They say that love grows better with
time it thrives on patients and trust,
well there's no doubt within my mind
this fact was based on us.
It's just the little things you do which
let's me know it's true, that no one else
within this world can take the place of you.
For all the times we've been together
good times and through bad, for all
the times you've forgiven me whenever
I've made you mad.
For all the times we've held each other
through sunshine and the rain, for all
the times we've comforted one another
to ease away the pain.
These words are just to let you know
your heart is connected to mine, and
hopefully also make you see our love
grows better with time.
- Unknown -
Namalayan na lang ni Hayley na tinutugon na niya ang maiinit na mga halik ni Nico. Nagsimula na din mag-init ang kani-kanilang katawan pero nagulat si Hayley ng tumigil si Nico sa paghalik sa kanya. "We both know that we wanted each other so much." Namula si Hayley sa sinabi ng binata. "I really want to make love to you right here, right now but...I want the whole you, Ley. Hindi lang katawan mo but also your mind, your heart, and your soul." Sabi ni Nico. Hindi alam ni Hayley ang isasagot niya sa binata. "I will wait for you." Sabi ni Nico at pagkatapos ay hinalikan niya ang dalaga sa noo nito. "Goodnight, Ley." 'Yun lang at niyakap na siya ng binata at saka pinikit ang mga mata. Nang mag-sink in na sa isip ni Hayley ang mga sinabi ng binata ay may ngiting sumilay sa kanyang mukha. Tiningala niya ang natutulog ng binata saka bumulong ng "Thank you" at pinikit na din ang kanyang mga mata.
Kinabukasan ay nag-enjoy ang lahat sa pamamasyal sa mga magagandang lugar sa Tagaytay. Hindi nakaligtas sila Nico at Hayley sa tuksuhan ng mga employees ng Kleid na pinangungunahan ng dalawang matalik na kaibigan ni Hayley, sila Ashley at Lily. Dagdagan pa nila Fin at Amanda pati na din sila Dashiell, Quinn, at Landon. Sila Leo at Rose ay nanatili sa Twin Lakes Hotel para makapagpahinga pa bago ang flight nila pabalik sa States kinagabihan.
"Nico!?" Lahat sila ay napatingin sa matinis na boses ng babae na tumawag sa binata at halos lahat sila ay tumaas ang kilay ng makita ang suot ng babae. Nanlaki ang mata ni Nico. Sila Dashiell at Landon ay nagkatinginan. "Patay!" Bulong ni Dashiell. "Yeah, he's really going to die today." Sabi ni Landon. "What are you saying? Who is she?" Takang tanong ni Quinn. "Ex ni Nico pero matagal na, nasa States pa kami." Sagot ni Dashiell. "Ex na pala so walang problema." Sabi ni Quinn.
"I missed you, babe!" Sabi ng babae na lumingkis na kay Nico. Nagulat ang lahat at tumingin kay Hayley na hindi makitaan ng anumang emosyon sa maganda niyang mukha. "Everyone, our vacation is over so let's all go back to the hotel and pack our things. We'll leave after an hour." Sabi ni Hayley at isa-isa ng lumakad pabalik sa bus.
"Ley...hear me first." Sabi ni Nico na pilit inalis ang pagkakayakap sa kanya ng babae pagkatapos ay lumapit kay Hayley at hinawakan sa magkabilang balikat nito. "Nico!?" Sigaw ng babae pero hinarangan agad siya nila Ashley at Lily para hindi ito makalapit sa dalawa. "Kung ayaw mong mapuno ng kalmot ang mukha mo, manahimik ka diyan." Sabi ni Ashley na nagpaatras sa babae.
"She's Lucille, I met her sa States and I'll admit I had a relationship with her pero matagal na 'yun. We broke up and went with our separate ways because of our differences." Gustong matawa ni Hayley sa itsura ng binata. Gusto pa sana niyang pahirapan ito pero wala naman itong kasalanan. Coincidence ang nangyari gaya ng pagkikita nila ni Toby nung isang araw at hindi niya makakalimutan ang ginawa ng binata sa kanya after niyang makita ang ex.
"Okay, let's go. I need to prepare for Dashiell and Quinn's wedding." Nakangiting sabi ni Hayley. Nakahinga ng maluwag si Nico ng madinig ang sinabi ng binata. Akala niya ay kailangan niya pang tawagin lahat ng santo at santa para lang hindi magalit sa kanya ang dalaga. Nakangisi naman ang mga kaibigan na naiwan para suportahan ang dalawa.
"She's beginning to fall in love again." Bulong ni Fin. "Nah, she's already in love." Nakangiting sabi ni Amanda.
"Akala ko makakaubos na naman tayo ng isa boteng Bacardi 151." Sabi ni Landon na ikinatawa ni Dashiell. "He's really in love." Bulong ni Quinn. "Yeah." Sagot naman ni Dashiell.
"Nico!? I said I missed you! Are you going to leave me here after all those years. We loved each other so much, remember? We were happy. We enjoyed everything. You've enjoyed my body so much that you even cried my name when you..." Hindi natapos ni Lucille ang sasabihin ng lapitan siya ni Hayley. Pati si Nico ay nagulat din sa ginawa ng dalaga. Ang mga kaibigan nila ay lihim na nangiti dahil sa itsura ni Hayley na akala mo asong sasakmalin ang pusang nasa harap.
Bumilang muna ng 1-10 si Hayley para kalmahin ang sarili. Hindi niya sana papatulan ang babae pero nagpanting na ang tenga niya.
"Missed...loved...were...enjoyed...cried...these words of yours are all in the past. You are his past so better shut up your mouth or you're gonna regret meeting me here." Matapang na sabi ni Hayley na nagpatulala kay Lucille. Biglang nilapit ni Hayley ang bibig sa tainga ni Lucille at may binulong dito. Namutla si Lucille pagkatapos ay lumayo na si Hayley. Sumunod na sa kanya ang iba pero naiwan si Nico.
"Lucille, we're done long time ago. We both agreed on that. Hayley is everything to me so please, don't show your face infront of us again because the next time you do it, you'll be in trouble and you knew me well." May pagbabanta sa boses ni Nico dahilan para tumango na lang si Lucille.
Naka-ready na ang lahat para sa pag-alis. Iniintay na lang sila Nico at Hayley na nagpapaalam na sa mga magulang ng binata dahil deretso na ito sa airport.
"We'll see you on Dashiell and Quinn's wedding." Sabi ni Leo. "I really enjoyed watching you, bunso." Sabi ni Rose. "That will be the first and last, Tita." Nakangiting sabi ni Hayley. "I don't think so. I'm sure after the show, there will be more offers for you as a model." Sabi ni Leo. "And she will decline those offers." Si Nico ang sumagot. "And why?" Tanong ng kanyang ama. "I'm her boss and she's my PA. She'll be busy with me." Sabi ni Nico na ikinapula ni Hayley. "Busy with work, of course." Paliwanag ni Nico na makitang nakatingin sa kanya ang mga magulang na lihim na nangiti.
Nagpaalam na din sila Nico at Hayley kila Fin at Amanda. "We're going to Manila to look for your designs for our wedding." Sabi ni Amanda. "Okay, alagaan mong mabuti ang mag-ina mo. Humanda ka sa akin kapag may nangyari sa kanila." Nakangiting banta ni Hayley kay Fin. "Don't worry, they are in good hands." Sagot naman ni Fin.
"Hey, ano yung binulong mo dun sa hitad?" Tanong ni Amanda bago pa nakasakay si Hayley sa bus. "Wala." Namumulang sagot ni Hayley. "Ano nga?" Pangungulit ni Amanda pero hindi pa din sinabi ni Hayley ang sagot. Nakaalis na ang bus ng may ma-received na text message si Amanda.
"He's mine so better fuck off!" Natawa ng malakas si Amanda. "Bakit?" Takang tanong ni Fin. Ipinakita ng dalaga ang text ni Hayley sa fiance. "She's really in love." Sabi ni Fin at tumango si Amanda.