ดาวน์โหลดแอป
70% The So-Called "Ex" / Chapter 14: TSCE: The Two Timer!

บท 14: TSCE: The Two Timer!

***

Kinabahan ulit ako.

Naririnig ko na ang halakhak ni Buns, ang mga kantyaw ni Raw, at ang tawa ni Evo. Hindi pa rin talaga nagbabago ang lahat. Sila pa rin ang matatalik kong mga kaibigan.

Honestly, kahit papaano'y na-mimiss ko 'yong mga araw na parati ko silang kasama. Humiwalay lang ako sa grupo mula nung napagpasyahan kong mag-focus muna ng husto sa aking pag-aaral.

Maliban do'n ay pinili kong umiwas muna kay Evo dahil sa ginawa niya kay Merlyn at sa akin. Napakasama ko na sigurong kaibigan sa tingin ni Evo kung iisipin niya ngayon na ipinagpalit ko ang pagkakaibigan namin sa isang kagaya ni Merlyn na isang estrangherong babae lamang na minsan ay naging parte ng kanyang buhay.

Subalit para sa akin ay hindi iyon ganoon ka-simpleng bagay lamang upang hindi mapagbigyan ng halaga, sapagkat tao rin si Merlyn, may damdamin at nasasaktan katulad ko.

Ano ang pinakamabigat kong dahilan upang kampihan si Merlyn sa ganitong sitwasyon? 'Yun ay dahil biktima lamang siya ng isang huwad na pag-ibig mula sa isang taong hindi naman talaga siya sineryoso umpisa pa man. Kagaya ko, sineryoso ba din kaya ako noon ni Jemmi? Dahil kung ako ang tatanungin ay buong-buo ang sagot ko na "Oo, sineryoso ko siya ng husto noon, hindi nga lang sinuklian!"

Pagkuwa'y nahagip ng aking paningin si Evo habang sweet na sweet sila sa isa't-isa nung babaeng kaakbay niya habang may inoorder sila sa may counter ng coffee shop.

"Alam ba nung babaeng pinili ni Evo na habang "in a relationship" silang dalawa ay namamangka naman sa dalawang ilog ang boyfriend niya?" ang biglang pakli ni Merlyn sa akin.

Nagulat ako ng husto sa biglaan niyang pagtatanong na iyon.

"H-Ha?" Na-mental block tuloy ako.

Huminga siya ng malalim, at ngumiti ng tipid sa akin.

"Lumilipad na naman 'yang isipan mo. Ganyan talaga kayong mga lalaki---" ang alam ko ay may nais pa sana siyang sabihin ngunit ay hindi na niya itinuloy. At muling nabalot ng lungkot ang mukha niya.

"P-Pasensya ka na---"

"Gusto ko lang namang malaman kung alam ba nung babaeng pinili ni Evo na of all this time ay tino-two time pala kami ng walang hiyang lalake na iyon?" ang tono ng pagsasalita niya sa pagkakataong iyon ay may halo nang galit.

Hindi ko alam kung papaano sasagutin ang tanong niya. Hindi na rin ako mapakali mula sa aking kinauupuan.

"Oh! Si Jeyson 'yun ah!" hanggang sa nadinig ko ang pagtawag ni Buns sa akin.

"Uy, oo nga! Hey, Jeyson!" ang agaw-pansin naman sa akin ni Raw.

At nung ibaling ko ang aking pansin ay naglalakad na sila papunta sa kinaroroonan ko.

"Hey bro, 'andito ka lang pala." Buns said, at kanyang marahan na tinapik ang balikat ko.

Tila naudlot ang nais sanang sabihin ni Raw nung nakita niya si Merlyn. Nagkatinginan sila sa isa't-isa ni Buns.

"Ano ang ginagawa ninyo rito?" ako ang nag-abot ng tanong.

"Actually, papunta sana kami ng mall ngayon. Kaya lang, nagyaya kasi s-si... si... si Evo na subukan muna namin ang mag-kape rito dahil sa malamig ang panahon dulot ng wala pa ring tigil na pagulan. Kaya ayun..." Nag-aalinlangan ng husto si Raw na banggitin niya ang pangalan ni Evo.

Napansin ko ang marahang paglapit ni Evo sa kinaroroonan namin.

"So, nagdi-date na pala kayo?" ang pang-aasar niya.

Dahan-dahan ay bumaling papunta sa papalapit na si Evo ang kasama kong si Merlyn. Tatayo na sana siya nang hinawakan kong bigla ang kanyang kamay. Bakas sa kanyang mga mata ang matinding galit na kanyang nararamdaman.

"Take it easy..." ang bulong ko sa kanya.

"Nice one bro'..." patuloy pa din si Evo sa kanyang pang-aasar sa akin. "Hi. You're becoming prettier and prettier habang tumatagal, huh!" sa pagkakataong iyon ay kay Merlyn naman. "Naniniwala na talaga ako na ganyan daw ang nangyayari kapag nakapag-move on na ang isang babae, right? Tss.. Sayang, sana ay hindi na kita pinakawalan pa nang---"

SLAP!

Nagulat na lang kaming lahat nang biglang supalpalin ng isang malakas na sampal ni Merlyn si Evo, kung kaya naman ay hindi na naituloy ni Evo ang kanya sanang sasabihin.

Napahawak si Evo sa kanyang pisngi. At gulat at galit na galit na napabaling siya kay Merlyn.

"What the? Why did you do that?"

"Masasagot mo din ang sarili mong katanungan. Kulang pa 'yan sa lahat ng panlolokong ginawa mo sa akin. At sa iba pang babaeng mabibiktima mo!" ang sabi ni Merlyn at bumaling siya ng tingin sa kasamang babae ni Evo na noo'y nagulat din ng husto sa kanyang ginawa.

This time ay hindi na napigilan ng kanyang mga luha ang pumatak mula sa kanyang mga mata. Hindi na niya marahil nakayanan ang bigat ng kalooban na kanyang nararamdaman. Kaagad niya rin namang pinahid ang kanyang mga luha gamit ang likod ng kanyang palad. At natanaw ko ang ngiti sa kanyang mga labi sa kabila ng pag-iyak niya. Batid ko ang katapangan na kanyang ipinapakita.

"Hindi ko alam kung saan ka humuhugot ng ganyang katarantaduhan upang patuloy ka pa ring makapanakit!" aniya pa.

"Babe, okay ka lang ba? Ano ba ang pinagsasasabi niya? Sino siya?" ang tanong nung babaeng kasama ni Evo.

Hinihimas pa rin ni Evo ang nasampal niyang pisngi, ngunit ay hindi siya nagbitaw ng anumang salita.

Samantala ay kinilatis naman ni Merlyn mula ulo hanggang paa ang babaeng iyon.

"Ngayon ay alam ko na. Alam ko na kung saan ka humuhugot ng lakas ng loob para gawin ito sa akin. Kompyansa ka na mawalan ka man ng isa ay may pampalit ka namang iba. Kung hindi mo dinadalawa, hindi ko lang alam kung baka tinatatlo mo pa!" ang matapang na sambit ni Merlyn.

"Babe, what is this girl's talking about?" the girl insisted to ask.

Nanatiling tahimik muna si Evo. Malamang ay naglalaro pa sa isipan niya ang kung ano ang kanyang sunod na sasabihin.

"Miss, hindi mo pa ba alam ang tunay na baho nitong jowa mo?" ang natatawang sabi ni Merlyn.

"Shut up..." Evo calmly warned.

"Why should I? Sana ay magising ka sa katotohanan sa sasabihin ko sa'yo..."

"I'm warning you..." Evo muttered.

"Ang boyfriend mo ay mahilig mamangka sa dalawang ilog. Hindi marunong makontento sa isa lang. Kaya mag-iingat ka dahil baka hindi mo lang alam kung pang-ilan ka na sa mga naging "extra" niya... pang-apat? Pang-lima?"

"I said, SHUT UP!" this time ay lumakas at tumaas na ang boses ni Evo nang barahin niya si Merlyn.

"Explain all of these to me, babe." Ang naguguluhan na wika ng babae.

"Okay, fine-fine!" Hinarap ito ni Evo. "Ikaw ang pang-lima!" ang nakakagimbal niyang rebelasyon. "That's all. Now, if nasaktan kita, go ahead and that door is wide open. I'M BREAKING UP WITH YOU!"

What? Lintik 'tong si Evo! Alam ba niya ang pinaggagagawa niya? Talaga nga namang pinaglalaruan lamang niya ang damdamin ng lahat ng babaeng nagiging girlfriend niya. Para lamang siyang nagbibihis ng damit eh.

Na-stun at na-speechless ang babae. Hanggang sa pumatak ang mga luha sa gilid ng kanyang mga mata. At...

SLAP!

Nakatikim ulit ng isang sampal si Evo mula sa babaeng iyon. At saka humahagulgol ito ng iyak at patakbong umalis.

Nagulat ang lahat sa nangyari.

Nagtapon si Evo ng masamang tingin sa aming lahat na naroon. At pagkuwa'y dali-dali rin siyang napatakbo palabas at paalis sa lugar na iyon.

"E-Evo, Evo wait!" ang sigaw na pigil ni Raw.

Sinundan naman siya kaagad ng iba pa aming mga kaibigan.

***


Load failed, please RETRY

สถานะพลังงานรายสัปดาห์

Rank -- การจัดอันดับด้วยพลัง
Stone -- หินพลัง

ป้ายปลดล็อกตอน

สารบัญ

ตัวเลือกแสดง

พื้นหลัง

แบบอักษร

ขนาด

ความคิดเห็นต่อตอน

เขียนรีวิว สถานะการอ่าน: C14
ไม่สามารถโพสต์ได้ กรุณาลองใหม่อีกครั้ง
  • คุณภาพงานเขียน
  • ความเสถียรของการอัปเดต
  • การดำเนินเรื่อง
  • กาสร้างตัวละคร
  • พื้นหลังโลก

คะแนนรวม 0.0

รีวิวโพสต์สําเร็จ! อ่านรีวิวเพิ่มเติม
โหวตด้วย Power Stone
Rank NO.-- การจัดอันดับพลัง
Stone -- หินพลัง
รายงานเนื้อหาที่ไม่เหมาะสม
เคล็ดลับข้อผิดพลาด

รายงานการล่วงละเมิด

ความคิดเห็นย่อหน้า

เข้า สู่ ระบบ