ดาวน์โหลดแอป
29.23% The More You Hate, The More You Love / Chapter 19: Chapter 19

บท 19: Chapter 19

I am yours.

I am yours as the stars belong to the sky

and I'm yours as the rivers belong to the sea.

I am yours as tears belong to your eyes

and I'm yours as your lungs belong

to the pattern in which you breathe.

- Christopher Poindexter -

Your soul burns so brightly

I fear I'll catch fire.

Ignited by passion,

consumed by your light.

I risk losing myself

in the flames of lust,

burning into the night.

- Christy Ann Martine -

Nang makarating sila Nico at Hayley sa Kleid ay hindi dumiretso so office si Hayley. Gusto niya munang lumanghap ng sariwang hangin at magrelax sa roof top. Gaya ng dati ay lumapit si Hayley sa gilid na pader, inikot ang paningin sa paligid, tiningnan ang nagliliitang sasakyan at tao sa ibaba ng building. Huminga siya ng malalim at pinikit ang mga mata.

"This is how you release your stress?" Biglang sabi ni Nico kaya napapitlag si Hayley dahil nagulat siya. Akala niya ay wala na sa likod niya si Nico dahil nauna siyang bumaba at sumakay ng elevator. "Gosh, Nico!" Sabi ni Hayley na nagpangisi sa binata. "This is a quiet place. I might enjoy staying here to calm my nerves." Sabi ni Nico. "This is my personal space and others are not allowed here." Mataray na sabi ni Hayley. Naglakad siya patungong gazebo at pinatugtog and portable dvd para sa isang instrumental music. "Hhhmmm, nice choice of song." Sabi ni Nico at umupo sa sofa. "Nic, I want to relax." Sabi ni Hayley dahilan para tumitig sa kanya ang binata ng seryoso. "What?" Tanong ni Hayley. "What did you call me again?" Tanong ni Nico na kinakunot ng noo ni Hayley. "Nic?" Tanong ni Hayley. "Your the first one that gave me a nickname and I want that." Sabi ni Nico na may ngiti sa labi na nakatitig kay Hayley. Ramdam ni Hayley ang pamumula ng mukha niya.

Parehas silang tahimik habang nakikinig ng instrumental music. Huminga ng malalim si Hayley at pagkatapos ay nagsalita dahilan para idilat ni Nico ang mga mata at makinig sa dalaga.

"Noong una kong makita ang mukha ko sa newspaper, hindi ko alam ang gagawin ko. I was called by different names, bitch, gold digger, leech, user. Galit na galit si Tito Leo but all I can do was to cry. Even in here, I'm the talk of the town. Sabi ni Tito Leo ay huwag ko na lang silang pansinin but I can't. Paglabas ko sa condo, all eyes were on me. Ashley and Lily were the only persons who were on my side besides Tito Leo of course. Ganoon din pagdating ko sa Kleid, laging nakikipag-away sila Ashley at Lily sa ibang models just to prove my innocence." Huminga ng malalim si Hayley para pigilin ang mga luha niya. "I was really devastated at that time. Si Tito Leo ang nagpaayos ng roof top na 'to. When this was finished, he climbed up here with me. Pagkatapos, out of nowhere, he screamed." Ngumiti si Hayley ng maalala ang ginawa ni Leo. "Pagkatapos ako naman ang pinasigaw niya. And well, it helped a lot. Then, everyday na makikita ko ang pictures naming dalawa with different hashtags sa magazines at newspaper, aakyat lang ako dito and will scream, letting all the pains out of my lungs." Sabi ni Hayley. Tumingin siya sa binata at nakita niya na nakatitig ito sa kanya ng walang kakurap-kurap. "Nico?" Tawag ng dalaga sa binata. "Where's the nickname go?" Nakangiting tanong ni Nico na naging dahilan para umikot ang mata ni Hayley. "Nic." Sabi ni Hayley. Magsasalita sana si Nico pero biglang bumukas ang pinto at nagsipasukan ang mga kaibigan ng dalaga.

"Ley, are you alright?" Tanong ni Ashley. "We've been contacting you but your phone was out of coverage area." Sabi ni Lily. "Saan ka ba galing? Bakit kasama mo si pogi?" Tanong ni Leandro. "Alam mong bawal lumabas 'di ba?" Tanong ni Virgie. "Alam mo bang alalang-alala sa'yo ang lahat? Si Tatay Mario hinahanap ka." Sabi ni Ashley. Hindi maiwasan ni Hayley na hindi maiyak at matawa. "Hala, nabaliw na ang bruha!" Sabi ni Leandra. "Thank you." 'Yung lang at naiyak na ng tuluyan si Hayley. Niyakap naman siya ng mga kaibigan.

Lahat sila ay napatingin ng tumikhim si Nico. "Ay, pogi!" Sigaw ni Leandra. Napangiti si Nico. "Good afternoon, Mr. President." Sabay-sabay nilang sabi at tumango naman si Nico. "Sorry, next time ay sa liblib na lugar ko na dadalin si Hayley. Madami palang magagalit sa akin kapag pinaiyak ko na naman ang baby n'yo." Nakangiting sabi ni Nico. "Ay, bet ko na 'yan, Mr. President, liblib na lugar." Sabi ni Leandra at nakatanggap siya ng isang kurot sa tagiliran mula kay Hayley. Nagulat sila ng bumukas na naman ang pinto.

"Nasaan na 'yang batang iyan? Talagang..." Hindi natuloy ni Mario ang sasabihin ng makita si Nico. "Good Afternoon, Mr. President." Bati ni Mario sa binata. "Pasensiya na po Tatay Mario kung inilabas ko si Hayley." Hinging paumanhin ni Nico. Lahat ng nasa rooftop ay napanganga. Ang presidente ng Kleid ay humingi ng pasensiya sa kanyang employee. Pati si Mario ay hindi makapaniwala. "Mr. President, hindi n'yo kailangan humingi ng paumanhin. Pwede n'yong dalin si Hayley kahit saan." Sabi ni Mario. "Tatay Mario!" Sigaw ni Hayley na nagpatawa sa lahat.

Bumalik na sa kanya-kanyang trabaho ang lahat ng malaman na okay na si Hayley. Sinabi din sa kanila ni Nico na nagawan na niya ng paraan ang pictures nila sa net kaya ng muli nilang i-check ay wala na nga sa trending topics ang isyu about sa kanila. Pumasok na din ang dalawa sa kani-kanilang office pero bago tuluyang isarado ni Nico ang connecting door ay nagsalita siya.

"Ley, Dad have done a lot of things for you and I will do the same. My parents, especially dad, considered you as his daughter and maybe, maybe someday I will make it official." 'Yun lang at sinarado na ni Nico ang pinto. Naiwan si Hayley na nakatulala at pilit na iniintindi ang huling sinabi ni Nico. Nagulat siya ng tumunog ang phone niya.

"Okay ka lang?" Bungad ni Quinn. "Yes, Quinn." Sagot ni Hayley. "Are you sure? Kung pwede lang kitang puntahan ay gagawin ko kaso out of town ako eh. But I told Dashiell and Landon to come and see you." Sabi ni Quinn. "I'm okay, Quinn. Don't worry. I have my friends and that includes you." Nakangiting sabi ni Hayley. "Okay, I'll see you when I get back. I told Dashiell to buy sylvannas for you." Sabi ni Quinn. "But I want the ones you baked." Sabi ni Hayley. "Don't worry, when I get back, gagawan kita ng madami. Got to go, my director is calling me." Sabi ni Quinn. "Okay, see you soon. Bye!" Sabi ni Hayley at pinindot na ang end call. Hindi pa man nababa ni Hayley ang phone niya sa table ay may kumatok na sa pinto.

"Come in." Sabi ni Hayley. Bumungad sa pinto sila Dashiell at Landon na may tig-isang box na dala. "Hello, hello!" Sabi ni Landon. "Kakatapos lang namin mag-usap ni Quinn." Nakangiting sabi ni Hayley. "Well, bilin na bilin niya na puntahan ka at dalan ka ng desserts to release your stress." Sabi ni Dashiell na iniabot ang box na dala. "Thank you." Sabi ni Hayley. "What are you doing here?" Napatingin sila sa boses na nadinig. "Visiting a friend." Sagot ni Landon na iniabot ang box na dala niya kay para kay Nico. "And what's this?" Tanong ng binata sa box na binigay sa kanya ni Landon. "A gift from Rod." Sabi ni Landon. "He's really fast." Sabi ni Dashiell. "Dapat lang, sayang naman ang salary niya kung 'di sya kikilos ayon sa gusto ko." Sagot ni Nico. "What a rude boss." Sabi ni Landon.

Nagpaalam na ang dalawang binata kaya naiwan muli ang dalawa sa office ni Hayley. "Want some?" Tanong ni Hayley sa binata. "Nope. Kulang pa yata sa'yo 'yan." Nakangising sabi ni Nico. Inirapan lang niya ang binata. "Ano 'yan?" Tanong ni Hayley na nakatingin sa box na hawak ni Nico. "Secret." Sagot ni Nico na nagpataas ng kilay ni Hayley. "Masarap ba?" Tanong ni Nico. "Yap, pero mas masarap pa din 'yung gawa ni Quinn." Sagot ni Hayley. Tumayo na sa upuan si Nico at akala ni Hayley ay babalik na ito sa sariling office pero nagulat siya ng lumapit ang binata sa kanya at hinawakan ang kamay niya na may hawak na sylvanna at walang sabi-sabing sinubo ang kinagatan niyang sylvanna. Ang lalong kinagulat ni Hayley ay ng pati daliri niya ay sinubo ni Nico. Hindi pa nakuntento ang binata, dinilaan pa ang daliri niya ng makitang may natira pang mugmog dito. Ramdam ni Hayley ang init na nagmula sa daliri niya na kumalat sa buong katawan niya. Ramdam din ni Hayley ang pag-iinit ng mukha lalo at nakatitig sa kanya sa Nico. "Masarap nga." Nakangising sabi ni Nico. Pumasok na si Nico sa kanyang office at naiwan na naman tulala si Hayley. Tiningnan ang daliri, tiningnan ang pintong pinasukan ni Nico, tiningnan ang daliri at muling tiningan ang pinto. "Nico, kadiri ka!" Sigaw ni Hayley na ikinatawa ni Nico nasa sa kabilang kwarto.


Load failed, please RETRY

สถานะพลังงานรายสัปดาห์

Rank -- การจัดอันดับด้วยพลัง
Stone -- หินพลัง

ป้ายปลดล็อกตอน

สารบัญ

ตัวเลือกแสดง

พื้นหลัง

แบบอักษร

ขนาด

ความคิดเห็นต่อตอน

เขียนรีวิว สถานะการอ่าน: C19
ไม่สามารถโพสต์ได้ กรุณาลองใหม่อีกครั้ง
  • คุณภาพงานเขียน
  • ความเสถียรของการอัปเดต
  • การดำเนินเรื่อง
  • กาสร้างตัวละคร
  • พื้นหลังโลก

คะแนนรวม 0.0

รีวิวโพสต์สําเร็จ! อ่านรีวิวเพิ่มเติม
โหวตด้วย Power Stone
Rank NO.-- การจัดอันดับพลัง
Stone -- หินพลัง
รายงานเนื้อหาที่ไม่เหมาะสม
เคล็ดลับข้อผิดพลาด

รายงานการล่วงละเมิด

ความคิดเห็นย่อหน้า

เข้า สู่ ระบบ