ดาวน์โหลดแอป
55.9% TELL ME YOUR NAME (Filipino) / Chapter 71: TIME TO RELAX

บท 71: TIME TO RELAX

NATHAN's POV

Ngayon, nasa living room na kami.

Nakaupo lang at nagtitinginan.

Eh kasi itong si Elaine, inisin ba naman si Abby.

"ah guys.....I think, kailangan na muna nating magrelax...kasi feeling ko, exhausted na kayo after ng LAHAT ng mga nangyari." Elaine.

Pansin ko nga. Eto ata ang pinakachallenging na school year experience ko eh.

"well, you have a point bestie" support naman ni Aikka sa bestie niya.

Tiningnan ko si Abby. Hanggang ngayon, seryoso pa rin ang mukha niya. Galit pa rin ba siya?

(Ay oo nga pala, lagi naman palang ganyan ang mukha niya eh kaya hindi na dapat ako manibago.)

"alam ko na! ano kaya kung magplan tayo ng one week vacation sa Europe" Elaine na parang naexcite bigla.

"Europe? saan naman sa Europe?" nakisali na rin si Jotham sa usapan.

"anywhere, pwedeng sa Greece...or sa Colmar, France... ayon kasi sa mga narinig ko from my friends, best wine tourist destination daw iyon, sino ba dito ang mahihilig sa wine?" Elaine.

Walang sumagot.

Hindi naman din kasi ako mahilig uminom ng wine. Pag may okasyon lang talaga, kasi ang lagi kong ini-inom ay tubig lalo na kapag may basketball.

"okay. Ako lang pala ang mahilig sa ganon." mahinang sabi niya.

Tumahimik saglit.

"how about kung sa Vienna, Austria na lang? maganda daw ang Hundertwasser Museum doon saka may mga classy restaurants din na pwede nating kainan." sabi naman ni Aikka.

Ano daw? Underwater Museum ba iyon?

"asus..... talaga bang ang museum lang at ang mga classy restaurants? sa pagkakaalam ko kasi.....isa ito sa European capital of L.....L.....o"

"ssshhh.... huwag na lang pala, eh ikaw Jotham, may alam ka bang pwedeng puntahan na marerelax tayo?"

"wala bang mas malapit? 'yung sa Asia lang like...Japan, Thailand or Korea" sabi ni Jotham.

Tae, malapit ba iyon?

Iba talaga ang mga mayayaman. Ako..ang pinakamalayong lugar na napuntahan ko lang ay sa Bohol. Last year ata iyon, doon kasi ginanap ang basketball competition kaya napilitan akong sumakay ng airplane.

Haha. Sa totoo lang...first time kong makasakay ng eroplano nun.

"eh ikaw Nathan? do you have any suggestions?" ask ni Aikka sa akin.

"ah...wala." sabi ko.

Kasi kahit gustuhin ko mang sumama sa inyo, wala akong pera pamasahe. May ipon ako pero panggastos ko iyon para sa pag-aaral ko.

"wala? bakit naman? wala ka bang lugar na pangarap mong mapuntahan?" Aikka.

"meroon, ang kaso....hindi ko kayang puntahan kasi sakto lang ang pera ko para sa aking pag-aaral "

Nang sabihin ko iyon, ngumiti si Aikka sa akin.

"don't worry Nathan, you can save your money for your future. Sagot naman kita eh if ever na may pupuntahan tayo. Hindi pwedeng hindi ka kasama"

Talaga? Bigla akong natuwa sa aking mga narinig. Siyempre, sino ba naman ang hindi matutuwa kapag nagkaroon ka ng oportunidad na makapunta sa ibang bansa tapos libre pa?

Ang kaso...

Nakakahiya naman kasi babae pa ang gagastos para sa akin.

"ah..eh....kailan niyo ba balak pumunta? kasi uuwi ako sa amin next week...baka tuesday or wednesday, depende..inaantay ko rin kasing umuwi si Auntie eh" sabi ko.

"uuwi ka? saan?" ask ni Abby.

Buti naman at nakisali na rin siya sa usapan. Mukhang okay na siya.

"sa bukid. Bibisitahin ko kasi si tatang saka 'yung dalawa kong kapatid. Isang buwan ko na rin kasi silang hindi nakikita"

"Well, I have a good idea guys! ano kaya kung sumama tayo kay Nathan? di ba we want to be relaxed? bukid is the answer!" nakangiting sabi ni Aikka na hindi naman ikinatuwa ng tatlo.

Seryoso ba si Aikka? Hindi ba niya alam na hindi sila magiging komportable doon kapag marami silang sumama kasi maliit lang ang aming bahay.

"alam mo bang walang signal doon bestie?" mahinang sabi ni Elaine.

"wala ring fast-food chains" sabi naman ni Jotham.

"at walang bath tub" dagdag naman ni Abby.

"guys, ako na ang nagsasabing huwag na kayong pumunta sa amin kasi madidis-appoint lang kayo" sabi ko.

"How can we know if we will not go there?" Aikka.

Seryoso ba talaga siya sa idea niya?

Tae. Ako na ang nahihiya kasi wala naman talagang magandang maidudulot sa kanila ang pagpunta doon.

"Tell me Nathan, may batis ba doon sa inyo?"

Batis?

"maraming batis doon, saka may spring rin"

"so it means Abby, that you will not have a problem with your bath tub anymore. Pwede mo nang ibabad ang sarili mo doon sa spring or sa batis wherever you like" sabi ni Aikka.

Ang galing naman ni Aikka, biruin mo..naisip niya iyon. Mukhang gustung-gusto niya talagang sumama sa akin doon sa bukid. Grabe Aikka, ikaw na talaga ang pinakasimpleng babae na nakilala ko.

Nakakaproud lang kasi nabigyan ako ng pagkakataong makakilala ng babaeng katulad niya.

"eh bakit, may fast-food chain ba doon saka signal?" Jotham.

"alam ko namang masarap magluto ang tatang ni Nathan eh...di ba Nathan?" Aikka.

"ah...oo naman. Sobrang sarap magluto ni tatang." sabi ko.

"tama si insan, masarap magluto si tito..natikman ko na kasi ang luto niya noong elementary ako, I think...Grade 3?" sabi naman ni Elaine.

"huh? tito? magpinsan kayo?" Jotham na medyo nagulat sa nalaman.

"oo, bakit?" Elaine

"wala lang...hindi kasi ako makapaniwala. Akala ko kasi...tarsier ang kamag-anak mo" pang-aasar ni Jotham.

"bakit? dahil cute ako?" Elaine.

"hindi! dahil sa mata mo.."

Dahil sa sinabi ni Jotham, hinampas siya ng pinsan ko.

May pagkaewan din pala itong si Jotham.

Nagtawanan na lang kami ng dahil sa asaran nila.


ความคิดของผู้สร้าง
MissKc_21 MissKc_21

Another update guys! Time check: 11:52 pm na. April 20...quarantine days ngayon kaya stay safe everybody!!

Thanks for reading and waiting for another updates! lablab.

Load failed, please RETRY

สถานะพลังงานรายสัปดาห์

Rank -- การจัดอันดับด้วยพลัง
Stone -- หินพลัง

ป้ายปลดล็อกตอน

สารบัญ

ตัวเลือกแสดง

พื้นหลัง

แบบอักษร

ขนาด

ความคิดเห็นต่อตอน

เขียนรีวิว สถานะการอ่าน: C71
ไม่สามารถโพสต์ได้ กรุณาลองใหม่อีกครั้ง
  • คุณภาพงานเขียน
  • ความเสถียรของการอัปเดต
  • การดำเนินเรื่อง
  • กาสร้างตัวละคร
  • พื้นหลังโลก

คะแนนรวม 0.0

รีวิวโพสต์สําเร็จ! อ่านรีวิวเพิ่มเติม
โหวตด้วย Power Stone
Rank NO.-- การจัดอันดับพลัง
Stone -- หินพลัง
รายงานเนื้อหาที่ไม่เหมาะสม
เคล็ดลับข้อผิดพลาด

รายงานการล่วงละเมิด

ความคิดเห็นย่อหน้า

เข้า สู่ ระบบ