To love is to share life together,
to build special plans just for two
to work side by side
and then smile with pride
as one by one, dreams all come true.
- Krina Shah -
It is not your conversation
that keeps me entertained
but rather the way you look at me
that makes me feel sustained
- Hanna Heath -
Baby when you hold me
my emotions make it clear.
Just how much you mean to me
while we are laying here.
I listen to your heartbeat in rhythm with my own,
with every pound that warming sound,
keeps me safe with love you've shown.
- Shelagh Bullman -
Nagtaka si Hayley ng hindi pindutin ni Nico ang 1st floor sa elevator control panel, ang parking button ang pinindot nito. "Let's dine outside." Sagot ni Nico sa nakakunot niyang noo. "Pero alam mo na hindi lumalabas ang mga employees ng Kleid." Sabi ni Katherine. "You're with me so don't worry." Sabi ni Nico sabay kindat sa dalaga. "Iilang araw ka pa lang dito sa company pero ang dami mo ng hindi sinunod na mga rules." Sabi ni Katherine na nakataas ang kilay. "I'm the president so, I don't have to follow rules." Sabi ni Nico. "Pasaway!" Bulong ni Hayley.
Si Nico pa din ang nagdrive ng FJ Cruiser ng dalaga. Noong una ay ayaw niyang pumayag pero siyempre, ginamit na naman ng binata ang pangungulit niya kaya napilitan si Hayley na ibigay na ang susi dito. "I like your ride. Wanna swap?" Sabi ni Nico. "With your Hummer?" Tanong ni Hayley. "Yeah." Sagot ni Nico. "Ayoko, baka magasgasan ko pa 'yun, kulang pa ang sweldo ko sa pagpaparepair noon kung sakali." Sabi ni Katherine. "I doubt it. I can see that your doing a great job on your car." Sabi ni Nico. "Just once." Patuloy ni Nico. "No." Maikling sagot ng dalaga. "Sure?" Pangungulit ni Nico. "Very." Sagot ng dalaga.
"Bakit dito?" Tanong ni Hayley ng makita niya ang kilalang restaurant sa harapan niya. "Why not?" Tanong ni Nico. "Madaming tao dito and alam mo na laman ako ng magazines and newspapers everywhere and for you, you were already introduced as the new president of Kleid." Sabi ni Hayley. "So?" Sagot ni Nico na ikinainis ni Hayley. "Let's go somewhere else." Sabi ni Hayley pero lalo siyang nainis ng lumabas na ng sasakayan si Nico at pumunta sa pwesto niya at binuksan ang pinto sa tapat niya. "What are you doing?" Inis na tanong ni Hayley. "Look Ley, I'm famished and I don't care of other people's point of view. I'm here to eat so get down or you want me to carry you?" Paghahamon ni Nico. Walang nagawa si Hayley kungdi ang bumaba at pumasok na sa restaurant.
Dahil lunch time kaya puno ang buong lugar. Pagpasok nila ay nakita ni Hayley kung paano sila tingnan ng mga tao sa loob. Pagtatanong, paghanga, pagkagulat ang mga expressions na makikita sa mga mukha ng mga ito. Naramdaman ni Nico ang pagiging uncomfortable ni Hayley kaya hinapit niya ang bewang ng dalaga. Nakita ng binata ang pagkagulat sa mukha sa mukha ng dalaga pero hindi ito nagreact dahil lalo silang pagtitinginan kung gagawa siya ng maliit ng iskandalo.
Laking pasalamat ni Hayley ng inihatid sila ng waiter sa isang VIP room. Hinila ni Nico ang upuan para makaupo siya at pagkatapos ay iniabot ng waiter ang menu sa kanila ng makaupo na din si Nico. "What do you want?" Tanong ni Nico sa dalaga. "Fried Chicken Steak and a Zesty Quinoa Salad." Sagot ni Hayley na nakatingin sa waiter. "Yes, Ma'am!" Masiglang sagot ng waiter. "Roasted Salmon with Green Beans and Tomatoes and a Charred Shrimp and Avocado Salad for me." Sabi ni Nico pero nagtaka siya ng hindi sumagot ang waiter. Nang tiningnan ni Nico ang waiter ay gusto niyang batukan ito dahil kulang na lang ay tunawin nito si Hayley sa pagkakatitig dito. Hindi alam ng dalaga na nakatitig sa kanya ang waiter dahil busy siya sa kanyang phone. Nagtext siya kila Ashley at Lily na nasa labas siya para mga-lunch.
"Excuse me?" Inis na sabi ni Nico dahilan para tumingin sa kanya ang waiter pati na din si Hayley. "Did you hear me? Tanong ni Nico na ikinaputla ng mukha ng waiter. "I'm sorry, Sir." Hinging paumanhin ng waiter. Walang nagawa si Nico kungdi ulitin ang order niya. "That would be all." Seryosong sabi ni Nico.
"Pati ba naman waiter kailangan mong sungitan?" Tanong ni Hayley. "Kulang na lang ay hubaran ka niya kanina." Inis na sabi ni Nico. Natawa si Hayley sa itsura ni Nico. "May nakakatawa ba sa sinabi ko?" Tanong ni Nico. Kinuha ni Hayley ang phone niya saka kinunan ng picture si Nico. "Oh, tingnan mo itsura mo. Daig mo pa ang batang inagawan ng lolipop." Sabi ni Hayley. Sumimangot lang si Nico.
Maya-maya ay dinala na ng waiter ang mga orders nila kaya nag-umpisa na silang kumain. Nasa kalagitnaan na sila ng kanilang lunch ng parehong tumunog ang mga phone nila. "Check the internet." Text message mula kay Ashley at Dashiell. Sabay kumunot ang noo nila.
Nanlaki ang mata ni Hayley ng makita ang picture nila ni Nico sa Trending News sa internet. Tiningnan niya ng masama si Nico na parang walang pakialam sa nangyayari at pinagpatuloy lang ang pagkain. "This is the reason kung bakit ayokong kumain sa labas kasama ka." Inis na sabi ni Hayley. "Finish your meal first." Sabi ni Nico. "Already lost my appetite." Sagot ni Hayley. "Tatapusin mo ang pagkain mo o gusto mo na subuan pa kita?" Banta ni Nico pagkatapos ay nangiti siya ng pinagpatuloy ni Hayley ang pagkain.
Nang matapos nila ang lunch ay parehas silang tahimik. "Di ka lang pangmagazine at pangnewspaper ngayon, pang-internet na din ang beauty mo baka sa susunod ay nasa TV ka na din." Nakangising sabi ni Nico. "Look, kung sa'yo nakakatawa ito para sa akin ay hindi!" Tumayo na si Hayley at lalabas na dapat siya ng hilahin siya ni Nico. Nakita ng binata ang pangingilid ng luha ni Hayley at napamura siya sa sarili. Niyakap niya ang dalaga. "I'm just joking, sorry." Sabi ni Nico habang hinahagod niya ang likod ng dalaga. Tahimik ng umiyak si Hayley sa dibdib ng binata.
Nang maramdaman ni Nico na kalmado na si Hayley ay inilayo niya ito sa kanyang dibdib. Kita ng binata ang pamamaga ng mata ni Hayley at gusto niyang tadyakan ang sarili dahil siya ang dahilan ng pag-iyak nito. Inalalayan niya ang dalaga para makaupo at inabutan ng tubig. Kinuha niya ang phone at may tinawagan.
"Rod, have you seen the net?" Tanong ni Nico sa kausap sa phone. "Yeah, the woman is exquisite, dude. How did you find one like her?" Sabi ni Rod dahilan para mangiti si Nico. "She's one of a kind." Sagot ni Nico. "Yeah, I envy you. You wanna deal with it?" Tanong ni Rod. "Yeah, you know what to do." Sabi ni Nico. "Yeah, give me a minute." Sabi ni Rod at tinapos na ang pag-uusap nilang dalawa.
Tumabi si Nico kay Hayley na humihikbi pa din. Inakbayan niya ang dalaga at natuwa siya ng hindi ito nagreklamo. Isinandal ni Hayley ang ulo sa dibdib ng binata. Nakakaramdan ang dalaga ng katahimikan sa pagkakalapit nilang dalawa. Biglang tumunog ang phone ni Hayley.
"Yes, Tito Leo." Sabi ni Hayley sa kabilang linya. "Are you okay, bunso?" Nag-aalalang tanong ni Leo. "Yes, Tito." Sagot ni Hayley. "You're with Nico right now?" Tanong ni Leo. "Yes, Tito." Sagot ni Hayley. "Don't worry, he will do everything to keep you away from them." Sabi ni Leo. "Okay, Tito." Sagot ni Hayley pagkatapos ay naputol na ang linya.
"Let's go?" Tanong ni Nico at tumango si Hayley. Paglabas nila sa VIP room ay nakita ni Hayley ang mga reporters sa labas ng restaurant. Napahigpit ang hawak niya sa braso ni Nico at naramdaman ng binata iyon kaya muli niyang hinapit ang bewang ng dalaga. Nagulat si Hayley ng hindi sila sa main door ng restaurant lalabas kungdi sa back door nito. At napansin din niya ang mga lalaking nakaitim na nakabantay sa kanilang dalawa hanggang sa makalabas sila ng restaurant. Paglabas nila ay nakita ni Hayley ang Hummer ni Nico na nag-iintay na sa kanila. "Paano yung sasakyan ko?" Tanong ni Hayley. "Sila na ang bahala doon." Sabi ni Nico sabay abot ng susi ng FJ niya sa isa sa mga nakaitim na lalaki. Inalalayan siya ni Nico na makasakay at saka ito umikot sa driver's seat. "Saan tayo pupunta?" Tanong ni Hayley. "Sa Kleid unless, my gusto kang puntahang iba?" Nakangiting sabi ni Nico. "Yung mga reporters?" Tanong ni Hayley. "Don't worry, walang reporter sa Kleid. Akala kasi nila nasa loob pa tayo ng restuarant." Sabi ni Nico. "Okay..." Matamlay na sabi ni Hayley. "Wala na 'yung picture natin sa net. You can check it if you want." Sabi ni Nico at ganoon nga ang ginawa ni Hayley.
Tumingin siya kay Nico na hindi makapaniwala. "How did you do it?" Takang tanong ni Hayley. "I have Rod, he's an IT expert." Sabi ni Nico. "Thank you." Sabi ni Hayley. "I'm sorry, that was a bad joke." Sabi ni Nico. "Sorry din." Sabi ni Hayley. "For what?" Takang tanong ni Nico. "For wetting your shirt." Natawa si Nico sa sinabi ni Hayley.