Silence Is Golden
by : Hanna Heath
It is not your conversation that keeps me entertained
But rather the way you look at me that makes me feel sustained
It is the curve opf your lips and the curl of your hair
T'is all of the little things that make me stop and stare
It is not your intelligence that drew me close to you
It is not your sense of humor that has thrown me all askew
It's the touch of your hand and the thoughts in your head
T'is all of the little things, the things that don't get said
It's not your vivid history that made me fall in love
It's not your comprehension of the world and what's above
It is your soft temperament and the way you smile at me
T'is all of the little things that make me want to see
It's not when we are talking that I want to know some more
It is not the whilst you teach me I learn what I'm looking for
It is the time we spend alone and the time in utter silence
T'is all of the little things that form a strong alliance
It's not the job you work so hard that shows your true commitment
It's not your crazy habits that give me great fulfilment
It is the way you use your hands and the way I have been chosen
T'is all of the little things why I know silence is golden.
"I'm going out?" Bungad ni Hayley pagpasok ni Nico galing sa isang meeting outside Kleid. "Where are you going?" Tanong ni Nico. "Tagaytay. I need to talk to Su... I mean the owner of Twin Lakes Hotel to finalize things regarding the Fashion Show." Sagot ni Hayley. "I thought next week ka pa pupunta doon?" Tanong ni Nico. "He's not available next week because he will be out of the country." Sagot ni Hayley. "I'm going with you." Sabi ni Nico na nagpakunot sa noo ni Hayley. "I don't think your presence is needed because as I remembered the Board of Directors already approved everything and you also approved it." Sabi ni Hayley. "I want to see it with my own eyes and has the final say kung matutuloy ang partnership with them. Besides, wala kang sasakyan, remember?" Sabi ni Nico na ikinataas ng kilay ni Hayley. "Fine!" Sagot na lang ni Hayley dahil wala siya sa mood makipagtalo sa kaharap. Dahil nauna ng lumabas si Hayley ay hindi niya nakita ang ngiting tagumpay sa mukha ng binata.
(Flashback 1)
Walang nakuha kahit anong information si Rod ng pumunta siya sa Twin Lakes Hotel. Kahit sino ang tanungin niya sa hotel ay walang nakakakilala sa "Sugar" na hinahanap niya. Sinabi niya agad iyon kay Nico na ikinainit ng ulo ng huli. "Dude, alangan naman na baliktarin ko ang buong hotel para lang makita ang taong hina-hunting mo?" Tanong ni Rod sa kausap sa kabilang linya. "Fine, fine. Ako na lang ang gagawa ng paraan kung paano ko mahahanap ang damuhong 'yon. Bye!" Sabi ni Nico at pabagsak na ibinaba ang phone.
(End)
"Nga pala, 'di ba flat lang naman ang sasakyan ko? Bakit kailangan pang dalhin sa casa?" Tanong ni Hayley. "Mas okay na 'yun para ma-check lahat." Sagot ni Nico.
(Flashback 2)
"Boss, mukhang sinadya po na i-flat ang gulong ng FJ na 'to." Sabi ng mechanic na pinapunta ni Dashiell para gawin ang flat na gulong ni Hayley. "Ano'ng ibig n'yong sabihin Mang Lando?" Takang tanong ni Nico. "Masyado pong mahaba at malaki ang pakong nakabaon sa gulong. Okay lang po sana kung maliit na turnilyo o pako lang." Sagot ni Mang Lando. "Mang Lando, kumpleto naman kayo sa gamit 'di ba? Paki-check na nga ang buong sasakyan para makasigurado tayo na pako lang talaga ang sinadyang ilagay diyan." Sabi ni Nico. "Sige po."
"Ley, I'll be driving you home." Sabi ni Nico. "Why?" Takang tanong ni Hayley. "Pinadala ko muna sa casa ang sasakyan mo. Malaki ang butas sa gulong kaya hindi kaya ng mano-mano lang." Sagot ni Nico. Dahil wala namang alam si Hayley sa mga sira ng sasakyan ay naniwala na lang siya sa sinabi ni Nico.
"Ley, washroom tayo." Aya ni Quinn sa dalaga. "Okay." Sagot ni Hayley.
"Spill it." Sabi agad ni Dashiell ng makaalis na ang dalawang babae. "Sinadya ang flat tire ni Hayley sabi ni Mang Lando." Sabi ni Nico. "Check the building's CCTV footages." Sabi agad ni Landon. Ganoon nga ang ipinagawa ni Nico sa security ng Kleid pero wala itong nakitang tao na lumapit sa sasakyan ng dalaga. "Baka hindi sa Kleid ginawa. Baka sa ibang lugar, sa condo." Sabi ni Dashiell. "I doubt it. Mahigpit ang security sa condo. Hindi sila nagpapasok ng walang ID." Sabi ni Nico. "Unless na sa condo din nakatira ang gumawa." Parehong tumingin sila Dashiell at Nico kay Landon.
(End)
Pareho silang tahimik at walang imikan habang nakasakay sa Hummer. Si Hayley, iniisip ang mga nangyari kahapon. Ang paghalik sa kanya ng binata, ang pag-amin nito kung bakit siya ang gusto nitong PA, at ang mga sinabi sa kanya ni Quinn. Si Nico naman ay iniisip kung sino sa condo ang pwedeng maglagay ng pako sa sasakyan ng dalaga. Bago pa lang siya sa lugar kaya wala pa siyang kilala kungdi sila Hayley, Ashley, at Lily. Kanina bago sila umalis sa condo ay nagpauna siya sa mga dalaga para i-check ang mga CCTV footages pero gaya sa Kleid ay wala din siyang nakita.
"Ley." Nagulat si Hayley ng sabihin ni Nico ang pangalan niya. "Mmm." Sagot ng dalaga. "Ilang taon na kayo sa condo?" Tanong ni Nico. "2-3 years? I can't remember the exact date, bakit?" Takang tanong ni Hayley. "Do you all know kung sinu-sino ang mga nasa condo?" Tanong ni Nico. "Mostly models of different companies." Sagot ni Hayley. "May kilala ka sa kanila?" Matagal bago nakasagot si Hayley sa tanong ni Nico. "My ex and his girlfriend are staying there pero sa ibang floor sila." Sagot ni Hayley na naging dahilan para mapadiin ang hawak ni Nico sa kanyang manibela. "Sorry." Maikling sabi ni Nico. "It's okay, I'm moving on." Sagot ni Hayley. At napuno ulit ng katahimikan ang sasakyan hanggang makarating sila sa Twin Lakes Hotel.
"Spice!" Bungad agad ni Fin pagpasok na pagpasok ng dalawa sa office niya. Niyakap niya ang dalaga dahilan para maikuyom ni Nico ang kamay niya. Tumikhim siya at doon lang napansin ni Fin ang binata. "Su...Fin, I want you to meet my new boss, Nico Bermudez." Pakilala ni Hayley sa binata. Dahil lalaki din si Fin, alam niyang selos ang ibinubuga ng mata ni Nico at nangiti siya ng lihim doon. "Porke ba't kasama mo ang bago mong boss eh hindi na "Sugar" ang tawag mo sa akin?" Balak ni Fin na gawing apoy ang usok na nakita niya at nagtagumpay siya dahil naningkit ang mga mata ni Nico. "Fin!" May warning sa boses ni Hayley dahilan para matawa si Fin.
"Mr. Bermudez, Fin Figueroa at your service." Sabi ni Fin sabay lahad ng kamay. Tinanggap naman ni Nico ang kamay ng binata pero bago sila nagbitiw ay diniinan niya ang pagkakahawak sa kamay ni Fin at ganoon din ang ginawa ng huli. Nagsukatan sila ng lakas hanggang sa matawa ng malakas si Fin na ikinakunot ng noo ni Hayley na nagtitimpla na ng kape para sa kanilang tatlo. "I like you, Mr. Bermudez." Sabi ni Fin. Tiningnan ni Hayley ng masama ang kaibigan pero nagkibit-balikat lang ito.
"When are you leaving?" Tanong ni Hayley habang magkakaharap silang tatlo. "By tomorrow night." Sagot ni Fin. "Have you talk to A..." Hindi natapos ni Hayley ang sasabihin dahil nagsalita muli si Fin. "Ano'ng gusto mo'ng pasalubong, Sugar?" Malambing na sabi ni Fin sabay tabi kay Hayley at akbay. "Spicy chocolates?" Nakangiting sabi ni Hayley na hindi napansin ang nakakamatay na titig ni Nico. "Sure, iikutin ko ang buong NYC para ihanap ka ng spicy chocolates." Sabi ni Fin sabay pindot sa ilong ni Hayley. "Can we just start the finalization of the event?" Inis na sabi ni Nico na ikinagulat ni Hayley pero ikinangiti ni Fin. "Sorry Mr. Bermudez, sobrang na-miss ko lang kasi itong "Spice" ko. Masyado kasi siyang busy at ganoon din ako kaya hindi na kami madalas magkita. Kulang si "Sugar" kapag walang "Spice". You see, Sugar and Spice." Lalo umusok ang ilong ni Nico sa nadinig mula kay Fin. Biglang tumayo si Nico. "Lalabas lang ako. Tawagin n'yo na lang ako kapag tapos na kayo." 'Yun lang at padabog na lumabas si Nico.
"He likes you, I'm sure of it. Kulang na lang ay bugbugin niya ako sa selos." Natatawang sabi ni Fin ng makalabas na ang binata. "Sira ka talaga!" Inis na hinampas ni Hayley ang kaibigan sa balikat. "Masakit 'yun ah! Susumbong kita kay Amanda. Lagi na lang akong may pasa sa tuwing magkikita tayo." Kunyaring nasaktan ngang sabi ng binata. Akma sana ulit papaluin ni Hayley ang kaibigan pero dali-dali na itong lumayo na tatawa-tawa.
Malapit na magpinsan sila Hayley at Amanda. Nakilala ni Hayley si Fin dahil kay Amanda. Highschool sweethearts ang dalawa at sa tuwing mag-aaway sila ay si Hayley ang tagapabati nila kaya naging close din ang dalaga sa binata. Tinawag silang sugar and spice dahil ang isa ay mahilig sa sweets ang ang isa naman ay sa spicy.
"So, may kapalit na ang gagong Toby na 'yun sa puso ng "Sugar" ko?" Nanunuksong sabi ni Fin. "Wala kaming relasyon." Sagot ni Hayley. "At sino'ng niloloko mo? Pagkatapos ko'ng makita ang itsura ng lalaking 'yun, sasabihin mo na wala kayo'ng relasyon? Miss Hayley Acosta, papunta ka pa lang, pauwi na kami ni Amanda." Natawa si Hayley sa sinabi ng kaibigan. "So, aamin ka ba o siya ang tatanungin ko?" Sabi ni Fin. "Wala nga! Ang kulit! Sandali, nagkausap na kayo ni Amanda?" Pag-iiba ng topic ni Hayley dahilan para magliwanag ang mukha ni Fin. "Magiging daddy na ko!" Tuwang sabi ni Fin at niyakap ang dalaga. 'Yun ang bumungad kay Nico ng buksan niya muli ang pinto. Agad na nag-init ang punong tainga ni Nico kaya walang sabi-sabi sinuntok si Fin. "Nakakadami ka na!" Sigaw ni Nico. "Nico!?" Sigaw ni Hayley habang pigil-pigil ang muling papasugod na binata. Kahit nasaktan ay nakuhang pang matawa ni Fin kaya lalong nagalit si Nico.
"Babe!" Napatingin silang tatlo sa pinto kung saan nanggaling ang boses. "Hi, Babe!" Masayang bati ni Fin kay Amanda. Nilapitan niya ito at binigyan ng halik sa labi. Naguluhan naman si Nico sa nakita. "Mr. Bermudez, meet my soon-to-be wife, Amanda Acosta. She's Hayley's cousin." Pagpapakilala ni Fin sa dalaga. Nagpalipat-lipat ng tingin ang mga mata ni Nico kay Fin at Hayley. Biglang hinampas ni Hayley ang balikat ni Nico. "Ano bang iniisip mo at sinuntok mo si Fin!?" Inis na tanong ni Hayley. "Sorry." Hinging paumanhin ni Nico. Natawa si Fin pero bigla ding nangiwi dahil sa sugat sa labi. "Sorry, bro, akala ko kasi..." Sabi ni Nico. "She's all yours man. You don't have to be jealous of me because I have my wife here." Sabi ni Fin. Pareho naman namula sila Amanda at Hayley.