CHAPTER 3
Matapos kumain ay agad kong naisipang maglakad-lakad muna sa dalampasigan. Kasalukuyang nasa isang parte iyon ng isla na mga VIP's lang ang nakakapasok kaya kaonti lang ang mga taong naroroon.
*"You can stay here if you want, may mga available rooms pa naman kahit padagsa-dagsa na ang mga turista, 'di ba Achi?" Ani Paris na kinindatan pa ang kapatid bago paman ito makapag-react.
"Y-Yes." -Achi
"Since you'll gonna be part of the investigation, you're a special guest kaya you can stay at the VIP's area."
"Paris, I think it's too much!" Angal ng isang lalaki.
"A-Ah oo nga naman, Sir Pari--!"
"Just call me Paris. Anyway, mauna na ako sa inyo. I have a lot of things to do. Achi, please take good care of our special guest, okay?" Anito at tumalikod na.
"Hey!--- this is my company, Paris. Ako ang masusunod dito, hindi----!"
"Do what you want, as I've said she's a special guest kaya take care of her!" Kumaway lang ito patalikod hanggang sa tuluyan na itong nawala.
"Ughh! He's a total evil!" Naiinis na naibulalas iyon ni Achi Montevilla."*
"Ang bait talaga ni Paris, hindi katulad no'ng isang kumag na 'yon! Napaka-hambog! Hindi man lang nakapag-sorry sa mga nasabi niya sa simbahan! Tinawag niya pang evil si Paris, eh siya nga itong masama ang ugali.. Tsk! Tsk!" Naiinis kong sabi habang napapasipa sa mga mapuputi at pinong buhangin. Natigilan lang ako ng bigla akong may naalala.
"Naku! C Titang!" Napapakapa sa bulsa. "Saan ko ba 'yon nailagay? Nakuuu...baka naiwan ko sa 'yon sa loob ng office niya."
Agad akong napatakbo pabalik sa hotel.
Pahangos-hangos ako ng makarating sa harap ng office, paano'y nasa bahaging dulo na iyon ng gusali. Marahan kong binuksan ang pinto pero ang sekretarya nya lang ang naabutan ko.
"Yes Ma'am?" Anas nito.
"Nasaan ba ang boss mo?"
"Ahh si Sir Achi? Wala siya rito, kapagka ganitong oras nagri-relax siya sa penthouse niya."
"P-Penthouse?"
"Oho, malapit lang naman, paglabas mo nitong office sa may bandang kanan makikita mo sa dulo ang isang hagdan, nasa itaas na no'n ang penthouse."
"O-Okay lang ba akong pumunta ro'n?"
"Oho, bisita naman kayo ni Sir Achi."
"Ahh sige salamat."
Hindi pa nagtagal ay nasa harapan na ako ng penthouse. Mailang-ulit kong kinatok ang pinto ngunit walang sumagot. Sinubukan kong buksan iyon kahit may password, suwerte namang bumukas.
"Ayos rin siya ha, in fairness ang linis-linis ng penthouse at ang laki pa!" Naibulalas ko ng makapasok ako sa loob. Napalinga-linga ako sa paligid, tahimik ro'n mula sa bintana ay tanaw na tanaw mo ang napakagandang view pati narin sa kabilang isla.
"Ang ganda naman rito!" Namimilog ang mga mata na naibulalas ko. Mayamaya pa'y narinig ko na ang ringtone ng cellphone ko. Agad kong hinanap ang kinalalagyan nito.
"Saan na ba 'yon?" Hindi nagtagal ay nakita ko ang cellphone nakalagay iyon sa coat na isinuot ng binata na nasa kama.
"Naku naka-ilang missed call na nga si Tita Mara, pati c Mj!" Narinig ko ang pagpihit ng pinto mula sa banyo... Agad ako naghanap ng matataguan ...
Pataghoy-taghoy ang binata habang pinapatuyo sa isang tuwalya ang buhok, nakatapis lang rin ng tuwalya ang ibabang bahagi ng katawan nito.
"Naku! Malapit na yata siya..." Bulong ko sa isipan, napasilip ako sa nakaawang na bahagi ng cabinet. There I saw him, standing near the master's bedroom, he was half-naked. Kitang-kita ng dalawang mata ko ang malabatong angkin ng kanyang katawan. Napailing ako sa mga naiisip ko. "Lalapit ba siya?" Anas ko ng mapansin ang paglingon nya sa cabinet na pinagtataguan ko. Agad kong pinigilan ang hawakan ng cabinet ng marinig ang palapit na mga yabag ng paa.
"No!..no... Huwag kang lalapit! Huwag.." Anas ko sa pabulong na paraan.
"What to wear? Hmm..." Ani Achi na akmang bubuksan na ang cabinet. Nagtaka pa ito ng hindi mabukas 'yon.
"Ba't ayaw bumukas? Hindi naman ito naka-locked?" Sinubukan niya uling buksan pero ayaw parin. "Damn!" Binitawan nito ang ang hawakan ng cabinet at tatalikod na sana ngunit may narinig siyang tunog ng cellphone mula sa loob. Kunot-noong napatitig siya sa cabinet. "Sino ka? Lumabas ka sa cabinet ko kung gusto mo pang mabuhay!" Galit ang boses na bulalas nito dahilan para kabahan ang dalaga. "Isa!... dalawa!...ayaw mo talaga ah, TATLO!" Pagkasabi no'n ay tumambad sa kanya ang mukha ni Sandy. Nakapikit ito habang nakataas ang kamay.
"What the---?!! Ikaw?!!" Namumula ang ang mukha nitong nakatingin sa dalagang wala paring imik. "What are you doing here inside my room? Ha? Are you a spy or something?!!" Nanatili paring nakapikit ang dalaga at hindi gumagalaw pero halatang kinakabahan ito. "Hindi ka ba magsasalita ha? Hoy---!" Natigilan ito ng biglang tumakbo palabas ng cabinet ang dalaga malas lang nito't nasukamod sa makintab na sahig.
"'Pag minamalas nga naman,ano?!" Nasabi ng dalaga sa isipan.
"Damn this woman! Tumayo ka nga diyan para kang bata!" Anito na nakapameywang, halatang pigil lang nito ang pagtawa.
"A-Ayoko! D-D--Dit-to lang ako!"
Utal-utal nasabi ni Sandy habang nanginginig na sa sobrang kaba.
"Sira ka ba ha? Teyka, siguro sinadya mong iwan ang cp mo ano? Para masundan mo ako! Pinagnanasaan mo ba ako? Ha?" Agad napabalikwas ng bangon ang dalaga sa narinig.
"Hoy! Galunggong na kumag na may sampung sungay ng kalabaw ! Pinalaki ako ng maayos ng tiyahin ko! At kahit may abs ka, kahit ikaw nalang ang natitirang lalaki dito sa mundo hinding-hindi ko pagnanasaan 'yang katawan mo!" Anito pagkuwan ay inayos nito ang sarili.
"Talaga? Sigurado ka?" Anas ng binatilyo na unti-unti ng lumalapit patungo sa kinatatayuan ng dalaga.
"O-Oo! T-Teyka! H-Huwag kang lalapit kundi makakatikim ka talaga sa'kin!"
"Alam mo bang hindi ako namimili ng hitsura? Alam mo bang wala akong standard pagdating sa babae ha?"
"Naku! Patawarin ako ng Diyos kapag nakalapit ka na!"
"Binabalaan mo ba ako, Miss Pagan?" Anito na ngumiti ng pilyo, tuluyan na itong nakalapit sa dalaga.
"God, forgive me!" Anas ng dalaga
"Bibilang ako ng tatlo kapag hindi ka pa tumakbo talagang haha------Awhhhhhhhhhppp!" Hindi paman ito nakapagsalita ng tapos ay isang malakas na sipa ang pinakawalan ng dalaga sa ibabang bahagi ng katawan nito dahilan para mapaigpit ito sa sobrang sakit.
"Oh, shit! D-Damn you!" Akma pa sana itong lalapit pero mabilis na tumakbo ang dalaga palabas. "Ughh! Shit! I'll kill you!!!!!!!!!"