ดาวน์โหลดแอป
54.16% Takot sa Dilim / Chapter 13: ANG BAHAY NI LITO (BASED ON A TRUE STORY)

บท 13: ANG BAHAY NI LITO (BASED ON A TRUE STORY)

SANA hindi nalang kami lumipat dito…sana namuhay nalang kami roon sa tinitirahan namin. Masaya, nagtatawanan at nagbibiruan. Hindi ko na gaanong maintindihan kong bakit ganito nalang ang aking inaasal? Sadyang may nararamdaman akong kakaiba sa tinitirahan namin. Ano nga ba ang meron sa bahay namin?

Nagsimula ang nakakapanindig balahibo kong karanasan matapos kaming lumipat sa isang bahay na ibinigay sa'min ng tinuturing naming Mayor.

Maraming nasawi sa nagdaang bagyong sumalanta sa 'min. Hindi ko kayang balikan ang nangyari sa 'min . Nanatiling isang peklat na nagsilbing bangungot sa tala ng buhay ko.

Naalala ko pa ang mga nangyari noon. Tumatak ang bawat malagim na pangyayari na aking nakita. Nakita ko ang mga lumulutang na mga katawan ng tao. Warak-warak ang katawan, at tanging bungo lang ang nagsisilbing ebidensya ng malagim na sinapit ng kanilang buhay.

Isa kami sa mga eskwater na naninirahan sa tabing ilog. Hindi namin pansin ang mga nakabadyang panganib sa tuwing lumalakas ang ulan at pag umaapaw ang ilog.

Ang nasa isip lang namin ay ang titirahan namin. Aaminin kong isa lang kaming mahirap pero hindi 'yon isang balakid dahil sa pangarap kong makapagtapos ng pag-aaral.

Sa totoo lang ay nasa mataas kami ng estado ng buhay ngunit magmula noong may pinakasalan ang Tito naming mayaman ay isa na 'yong siglos sa'min na dapat na kaming lumisan ng bahay niya.

Iyong bruhang asawa niya ang nagsilbing balakid sa'kin upang makapagtapos ng aking pag-aaral. Siya ang nagpahinto sa'kin dahil daw hindi naman mataas ang nakukuha ko sa aming paaralan na sa totoo nama'y matataas.

Ngayo'y nakatakas kami sa malagim at nakakasindak na bangungot na kumitil sa mga nakatira sa tabing ilog ay susubukan naming kalimutan 'to. Susubukan naming ibalik ang masasayang araw na walang oras na hindi magtatawanan.

"Lito, dalhin mo na ito sa kwarto mo. Simula ngayon dito na tayo titira." Hindi pa rin kumukupas ang ganda ni Mama. Sa kabila ng lahat ng napagdaanan niya ay kaya niya pang ngumiti.

Ano 'tong nararamdaman ko? Bakit ako napapangiti? Totoo nga ba na nakakahawa ang ngiti? Sa mga oras na ito ay tama nga sila. Napatunayan kong nakakahawa nga ito.

Agad ko namang sinunod ang utos niya. Ang gara ng bago naming bahay nandiyan na 'yong sementadong gilid nito na pinaganda pa ng mga iba't-ibang kulay na nakadikit dito. Meronn din kaming sala na may apat na upuan para aming uupuan.

May duyan din sa harapan ng aming bahay. Ang mga katawan ng puno ng Acacia ang nagsisilbing pang-suporta nito sa mga taong nais umupo at matulog dito.

Tatlo ang aming kwarto. Isa kay Mama, isa sa kapatid ko at isa sa 'kin. Malayo ang kinaroroonan ng aking kwarto. Hindi tulad sa aking Mama at sa aking kapatid na halos magkasing tabi sa sobrang lapit.

Habang inaayos ko ang aking gamit ay napansin kung dumaan ang aking bunsong kapatid na si Kyla.

"Kyla, gusto mo bang makita ang aking kwarto? Halika pumasok ka," aya ko sa kanya.

Ngunit tuloy pa rin itong naglalakad na nakayuko patungo sa aming kusinahan. Tila may kakaiba sa kanya sa mga nagdaan na araw. Lumabas ako ng aking kwarto upang hanapin siya ng laking gulat ko matapos ko siyang maaninag na nakikipaglaro sa aking Mama.

Kung si Kyla ang kalaro ni Mama? Sino naman 'yong pumunta sa kusinahan? Hindi ko rin alam pero nagsisimula na ring gumawa ng isang ideya ang aking utak. Nagsisimula na itong magtaka.

Hindi lang 'yan ang aking naranasan sa aming bagong bahay. Marami pa, minsan ay may naririnig akong kumakalampang ng mga gamit sa kusina samantalang wala si Mama at si Kyla. Imposible rin na pusa iyon dahil wala ni isang tao sa lugar namin ang nag-aalaga ng isang pusa.

Nasundan pa riyan ng isa pa. Mga alas otso na ng gabi matapos akong makaramdam ng pananakit ng aking pantog. Bumaba ako ng hagdan na hindi na pinipindot 'yong switch ng ilaw. Kahit alam ko sa sarili ko na TAKOT AKO SA DILIM!

Kaagad akong pumunta ng kubeta upang umihi. Matapos ang ilang minuto ay nakirinig ako ng kaluskos ang mas nakakatakot ay bigla nalang may sumitsit sa likuran ko. Pakiramdam ko'y nasa tabi ko lang siya kaya nama'y kaagad akong umakyta ng nakapikit. Ipinagdadasal ko na wala sana akong makita.

Hindi nagtagal ay nakaramdam na rin sila ni Mama dahilan upang komunsulta na kami sa eksperto. Napagalaman ng eksperto na hindi pa pala nabebendisyunan ang naturang bahay na aming tinitirahan. Kaya nagpatawag si Mama ng isang Pare upang bedisyunan ang aming bahay.

Magmula noon ay wala na kaming naramdaman na nakakapangilabot sa bahay namin. "Kuya, tingnan mo ito. Nakuha ko ito sa basement ng bahay natin." Abot tenga niyang sabi sa 'kin.

Pinagmasdan kong mabuti ang hawak niya. Isang manika, halatang nalipasan na ito ng panahon dahil sa alikabok na nakapaligid sa damit nito.

Kinabahan ako at nanlaki ang aking mga mata matapos kong masaksihan ang walang kahirap-hirap na pag-ikot ng kanyang ulo.

Napaatras ako sa aking kinauupuan matapos ng pangyayaring iyon. Hindi ko na alam kung mabubuhay pa ba ako ng normal. Dahil na rin sa mga kakaibang nilalang na aking nakikita, siguro susubukan ko na ring makibagay nalang.


Load failed, please RETRY

สถานะพลังงานรายสัปดาห์

Rank -- การจัดอันดับด้วยพลัง
Stone -- หินพลัง

ป้ายปลดล็อกตอน

สารบัญ

ตัวเลือกแสดง

พื้นหลัง

แบบอักษร

ขนาด

ความคิดเห็นต่อตอน

เขียนรีวิว สถานะการอ่าน: C13
ไม่สามารถโพสต์ได้ กรุณาลองใหม่อีกครั้ง
  • คุณภาพงานเขียน
  • ความเสถียรของการอัปเดต
  • การดำเนินเรื่อง
  • กาสร้างตัวละคร
  • พื้นหลังโลก

คะแนนรวม 0.0

รีวิวโพสต์สําเร็จ! อ่านรีวิวเพิ่มเติม
โหวตด้วย Power Stone
Rank NO.-- การจัดอันดับพลัง
Stone -- หินพลัง
รายงานเนื้อหาที่ไม่เหมาะสม
เคล็ดลับข้อผิดพลาด

รายงานการล่วงละเมิด

ความคิดเห็นย่อหน้า

เข้า สู่ ระบบ