Paths Collide
by : Jay Long
This rain comes pouring down
Like tears straight from heaven
The keeper of the stars has a plan
Our paths crossed
When they were meant to be
Now when I close my eyes
You're all I see
Leaves hit the ground
In a chilly morning breeze
Rolling around together
Like the memories
I hold of a time when we both could smile
Now I keep them close
Waiting for the day
We both can breath as one again
For the first time in life
I'm scared of what tomorrow brings
Not holding any control
Never seeing what's infront of me
Just what I want it to be
I stare out my window
As I lay my head to rest
Gaining comfort knowing that we share the same sky
There are things I don't understand
Questions that have no answers
And some I may never know the reason why
I make a wish on a falling star
Hoping we have a chance
To roll the dice one more time
Walk side by side
And let our paths collide.
"Save a seat for me." Sabi ni Nico na nagpakunot sa noo ni Hayley. "I though you will bring your car." Sabi ni Hayley. "Change of plan." Sagot ni Nico. Ang dalawa naman sa likod ay ubos ang ngiti ng malaman na sasakay din si Nico sa bus ng Kleid.
"Rod, find every detail about a girl named Brittany Santiago." Sabi ni Nico na kausap ang kaibigan sa phone pagkatapos i-park ang sasakyan sa parking ng Kleid. "What? Another person again? Hindi pa nga ako sa Toby Ayala mo." Pagrereklamo ni Rod. "May angal ka?" Tanong ni Nico. "Sus! Wala, yakang-yaka ko. Gusto mo ihatid ko pa sa Tagaytay pagnatapos ko." Sabi ni Rod na ikinangisi ni Nico. "Okay then, I'll wait for you sa Tagaytay." 'Yun lang at pinatay na ni Nico ang phone.
Si Nico na lang ang iniintay sa bus. Nakasakay na sila Leandra, Virgie, Mario, Ashley, Lily, Anais, Everly,Bijou, Willow, kasama ang ilang staff and crew ng Kleid, at lahat ng mga models ng company at nagakakaingay sila dahil nalaman nila na kasama nila sa bus ang kanilang gwapong presidente.
"Guys, behave!" Sigaw ni Hayley pero walang nakinig sa kanya. Lalong nagkaingay ang lahat ng nakita nilang naglalakad na papuntang bus si Nico. "Morning, President!" Sabay-sabay na bati nila ng tuluyang ng maka-akyat ang binata sa bus. "Morning everyone! Ready na ba ang lahat?" Tanong ni Nico at sabay-sabay na tumango ang lahat. "Then, let's go." Sabi ni Nico.
"Hey! That's your seat." Sabi ni Hayley ng tanggalin ni Nico ang gamit niya sa katabing upuan niya. Nakaupo si Hayley sa likod ng driver. Nahihilo kasi siya kapag nasa bandang gitna o lalo na sa bandang likod siya nakaupo. Sa kabilang upuan naman si Nico na malapit sa pinto ng bus. "I want to sit here." Sabi ni Nico na tuluyan ng nailipat ang gamit ng dalaga sa kabila dapat ay upuan niya. Isang malakas na tuksuhan ang pumuno sa bus dahil sa pagtabi ni Nico sa dalaga. Natigil lang sila ng sumigaw si Hayley ng "Quiet!". Walang nagawa si Hayley dahil alam niyang hindi siya mananalo sa binata. Isinalpak na lang niya ang earphones sa tenga at nagpatugtog ng instrumental music para marelax siya. Nagulat siya ng hilahin ni Nico ang isang earphone at nilagay sa tenga nito. Nginitian lang siya ng binata ng titigan niya ito ng masama. Bumuntong hininga si Hayley at hinayaan na lang ang binata na maki-share sa music niya.
"Let's play a game!" Excited na sabi ni Ashley. "Sige!" Sagot ng lahat. "Hhhmmm, truth or dare? Game?" Tanong ni Ashley. "Game!" Sabay-sabay na sabi ng lahat. "Ganito, imbis na bote ay ito ang gagamitin natin." Sabi ni Ashley na ang tinutukoy ay isang stress ball. "Magpapatugtog si Tatay Mario ng music tapos kapag nahinto ang tugtog at hawak mo 'to, ikaw ang taya." Sabi ni Ashley at tumango ang lahat. "Tatay Mario, hit it!" Sabi ni Ashley. Ipinasa agad ni Ashley and stress ball kay Nico na ipinasa kay Hayley na ipinasa sa likod hanggang ihinto ni Mario ang music at ang bola ay hawak ni Virgie.
"Tita Virgie! Truth or Dare?" Tanong ni Ashley. "Truth!" Mabilis na sagot ni Virgie. "Tita Virgie, virgin ka pa ba?" Tanong ni Ashley na ikinatawa ng lahat. "Ashley!?" Sigaw ni Virgie na namumula. "Sagot! Sagot! Sagot!" Sigaw ng lahat ng nasa bus. "Nadivirginized na!" Namumula sigaw ni Virgie at nagkaingay sa buong bus. Akala nila ay virgin pa si Virgie dahil ang alam nila ay NBSB pa 'to pero iyon pala ay isang pagkakamali. Umikot ulit ang stress ball at nahinto naman ito sa isang model ng Kleid. Dare ang pinili nito. Pinalakad siya sa aisle ng bus katulad ng ginagawa nila sa fashion show at lahat ay nagpalakpakan dahil walang kahirap-hirap na nakatapos ito mula dulo hanggang sa kabilang dulo kahit na umaandar ang bus. Pinagpatuloy nila ang laro. Nandiyang aminin ng isang model na may gusto siya sa isang model pero pareho silang babae. May umamin na bakla talaga siya at madaming nanghinayang dahil sa gwapo ito. May pitikan sa ilong at tenga na nangyari.
"Okay, okay, last na 'to dahil napapagod na ang utak ko kakaisip ng ipapagawa sa inyo." Sabi ni Ashley. Binitawan na niya ulit ang bola at umikot ito sa buong bus. Nang huminto ang music ay nagsigawan ang lahat dahil si Nico ang may hawak. "Okay, Mr. President, truth or dare?" Tanong ni Ashley. "Truth?" Natatawang sabi ni Nico. "Hhhhhmmmm..." Nakangising sabi ni Ashley na nakatingin kay Hayley. "Mr. President, meron ka bang natitipuhan na babae na nandito sa loob ng bus?" Tanong ni Ashley. "Yes!" Mabilis na sagot ni Nico. "Hmp! Ano ba 'yan? Walang thrill." Sabi ni Ashley at natawa ang lahat. "Dare! Dare! Dare!" Sigaw ng lahat na kinakantyawan ang binata. "Sige, sige, dare!" Sigawan ang lahat ng madinig ang sabi ni Nico. "Woohoo! Okay, okay! If the girl you like is in here, kiss her." Sabi ni Ashley at sigawan ang lahat. "Kiss her! Kiss her! Kiss her!" Lalong lumakas ang ingay sa loob ng bus ng harapin ni Nico ang katabi. "Don't you dare!" Bulong ni Hayley na namumula. Ngumisi si Nico at bago pa makapalag si Hayley ay magkalapat na ang kanilang mga labi.