Bumukas ang elevator at tumambad sa kanila ang isa na namang saradong pinto. Palaisipan na naman kay Flora Amor kung ano ang pintong 'yon? 'Di kaya iyon ang conference room? Ang pagkakaalala niya'y sinabi ni Dixal na dadalo sila sa isang meeting.
Maya-maya'y bumukas ang pinto.
Hinawakan ni Dixal ang kanyang kamay at iginiya siya sa loob.
Kunut-noong sinuyod niya ng tingin ang buong paligid. Para lang itong isang maliit na opisina na ang tangi lang laman ay isang mesa at dalawang swivel chairs sa magkabilaan ng mesa, marahil ay para lang sa kanilang dalawa, at isang laptop sa ibabaw ng mesa.
"Sabi mo dadalo tayo sa meeting," sambit niya nang walang makitang tao maliban sa kanilang dalawa.
"Yup," tipid nitong sagot saka siya binitawan at itinuro ang isang upuan sa harapan para do'n siya umupo, ito nama'y sa tapat niyon paharap sa laptop.
"Asan ang mga kasama mo?" usisa niya.
"Hey," dumukwang ito sa kanya saka itinapat ang isang daliri sa kanyang bibig, meaning 'wag siyang maingay, at may kinuha sa drawer ng mesa na isang maliit na kahon.
Binuksan nito iyon at may inilabas na isang ballpen saka kinalikot ang lappy sa harapan.
Siya nama'y nakaupo lang sa swivel chair, mataman itong pinagmasdan sa ginagawa.
Maya-maya pa'y nagulat na lang siya nang may mga boses siyang narinig at nang lumingon siya sa taas ng pinto'y naruon pala ang malaking flat TV, kasinalaki ng malapad na CCTV monitors na nakadikit sa taas ng pinto.
"Good morning, Mr. Chairman," bati ng lahat ng nasa group video call.
Iniharap niya ang katawan sa malaking screen at sinipat isa-isa ang mga mukhang nakikita doon.
Una niyang napansin ang manager ng research department at ang vice-chairman/COO ng kompanya, 'yong iba'y 'di na niya mga kilala. Marahil ito ang mga empleyadong pinagkakatiwalaan ng lalaki.
"Let's start the meeting," anang nasa harap ng mesa.
Sinulyapan niya lang ang nagsalita pagkuwa'y itinuon na ang paningin sa mga empleyadong ka-video call nito.
"Sir, this is the assistant finance director. I'll be the one to give my report first," anang nagpakilalang assistant finance director.
Napaharap siya kay Dixal at kunut-noong tumitig ditong seryoso ang mukhang nilalaro-laro sa kamay ang hawak na ballpen habang nakatutok sa monitor.
Sinadya ba ng lalaking papuntahin ang finance director sa loob ng opisina nito para 'wag malamang may secret meeting sila at ng assistant ng babae? Ibig bang sabihin, walang tiwala ang lalaki sa childhood friend nito? Bakit?
May documents na ipinakita ang nagsasalita sa video.
"My quarterly financial report which includes balance sheet, income statement, statement of cash flows, Gross profit by job..."
Wala siyang maunawaan sa sinasabi ng lalaki kaya minabuti na lang niyang humarap ng upo kay Dixal at pagmasdan ito habang matamang nakikinig sa nagsasalitang empleyado.
Totoong gwapo ang lalaki sa tunay na kahulugan ng salitang 'yon. He had a masculine face, those black eyebrows at eyelashes na bumagay sa mga matang berde ang kulay na kung tumingin ay matitiim at tila laging nanunuri pero 'pag ngumiti naman ay para nang tumatawa ang mga 'yon. What about that sharp nose na kung titignan ay katulad ng kay Devon, and what about those lips?
Wala sa sariling nangalumbaba siya at pinagmasdang mabuti ang mga labi nito.
He had a not so full upper lip but a full lower juicy lip na kanina lang niya napatunayang kay sarap halikan which made her bit her lips involuntarily to make it wet habang naaalala kung pa'no ito humalik kanina, at kapag umawang na ang mga labi nito tulad nang ginagawa ngayon lang, as if urging her for a kiss at that moment ay gusto niya iyong dampian ng halik, not just a kiss but a long french kiss, dahilan upang umawang ang kanyang mga labi.
Pero natigilan siya nang bigla na lang itong tumayo at dumukwang sa kanya and gave her the kiss that she was just thinking leaving her speechless and wanting more pero huminto ito at inilapit ang bibig sa kanyang tenga.
"Hey, sweetie. Please stop staring at me. This meeting is important to me but I'm being distracted by the way you stare at me," anas nito.
Napanganga siya sa sinabi, ilang beses na kumurap habang inia-absorb ang mga sinabi sa kanya, pagkuwa'y pulang pula ang pisnging napapihit patalikod at kunwa'y nakatingin sa malaking screen ng monitor.
Ano bang ginawa niya para madistract ito nang gano'n?
Napansin niyang nakanganga din ang mga kavideocall nito.
"Oh sorry, sir. Akala ko kayo lang mag-isa d'yan. Never thought that your fiancee is also there," anang nagrereport.
"I don't have any fiancee. My wife is here."
Lalong napanganga ang lahat sa narinig ngunit hindi siya nito ipinakita sa mga ka-meeting.
"Uhm! Uhm!" umubo bigla si Lemuel.
"Okay proceed," anito sa seryoso na namang boses at inifocus ang sarili sa meeting.
Sa takot na baka tumayo na naman ang lalaki at halikan siya'y itinuon na lang din niya ang paningin sa mga ka-video call nito at isa-isang isinaulo ang mga mukha ng mga 'yon, ngunit kunti lang sa mga inire-report ng mga ito ang kanyang nauunawaan kaya't 'di niya mapigilang mapahikab habang nakikinig sa usapan at 'di niya sinasadyang mapaidlip.
Nang marinig ang malakas na boses ng vice-chairman ay saka lang siya nagising.
"So based on the reports and the tangible documents, napatunayan nating malaki nga ang nawawala sa pera ng kompanya at malaking kawalan satin kung mapapatunayang sub-standard nga ang bago nating gawang building, buti na lang ay naihold 'yon agad," anang vice-chairman.
"I'm afraid ito rin ang nangyari sa Amorillo construction company noon kaya napilitan itong magsara," anang research manager.
Kumunot ang kanyang noo. Ang pagkakaalam niya kasi, ang babae din mismo ang nagsabing na-bankrupt ang Amorillo company at hindi sapilitang nagsara. Bakit ngayon sinasabi nitong sapilitang nagsara ang dating kompanyang 'yon? She could smell something fishy. Ngayon niya nauunawaan kung bakit secret meeting ang ginawa ng lalaki sa mga trusted officers nito. May nangyayaring anomalya sa kompanya.
"Silipin niyo ang kalaban nating company kung anong koneksyon ni Mr. Randall sa kanila. And give me the full report next week. 'Yong sinasabi niyong unidentified shareholder sa kabila, baka may koneksyon 'yon sa matanda," utos ng lalaki sa mga tao nito.
"Lemuel, palitan mo ang project manager sa bagong building na ginagawa at lahat ng mga personnel na involved doon," baling nito sa vice-chairman/COO.
"Yes, sir!" sagot ng kausap.
"Nicky, ituloy mo ang proposal na sinasabi mo para makilala pa lalo ang FOL BUILDERS."
utos sa research manager.
"Yes sir."
"The rest, do your job well and make sure walang makakaalam kahit sino sa napag-usapan natin, specially about my wife," mariin nitong utos, diniinan ang huling mga salitang binigkas.
"Yes, sir!" sabay-sabay na sagot ng lahat.
"The meeting is adjourned," pagtatapos nito saka pinatay ang video call, pagkatapos kalikutin ang gamit na lappy ay pinatay na iyon saka mabilis na tumayo at lumapit sa kanyang iniiwas agad ang tingin dito't yumuko, kunwari'y inaayos ang kanyang blouse.
Hinawakan nito ang kanyang kamay saka siya itinayo, hinawakan sa balikat sabay ipinihit patalikod dito pagkuwa'y niyakap sa likuran.
"What do think about my meeting room?" usisa nito.
"Pinakasimple sa lahat ng nakita ko," sagot niya.
Ngumiti ito.
"Yup. Pero ito ang pinakamahalaga sa lahat. Andito ang lahat ng files at documents ng buong kompanya," paliwanag nito.
"Saan?" takang tanong niya sabay tingin sa paligid ngunit wala naman siyang makita kahit na ano maliban sa mga napansin kanina.
Kumawala ito sa kanya, muli siyang hinawakan sa kamay saka iginiya palabas ng kwartong 'yon ngunit ibang pinto na naman ang binuksan nito palabas do'n at saka niya lang nakita ang "For VIPS ONLY" na elevator.
"Saan na naman tayo pupunta?" usisa niya nang makapasok sila sa elevator.
"I have another meeting with a client. Nagdadalawang-isip siya kung kami ang kukuning construction contractor o ang kalabang kompanya. Baka sakali makatulong ka to convince him. Malaking kawalan kasi kung mapupunta sa iba ang client na 'to." mahaba nitong sagot.
"Ako?" napapangiti siyang napailing.
"Why, don't you have self-confidence?"
Napatitig siya sa lalaki.
"Wala kasi akong gaano'ng knowledge about construction," nahihiya niyang tugon.
"I don't believe you. Nicky didn't hire you for nothing. I trust her choice of employees," wika nito saka siya hinalikan sa noo.
"Dixal, why do you keep on kissing my forehead?"
Ngumiti ito.
"Why, you don't like it? Or should I kiss your lips instead?" Nag-iba na naman ang tono ng salita nito.
Mabilis niyang iniiwas ang paningin upang 'di nito mahalatang nag-blush siya agad.
"It's a sign of respect, sweetie. I respect you next to my mother. And I believe in your capabilities," anito.
"Sign of respect." Parang narinig na niya ang salitang 'yon. Kanino nga ba? Ah sa anak niya no'ng Sabado. Nakakatuwa namang parehas ng reason ang dalawa sa bagay na 'yon.
Biglang bumilis ang pintig ng kanyang puso nang may kung anong pumasok sa isip at takang bumaling sa lalaki.
"Dixal, have you said that to someone else?"
"Said what?" kunut-noo nitong balik-tanong.
"I don't remember saying that to anyone but you," sambit sa kanya, eksaktong bumukas ang pinto, binitawan nito ang kamay niya saka naunang lumabas ng elevator.
Nagtataka siyang napaisip.
Ang pagkakaalala niya'y may nagsabi kay Devon na kissing on the forehead is a sign of respect. Sino kaya ang nakausap ng batang 'yon at nagsabi ng gano'n dito para maniwala agad ang huli.