"Amor. Halika ka na po. Malilate na ako sa contest," ang haba na ng nguso ni Devon at salubong ang mga kilay habang hinihila ang damit ni Flora Amor.
"Teka nga't 'di pa ako tapos magmake-up." reklamo niya habang naglalagay ng mascara sa pilikmata.
Tikom ang bibig na nakapameywang na ang bata ngunit ayaw pa ring paawat ang ina sa paglalagay ng kolerete sa mukha.
Kailangang magpaganda siya ngayon. Dapat siya ang pinakamaganda sa mga magulang na naroong kasali sa contest. Anong malay niya kung maka-survive ang kanyang Devon at ito ang manalo.
Napangisi siya sa naisip. Kahit 'di manalo ang anak niya, at least presentable ang outfit at itsura nila sa harap ng madaming tao, lalo na do'n sa tinatawag nitong daddy. 'Pag nakita niya 'yon mamaya, pagbabawalan na niya itong makipag-comnunicate sa bata. Hindi niya alam kung anong merun sa mesteryosong lalaking 'yon pero hindi maganda kung itotolerate nito ang kanyang anak na kilalanin ito bilang ama ni Devon. Hindi nagmamakaawa ang bata para lang sa pagmamahal ng isang ama. Kaya niyang ibigay 'yo sa anak kahit siya lang mag-isa.
"Mama, si Ate hindi pa rin tumitigil sa pagmi-make up!" sumbong na ng bata sa lola.
"Heto na nga oh. Tapos na. Ikaw na bata ka, sobra kang excited eh 'di naman yan mag-i-start agad," sabad niya sabay sermon dito.
"Oh, Flor! Anong oras na! And'yan na 'yong Grab sa labasan!" tawag ng ina.
"And'yan na, Ma!" hiyaw niya.
Si Devon na ang nagbitbit ng kanyang bag palabas sa kwarto.
"Devon teka lang, maglilipstick pa ako," pigil niya sa anak ngunit nagtuluy-tuloy lang ito sa sala kaya wala siyang nagawa kundi sundan ito ngunit napahinto rin silang mag-ina nang makita ang malaking bag sa paanan ng lola ng bata.
"Ano 'yan, Ma?" taka niyang tanong.
"Baon niyo nang wala na kayong bilhin sa labas. And'an na lahat ng pagkain, plato kutsara, tinidor. Tubig na lang bilhin niyo do'n."
sagot nito.
Dismayado silang nagkatinginang mag-ina.
"Ma, hindi kami magpipicnic. Dadalo kaming quiz bee. 'Di namin kailangan 'yan. Tsaka may pagkain naman sa labas."
"Bruha ka! Dapat sinabi mo kanina pa nang 'di na ako nagpakapagod maghanda niyan!" nagtatampong singhal nito.
"'Yung almusal na lang ni Devon ang dadalhin ko, Ma. 'Wag na 'yang iba," sagot niya.
Nakasimangot namang kinuha ng ina ang isang baunan kung saan nito inilagay ang almusal ni Devon.
"Sa sunod na sumali 'yang anak mo sa contest, wala na akong ihahanda para sa inyo!" nagtatampo pa rin nitong wika.
"Sorry na, Ma. 'Di ko naman kasi alam na mag-i effort kang maghanda nang pang-picnic." Sinabayan niya ng hagikhik ang sinabi sabay yakap sa ina.
"Tse!" singhal nito. "Umalis na nga kayo't nang makapagbukas na ako ng tindahan ko!" pagtataboy nito.
"Mama, bye po," paalam ng bata sabay tingkayad para abutin ang noo ng matanda upang halikan, ang huli nama'y yumuko na rin at pinagbigyan ang apo.
"Kakaiba din itong baby ko. Imbes magmano eh sa noo humahalik," puna nito.
"It's a sign of respect po, Mama, sabi ni daddy," anang bata.
Natahimik ang lola.
Siya nama'y hindi pinansin ang sinabi ng anak at agad na itong hinawakan sa kamay nang makaalis na sila.
"Alis na kami, Ma," paalam niya.
"Kuu--buti pa anak mo, marunong humalik sa noo. Ikaw, wala kahit mano na lang," habol ng ina.
Napahagikhik lang siya sa sinabi nito. Hindi talaga siya nagmamano sa ina. Hindi niya 'yon nakasanayan mula nung bata pa siya. Mas gusto niyang niyayakap ito at nilalambing. Pero hindi porke't hindi siya nagmamano ay 'di na niya ito mahal. Mas gusto niyang isiping barkada lang ito, mas panatag siya doon, lahat ng sekreto nasasabi niya rito.
"Ate, ang pinto," pukaw ni Devon sa naglalakbay niyang isip nang mapatapat na sila sa pinto ng Grab.
Agad niyang binuksan ang pinto sa hulihan at magkatabi silang naupo duon ng bata.
"Kuya, padaan po sa may 7/11. Ando'n pa kasi isa naming kasama," pakiusap niya sa driver.
Kahapon pa sila nag-usap ng teacher ni Devon na sa 7/11 ito sa highway mag-aabang sa kanila para sabay-sabay na silang magtungo sa UP Manila.
------
PAGKAHINTO PA LANG NG KOTSENG sinasakyan nila sa parking area ng UP Manila ay napansin agad nila ang dami ng taong nagsisipasok sa loob ng campus, karamihan ay mga estudyante kasama ang kani-kanilang mga magulang.
Unang bumaba ng sasakyan si Flora Amor, sumunod lang ang anak. Nahuli ang kasama nilang guro dahil ito ang nagbayad ng sinakyan.
Pinagmasdan muna niya ang mga taong nagdaraan sa harap nila. Halos lahat ng mga magulang na tulad niya'y tila nagpapatalbugan sa suot ng mga ito habang mahigpit na hawak sa kamay ang kanilang mga anak. Ang ilan sa mga ito'y nagtatawanan, ang ila'y nagmamadali sa pagpasok, at ang ila'y nanatili pa sa labas tulad nila at waring merung hinihintay.
Sinipat niya ang suot na sleeveless silk chiffon blouse with round neck at may bow-knot sa kaliwang balikat bilang design. Kulay peach iyon at ini-tucked in niya sa black slacks na mula nang ipilit sa kanya ni Dixal na ipasuot ang gano'ng klaseng pang ibaba ay tila nagustuhan na niyang isuot. Bagay naman kasi sa kanya lalo pa't maliit lang ang kanyang katawan, balakang lang ang medyo malaki sa kanya, katamtaman lang din naman ang kanyang boobs, bumagay lang sa maliit niyang body.
Sinipat niya rin ang suot ng anak na short- sleeve poplin shirt at pantalong maong. saka adidas na sapatos. Hindi naman sa pagmamayabang pero gwapo ang anak niya, parang anak ng isang artista, pero mas tamang sabihing younger version 'to ni Dixal.
Hinawakan niya ang maliit na kamay ng anak nang makita ang guro nitong lumabas na sa sasakyan at lumapit sa kanila.
"Ma'am, do'n po ang upuan natin sa front seat kasama ng iba pang mga magulang ng mga kalahok sa quiz bee," pagbibigay-alam nito habang naglalakad sila papunta sa social hall ng eskwelahan kung saan gaganapin ang national quiz bee.
"Ate, pagod na po ako maglakad," biglang huminto ang bata saka itinaas ang mga kamay upang magpakarga sa kanya. At dahil natatakot siyang mabinat ito't kagagaling lang sa sakit ay agad siyang nag-alala't kinarga ito saka sila nagpatuloy sa paglakad kasabay ng guro.
"Bata, segurado ka bang kaya mo?" mahina niyang tanong, may himig ng pag-aalala sa boses.
"Opo. Don't worry, Amor. Daddy will be right here soon," anitong agad nang ipinulupot ang kamay sa leeg niya.
Pagpasok nila sa Social hall, nakita niyang halos ukupado na ang mga upuan doon maliban lang sa iilang bakante sa unahan.
Dumiretso sila sa unahang silya at habang naglalakad ay napansin niyang pinagtitinginan sila ng mga naroon.
"Sino kasali sa kanila? 'Yong bata o 'yong nagkakarga sa bata?" narinig pa niyang tanong ng isa sa mga magulang na kanilang nadaanan.
Hindi niya 'yon pinansin, nagdere-deretso lang sa paglalakad hanggang sa marating nila ang nakatalagang silya para sa kanila.
"Ate, nagugutom po ako," nang iupo niya ang bata sa silya nito'y humirit agad ito ng pagkain.
Doon niya lang naalala ang baunang nakalagay sa supot at huli na para malamang naiwan pala 'yon sa loob ng sinakyan nilang Grab.
"Naku, bata naiwan ko 'yong almusal mo sa loob ng sasakyan," sagot niya sa anak.
"Ate nagugutom na po ako," angal nito.
"Dito ka lang muna't bibili ako ng pagkain sa canteen," anya saka bumaling sa guro.
"Ma'am, may libre po tayong snack sa counter," anang guro, itinuro ang sinasabing counter saka ito tumayo. "Teka't kukuha po ako."
"Ayy hindi po Ma'am. Ako na lang ho," pigil niya, agad nang tumayo.
"Pakibantay na lang po muna sa bata," pakiusap niya rito.
"Ok sige po, ma'am. Ipakita niyo na lang po ito doon ma'am," pagpayag nito sabay abot ng isang card kung saan nakasulat ang contestant # 5.
Kinuha niya rito ang card at nagtungo na sa counter ngunit 'di pa man tuluyang nakakalapit sa counter ay may matangkad na lalaking nagmamadaling maglakad pasalubong sa kanya habang nakayuko't inaayos ang neck tie nito, huli na para siya'y makaiwas at tila sila dalawang bolang nagbounce sa isa't isa.
"Ayyy!"
"Oucch!"
Sabay pa silang napasigaw dahilan upang magtinginan ang mga cater sa counter.
Mabuti na lang at 'di siya natumba dahil agad nitong nahawakan ang magkabila niyang braso nang mapansing alanganin ang kanyang tayo.
Agad siyang pumiglas at salubong ang mga kilay na bumaling sa matangkad na lalaking at sa 'di inaasahang pagkakatao'y parehas silang napanganga nang makilala ang isa't isa.
"Ikaw?"
"Ikaw?"
Sabay nila uling bulalas.