ดาวน์โหลดแอป
87.59% FLOWER OF LOVE / Chapter 113: UNINVITED CLIENT

บท 113: UNINVITED CLIENT

Almost nine nang umaga. Iyon ang muling meeting ng sampung mga kliyenteng umurong na pumirma ng kontrata.

Nasa loob na ng nirentahang silid sa isang hotel sa Makati sina Dix at Lemuel, ginawang meeting room ang silid na 'yon, may meeting table at 12 chairs sa palibot niyon. Nasa pinaka-head chair si Dix at sa unahang hanay naman ng mga upuan nakaupo si Lemuel, sa harap nito ay ilang patong na construction catalogues at contracts na nagpaka-folder.

Kapwa na nila inihanda ang sarili sa lahat ng sasabihin at paraan ng pakikipag-deal nila sa mga kliyente gamit ang construction catalogue na pinagawa ni Lemuel at nasa walong unang mga pahina ang mga gawa ni Devon nang isa-isang magsidatingan ang mga kliyente at nagsiupo sa mga bakanteng silya sa palibot ng mesa.

Umorder agad sila ng snack para sa lahat at nang makakain ay saka nila sinimulan ang meeting.

Ito ang unang beses na makikipagdeal si Dix sa mga kliyente bilang acting CEO ng FOL Builders Inc. Kinakabahan siya, oo. Dati, mas gusto niyang ginagaya ang paraan ng pakikipag-usap ni Dixal sa mga kliyente. Minsan pa nga, nagkukunwari siyang ito para magtiwala sa kanya ang mga client dahil aminin man niya o hindi, malakas ang hatak ni Dixal sa mga tao at magaling ito makipag-sales talk.

Napapirma nga nito ng kontrata ang kilala ngunit metikulusong business tycoon sa Cavite na si Mr. De Ocampo nang walang isang oras na sales talk. Kung pa'no nito ginawa, 'yon ang gusto niyang alamin.

Subalit ngayon, kalilimutan niya ang mga dating ginagawa. Gusto niyang makilala ng lahat na may kakambal si Dixal Amorillo na kasing galing nito sa pakikipag-sales talk at pagpapapirma ng kontrata, hindi lang isa, kundi sampu. Kung paano niyang magagawa 'yon, let the heaven decide pero kailangan din niyang magtiwala sa sarili niyang kakayahan. If his brother can, why can't he? Ayaw niya nang makipagkompitensya kay Dixal. Gusto niyang gumawa ng sarili niyang pangalan bilang si Dix Amorillo.

Sinimulan niya ang meeting with a face not so cold but not too aloof. Iyong siyang siya talaga, 'yong laging nakangiti ang mga mata, at laging may bakas ng approachable face sa kanya, hindi tulad ni Dixal na tahimik at madalas manuri ang mga titig sa tao.

"Good morning everyone. I'm Mr. Dix Amorillo, Mr. Dixal Amorillo's twin brother and I'm here to make a deal with you. Nalaman kong umurong na kayo sa pagpirma ng kontrata but I thought you just misunderstood some things about FOL Builders Inc. Maybe you can give us another try in convincing you to sign a contract with us," confident na simula niya, no bluffering, no stammering, he just said what his mind is telling him. He knows he can do it.

Tumango si Lemuel na nakaupo sa tabi niya bilang pagsang-ayon sa sinabi niya.

Nagtinginan sa mga katabi ang bawat kliyente at ang isa'y ngumiti nang matabang.

"I dont agree with your style of calling for a meeting, Mr. Dix Amorillo. This should be a one on one meeting since everyone of us are unfamiliar with each other. We're not shareholders, neither board of directors in your company. With that fact alone, bagsak ka na sa'kin," lantarang pagkadisgusto ng isang kliyente.

Kinabahan na siya agad lalo nang makita sa mukha ng iba pa ang pagsang-ayon sa sinabi ng isa.

"I dont think you can make me sign for a contract. You should be more cautious in dealing with your clients' interests and dislikes, idagdag pang umurong na ako sa pagpirma ng kontrata. Hangga't hindi si Mr. Dixal Amorillo ang pupunta rito para magpapirma, hindi mo ako mapipilit kahit ano pang sabihin mo," pagmamatigas nito.

Isang matamis lang na ngiti ang kanyang isinagot, pilit ikinubli ang kabang nararamdaman.

Subalit kung kelan sasagot na siya ay saka naman biglang pumasok ang isang kliyenteng wala sa listahan nila, pang labing-isang kliyente.

Nagkatinginan sila ni Lemuel, nag-usap ang mga mata.

"Kilala mo ang lalaking 'yan?" tanong ng kanyang mga mata sa kasama.

Umiling ito.

Pero walang makikitang kahina-hinala sa lalaking naka-office suit at may leather attache case pang dala na tila lawyer.

"I'm sorry for being late. I'm here on behalf of my employer," kampante nitong wika at inignora ang mga tingin ng mga naruon.

"Mr. Dix Amorillo, can I have a copy of your catalogue? I think you should distribute it to us," anito.

"I was about to distribute them when you came, Mr.---" sagot niya at sinenyasan si Lemuel na ipamigay na ang mga catalogue sa bawat kliyente, sumunod naman ito agad.

"I'm Mr. Wilfred De Guzman, lawyer of Miss. Elizabeth Randall," pakilala ng lalaki.

Napakunut-noo siya at napatitig kay Lemuel. Wala naman itong sinasabing may isa pa palang kliyente na hindi nakasulat ang pangalan sa infos na ibinigay nito sa kanya.

Nagkibit- balikat ang lalaki.

"Hindi nakapunta ang boss ko kaya ako ang narito sa meeting," dugtong ng estrangherong kliyente.

Nagbulungan ang mga naruon, 'di man magkakilala ang bawat isa pero ang apelyidong Randall ay kilalang kilala ng mga ito pagdating sa business.

"How is she related to Mr.Donald Randall?" tanong ng isa sa lawyer.

"They are siblings. Malaki ang tiwala ng boss ko sa Flower of Love Builders Inc., kaya pumapayag na siyang pumirma ng kontrata kahit 'di gawa ni Mr. Dixal Amorillo ang plano. But of course, kailangan ko pa ring makita ang catalogue ng kompanya," paliwanag ng nasa tama lang ang edad na lawyer.

Lalong tila dumami ang mga bubuyog dahil sa bulungan ng ibang kliyente, pagkuwa'y curious na binuklat ang catalogue na ipinamigay ni Lemuel.

Nakangiting nagkatinginan silang dalawa. Kahit sino pa ang estrangherong dumating, ang mahalaga ay pabor sa side nila ang ginagawa nito.

Pero matagal na niyang kilala si Donald Randall. Wala siyang alam na may kapatid itong Elizabeth Randall.O gawa-gawa lang 'yon ng lawyer para mapapaniwala ang mga naroon.

Sinuri niyang mabuti ang abogado. Kilala niya ang ilang mga lawyer sa buong manila at magagaling ang mga itong magpaikot sa mga tao. Pero ang isang ito'y hindi kakikitaan ng anumang palatandaan na nagsisinungaling ito. Ang ekspresyon ng mukha nito ay hindi nagbabago, mula nang pumasok sa loob ng meeting room, halatang dignified

"Bakit ngayon ko lang nakita ang catalogue na 'to? Si Mr. Dixal Amorillo ba ang gumawa ng mga plano?" tanong ng isa pang kliyente.

"They are made by our employees, sir. As you can see, our company has many talented engineers who are efficients and very competitive compared to other famous engineers here and even abroad. They are personally hired by Mr. Dixal Amorillo, our chairman and CEO, sir," confident niyang sagot.

"I like this building design here," biglang sabad ng isa pang kliyente saka bumaling sa kanya.

"I trust your employees, Mr. Amorillo. I will surely sign for a contract this time. Sana ipinakita niyo na ito sa'kin noon pang una kong pakikipag-meeting sa inyo. When am I going to sign my contract with FOL Builders Inc.?" Tila atat na tanong ng isa pa sa sampung kliyente.

"We have already made a contract here for you Mr. Meg Dalla," nakangiti niyang saad.

Agad tumayo si Lemuel para iabot sa kliyente ang kontrata nang mapirmahan agad.

Maya-maya pa'y gumaya na rin ang siyam pa at nagmamadaling nagpirmahan ng mga kontrata, nagmadali ring nagsialisan hanggang sa 'yong lawyer na lang ang natira.

"I know this is very late, Mr. De Guzman but thank you for helping us today," an'ya sa lawyer nang tumayo siya at lumapit rito para makipagkamay.

Nag-angat ng mukha ang kausap at bahagyang kumunot ang noo.

"I'm not helping anyone, Mr. Dix Amorillo. I'm here for an order and that is to sign a contract with FOL Builders Inc.," seryosong sagot nito.

Napaawang ang kanyang bibig, naguguluhang bumaling kay Lemuel na napatda rin sa kinatatayuan.

Nang mapansin nitong nagulat sila ay saka ito muling nagsalita.

"But since wala kayong ginawang kontrata para sa'kin, my employer can wait for Mr. Dixal to wake up. Nice meeting you both, Mr.Dix Amorillo and Mr. Lemuel Makalintal." pagkasabi niyo'y tumayo na ang abogado at lumabas ng silid na 'yon.

Naiwan silang tulala sandali at nang makabawi sa pagtataka'y sabay pang nagtawanan at nag-high five.

Mission accomplished with the help of that uninvited client.

Salamat sa abogadong 'yon at nagkaruon siya ng tiwala sa kanyang sarili. Kaya pala niya ang ginagawa ni Dixal. Hindi niya akalaing mapapapirma niya lahat ng mga kliyente nila ngayon.

"Thank you so much Lemuel, for your support."

"Thank you Dix for your competence and confidence."

Sabay pa silang nagsalita ni Lemuel. Sabay ding nagtawanan pagkatapos.


Load failed, please RETRY

สถานะพลังงานรายสัปดาห์

Rank -- การจัดอันดับด้วยพลัง
Stone -- หินพลัง

ป้ายปลดล็อกตอน

สารบัญ

ตัวเลือกแสดง

พื้นหลัง

แบบอักษร

ขนาด

ความคิดเห็นต่อตอน

เขียนรีวิว สถานะการอ่าน: C113
ไม่สามารถโพสต์ได้ กรุณาลองใหม่อีกครั้ง
  • คุณภาพงานเขียน
  • ความเสถียรของการอัปเดต
  • การดำเนินเรื่อง
  • กาสร้างตัวละคร
  • พื้นหลังโลก

คะแนนรวม 0.0

รีวิวโพสต์สําเร็จ! อ่านรีวิวเพิ่มเติม
โหวตด้วย Power Stone
Rank NO.-- การจัดอันดับพลัง
Stone -- หินพลัง
รายงานเนื้อหาที่ไม่เหมาะสม
เคล็ดลับข้อผิดพลาด

รายงานการล่วงละเมิด

ความคิดเห็นย่อหน้า

เข้า สู่ ระบบ