napailing ako at napaayos ng upo. Nabaling ang tingin ko sa pusa na nakapatong sa aking hita. Nakatulog na pala ito. Waaa…ang cute niya! Gusto kong kurutin, pero baka magising ito. Mabait naman pala talaga ang pusang ito. Hindi nangangagat.

"Pusang pica-chu? Cute!"

Nag unat ako ng kaliwang balikat. Bakit ba ang advance kong mag isip? Ni hindi ko nga alam kung babae o lalaki ang nagligtas sa akin.

Ang goal ko na lang ngayon, ay magpasalamat sa ginawang pagtulong niya sa akin. Teka…nasaang lugar na ngaba ako?

"GISING KA NA pala," wika ng baritonong boses mula sa labas ng kubo.

Dumungaw ito sa pinto na may dalang payong. Nakasuot ng japanese traditional na damit. Napanganga ako ng ngumiti. Nyemas! Ang gwapo naman ng nilalang na ito.

May parte sa utak ko ang nagdiwang sa isiping baka siya na nag Mr Right ko! Puro Mr Right nalang ang laman ng kukuting ito.

Inayos ko ang aking sarili. May savior. Di ko mapigilang di kiligin! Tuluyan na nga itong pumasok sa loob ng bahay niya. Bawat paghakbang nito ay nag slow motion sa aking mga mata.

Akala ko de-deretso ito papunta sa pwesto ko, hindi pala. Lumiko ito sa kusina. Nagsalin ng tubig sa baso saka inabot sa akin.

Kung ganito lang sana lahat ng mga lalaki, ay naku! Aangkinin ko ang isa! Hehehe.

"Salamat," sabi ko at tumango tango lang ito na nakatingin sa aking mukha. Na curious siguro. Napaurong pa ako ng umupo ito sa aking tabi. Dumampi kasi ang kanang kamay nito sa braso ko, kaya nagkaroon tuloy ng tila ilang bultahe ng kuryente sa buo kong katawan!

Hindi ata niya napansin na nailang ako sa kanya. Kung bahay niya ito, dito ba siya natutulog sa tuyong mga damo na parang ginawang kama? Kung titingnan ang suot nito…elegante ang dating.

"Hindi ko tinanggal ang nakatakip sa iyong mukha, kaya wag kang mag alala," aniya. Ito na ang nagbasag ng katahimikan sa buong palagid.

Inilapag ko ang baso sa aking gilid matapos kong maubos ang laman nito. Alam ko. At buti nalang di mo ginawa. Pag nagkataon…baka masuka ka! ðŸ˜"

Binalingan ko ito ng tingin. Aacck! Ang gwapo! Nakakasilaw ang kutis nitong maputi at makinis na mukha. Lalaki pa ba ito? Gusto ko tuloy takpan ang aking mata.

Kung sino pa ang ubod ng gwapo, siya pa ang mabait. "Ah…ano…" para akong timang na nautal bigla. Cloe maghunus dili ka! "Maraming salamat sa pagligtas sa akin! Tatanawin ko itong malaking utang na loob! Pagnagka pera ako, babayaran kita. Sa ngayon kasi wala akong pera!" Sabi ko sa kanya.

Nagtama ang aming mga mata. Para niya akong hinihigop. Gosh! Ito na ba yung sinasabi nilang love at first sight!

Napatawa ito bigla. Kitang kita ko tuloy ang mapuputi niyang mga ngipin. Ano kayang gamit na toothpaste nito?

"Sorry. Hindi ko maiwasang di matawa sa sinabi mo. Parang ang laki kasi ng problema sa pagkakasabi nun," aniya na pinahid pa sa gilid ng mata ang isang daliri. Naluwa ba siya sa pagtawa?

"Huwag kang mag alala, hindi kita sisingilin," dagdag pa nito. Ang sweet. Pwede ko na ba siyang jowain? NBSB din kasi ako.

Di ko mapigilang di mapangiti sa sinabi niya. "Maraming salamat ulit, Mister," sabi ko ng malumanay.

"Nakita kita sa isang patag na lugar na walang malay, kasama ang kapatid ko," aniya. "Akala ko nga patay kana, pero nung sininghot ka ng kapatid ko at sinabing buhay kapa. Agad kitang dinaluhan, at pinagaling." Napakamot pa ito sa batok ng sabihin niya iyon.

Sininghot? Palihim kong sinilip ang status niya.

Name: Turo

Level: 20

Race: Demon Cat

Power: Healing magic

"AKO PALA si Turo," sabi nito. "Ikaw, anong pangalan mo, binibini?"

"Ako si Cloe," tugon ko sa kanya.

Parang napaisip ito bago nagsalita. "Cloe? Ngayon lang ako nakarinig ng ganitong pangalan. Kakaiba," aniya. "Saang bansa kaba galing? Paano ka napunta sa lugar na iyon? Ngayon lang ako nakatagpo ng isang binibini na halos maubos ng kainin ang mga carrots sa paligid hahaha."

Pinamulahanan ako ng mukha.

Maniniwala ba siyang na transport ako sa lugar na ito? Kung ang mga Goddess sa lugar na ito ay naniniwala. Malamang, ang nabubuhay sa mundong ito ay pagtatawanan lang ako.

"Isa akong Asian. Ahm…taga Asia ako." Sagot ko. Napailing ito bago nagsalita. Napahawak ito sa ilalim ng kanyang baba. "Malayong lugar siguro ang bansa mo Cloe-san. Ngayon ko lang nalaman na may lugar palang pangalang Asia," aniya.Mukhang naniwala naman ito.

At malamang sa malamang na di niya mahahanap ang pangalang Asia, dahil sa mundo ko iyon.

"Tsanga pala. Nasaan na ang kapatid mo?" Tanong ko. Sumilip ito sa pusang nasa hita ko na himbing na natutulog saka niya ito tinuro. Sabay sabing, "Binibini…Ahm Cloe-san, siya ang kapatid ko…si Cachu." Saad nito.

Eh? Ang nasa hita ko ay ang kapatid niya? Magkapatid silang dalawa? Ilang taon naba ito? Pero bakit pusa ito at di nag anyong tao di kagaya niya?

Mukhang kailangan ko ng sanayin ang utak ko, simula ngayon. "Gusto mo bang makita ang totoo kong anyo?" Tanong nito sa akin. Tinanong niya ba muna ako, ng sa ganun di ako mabigla? Mag aanyong pusa lang naman siya diba?

Tumango ako. Lumapad ang ngiti nito, at sa isang iglap lamang ay nag transform ito bilang isang…Lion?! Shet! Hindi naman siya pusa ah!

Oo pag sa pusa harmless. Eh kung Lion? Harmless din kaya? Mag isip ka nga Cloe. Demon Cat nga siya diba? Pero parang Demon Lion naman ang nasa harap ko. Pinagloloko ba ako ng mundong ito?!

"Nagulat ba kita?" Tanong nito. Sa sobrang lapit nito sa akin. Parang gusto kong tumakbo. Pero ng maalala ko na niligtas niya pala ako. Nagbago ang isip ko. "H-Hindi naman. Nagsasalita karin pala, kahit nagtra-transform kang ganyan."

"Oo naman."

Speaking of, ang halimaw na humahabol sa akin sa masukal na gubat na iyon. Isa rin ba itong Demon Race? Nagsasalita rin ito gaya niya.

Ang kapatid niyang si Cachu. Bakit hindi ito nagsasalita kanina sa akin? Panay pica-picachu lang ang lumalabas sa bibig.

Nagtransform ulit ito bilang tao at tumabi sa akin. Parang magic lang din dahil may suot parin itong damit. Ano kaba Cloe. Alangan namang nakahubad siyang haharap sayo.

"Sa anong race ka galing Cloe-san?" Tanong nito. Ang alam ko lang, Demon Race, Human Race. *kamot sa batok* "Nanggaling ako sa….ahm…Demon Race."

Sinungaling ka Cloe. Demon Race siya. Pag sinabi kong human race, baka gawin niya akong panghapunan! *Lunok*

"Anong tribe naman?" Nagtanong ulit ito. Tribe? Sa tingin ko, ang ibig niyang sabihin ay kinds of animals, chubachuchu, ganun.

"R-Rabbit tribe," wala sa sariling tugon ko. Bahala na si wonder woman. Sana hindi ako nagkamali ng sagot.


Load failed, please RETRY

สถานะพลังงานรายสัปดาห์

Rank -- การจัดอันดับด้วยพลัง
Stone -- หินพลัง

ป้ายปลดล็อกตอน

สารบัญ

ตัวเลือกแสดง

พื้นหลัง

แบบอักษร

ขนาด

ความคิดเห็นต่อตอน

เขียนรีวิว สถานะการอ่าน: C5
ไม่สามารถโพสต์ได้ กรุณาลองใหม่อีกครั้ง
  • คุณภาพงานเขียน
  • ความเสถียรของการอัปเดต
  • การดำเนินเรื่อง
  • กาสร้างตัวละคร
  • พื้นหลังโลก

คะแนนรวม 0.0

รีวิวโพสต์สําเร็จ! อ่านรีวิวเพิ่มเติม
โหวตด้วย Power Stone
Rank NO.-- การจัดอันดับพลัง
Stone -- หินพลัง
รายงานเนื้อหาที่ไม่เหมาะสม
เคล็ดลับข้อผิดพลาด

รายงานการล่วงละเมิด

ความคิดเห็นย่อหน้า

เข้า สู่ ระบบ