ดาวน์โหลดแอป
76.19% Who's the Killer? / Chapter 16: I K A L A B I N G - T A T L O

บท 16: I K A L A B I N G - T A T L O

3rd Person's POV

"Mr. Sullen?" Napalingon ang lalaki sa pulis na nakabantay sa labas habang binubuksan ang rihas kung saan sila nakakulong.

"Congrats, Mr. Sullen. Laya ka na, may nag-piyansa na sa kaso mo. Kunin mo na ang mga gamit mo at magbihis, hinihintay ka na niya." Napangiti siya sa itinuran ng pulis. Alam niyang darating ang araw na ito, at ito nga'y nangyayari na. Mabilis niyang kinuha ang mga kasangkapan at nakangiti pa ring nakadungaw sa mga gamit nito.

"Mukhang big time iyang naka-piyansa sa iyo, ah."

"Balato naman diyan Bay,"

"Huwag mo kaming kalilimutan ah."

"Bossing aalis ka na ba talaga? Iiwan mo na kami?"

Kakarampot na lahad ng mga kasamahan niya sa bilangguan. Mga naging kaibigan niya sa napaka-ikling simpatya nang panahon. Natatawa pa siya rito dahil na rin sa napakapalabiro ng mga kasama niya. Agad siyang nanghingi ng Bro-Hug sa mga ito, at isa-isang nagpaalam.

Mabilis niyang nilisan ang bilangguan at kasalukuyan papunta na sa visiting area ng stasyon. Katatapos lang nitong magbihis at tinanggal ang kulay kahel na damit na may tatak na P.

Napangisi siya nang masilayan ang kapatid na lalaki na naka-de-kuwatro sa visiting area at may kinukulikot sa telepono nito.

"CC!" sigaw ng lalaking sa kapatid. Naagaw naman niya ang atensyon nito na siyang nagbigay nang isang malapad na mga ngiti. Naglapitan at kapuwang hinagkan ang isa't isa.

"Kumusta Kuya?" pangungumusta ng kapatid nito sa lalaki.

"Maayos," maikling tugon nito, saka tumingin sa kisame ng visiting area.

"Umaayon sa lahat ng plano Kuya. Patay na si Chim, at salamat sa kaniya dahil mas pinadali niya ang trabaho natin sa mga taksil na 'yon." Umupo ito sa at magkaharap na ngumisi, magtatagumpay kaya sila?

"Good. Pinaligpit mo na ba ang matanda?" Tumango ang kapatid at mahinang natawa, silang sinasanto maski na inosente idadamay nila. Tumigil ang nakatatanda sa katatawa, at agad na kinuha ang itim na wallet nito. Tinignan niya ang litrato na nakalagay roon. May ngiti sa mga mukha nito, nag-aakbayan na parang magkaibigan lang. Bumagsak ang isang butil ng luha sa litrato . . .

"Ma, Pa, Nigh. Maipag-hihigante na namin kayo ni CC. Pangako po 'yan. Magbabayad sila sa mga destruksyon na ginawa nila sa pamilya natin, ipinapangako ko po iyan. Buhay ang kinuha nila, p'wes buhay din ang ipapalit." Saka nito pinahid ang mga namumuong luha sa mga mata at muli tiningnan ang kapatid na ngayo'y naluluha na rin.

"Pero may problema tayo Kuya, si Sioney." Napalingo siya sa kapatid at napangiti.

"Hayaan mo na siya, wala naman sa katiting ang alam niya sa atin. Nakahanda na ba lahat?" Pagbabago nito sa paksa.

"Handang-handa na po lahat, ikaw na lang po ang kulang Kuya. Ikaw po ba? Handa ka na ba? Magiging drama king ka na sa panahon nang pananalakay!" Nagkatinginan ang magkapatid at parang sa mga mata lang nila ito nag-uusap.

"Kailan pa ako hindi naging handa? Kilala mo ako CC, I'm always ready." Pagmamayabang nito sa nakababatang kapatid.

"Then, shall we?" Sabay silang nagsitayuan sa kaniya-kaniyang mga upuan. Sukbit ng nakatatanda ang bag nito, nakapamulsa naman ang kapatid nitong si CC.

"Showtime!" Sabayan nilang sambit habang palabas sa municipal jail ng bayan.

Sino nga ba ang magkapatid na ito?

Ano nga ba ang kinalaman nila sa kaso?

Sila ba ay inosente?

O kapuwa pumapatay?

* * *

Narito ako ngayon sa cr ng Hospital pagkatapos nang mga karumaldumal na pangyayari. Pagkatapos kung maglabas ng tubig sa katawan ay dumako ako sa may lababo. Napatingin ako sa itsura ko sa may salamin. Haggard at talaga stress na stress ang mukha ko, nakapapagod din minsan itong trabahong ito.

Naghilamos ako at bahagdan tinitigan ang mukha ko sa salamin, gano'n pa rin. Inuli-ulit ko ito hanggang sa nagsawa ako kahihilamos.

"Kayanin mo Ghoul. Kailangan mong maging matapang para sa kanila. Be brave Ghoul." Pagsasalita ko rito sa aking sarili. Laking-gulat ko nang mapansing nagpapatay-sindi na ang ilaw, bigla rin sumirado ang isang pintuan ng cubicle nang napakalakas. Ano iyon?

"Hey, may tao ba riyan? Hello?" mahinhin na sambit ko habang pumapatak pa rin mula mukha ko ang tubig. Kinikilabutan na ako sa naiisip ng utak ko, hindi ito maaari. Rinig rito ang mga yapak ng mga paa ko.

"H-hello?" Malapit na ako cubicle na nang may bigla ako napansin sa likod ko. Napalingon din naman ako kaagad, bakit parang may dumaan. Lumapit ako nang bahagya sa salamin nang makita ko ang isang pulang kulay na naka-ukit dito. Wala naman ito kanina ah. Sino kaya ang nagsulat nito? Kinabahan ako bigla nang mabasa ko ito at manamnam ang nais sabihin.

'Behind you!'

Bumilis ang tibok ng puso ko nang mapansin ko sa salamin ang repleksyon ng isang lalaking naka-itim sa suot na papalabas na sa may cubicle. Biglang nagpatay-sindi ulit ang ilaw habang marahang tumutunog ang pintuan ng cubicle. Nanindig ang mga balahibo ko sa tunog na narinig. Napalingon ako nang mabilis.

"Aaaaaaaahh!" Mabilis na ilag ko nang bigla ako nitong inatake, mabuti't nailagan ko ito dahil na rin sa repleksyon nito sa salamin.

"S-sino ka?" Habang inilalabas ko ang baril ko sa aking bulsa at itinutok ito sa kaniya. Hindi ito tumugon at aakmang sasaksakin ako ulit. Nabaril ko ang kutsilyong hawak niya at ngayo'y taas kamay na siyang nasa harapan ko.

"Sino ka? Bakit mo ito ginagawa? Sino ba talaga ang totoong amo mo?" Pagtatanong ko imbes na sagutin ay ngumisi lamang ito. May binabalak pa talaga siya?

"Ano ningisi-ngis . . ." Mabilis akong namulupot nang may gumapos sa leeg ko. Kinontra ko naman ang ginagawa niya at pilit na ikinakawala ang sarili. Dalawa sila? Pero imposible naman, akala ko aarrggghh. Nakipag-head-to-head ako sa kaniya ngunit, mali yata ang ginawa dahil mas umikot ang mga paningin ko.

"Aaarrggghhhh!" Habang nagpapatibayan kami sa ginagawa niyang pagsasakal sa akin. Mabilis kong ginamit ang siko ko at natamaan naman siya sa may bandang dibdib niya dahilan kung bakit siya napabitaw sa akin. Tinignan ko sila nang mabuti; sila nga ang mga taong nasa pictures.

Ngayo'y nasa harapan ko na ang dalawang naka-maskarang lalaki, pareho silang malalaki sa akin. Kapwa silang matataas, mabilis silang napatingin sa isa't isa. Ang akala ko ay gagawa pa ito nang mga galaw bagkus ay mabilis silang tumakbo palabas ng CR. Sinubukan kong habulin sila ngunit napakabilis nang mga pangyayari.

Sinundan ko pa sila kahit sa may entrance kahit hindi ko alam kung nasaan na talaga sila.

"Ouch!" giit ko nang may nakabunggo ako sa daan. May kaedaran na ang lalaki, at malapit na siguro ito sa 50's.

"Pasensya na po Sir," wika ko at tinulungan siyang pulutin ang mga gamit niya.

"Sa susunod tumingin ka na sa dinaraanan niyo." Sinsero nitong tugon at mabilis na umalis. Napansin ko naman ang ID nito sa sahig na nakalatag lang. CEO pala siya sa isang kompanya, wait wait what? Tinitigan ko ang logo ng kompanya niya.

'Delirium'

Mabilis kong inilibot ang aking paningin para hanapin sana siya ngunit bigo ako, wala na ito. Ano kaya ang ibig sabihin nito? Coincidence ba talaga ang mga nangyayari? O mga sinadya talaga?

Naglalakad na ako patungong kuwarto ni Sioney. May pasipol-sipol pa akong nalalaman nang may biglang humawak sa balikat ko na siyang aking ikinagulat.

"A-aray! Aray ko naman Ghoul, ang sakit kaya." Mabilis ko itong binigyan ng isang mabilisang atake. Nabigla ako nang makita ko siya, si Lux.

"I, I-I'm sorry. Akala ko kasi kaaway ka," wika ko. Bakit ba ako nauutal?

"Napaka-agresibo mo naman ngayon. Ilang araw lang tayong hindi nagkita nagiging adik ka na sa sumo wrestling." Natatawang sabi niya. Napayuko naman ako nang maisip ulit ang nakita nang mga oras na may ginagawa silang kababalaghan nina Eunice. Bakit ba naaapektuhan ako? Naalala ko bigla . . .

"I'm sorry talaga. Siya nga pala, paano ka pala nakalaya? Hindi ba't nabigat na mga kaso ang nakapatong sa ito?" tanong ko nang maalala ko iyon. Lalo na't murder ang kaso niya at pang-habang buhay na raw iyon, pero paano siya nakalaya? Weird.

"Tinulungan ako ng isa sa mga kaibigan ko nang High School. At saka, wala namang matibay na ebidensyang nagpapatunay na ako nga ang may sala. Balita ko nga nahuli na si Chim, at hindi na talaga nagtagal ay mabilis na kinitilan," saad niya. Naglalakad na kami ngayon patungong silid ni Sioney. Iniisip ko na naman ang huling katagang inilahad ni Chim bago pa siya tuluyang binawian. Ano kaya iyon?

"Ahh, oo kanina na lang." Ilang hakbang na lang papuntang silid ni Sioney nang makita ko si Allure sa may waiting area. Nanginginig din ang mga kamay nito na tila ba ay pasmado.

"A-allure?" Napalingon siya sa aming dalawa. Nagulat ako nang bigla-bigla niya nalang akong yakapin.

"A-Allure? Hey? Okay ka lang?" Na-uutal na pag-aagaw ko sa kaniya nang pansin.

"Akala ko umalis ka na, akala ko iiwan mo rin ako, salamat at nanatili ka huwag mo akong iiwan ha. Please, promise me hindi mo ako iiwan Ghoul!? Promise me?" Natulala ako sa kadahilanang damdam ko ang emosyong ipinapakita niya. Para siyang bata.

"P-promise, hindi kita iiwan." Nagtataka man ay sinambit ko na rin habang nakatutok ang mga mata ko sa lalaking unang minahal ko.

* * *

"Sino ba kasi iyang tinatawagan mo? Bakit hindi ka mapakali? Hoy, tignan mo naman iyang dinadaanan natin ma-aaksidente tayo nito." Pang-sesermon ko sa taong nakahawak ng manibela ng sasakyan. Papunta kami ngayon sa kaibigan daw niya, I don't know pero simula nang sinabi niyang 'Mamatay kami' ay hindi na siya mapakali. At isa na sa mga epekto no'n ay ang bigla-bigla niyang pagyakap sa akin.

Dagdagan pa nito ang kaninang biglaang pag-atake sa akin. Wala na talagang maaaring pagkatiwalaan ngayon. Pinadagdagan na lang din namin ang mga bantay sa Hospital at pati na rin ang silid ni Sioney. Nakababahala na ang pagiging nerbyoso niya.

"Are you okay?" tanong ni Lux sa akin. Napatango na lang, kahit na kinakabahan na ako sa maaaring mangyari. Nasa backseat siya, kami ni Allure ang magkatabi sa unahan.

"Sino ba kasi iyang taong iyan at talagang kampante ka na matutulungan niya tayo." Hindi ulit sumagot at mas lalong hinigpitan ang hawak sa manibela.

Magdidilim na rin nang makarating kami sa bahay ng kaibigan niya. Nasa isa kaming masukal na kagubatan na aakalain mo talagang walang nakatira, ano ba kasing pinunta namin dito?

"Sigurado ka ba talaga Allure? Baka naman ikaw pala ang pumapatay." Umigting ang tenga ko nang marinig ko iyon. Hindi lang sumagot si Allure sa mga paratang sa kaniya. Napakunot ako ng noo at kinuyom ang mga kamao ko, nakakaramdam ako nang inis sa itinuran ni Lux.

"O baka naman dadalhin mo kami sa kampon mo at ipapa-chop-chop mo kami." Gulat na lamang akong napatingin kay Lux habang nakahiga siya sa lupa at dumudugo ang labi nito. Sinuntok siya ni Allure.

"Huwag kang mangbebentang kung alam mong walang kang katibayan. Bibig mo lang ang panlaban mo, wala kang maipanglalaban 'pag nasa korte na tayo!" Napanganga ako? What the? Advance siyang mag-isip-korte kaagad?

"Hey, tama na iyan. Nandito tayo para magtulungan, huwag naman sana kayong mag-away. At ikaw Lux, please manahimik ka na lang muna. Wala kang alam sa nangyayari, just-just shut up!" Hindi ko na talaga kinaya ang inis ko sa kaniya, huwag naman sana niyang dagdagan pa ang mga iniisip ko ngayon.

Natahimik naman kami nang napansin namin na unti-unti nang bumubukas ang ilaw ng bahay. Nang bumukas ang pintuan nito ay bumungad kaagad sa amin ang isang matandang lalaki na nakahawak sa tungkod na bakal nito.

"Pasok kayo, pagpasensyahan niyo na medyo mahina na ang mga tuhod ko. Alam niyo, tumatanda na rin." Nawala ang inis ko at napalitan ito nang tawanan.

"Mano po," saad ko nang makapasok kami sa bahay. Pumagitna ako sa dalawang kumag na kasama ko at baka tuluyan' nang magpatayan. Napatitig ako sa kamay ni Lolo na mag-mano ako sa kaniya.

"Maganda ba ineng?" Natango na lamang ako bilang tugon sa sinaad niya.

"Alam mo, gawa iyan ng kapatid ko. Regalo niya sa akin nang mag-birthday ako noong nakaraang linggo," malungkot na wika niya.

"Nasaan na po siya ngayon Lo?" pagtatanong ko sa kaniya habang nakatitig pa rin sa bracelet niya. Kuhang-kuha nito ang kurba at mga desinyo sa ebidensiya na nakuha namin.

"Wala na siya." Kisapmata akong napatingin sa kaniya, tanaw ko pa sa mga mata niya ang butil namg luha na ngayo'y bahagdan na tumutulo.

"K-kailan pa po? P-paano po siya namatay?" Ramdam ko ang kalungkutan niya dahil tulad ko ay kapuwa kaming namatayan.

"Kanina lang." Lumaki ang aking balintataw nang sinabi niya iyon, kanina lang?

"Walang awa siyang pinugutan ng ulo," wika niya na siya namang nagpawindang sa akin. Tapos naglakad siyang papuntang sofa at sinundan naman namin ito, may kinuha siya sa side table at tinitigan nang matagal.

"Siya na lang ang natitira kong kapatid, tapos papatayin lang siya nang gano'n. Napaka-hayop nang gumawa nang gano'n sa kaniya. Pagbabayaran niya na kapatid ko pa ang pinatay niya, mamamatay tao siya." Tumulo na talaga ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan.

"Heto siya," saad niya na siya namang pagpahid ko sa mga luha patuloy na tumutulo.

Napanganga ako sa nakikita ko nang iabot niya ang picture frame na naglalaman ng litrato ng kapatid niya. Siya? Ang kapatid ni Lolo? Napatingin ako kay Allure at napalunok, hindi maaari ito. Ang matandang nagbigay babala sa akin bago mamatay si Lola, ang matandang naglahad kahapon na siya ang gumawa ng bracelet na aming ebidensiya ay siya ring matanda na kapatid ni Lolo.

"Kilala ko po siya Lo." Napalingon naman siya sa gawi ko at damdam ko rin ang mga titig ng mga kasamahan ko.

"Isa siya sa mga witness po namin. Kilala niya kung sino talaga ang pumatay sa Lola ko." Kita ko pa ang gulat sa kanilang mga mukha. Bigla siyang lumuha at parang batang umiyak, habang hawak-hawak ang tungkod nito.

"S-sorry Lo, wala kaming nagawa." Lumapit si Allure rito at hinaplos ang likod nito na parang pinapakalma.

"Maaari ko po bang mahiram saglit?" paghingi ko nang permiso, inilahad naman niya ang kanang kamay niya. Ang bracelet niya, katulad na katulad sa bracelet na may tatak na CONCEALED, ngunit iba lang iyong nakalagay sa kaniya. Ibinalik ko sa side table ang litrato.

Umupo ako sa kabilang upuan at nagtatakang tinignan ulit ang bracelet. Hindi kami puwedeng magkamali ngayon, marami nang nadadamay dahil lang sa akin.

'M U I R I L E D'

Anong ibig sabihin nito?

Napatingin ako sa matanda, medyo kumakalma na rin siya. Tinignan ko ang ilalim ng bracelet at baka may nakasulat pa. Hindi naman ako nagkamali dahil mayroon ngang nakasulat rito.

'You and I are one, light bounce off answer will done'

Ano iyon?

Biglang humangin nang napakalakas at siyang naging dahilan na malaglag ang salamin sa may likod ng pintuan. Nakita ko si Lux na papalapit rito, at sinundan ko naman siya. Si Allure ay pinapakalma pa rin ang matanda.

Bigla akong natisod nang malapit na ako rito, nalaglag ang bracelet malapit sa mga basag na salamin. Bigla akong napatayo at akmang kukunin ang bracelet nang mabasa ko ang repleksyon nito sa salamin.

'DELIRIUM'

Ramdam ko ang paglaki ng akong mata, ito na ba ang ibig sabihin ng quote. Ako at ikaw ay iisa. Repleksyon ko ay ang magiging sagot sa dalawa.

Hindi kaya, ang CEO ang totoong may sala?

---

HeartHarl101


Load failed, please RETRY

สถานะพลังงานรายสัปดาห์

Rank -- การจัดอันดับด้วยพลัง
Stone -- หินพลัง

ป้ายปลดล็อกตอน

สารบัญ

ตัวเลือกแสดง

พื้นหลัง

แบบอักษร

ขนาด

ความคิดเห็นต่อตอน

เขียนรีวิว สถานะการอ่าน: C16
ไม่สามารถโพสต์ได้ กรุณาลองใหม่อีกครั้ง
  • คุณภาพงานเขียน
  • ความเสถียรของการอัปเดต
  • การดำเนินเรื่อง
  • กาสร้างตัวละคร
  • พื้นหลังโลก

คะแนนรวม 0.0

รีวิวโพสต์สําเร็จ! อ่านรีวิวเพิ่มเติม
โหวตด้วย Power Stone
Rank NO.-- การจัดอันดับพลัง
Stone -- หินพลัง
รายงานเนื้อหาที่ไม่เหมาะสม
เคล็ดลับข้อผิดพลาด

รายงานการล่วงละเมิด

ความคิดเห็นย่อหน้า

เข้า สู่ ระบบ