LOVE
by : Patricia Walter
Love is a gentle caring
a quite concern
deeply hidden in the heart.
A presence always felt
everyday, every minute, every hour.
Love is a gentle embrace
between body and soul.
A quiet touch of the hand
a soft hug by warm arms
a caress of two souls.
Love is a great passion
between hungry hearts.
The intimate exchange
between mind, body, and soul.
Love is always caring
always growing
always being there.
Love is a wonderful gift
shared by two blessed souls
experiencing Heaven on Earth.
Buong araw pinilit na iwasan ni Hayley si Nico. Sa tuwing papasok ito sa office niya ay kunwaring may kausap siya sa telepono o kaya naman sa intercom. Mabilis na lumipas ang oras at natuwa si Hayley ng makitang halos 5 pm na ng hapon. Nagmamadali siyang bumaba sa parking lot pero para lang madismaya dahil nakita niyang flat ang gulong ng FJ Cruisser niya. "Talaga naman!" Inis na bulong ni Hayley. Dahil nakatalikod siya at busy sa pagsilip ng flat na gulong, hindi niya naramdaman ang paglapit sa kanya ni Nico.
"Ley." Sabi ng binata. Nataranta si Hayley kaya wala sa loob na inilapit sa tainga ang phone para ipakita na may kausap muli siya. "Fin! See you next week. Oh, I'm fine." Sabi ni Hayley. Gustong mainis ni Nico dahil ramdam niya na iniiwasan siya ng dalaga pero ng makita niya na baligtad ang hawak ng dalaga sa phone nito ay natawa siya. "Bakit mo ako iniiwasan?" Tanong ni Nico na tumayo sa harap ng dalaga. Pinanindigan ni Hayley ang pagkukunwari at hindi pinansin ang binata. "Ley, baligtad ang phone mo." Sabi ni Nico na may ngiti sa labi. "S__t!" Nadinig ni Nico ang pagmumura ng dalaga at nakita din niya ang pamumula nito.
"Bakit mo ako iniiwasan?" Ulit ni Nico sa tanong nito kanina. Walang nagawa si Hayley kungdi harapin ang binata. "HIndi ah." Sagot niya. "You're avoiding me the whole day and it was just because of the..." Hindi naituloy ni Nico ang sasabihin dahil tinakpan nito ang bibig niya. "Shut up!" Bulong nito sa kanya at nakita niya ang dahilan kung bakit. Isa-isa ng naglalabasan sa elevator ang mga employees ng Kleid. "Hjhgkdhkckdjchkfkjbddkjcd." Sabi ni Nico. "Ha?" Tanong ni Hayley na nawala sa loob na nakatakip pa din ang kamay niya sa bibig ni Nico. Itinuro ng binata ang kamay niya at naintindihan naman ni Hayley kaya dali-dali niyang tinanggal ito.
"Let's dine out." Sabi ni Nico. "Ayoko!" Sagot ni Hayley. "We've already ki...." Muling tinakpan ni Hayley ang bibig ng binata dahil sa lakas ng boses nito. "Fine! Just shut up!" Inis na sabi ni Hayley at nauna ng naglakad papunta sa Hummer ni Nico. Nakangiti namang sumunod si Nico sa dalaga.
"Dash, we're coming and call our mechanic, send him to Kleid. Hayley's FJ had a flat tire." Sabi ni Nico na kausap ang kaibigan sa phone. Nang sumagot ng "OK" si Dashiell ay pinindot na ni Nico ang end call. Bago paandarin ng binata ang sasakyan ay hinarap muna niya ang dalaga na kulang na lang ay umabot sa sahig ang nguso sa pagkakasimangot. Natawa siya sa itsura ng dalaga.
"Tell me, why are you avoiding me?" Tanong ni Nico. "I told you I'm not." Sagot ni Hayley na nakatingin sa labas ng bintana. "Look at me." Sabi ni Nico na nagpataranta sa dalaga. "Why?" Kinakabahang tanong ni Hayley na nakatingin pa din sa labas. "Just look at me then tell me that you're not avoiding me just because we've kissed and we've enjoyed it." Sabi ni Nico na nagpapula sa mukha ni Hayley. "Look, Mr. Nico Fer...." Hinarap nga ni Hayley ang binata pero para lang magulat dahil nakalapat na naman ang mga labi ng binata sa labi niya. Itutulak sana niya ang binata pero nahawakan na nito ang mga kamay niya at halos nakadagan na ito sa kanya. Aaminin niya, masarap humalik si Nico at tama ang sinabi ng binata, gusto nila pareho ang halikan na nangyari sa kanila kagabi at ang nangyayari sa kanila ngayon.
Pareho silang hinihingal ng maghiwalay ang kanilang mga labi. "Sorry, I like kissing you. You're irresistible lips is making me crazy. From the moment I've tasted it, I want to kiss you more often." Sabi ni Nico na ikinapula ni Hayley. "We should leave." Sabi ni Nico at tango lang ang isinagot ng dalaga. Nang umayos ng upo ang binata ay hindi sinasadya na magawi ang mata ng dalaga sa pagitan ng hita nito at nanlaki ang mata niya ng makita na naman ang ulbok sa pantalon ng binata. Nadinig niya ang tawa ni Nico dahil nahuli niya ang dalaga sa akto.
"Hindi ko alam kung ano'ng nangyayari sa kanya pero sa tuwing hahalikan kita ay nagiging ganyan siya." May nakakalokong ngiti sa mukha ng binata ng magsalita ito. Umiwas agad ng tingin si Hayley. Ramdam niya ang pag-iinit ng buong katawan niya. Umabot na din naman sila ni Toby sa mga ganitong sitwasyon. Smooching, petting, kissing pero hanggang doon lang. Kapag gusto na ni Toby na lumagpas sa limitasyon ay siya na ang kusang lumalayo na nagiging dahilan ng pag-init ng ulo ni Toby. Pero bakit pagdating kay Nico ay iba ang pakiramdam niya? Bakit parang gusto niyang lumagpas ito sa limitasyon nila? Bakit parang gusto niyang maramdaman ang ibang bagay maliban sa mga halik nito sa kanya? Pinilig ni Hayley ang ulo niya dahil kung anu-ano ang pumapasok sa isip niya. "Hayley, behave! Hayley, focus!" Paulit-ulit na sabi ng dalaga sa isip niya.
"We're here." Sabi ni Nico. "Bakit dito?" Tanong ni Hayley na nasa harap sila ng Dine and Drink. "Don't worry, reporters are banned here." Sabi ni Nico. "Pero..." Hindi na naituloy ni Hayley ang protesta dahil bumukas na ang pinto ng Hummer ng binata. "Quinn?" Gulat na tanong niya. "Ley!" Masayang bati ni Quinn sabay hila sa dalaga.
"Wala kang shooting?" Tanong ni Hayley ng makaupo na sila. Dahil maaga pa ay wala pang tao sa bar pero may mangilan-ngilan ng tao sa restaurant kaya sinabi ni Nico na sa taas na lang muna sila mag-stay. "Bukas pa pero madalas mo na akong makikita kasi malapit ng matapos ang movie and after that mag-focus na kami sa wedding." Sabi ni Quinn. "That's good to hear." Sabi ni Hayley. "Nood ka ng premiere ha?" Sabi ni Quinn. "Oo naman!" Sagot ni Hayley. "Sama mo sila Ashley at Lily." Sabi ni Quinn. "Sure, tiyak na hindi papayag ang mga yun ng hindi sila kasama." Sabi ni Hayley.
"Hi, Ley!" Bati sa kanya ni Dashiell. "Hello, beautiful!" Bati naman ni Landon saka tumabi sa kanya pero bigla ding lumayo na makita ang seryosong tingin ni Nico. "Akala ko naman makakatabi na ko sa maganda." Kunyaring pagtatampo ni Landon. "Humanap ka na din kasi ng katabi. Tingnan mo si Nico, nakahanap na." Tukso ni Dashiell na ikinapula ni Hayley. "Ayoko nga! Mas maganda yung single and ready to mingle." Nakangising sabi ni Landon
Naputol ang pag-uusap nila ng may lumapit kay Nico. "Miles?" Gulat na sabi ni Hayley ng makita ang binata. "Hayley?" Sabi ni Miles na nagulat din na nasa harap niya ang dalaga. "Ano'ng ginagawa mo dito?" Takang tanong ni Hayley. "I'm Mr. Bermudez's PA." Sagot ni Miles. Nang tumingin si Hayley kay Nico ay nakangiti sa kanya ito na akala mo maamong tupa. "I think we better go, guys." Natatawang sabi ni Dashiell. "Yeah, I'll agree with you." Sabi ni Landon. Si Quinn naman ay nakakunot ang noo dahil wala din siyang alam sa nangyayari. "Miles, follow us after that." Sabi ni Dashiell na ang itinuturo ay ang folder na hawak. "Yes, Sir." Sagot ni Miles.
"Ah, Sir, kailangan po ng pirma n'yo dito." Sabi ni Miles. Pagkatapos ay nagmamadaling umalis dahil sinenyasan siya ng binata.
"Well, Mr. Ferrer aka Mr. Bermudez, why don't you explain yourself first. Try to be more convincing this time because if you fail, I will immediately resign as your PA." Sabi ni Hayley na may seryosong mukha. "Well, Babe..." Panimula ni Nico. "Don't babe me!" Inis na sabi ni Hayley. "Sweetheart..." Sabi ni Nico. "Last chance, Nico!" Sabi ni Hayley. "Gosh, Ley! Daig mo pa yung terror na teacher ko nung college ah." Sabi ni Nico na pilit iniiba ang topic. "Mr. Nico Ferrer Bermudez!" Galit ng sabi ni Hayley. Napalunok si Nico. Gusto namang matawa ni Hayley sa itsura ng binata pero kailangan niyang panindigan ang ginagawa. Gusto niyang malaman kung bakit nandito si Miles dahil maliwanag pa sa araw ng tanggihan ni Nico ang binata na maging PA niya sa Kleid.
Dinig sa buong Dine and Drink ang boses ni Hayley. First time madinig ng mga staff and crew na may sumisigaw sa boss nila. Mabait ang mga boss nila lalo na si Nico kaya nagtataka sila kung bakit nagagalit ang magandang babae na kasama nito na pumasok kanina.
"He's in deep trouble." Natatawang sabi ni Dashiell. "Yeah, do you think he needs help?" Kunyaring pag-aalala ni Landon. "Nah, he can manage." Sabi ni Dashiell at natawa lang si Landon. "Hon, baka naman gusto mong sabihin sa akin kung ano ang nangyayari para maka-join ako sa tawanan n'yo." Sabi ni Quinn na nakaakbay sa fiance nito. "Ganito kasi 'yun, Hon." At sinimulan ni Dashiell ang pagkwekwento kay Quinn.