CHAPTER 4 – Wandering Cats
ARIANNE'S POV
Nagsimula na ang pinaghandaan namin na Joint Foundation Event. Dahil sa parehong may tungkulin sina Bianca at Pristine ay naiwan muna akong mag-isa. Sabi nila ay sa unang araw lang naman daw kami hindi magkakasama-sama at sa mga susunod na araw ay libre na silang gumala. Okay lang naman sa akin dahil sanay ako mag-isa pero syempre may part pa rin na medyo nalulungkot ako.
Pumasok ako sa academic building namin at paakyat na sana ng hagdan nang makarinig ako ng tumatawag sa akin. Hinanap ko ang tinig at nakita ko si Aldred na nahihiyang kumakaway. Naiinis ako sa kaniya pero at the same time ay di ko maiwasang mapangiti. Tila kasi nagawa niyang mapalis yung kaunting kalungkutan na nadarama ko.
Lumapit si Aldred sa akin kasabay ang mga matang nasa paligid. Napalunok ako ngunit pinilit ko na ipagsawalang bahala sila at intindihin lang si Aldred. Tumitig ako sa mga mata niya at naging epektibo iyon.
"Good morning, Arianne," nakangiti niyang bati. Tumugon naman ako sa kaniya.
"What brings you here?" tanong ko na nagpangisi kay Aldred sa di ko mawaring dahilan.
"Ikaw," masaya niyang tugon na ikina-twitch ng tenga ko. I sneered at him and he just smiled. I sighed and surrendered.
"Hinanap kita, buti na lang nakita kita. Ngayon lang ako nakapasok ng school niyo and ang laki pala. Mas malaki pa sa NIA na co-ed school," manghang dagdag ni Aldred habang inililibot ang mata sa paligid.
"Wala ka bang gagawin?" tanong ko na naging malamig ang rehistro. Hindi ko iyon sinasadya, may mga pagkakataon lang talaga na di ko ma-control ang timbre ng boses ko. Napatitig siya sa akin saglit bago siya napakamot sa kaniyang batok.
"Wala pa e, mamayang hapon pa yung shift ko sa booth namin. Ikaw Arianne? May gagawin ka ba?"
Umiling ako sa tanong niya at isang malaking ngiti ang nabuo sa labi niya. Napataas ang kilay ko nang biglang umakto siya na parang kiti-kiti.
"Anong problema mo?"
Ngumisi siya sa akin.
"Pwede bang samahan mo ako maglibot, Arianne?" he asked in a melodious manner.
Napa-ikot ang tingin ko sa paligid kaya nakita ko ang lahat ng tao sa hallway na nakatingin sa aming dalawa. Dahil mismo sa akin ay alam na hindi lamang ng buong SNGS community kundi pati ng NIA na magkasama na kami ni Aldred sa iisang bahay. Wala naman na akong magagawa at hindi ko naman sila mapipigilang bumuo ng konklusyon sa kanilang mga utak.
I want to join Aldred but I can't stand the eyes of those who will stare at us if they saw us together. I was about to decline him before he brought out 2 cat masks from his body bag.
"Cat masks para sa'ting dalawa. I know that you don't want to be look at kaya't naghanda talaga ako and..." Dumukot siya sa bulsa niya at naglabas ng dalawang I.D. patches na hindi ko alam kung kaninong mga pangalan.
"Ito naman ipapatong natin sa mga I.D. patches natin para hindi nila tayo makilala," he added.
Napatitig ako sa kaniya dahil sa hindi ko pagkapaniwala. Saglit ay napangiti ako. Tinignan ko siya sa mata at hindi ko maiwasang impit na matawa dahil sa mga ideya niya. Paano ko ba naman tatanggihan ang effort niya?
Kinuha ko ang cat mask at patch sa kamay ni Aldred. Pumunta ako sa may girl's washroom habang siya ay sa may boy's washroom naman. Kahit girls' school ang paaralan namin ay meron naman itong boy's washroom na binubuksan sa ganitong mga okasyon.
Lumabas ako ng washroom na may ngiti sa mga labi. Nakita ko siya't napatingin kami sa isa't-isa at sabay na napahagikhik. Para kaming tanga dahil sa kalokohan namin but it doesn't matter because no one knows us.
Halos 1/3 ng mukha namin ang nasasakop ng cat mask. Tanging bibig lamang namin ang nakikita kaya sure ako na ligtas kami sa pagkakakilanlan.
Aldred and I decided to go first sa Street Booths. Lahat ng booths ng NIA ay nandoon dahil kasalukuyang ginagamit ang kanilang academy para sa isang summit ng Vicereal Group of Companies.
Naglibot kaming dalawa ni Aldred sa may Street Booths. Naglaro kami sa mga amusement games, yung mga color games, yung bibingwit ng mga magnetic na isda sa tubig na may number sa ilalim, yung basketball shootouts... Sayang yung sa basketball shootouts niya dahil isang bola na lang sana ay panalo na siya.
"Basketball is not really my forte," sabi niya habang kumakamot siya sa batok niya.
"Then what it is?" nabigla kong tanong. Nakangiti siyang tumingin sa akin bago niya ako hinawakan sa kamay at hinila.
I looked at his hands. Normally ay sisinghalan ko siya kagad para bitawan ako pero hindi ko alam kung ano ba ang meron sa akin ngayong araw. I don't mind him or even his hands or even the people around me now. I'm having fun in a crowd. I'm having fun with him so I let him lead everything we do.
Tumigil kami sa tapat ng isang booth kung saan may ita-target na pyramid ng lata. He paid and was given three small ping-pong-sized balls. Aldred steps at the designated line and does his stance. I was amazed at his posture and how he stood. He looks like some professional athlete even though we're just playing a somewhat carnival game.
Malakas at diretso ang pagbato niya ng unang bola sa pinakapundasyon ng pyramid dahilan para magbagsakan lahat ng lata. Namangha hindi lamang ako kundi pati na ang mga nanonood.
"This is my forte," nakangiti niyang sabi pagkaabot sa malaking alpaca stuff animal na napanalunan niya. He gave it to me which I took happily dahil hindi niya lang alam kung gaano ko ka-favorite ang mga alpaca.
Sunod kaming pumunta sa isang target shooting game, sa may mga bote na hahagisan mo ng rings at sa mga lobo na papaputukin mo ng darts. Sobra akong namangha sa kaniya. Lahat ng pinuntahan namin ay nanalo siya sa isang try lang. Bale apat na malalaking stuff toy ang napanalunan namin kaya't pareho kaming nahirapan magdala pero nagulat ako nang maglabas siya ng isang napakalaking plastic na kasyang-kasya ang apat na stuff toy. Tila ba napaghandaan niya ito.
"Boy's scout ah," I teased and he smiled.
Nagpatuloy kami sa paglilibot. Hindi na namin pinasok pa ang ilang booths dahil ubos oras. Pinili namin yung mga trip namin. Naglaro pa kami, bumili ng mga snacks na gawa ng mga estudyante. Napadaan din kami sa mga nagkakantahan at nagsasayawang estudyante at naghulog ng pera sa kanilang donation box.
Isa sa mga dahilan kung bakit dinaos ang JFE event ay para makalikom ng mga donasyon para sa mga foundation na pag-aari ng Vicereal GoCs. Bawat kikitain ng mga booths ay doon mapupunta.
"Do you want cotton candy?" tanong niya ng mapadaan kami sa dalawang estudyante ng NIA na gumagawa ng cotton candy. Umiling ako.
"I hate that sweet," saad ko at parang nabato siya sa pwesto niya.
Tumuloy kami sa paglalakad hanggang sa napatigil kami sa isang booth na pinagtutumpukan ng maraming tao. Dalawang lalaki ang nakasampay sa magkaibang pole at mukhang nagpapatagalan sila dahil sa may dalawang timer ang umaandar sa tabi nila.
Parehong nalaglag ang dalawang lalaki ng hindi naaabot ang dalawang minuto na kinakailangan para manalo.
"Do you want me to try that?" tanong ni Aldred habang nagi-stretch siya ng mga braso niya.
"But that looks difficult..." mahina kong sabi habang sinusundan ng tingin ang susunod na maglalaro.
"Don't worry, I have strong shoulder muscles and grips. I'm not NIA's star archer for nothing afterall," kumpiyansa niyang sabi bago ipahawak sa akin ang plastic na puno ng stuff animals. Pumunta siya sa isang bakanteng pole.
Star Archer? I see…
Napangisi ako.
Sa totoo lang ay marami akong hindi alam sa kung sino o ano ang mga pinaguusapan sa school namin. Masasabi mo kasing isa akong tao na walang pakialam. Iyon ang dahilan kung bakit hindi ko kilala si Aldred at ang mga bagay na tungkol sa kaniya kahit pa lately ay nalaman kong sikat pala talaga siya. Though may mga naririnig na ako dati tungkol sa kaniya, pero dahil nga sa wala akong pakialam noon ay hindi ko ito natatandaan.
Everyone is eyeing Aldred dahil nga sa agaw atensyon niyang maskara. Nagsimula ang paggalaw ng timer at maagang nalaglag ang isang player habang si Aldred naman ay naiwan at pinagtitinginan na ng lahat. Dumaan ang isang minuto at hindi ko mapigilan ang excitement para sa kaniya. Hindi siya gumagalaw at nakatingin lang sa direksyon ko. Nagsimula namang magtilian ang mga manunuod nang sampung segundo na lamang ang natitira. Kahit ako ay impit na napapatili hanggang sa huminto ang timer at magpalakpakan ang lahat.
"Congrats, star player indeed," papuri ko sa kaniya. Nilagay niya sa supot ang malaking tupa na nakuha niya.
"Ang galing ko Arianne, no?" masaya niyang banggit. Para siyang bata, walang halong yabang at kainosentehan lang ang aura niya.
"Oo, ang galing mo," tugon ko.
Sinampay ni Aldred sa balikat niya ang supot na dala-dala.
Nitong nagdaang Sabado at Linggo ay gusto ko sanang makausap si Aldred. I was curious kung bakit ang bata niya pa pero graduating na siya ng highschool? Kung bakit niya kinakain yung luto ko na gulay kahit na ayaw niya naman talaga ng gulay... Anong favorite niyang books? Nalaro niya na ba yung latest fire emblem? Paano niya napagkakasya yung oras niya sa dami ng hobbies niya?
I really want to ask him a lot of questions pero nahihiya ako kaya wala akong magawa kundi panakaw na lamang na tumingin sa kaniya habang nagpapanggap akong nagbabasa ng libro sa sala.
I was sad because my friends weren't here to join me but Aldred came and made this morning fun. He didn't pull strings making advances on me. He has no airs just cool, not showy just fun. Aldred is just simply himself.
"Claw catcher?" tanong niya ng tumigil ako sa tapat ng machine.
"But that is difficult," sabi niya na nginisian ko.
"Don't worry, hindi lang ikaw yung scout dito. I've waited for this and always prepared for this game."
Dumukot ako sa bulsa ng panlaban ko para sa walang hiya na laro na 'to. Nilabas ko ang isang high class magnet na matagal ko ng kinalas sa sira naming speaker.
"But that's cheating!" he exclaimed and I immediately shoo him.
"This game is a cheater too," katwiran ko sa kaniya saka sinimulan na ang laro. Ginawa ko yung napanood ko sa youtube and boom! I won not just one but 2 cute cats colored sky blue and pink.
"See it worked," I bang his heart.
Maloko siyang napangiti sa akin bago niya iniling ang ulo niya.
"I never thought that you can be this crazy," he smirked and I giggled.
"Ako yung archer dito pero ako yung napana mo. Sana after kong magpakitang gilas kanina napana rin kita."
Natawa ako, "Bumabanat ka pa talaga a," inabot ko sa kaniya ang pink na stuff cat, "That is yours and this is mine."
♦♦♦