ดาวน์โหลดแอป
20.83% GPS Side Story V - Locked / Chapter 5: Chapter 2

บท 5: Chapter 2

Tinalunton ni Arvic ang diretsong daan patungo sa pinakabukana ng Puertico na ngayon ay kilala sa pangalang Tierra Del Fuego.

Kinakabahan man ay naglakas loob siyang pasukin ito kahit hindi siya nakakasiguro kung ano ang kakaharapin niya rito.

"Anong klaseng lugar ito? Nakakakilabot pagmasdan ang nasa paligid. At ang amoy ay sobrang lansa." anito sa sarili habang iginagala niya ang kanyang paningin sa paligid.

Puertico ay isa mga distrito na binura sa mapa ng mga Elders noong araw dahil sa uri ng pamumuhay ng dating hari. Marumi itong kumilos. Kaya nang mahiwalay ang Puertico nagpasya ang hari na bigyan ng ito ng bagong pangalan, ang Tierra Del Fuego.

Sa patuloy na paglalakad ni Arvic sa loob ng Tierra Del Fuego. May napapansin siyang ibang tao na masama na ang tingin sa kanya. May iba naman na lumapit sa kanya at sinasabayan ang paglalakad niya at tila inaamoy siya ng mga ito.

Masangsang ang pang-amoy ng ilan kay Arvic. Ang iba ay nagkukumpulan sa isang tabi at ang kanilang mga paningin ay iisa lamang ang direksiyon, sa kanya lamang.

Huminto si Arvic sa tapat ng tindahan at doo'y tila natakam siya ng makita niyang may pagkain.

"Gutom na ako ngunit papaano ako kakain kung ni isang kusing ay wala ako."

Pumasok siya sa loob at tumingin-tingin sa mga pagkaing nakalagay sa estante.

"Ano ang maipaglilingkod ko?" tanong nito kay Arvic.

"Nagugutom ako." sabay tingin nito sa mga pagkain.

"Singkwenta ang isang iyan." tukoy nito sa pagkaing tinitingnan ni Arvic.

"Si-singkwenta?" bulong nito sa sarili.

"Pasensya na. Wala ako ni singko man lang." tugon nito.

"Kung gayun ay lumayas ka sa loob ng tindahan ko!" sabay hatak sa kanyang buhok. At iwinasiwas ang kanyang ulo habang inilalabas ng tindahan.

"Isa kang trespasser na wala ni kahit magkano, lumayo ka rito" atsaka siya itinulak nito at pinagsalitaan ng 'di maganda.

Nalugmok ito sa lupa at nag-iinit ang mukha ni Arvic na tila gustong lumabas ng inner wolf nito. Halata sa kanya ang pagpipigil kaya minarapat na lamang niyang tumayo ng tahimik at lisanin ang tapat ng tindahan.

Naglakad ito na panay ang himas sa kanyang ulo na tila nasaktan sa ginawang paghiklat sa kanyang buhok.

"Malapit nang magtakipsilim, wala man lang akong makitang puwedeng masilungan sa lugar na ito o kahit tubig man lang na maiinom ng libre. Tila ang mga tao dito ay sa gabi ang buhay."

Sa kanyang patuloy na paglalakad, may nakita siyang malalaking puno sa gawing kanan niya at may maliit na upuang bato.

Pumunta siya doon at hinipo ang upuan.

"Siguro naman ay pwede akong magpalipas ng magdamag sa gawing ito." at umupo siya dito.

Sa kanyang pagkakaupo, 'di maiwasan ni Arvic na alalahanin ang mga nagawa niyang pagkakasala.

Muli ay bumangon ang galit niya para kay Maximus.

Kung naging tapat lamang ito sa kanya at hindi pinaasa, nunca na magawa niya ang kasalanang iyon kay Aaric.

"Sinayang mo lang Maximus ang pagmamahal ko para saiyo. Isa kang dakilang manggagamit." at noo'y nagsimulang tumulo ang kanyang mga luha.

"Napakatanga ko! Naiinis ako sa sarili ko. Naniwala ako na minahal niya ako. Kung ginamit ko lang din ang isip ko hindi ko sana dadanasin ang lahat ng hirap na ito." humahagulgol na anito sa kanyang sarili.

Walang patid ang kanyang pag-iyak hanggang sa mismong kinauupuan niya ay tinalo ng pagod at antok.

Kinabukasan bago pumutok ang haring araw. Isang malamig na bakal ang nakadikit sa kanyang sintido ang nagpagising lalo ng kanyang ulirat.

"Sino ka?!" tanong ng isa sa mga Epsilon ng Tierra Del Fuego.

Nanigas siya at halos 'di makahinga sa sobrang takot.

"A-arvic, Arvic Summer." sagot nito.

"Taga saang distrito ka?" muling tanong nang nasa kanya tagiliran.

"T-ti-ti-e-rra" hindi nito matapos ang pagsagot sa sobrang kaba.

"Tagasaan ka?! Sagot!" ikinasa na nito ang baril at muling itinutok sa kanya ito.

"Ti-tierra De Lobo."

Sa sagot na iyon ni Arvic ay bigla siyang pinukpok ng baril sa may batok upang makaramdam siya ng pagkahilo.

Bagsak siya sa lupa at mula doo'y binitbit siya at isinakay sa isang van.

Makalipas ng higit sa kalahating oras napaglalakbay mula sa bukana ng Tierra Del Fuego papunta sa Mansion ng kanilang Alpha, isa-isa silang ibinaba.

"Bilisan ninyo ang paglalakad!" utos ni Gethro ang beta ng Alphang si Quillon Demetre ng Pack of Luna Sangrieta.

Gulat ang rumehistro sa mukha ni Arvic ng makita niyang 'di lamang siya ang hinuli kundi nasa 8 o 10 katao.

May isang tao ang nakapukaw sa atensiyon ni Arvic. Isa iyon sa mga hinuli. Buntis ito, tantiya niya ay nasa 7 o 8 buwan na ang ipinagbubuntis nito. At higit sa lahat familiar sa kanya ang tinig nito.

Pagpasok sa isang kwarto ay hinilera sila ng puwesto. Nilagyan ng posas ang mga kamay sa likod.

"Gethro nasa gate na sina Alpha Quillon at ang epsilon nito." pagbibigay alam ng isa sa omegang kasama nilang pumunta sa mansion.

"Sige, nasabihan ko na sila na dito namin dadalhin ang mga nahuli." sagot nito.

"Okay, aalis na ako at sasabihan ko na si Ehla na ihanda na ang pananghalian para mamaya."

Tumango lamang ito bilang pagtugon.

Maya-maya lamang ay naririnig na nila ang mga yabag na papalapit na papalapit sa kanilang kinaroroonan.

Pagbukas ng pinto iniluwa nito ang isang matikas, mataas, naghahalo ang pagiging kayumanggi at pamumula nito. Higit sa lahat ang angking appeal nito na habang pinagmamasdan mo ay para kang nahihipnotismo sa kagwapuhan nito lalo na't kung tumitig ay para kang malulusaw.

Quillon Demetre ang nagmana ng trono bilang Alpha ng Tierra Del Fuego. Ang leader ng Pack of Luna Sangrienta.

"Good afternoon my King." yumukod ito bilang paggalang sa Alphang dumating.

"Trespasser!" ani ng Alphang si Quillon habang nakadekwatrong nakaupo sa kanyang swivel chair.

Matalim ang mga matang isa-isang tiningnan ang mga ito.

"Ikaw!" tukoy nito sa babaeng buntis.

"Sino ka at saang distrito ka nanggaling?" tila kulog ang boses nito at nakakatakot.

Biglang hinila iyon ng isa sa mga epsilon at inilapit kay Quillon. Pinaluhod ang bihag atska pinagsalita.

"Ta-taga Tierra De Lobo po ako, kamahalan.

Nang marinig ni Quillon na taga Tierra De Lobo ito kumuyom ang kamao nito at nag-utos.

"Patayin ang babaeng iyan ngayon din!" utos nito.

"Walang sinumang taga Tierra De Lobo ang makakaapak sa aking nasasakupan na lalabas ng buhay!" biglang nagbago ang kulay ng nga mata ni Quillon senyales ito ng sobrang galit.

"H-huwag po parang awa ninyo na Kamahalan. Kasalukuyan po akong buntis. N-naghahanap lang po ako ng makakain pero 'di ko po akalain na bukana na pala ng distrito po ninyo ang aking nilalakaran. Patawarin ninyo ako." pagmamakaawa nito kay Quillon.

Ngunit hindi ito pinakinggan ni Quillon.

"Gethro!"

"Kamahalan" yumukod ito sa harapan ng Alpha.

"Matapos patayin ang isang iyan ay muli mong ipatapon sa pinanggalingang distrito... sa Tierra De Lobo."

"Masusunod po Kamahalan." tugon ng beta sa kanya.

Gayundin ang ginawa sa iba pang nahuli na nagtresspassing sa lugar at ang pinakahuli ay si Arvic na ang hinarap ni Quillon.

"And you?" turo sa kanya ni Quillon.

"Kamahalan, napag-alaman po namin na ang isang iyan ay kalalabas lang sa kulungan at lihim na pinatakas sa kanilang distrito." ani ni Gethro kay Quillon.

"Paano ninyo nalamang---" nagtatakang tanong ni Arvic.

"What is your name?" seryosong tanong nito kay Arvic.

"A-Arvic Summer kamahalan" at tinitigan ni Arvic ang mga mata ng Alpha na 'di pa rin nagbabago ang kulay nito.

Nakipagtagisan siya dito at 'di nagpatalo sa lalim na tingin ng Alpha sa kanya.

Lumapit ito kay Arvic, tinitigan at inikutan ng marahan. Pagdating sa kanyang likuran ay pinasadahan lamang siya ng tingin mula ulo hanggang paa. Tumikhim ito at bumalik muli sa harapan ni Arvic.

"Kung gayon, mamili ka! Ipapatapon kitang pabalik sa distritong pinanggalingan mo or ipapatay kita?!" tanong nito sa lalaki.

"Wala akong pipiliin." humugot ito ng malalim na paghinga bago nagpatuloy sa pagsasalita

"Ayoko ng bumalik sa Tierra De Lobo." lakas loob na tanggi nito kay Quillon kahit sa kaloob-looban niya ay anumang oras babagsak ang katawan niya sa sobrang takot.

"Matigas ka ha!" lumapit si Quillon sa kanya at biglang hiniklat ang kanyang buhok upang siya ay mapatingala.

Sinalubong ito ni Quillon ng malalim na titig. At inilibot ang paningin nito sa kabuoan ng kanyang mukha. Pagtapat sa kanyang leeg ay napababa ito ng tingin at tila sinamyo pa ito.

"Tingnan natin ang tatag mo!" at nagpakawala ito ng pheromones bago nagsalitang muli.

"Itira ang isang ito and bring him in my room!" utos niya sa kanyang beta na si Gethro. Atsaka ito lumabas ng kwarto kasunod ang ilan sa mga Epsilon nito.

Habang isa-isang inilalabas ang mga nahuli at itinira si Arvic, walang tigil ang pagtulo ng mga luha ni Arvic. Nakaramdam siya ng awa para sa kanila. Lalo na sa buntis na pinatawan ng kamatayan.

"Kung anuman ang kahahantungan ko rito ay tatanggapin ko huwag lamang ipatapon muli pabalik ng Tierra De Lobo." habang nakakaramdam pa rin siya ng panghihina dahil sa pheromones na pinakawalan ng Alpha.

"Si-siguraduhin kong mabubuhay ako sa lugar na ito."

"Tumayo ka ng maayos!" utos sa kanya ni Gethro bago siya ipasa sa babae na Lota sa mansion...

"Ikaw na ang bahala sa kanya, Ehla. Alam mo na ang gagawin bago mo siya ipasok sa kwarto ni Alpha Quillon." anito ni Gethro sa kanya.

"Masusunod." sagot ng Lota kay Gethro.

Ang lahat ay nagsipaglabasan na maliban na lamang kay Arvic at sa Lotang pinagbilinan.

"Maupo ka rito sa sofa habang hinahanda ko ang iyong pamalit na kasuotan." at inalalayan na siya nito upang siya ang makaupo ng maayos.

Humigit kumulang sa isang oras bago naayos ni Ehla si Arvic. Tinulungan niya itong makapaligo ng maayos at makapagbihis. Sinigurong maigi ng Lota na mabangong-mabango si Arvic kapag ito'y humarap sa Alpha.

"Halika na sa taas at masyado nang naiinip ang Kamahalan. Baka masamain ka pa lalo." yaya nito kay Arvic.

Tinignan niya lamang ang babae at sumunod dito sa paglalakad.

Habang naglalakad, pinagmamasdang mabuti ni Arvic ang kabuoan ng mansion. Typical na old mansion style pero may makabagong kagamitan.

Kung susuriin nandito na sa loob ang lahat ng karangyaang matatawag. Kung may mangyayaring sigurong 'di maganda dito sa loob ng mansion ay walang sinuman sa tagalabas ang makakaalam.

Tila sound proof ang loob ng mansion.

Huminto ang Lota sa tapat ng pintuang kasing lapad ng apat na pintuan. Masyado siyang nalibang sa katitingin ng mga bagay na nasa paligid.

Pinindot ng Lota ng 3 beses ang botton na nasa kanang bahagi ng pinto. At automatic na nagbukas iyon.

"Pumasok ka na ngunit 'wag kang lalagpas diyan sa guhit." itinuro nito ang guhit na may 1 metro ang layo mula sa pinto.

At sumarado ng kusa ang pintuan ng makapasok na si Arvic.

Nanginginig ang mga tuhod nito habang naghihintay ito sa Alphang si Quillon.

Wala ito sa loob ng malaking kwarto pero ramdam niya ang presensya ng Alpha.

"Nandito na po ako, K-Kamahalan." anito sa kawalan.

Ang lamig sa loob ng kwarto ay nanunuot na sa kanyang katawan. Tila may kakaiba siyang pakiramdam na hindi maipaliwanag. Basta ang alam niya lamang ay isa itong estrangherong pakiramdam na kahit kailan ay hindi niya naramdaman noong siya ay nasa piling ni Maximus.

"Maximus..." bulong niya.

Tila may kumirot sa kanyang puso ng maalala niyang muli ang lalaki.

At kasunod no'n ay ang pagbangong muli ng kanyang galit para kay Maximus.

"Enough of that stupid thought! Lapastangan!" sigaw na nagmumula sa pamilyar na boses.

Sa gulat ay napayuko na lamang si Arvic.

"Arvic Summer, typical omega from Tierra De Lobo. Umibig, nagmakaawa at nagpagamit sa isang hangal na Alpha na si Maximus Zion ng Dark Eye Pack." huminto ito saglit at humarap kay Arvic.

"Pumatay ng batang nasa sinapupunan ng babaeng pinakamamahal ni Maximus na si Aaric Barone ng Silver Claw Pack na isang mapagpanggap. At ipinakinulong ng ilang buwan para sa bandang huli ay pakawalan. Mga hangal!!" dumadagundong ang boses nito sa buong silid ng sambitin ang huling sinabi nito.

"At ngayon ay napadpad dito sa distritong sinasakupan ko?" bigla nitong hinawakan ang leeg ni Arvic at idiniin ang mga daliri nito sa kanyang leeg.

"Alam mo ba na maaaring trapped nila ito upang sadyang mapunta ka sa akin? Alam mo ba kung sino ang kaharap mo ngayon omega?" at mas lalong diniinan ni Quillon ang pagkakasakal nito sa leeg ni Arvic.

Pulang-pula na ang mukha ni Arvic at panay na rin ang pagbagsak ng kanyang mga luha. Bumubuka ang kanyang bibig ngunit halos wala itong mailabas na kahit anong salita. Nanatili lamang siyang nakatitig sa mga mata ni Quillon.

Sa sobrang galit nito kay Arvic, muling nagpakawala ito ng pheromone upang makaramdam ulit ng ibayong panghihina ito.

Ang kanyang mga kamay na nakahawak sa kamay ni Quillon kanina ay ngayon bumagsak na't wala nang lakas.

Ramdam ni Arvic na anumang oras ay lalabas ang inner wolf ng alpha dahil sa sobrang galit.

"K-kamaha-l-l-an." halos mapugtulan na ito ng hininga.

Kasabay ng pagbabago ng kulay ng mata ni Quillon ay ang paghagis sa kanya sa higaan.

Bagsak ang kanyang katawan dito at tumama ang kanyang ulo sa headboard ng kama na naging dahilan upang mamilipit siya sa sakit.

Sa isang iglap ay nakalapit na si Quillon sa kanya at kinubabawan siya nito habang hawak ang panga ng kawawang si Arvic.

"You don't know kung ano ang klaseng pinasukan mo Omega. Sinisiguro ko saiyo na nanaisin mo na lamang ang mamatay kaysa ang tumagal sa lugar na ito." yukod itong idinikit ang mukha sa mukha ni Arvic habang hindi binibitiwan ang pagkakadiin ng hawak nito sa kanyang panga.

"Demonyo ang kaharap mo Omega! Walang puso kaya walang sinuman ang kinakatakutan!" biglang nitong sinabunutan ang kanyang buhok at sinakal ang kanyang leeg.

"Ako ang kinatatakutan, ako ang niluluhuran ng mga demonyong nagpapanggap na mga anghel. Tandaan mo iyan, Omega." at siniil niya ito ng marahas na halik.

Halik na halos dumugo ang bibig ni Arvic.

Halik na nagpawala sa katinuang pag-iisip ni Arvic.

"Mula ngayon, magsisilbi kang laruan ko anumang oras ko nainisin. Tandaan mo makakalabas ka lamang dito kapag parehas ng pantay ang mga paa mo!" sukat sa kanyang sinabi ay umalis na ito sa pagkakadagan sa katawan ni Arvic.

Inayos ang kanyang kasuotan at lumabas ng silid ang Alpha.

Uubo-ubo na bumangon si Arvic mula sa pagkakahiga at niyakap ang sarili.

Wala siyang magawa sa mga oras na ito kundi ang tumangis na lamang.


Load failed, please RETRY

สถานะพลังงานรายสัปดาห์

Rank -- การจัดอันดับด้วยพลัง
Stone -- หินพลัง

ป้ายปลดล็อกตอน

สารบัญ

ตัวเลือกแสดง

พื้นหลัง

แบบอักษร

ขนาด

ความคิดเห็นต่อตอน

เขียนรีวิว สถานะการอ่าน: C5
ไม่สามารถโพสต์ได้ กรุณาลองใหม่อีกครั้ง
  • คุณภาพงานเขียน
  • ความเสถียรของการอัปเดต
  • การดำเนินเรื่อง
  • กาสร้างตัวละคร
  • พื้นหลังโลก

คะแนนรวม 0.0

รีวิวโพสต์สําเร็จ! อ่านรีวิวเพิ่มเติม
โหวตด้วย Power Stone
Rank NO.-- การจัดอันดับพลัง
Stone -- หินพลัง
รายงานเนื้อหาที่ไม่เหมาะสม
เคล็ดลับข้อผิดพลาด

รายงานการล่วงละเมิด

ความคิดเห็นย่อหน้า

เข้า สู่ ระบบ