What She Is To me
by : Darren C. Swartland
Look at the beauty in her eyes,
a glow that shines like the sunrise.
Her smile opens up the cloudy skies,
her laughter delights butterflies.
The ocean greets her as she passes by.
Her gorgeous toes leave their mark,
saying goodbye.
Gentle breeze through her hair,
she walks elegantly while astonished eyes all stare.
Rosy cheeks cover her face.
A flower child blossoms, kindly accepting embrace.
She is a thorn-less rose without compare.
She is the love my heart will forever endear.
Nagulat si Hayley sa biglang paghalik ni Nico sa kanya pero hindi niya magawang itulak ang binata dahil sa totoo lang ay gusto niya ang nangyayari sa pagitan nila ngayon. Hindi ito ang first kiss nila pero ngayon lang niya naramdaman ang mga halik ni Nico na puno ng iba't ibang emosyon. Hindi namalayan ni Hayley na tinutugon na niya ang mga halik ng binata at nakapulupot na din ang kanyang mga kamay sa leeg nito. "Damn!" Nagulat si Hayley ng madinig ang boses ni Nico. "If you will not stop me, I can't promise I will behave. Gosh, you're so beautiful I can't withstand just only kissing you. I want to take you right here, right now, Ley." Sabi ni Nico na ikinapula ni Hayley. Pareho silang parang binuhusan ng isang timbang tubig ng biglang bumukas ang pinto at iluwa nito sila Ashley at Lily. Naitulak ni Hayley si Nico dahilan para mapaatras ito pero para lang ma-out of balance. Hinabol ni Hayley ang binata para hindi matuloy ang pagbaksak nito pero dahil sa bigat ng binata ay pareho silang bumagsak sa sahig.
"Ah, Ashley, bigla akong nagutom." Sabi ni Lily. "Ako din." Sabi naman ni Ashley. Parehong nawala ang dalawa kasabay ng pagsarado ng pinto.
"Okay ka lang?" Nag-aalalang tanong ni Hayley ng makitang nakangiwi si Nico. "Nabali yata?" Sabi ni Nico. "Ha? Ang alin? Ito ba? Ito?" Tanong ni Hayley na kinapa ang bewang ng binata pati likod. "Huwag kang malikot, please." Sabi ni Nico. "Ha? Alin ba masakit?" Tanong ni Hayley pero bigla siyang namula ng maramdaman na may tumutusok sa kanyang hita. "Nico!?" Sigaw ni Hayley sabay hampas sa balikat ng binata. Tumayo agad siya pero bigla siyang tumalikod dahil nakita niya ang umbok sa pantalon ni Nico. Natawa si Nico sa reaksyon ni Hayley.
"Umuwi ka na nga!" Inis na sabi ni Hayley. "Five minutes." Sabi ni Nico. "What!?" Biglang harap ni Hayley pero tumalikod muli. "Sabi ko sa'yo five minutes eh." Natatawang sabi ni Nico. "Bakit kasi... ano...ang tagal.... hindi pa ba? Baka... baka... bumalik na 'yung dalawa." Nauutal na sabi ni Hayley dahilan para matawa ulit si Nico. Nang maramdaman ng binata na kalmado na ang kanyang kaibigan ay tumayo na siya. "Goodnight, Ley." Nagulat si Hayley ng maramdaman ang mainit na hininga ng binata sa tainga niya dahilan para magtayuan ang balahibo niya sa buong katawan. Hindi na siya lumingon at nadinig na lang niya ang pagsasara ng pinto. Binuga ni Hayley lahat ng hininga niya na kanina niya pa pinipigil. Ramdam pa din niya ang pag-iinit ng mukha at ang mga labi ng binata. Wala sa loob na sinalat niya ang kanyang labi na kanina lang ay hinahalikan ni Nico. Huminga siya ng malalim. "He's really a pain in the ass." Bulong niya.
"Ehem...ehem..." Nagulat si Hayley ng bigla siyang akbayan ni Ashley. Ipinakita sa kanya ni Lily ang plastic na may lamang chichirya at beer. "Mahaba-habang usapan 'to kaya mag-umpisa ka na." Sabi ni Lily. Alam ni Hayley na hindi siya makakatakas sa dalawang kaibigan dahil huling-huli sila sa akto kanina kaya minabuti niyang maupo sa sofa at sinimulang magkwento.
"He's jealous!" Sabi ni Ashley. "Yeah. Did you tell him who's Fin?" Tanong ni Lily. "No." Maikling sagot ni Hayley. "Then don't. Hayaan mo siyang magselos." Nakangiting sabi ni Ashley. "Pero wala siyang karapatan na magselos. There's nothing between us." Sabi ni Hayley. "Are you sure there's nothing between you and him? How about the kiss?" Tanong ni Lily. "I don't know. Maybe because of...lust?" Hindi sigurado si Hayley sa sinabi pero kanina ay wala siyang nakita kahit katiting na "lust" sa mga mata ng binata habang nakatitig ito sa kanya. Ayaw niyang pangalanan ang nakita niya sa mga mata nito dahil natatakot siya na umasa at baka masaktan lang siya.
"I don't think so. He likes you and I will bet my career on that." Sabi ni Ashley. "Me too, me too." Segunda naman ni Lily. "Open up, Ley. Alam namin na takot ka pa pero hindi lahat ng lalake ay katulad ni Toby." Sabi ni Ashley. "Just let him in, Ley and go with the flow." Sabi naman ni Lily. "Hindi ko alam. We just knew each other recently and ayoko munang pumasok muli sa isang relasyon. Besides, wala naman siyang ginagawa and wala naman siyang sinasabi na he likes me." Sabi ni Hayley para ikaikot ng mata ng dalawa niyang kaibigan. "Action speaks louder than words, Ley." Sabi ni Ashley. "Saka, 'di na uso ngayon ang ligawan if that's what you're looking for, Ley. When the guy tells you he likes you and vise versa then, you're a couple already." Sabi ni Lily. "I still don't know." Sabi ni Hayley saka ininom ng deretso ang isang beer. Hinayaan na lang nila Ashley at Lily ang kaibigan. Ayaw nilang pilitin si Hayley dahil natatakot din sila para sa kaibigan kahit ang tingin nila kay Nico ay matino naman kesa kay Toby hindi lang sa itsura pati sa katayuan sa buhay at pati na din sa ugali. "Let destiny do it's magic." Bulong ng dalawa sa sarili.
Pagpasok ni Nico sa kanyang suit ay dumiretso siya kaagad sa kanyang ref at kumuha ng isang bote ng beer. Pagkatapos buksan ay umupo siya sa sofa. Napangiti siya ng maalala ang namagitan sa kanila ni Hayley kanina. Hindi pa din mawala sa pakiramdam niya ang malambot na labi ng dalaga. "F__k! Mura niya dahil naramdaman na naman niya ang pag-iinit ng katawan. "I need a cold shower." Bulong niya sa sarili saka tinungga ang lahat ng laman ng boteng hawak.
"He likes you, Ley." "Action speaks louder than words, Ley." Paulit-ulit na nag-eecho ang mga salita ni Ashley at Lily sa isip ni Hayley. "Aaaaarrrrrggggghhhhh..." Ginulo ng dalaga ang sariling buhok dahil naiinis siya sa sarili. Dapat ay moving on ang peg niya dahil halos hindi pa nagtatagal ang nangyari sa kanila ni Toby pero bakit nagugulo ang mundo niya dahil sa mga halik ni Nico. "He's a great kisser, that's it! Sino ba naman ang hindi madadala kapag ganoon kagwapo ang hahalik sa'yo, 'di ba?" Kausap ni Hayley sa sarili.
Hanggang sa pumikit ang mga mata nila, mga mukha ng bawat isa ang huli nilang nasa isip.