Chapter 8: Meddle and Mess
Haley's Point of View
Kalahating oras na akong naglalakad para maghanap ng pwedeng makakainan. Dumiretsyo na ako sa market kanina pero dahil sa sobrang dami nung tao, hindi na ako tumuloy at naghanap na lang ng iba pang makakainan. Sa totoo lang, noon wala namang problema sa akin kumaing mag-isa pero dahil siguro nasanay akong kasama sila Kei, parang nalulungkot ako nang kaunti.
Hahh… Kung kailan naman college na 'ko saka ako makakaramdam ng ganito.
Naglabas ako ng hangin sa ilong at tumingala. "Hindi bale, masasanay rin naman ako." Sabi ko sa sarili ko kasi hindi ko rin naman sigurado kung makakasama ko sila Jasper lalo na't dalawang araw lang naman talaga kami magsasama sa iisang classroom dahil sa subject namin. Who knows kung magkakaroon pa siya ng ibang grupo.
Si Reed naman, well I don't know actually.
Napahinto ako sa paglalakad nang ma-realize ko mga pinag-iiisip ko.
Teka nga, bakit naman ang nega ko? Ito ba effect ng pagiging malungkot?
Sinampal ako ang magkabilaan kong pisngi ng dalawa kong kamay. Get a grip of yourself. You'll be fine!
Hindi naman pwedeng magkakasama kayo palagi. May sari-sarili kayong buhay!
Bumuntong-hininga ako at muling naglakad, kumanan ako para dumaan sa mala-eskenita nang makita ko sa hindi kalayuan si Claire kaya imbes na tumuloy ako ay bumalik ako't nagtago. Sumilip para makita kung sino ang mga kasama niya.
At sa pangalawang pagkakataon, may tatlong lalaki nanaman ang nakapalibot sa kanya. Hindi naman halatang lapitin din siya ng gulo, ano?
"Akala mo ba hindi namin nakakalimutan 'yung ginawa ng mga bata mo sa'min, ha?!"
Walang gana akong napatingin sa mga lalaking iyon. Yikes… Mukhang gulo nga 'to. Sumandal ako sa pader at nagbuga ng hininga. Reminds me of the old me.
The guy grabbed Claire's collar at inilapit sa kanya. "Mapapatawad namin 'yang mga players n'yo sa pananapak sa co-team namin pero sabihin mo diyan kay Kenji na umalis sa inyo at bumalik sa 'min. Huwag niyang sirain 'yang pangako niya."
Nagsalubong ang kilay ni Claire. "Your team was the one who told him to leave, kaya bakit siya babalik sa inyo?"
"Wala kang alam babae ka, ah?!" Sigaw ng lalaking nakahawak sa kwelyo ni Claire samantalang nanonood pa rin ako.
"Huh? Kasalanan ko ba na wala rin kayong alam sa tactics na binibigay niya sa inyo kaya ang dali n'yong sumuko at sabihan siyang 'wag ng mag coaching?" Namilog ang mata ko dahil sa paraan ng pagsasalita niya dahil sa sobrang lamig. "You guys went to talk to the principal to make him quit, some of you also began boycotting practices."
If she talks any further, she is seriously dead.
Tinakpan ko 'yung mukha ko. Ayoko na talaga! I'm trying to avoid this kind of situation pero kusa silang lumalapit! Hindi direkta sa akin pero sa ibang tao.
Eh, alangan namang pabayaan ko siya?
"And you called yourself a player?" Umismid si Claire. "Are you pathetically serious?" Dagdag ni Claire kaya dahil doon ay malakas siyang tinulak ng lalaki papunta sa pader at balak sanang upakan ito nang hawakan ng dalawa niyang kasama ang pulso nito upang awatin.
"Arwin 'tol, tama na. Mapapahamak tayo sa gagawin natin."
Napahilamos ako sa mukha ko. Ganito nga siguro ang epekto kapagka masyadong matalim 'yung dila mo. Talagang mas mapapahamak ka.
"Kung hindi lang talaga sa mga kasama ko, sinapak na kita, eh!" Nanggagalaiti na pananakot nung lalaki na siyang medyo nagparamdam sa akin ng kakaibang inis.
"Dinamay mo pa talaga 'yung mga kasama mo? Eh, bakla ka naman." Pagkahamon pa lang ni Claire niyon, hindi na nakapagpigil 'yung kumukwelyo sa kanya at sinikmuraan siya na siya dahilan para mapaupo siya sa simento at umubo-ubo.
Huminga ako nang malalim at tumingala sandali. "Mama, last na pagkakasala ko na talaga 'to." Bulong ko at lumabas na nga sa lugar na pinagtataguan ko.
Lumakad ako palapit sa kanila kaya napatingin 'yung tatlong lalaki samantalang nanatili lamang na nakatungo si Claire pero tinitingnan ako gamit ang gilid ng kanyang mata.
"M-May nakakita sa'tin." Natatarantang sabi nung isa.
"A-Ano'ng gagawin natin?" Tulad nung una, natatakot din itong isa subalit binigyan lang ako ng masamang tingin nung nag kwelyo kay Claire at humarap sa akin.
"Sino ka?" Sigang tanong nito sa akin hanggang sa makarating ako sa mismong harapan niya't huminto. Hahh… Nanlalamig 'yung kamay ko.
Tumingala ako sa kanya kasi ang tangkad din ng lalaking ito. "Bakit mo 'ko tinatanong kung sino ako? Eh, dadaan lang naman ako?"
He clicked his tongue. "Huwag mo 'kong niloloko, ah? Nakita mo 'yung ginawa ko," Hinablot niya 'yung kwelyo ko at inilapit ako sa kanya. "Kapag nagsalita ka, humanda ka talaga sa akin"
Hindi ako umimik at nakipagsukatan lamang ng tingin sa kanya. Huminga ulit ako nang malalim para maiwasan ang pagsabog. Baka tulad ng iba, baka matanggalan ko lang 'to ng ngipin at balikan ako. Kaya ano ba'ng dapat na gawin sa mga ganitong sitwasyon? Kung wala kasi akong gagawin, baka balik-balikan nila si Claire and worse, mas malala pa ang gawin nila rito sa blockmate ko na 'to.
Wala na nga dapat akong pakielam pero ang dali ko na kasing makaramdam ng simpatya. Iba talaga naging impact sa akin nang dumating 'yung mga kaibigan kong iyon. Pero alam ko na 'di lang ako. Gagawin din nung limang iyon ang gagawin ko ngayon kapag na sa sitwasyon nila ako.
"Hoy, ikaw." Tawag ko sa nakahawak sa kwelyo ko ngayon kaya tumaas ang kilay niya. "Hindi mo ba alam may pulis na sa likod n'yo?" Ngiti kong tanong kaya binitawan niya kaagad ako at humarap sa likod niya gayun din ang mga kasama niya.
"Nasaan?!" Natataranta niyang tanong pero noong ma-realize niyang nauto siya ay galit silang napalingon sa akin.
Samantalang nagkibit-balikat naman ako. "Joke lang. Uto-uto naman kayo." Pang-aasar ko saka inangat nung lalaki ang kanyang kamao para sapakin ako.
Ito talaga ang hinihintay ko. Ang mauna siyang manapak.
Handa na sana akong makipagsabayan sa kanya pero may humawak sa pulso nung sasapak sana sa akin kaya hindi natuloy ang akma nitong pananapak. Pareho kaming napatingin doon. At sa hindi inaasahan, laking gulat ko nang makita ko 'yung mga lalaki na pinabagsak ko roon sa may terminal nung nakaraan na nakita namin si Claire.
Bakit nandito 'tong limang 'to?!
Suminghap ang lalaki at napaatras kasama ang dalawa niyang kasama.
Masama ang tingin nung kararating na grupo sa tatlo. "Ano'ng ginagawa n'yo sa mga babaeng 'to, huh?!" Maangas na tanong nito kaya napalunok ang tatlo.
"Baka hindi n'yo alam?" Tinuro ako ng lalaking nakaitim na sando. Eh, sa hindi ko alam kung ano ang pangalan niya, eh. Pero parang siya 'yung nagle-lead sa kanilang lima. "Boss namin 'to." Tukoy sa akin kaya ako naman itong muling napatingala.
Boss?
"Kapag hinawakan n'yo sila, kayo ang humanda sa 'min." Dagdag pananakot nito.
Hindi na nakapalag 'yung nang-aaway kay Claire at sumuko na lang na umalis.
Sumunod lang 'yung tingin namin hanggang sa ibalik ko ang tingin sa limang lalaking ito. "Ano'ng ginagawa rito ng so-called hari ng kalsada?"
"Hinahanap hanap ka talaga namin." Sagot sa akin nung na sa kanan nang hindi ako tinitingnan.
Tinaasan ko sila ng kilay. "Ha?" Taka kong reaksiyon. Na sa gitna pa rin ba ako ng gulo?
Lumingon silang lima sa akin at tila parang aso na pumunta sa harapan ko upang lumuhod. Eh?
"We're so moved, you know?! Wala pang nakakagawa niyon sa amin!"
"Ang cool noong pinabagsak mo kami!"
"Hayaan mo kaming mag serve sa'yo, Boss!"
"One call away lang kami kapag kailangan mo ng tulong namin!"
"Kaya exchange number boss!"
Nakababa't weird na weird kung tingnan ko sila kaya halos mangiyak 'yung nakaitim na sando dahil sa reaksiyon ko. "Bakit parang diring diri ka sa amin, Boss?!" Hindi makapaniwalang tanong nito sa akin.
Umiwas lang ako ng tingin. "Ah… Hindi, hindi naman sa ganoon."
Tumingin ako sa kung saan. Kailan pa ako naging boss ng sigang grupo?
Ibinalik ko ang tingin sa kanila at nagpameywang. "I have no idea what's this all about, pero hindi ba't may kailangan pa kayong hingan ng sorry pagkatapos n'yong mambully?" Tanong ko kaya napatingin sila kay Claire na nakatayo na't hawak ang sikmura niya.
Tumayo silang lima at dali-daling pinuntahan si Claire para lumuhod. Yumuko rin sila na kulang na lang ay halikan ang simento. "We're sorry! We're not going to do it again!"
"If you want, we will like… You know? Clean your backyard!"
"W are…ahm… Brush brush the leaves, you know?"
"Nakakahiya ka, p're. Huwag ka na ngang mag english."
"Baka kasi 'di niya ako maintindihan."
Bulong nung dalawa habang nakatingin lang si Claire sa kanila. Humawak si Claire sa braso niya. "Marunong akong mag tagalog."
Pinaltukan nung nakaitim na sando 'yung katabi niya. "Potangina mo, nagtatagalog naman pala!"
"Bakit ako kinotongan mo?!"
Inangat na nilang lima ang mga ulo nila. "P-Pasensiya ka na sa ginawa namin. Masyado lang kaming naging mayabang, kung pagbibigyan mo kami sa isa pang pagkakataon na makabawi, gagawin namin. Patawad." At nag bow siya na sinunod lang nung apat. "Pwede ka ba naming maging kaibigan?" Sabay-sabay nilang tanong.
Nakaawang-bibig lang si Claire nang itikum niya. "Wala akong gusto na ipagawa sa inyo. Ayoko lang na makita kayo ulit."
Inangat ng nakaitim na sando ang ulo niya para makita si Claire. "P-Pero--" Pinutol siya ni Claire.
Tumagilid ito ng tayo. "I just don't like the idea of being friends with all of you, and I don't think we can get along." Lumingon sa akin si Claire. "Hindi ko rin alam kung bakit palagi mo 'kong tinutulungan pero salamat. I really do appreciate it." Pagtango niya. "Kailangan ko na ring mauna." Paalam niya at kinuha ang bag na nasa simento saka siya naglakad paalis.
Ibinalik ko naman ang tingin sa lima. "Mauuna na rin ako dahil hindi pa ako kumakain." Tumalikod ako at inayos ang pagkakasabit ng strap nung aking bag. "Siguraduhin niyong wala na kayong bubully-hin, ah?" Sabay lingon sa kanila. Nakatayo na silang lima at nakatayo nang tuwid.
"Pangako, boss! Hinding hindi na!" Pagtango nung nakaitim na sando. "Ahm, pwede bago ka umalis. Makuha namin pangalan mo, Boss?" Tanong nito kaya bumuka ang bibig ko.
Tumagilid ako nang kaunti para makita sila nang maayos. "Haley." Banggit ko sa pangalan ko at nginitian sila. "Haley Miles Rouge. Tandaan n'yo 'yang pangalan na 'yan."
*****