ดาวน์โหลดแอป
37.2% FLOWER OF LOVE / Chapter 48: HAVING HER NEAR HIM

บท 48: HAVING HER NEAR HIM

"Oh, ba't naka-sunglasses ka sa loob ng department?" puna ng manager ni Flora Amor nang makita siyang nakasuot ng sunglass habang nakatutok sa computer at ini-encode ang research proposal ng kanyang superior na si Mr. Baculo.

"May sore eyes po ako ma'am," pagsisinungaling niya.

Pero ang totoo, malalaki lang naman ang eyebags niya dahil 'di siya nakatulog kagabi kakaisip sa lalaking kasama kahapon.

Magdamag niyang pinagplanuhan kung ano'ng gagawin para tantanan na siya nito. Plan A, salungatin ito sa lahat ng gusto nitong mangyari maliban sa napag-usapan nilang suot niya. 'Pag 'di 'yun pumasa, pupunta siya sa Plan B, ang awayin ito lagi. At 'pag nabigo pa rin siya, naroon pa 'yung Plan C, makikipag blind date siya at makikipaghalikan sa ka-blind date niya sa harap nito. Tignan lang niya kung hindi ito mawalan ng gana sa kanya.

Pero napangiwi siya sa naisip na plan C. Kaya naman kaya niyang makipaghalikan sa kung sinong lalaki?

"Hayyyy." Lupaypay ang balikat na napabuntunghininga siya. Parang ang bigat ng problemang dala-dala niya nang dahil lang sa chairman nila. Ayaw naman din niyang basta na lang mag-resign eh kasisimula niya lang magtrabaho tsaka trainee pa lang siya.

"Flor, ano'ng nakain mo't ganyan ang suot mo ngayon?" usisa ni Elaine nang dumaan sa kanyang cubicle. Pupunta sana ito sa opisina ng manager ngunit takang bumalik saka siya pinasadahan ng tingin.

Itinaas niya ang kamay at itinuro ang kinaroroonan ng aircon.

"Lakas kasi ng aircon dito kaya nag-long sleeve na 'ko't nag slacks," pagsisinungaling niya na naman.

"Pati sapatos flat shoes na?" muli nitong puna.

"'Kala ko ba masakit paa mo sa flat shoes? Mas kumportable ka sa pointed heels."

"Natapilok kasi ako kahapon kaya sinubukan ko mag-flat shoes ngayon," paliwanag niya.

"Oy, baka naghihintay na sa'yo si ma'am, puntahan mo na sa office niya," taboy niya rito.

"May sore eyes ka ba? Absent ka na lang kaya muna baka lumala 'yan," nag-aalala nitong wika.

"Pinatakan ko na 'to ng Eyemo. Mawawala din 'to agad." Ngumiti siya saka humarap sa computer nang 'di na ito mag-usisa pa.

"Miss Salvador! Come to my office!" tawag ng manager.

Kumunot ang kanyang noo, sabay silang nagkatinginan ni Elaine.

"Bakit?" maang nitong tanong.

"Ewan ko. Baka ia-assign na naman kami ni sir Baculo sa field," hula niya.

"Mamaya na lang ako pupunta pagkalabas mo," anang kaibigan saka tumalikod na at bumalik sa cubicle nito.

Siya nama'y nagtatakang tumayo at pumasok sa opisina ng manager.

Umarko agad ang dalawa niyang kilay nang mapansing mataman lang siyang nitong pinagmamasdan at sinusuri mula paa hanggang ulo.

"Bakit po ma'am?" 'di niya napigil ang sarili at takang nagtanong.

"Starting today you'll be the chairman's Personal Assistant."

"What?!" bulalas niya, biglang nanlaki ang mga mata sa oagkadismaya.

"Don't worry, mas mataas ang sahod mo ngayon kesa sa dito ka lang," anito.

"Pero ma'am, mas gusto ko po dito. Ayuko pong maging PA ng hinampa-- ng chairman." muntik na niyang mapagsalitaan ng 'di maganda ang lalaki, buti nakapagpigil siya agad.

"That's his verbal order at wala akong kapangyarihang tumanggi," anang manager na nakaupo sa swivel chair nito.

"Pero ma'am--"

"Come with me, ihahatid na kita do'n. Kunin mo na lang ang bag mo sa labas at sumunod ka sa'kin."

Parang bata siyang nagmarcha palabas ng opisina.

'Hinampak kang lalaki ka, talagang gusto mo akong sakalin ha!' gigil na hiyaw niya sa isip. Ngayon pa lang nanggigigil na siya't gusto nang sapakin ang lalaking 'yon.

Ngunit kahit sabihin pang ayaw niya, wala siyang magagawa kundi sumunod sa utos nito bilang chairman sa pinapasukan niyang kompanya.

Kaya heto siya ngayon, nakasunod na naglalakad papunta sa opisina ng chairman, at habang nasa pasilyo'y nakasalubong niya ang executive director subalit himalang 'di siya nito pinansin man lang. Pero kahit naka-sunglasses siya'y napansin niya agad ang black eye nitong namumula pa, halatang bago lang. Nakipagsuntukan ba 'yon?

Huminto sila sa harap ng isang pinto kung saan nakalagay ang "The Chairman's Office."

Pagkatapos kumatok ay bumukas ang pinto.

'Huh? De-remote ang pinto niya?' bulalas niya sa isip.

"Let's get inside," anang kasama. Sumunod na uli siya rito papasok.

Napaawang ang labi niya sa pagkamangha pagkakita sa loob ng opisina. Maluwang iyon, may malaking sala na parang nasa bahay lang, sa tabi'y may isang malaking ref at sa may bandang dulo sa tapat ng bintana ay naruon ang mesa nito at sa gilid niyon ay isang kabinet kung saan nakalagay ang lahat ng mga documents nito. Napansin din niya ang isang nakabukas na pinto sa gawing kaliwa ng mesa nito, 'yon seguro ang CR.

Mula roon ay lumabas ang lalaking may nakadamping face towel sa may bandang bibig nito.

Salamat sa suot niyang sunglasses at nagawa niya itong pagmasdan nang walang nakakahalata.

"You can leave now Nicky," utos nito sa kanyang kasama.

"Yes sir," tugon ng huli saka tumalikod at sinulyapan lang siya bago tuluyang umalis.

Siya nama'y nakataas ang kilay na nakatingin sa mukha ng chairman lalo na nang tanggalin nito ang towel sa bibig. Doon niya lang nakita ang pumutok nitong labi. Agad rumihestro sa kanyang isip ang kakambal nitong may black eye.

Nagsuntukan ba ang dalawa? Bakit?

"Remove your sunglasses,"utos sa kanya habang naglalakad papunta sa malaking sala.

"May sore eyes po ako, sir," sagot niya agad at 'di tuminag sa kinatatayuan.

"Shall I do it myself?"

Nagsalubong agad ang mga kilay niya sa inis at parang batang nagdabog palapit dito.

"Bakit mo ba ginagawa sa'kin 'to ha? Susunod naman ako sa kasunduan natin kahit ando'n ako sa research department eh!" reklamo niya.

"I want you by my side," kaswal nitong sagot, muling dinampian ng towel na may lamang tube ice ang pumutok na labi habang nakaupo sa mahabang sofa ng opisina.

"I hate being by your side! Nasasakal na ako sa ginagawa mo!" hiyaw niyang nakapameywang.

Umangat ang mukha nito, tumingala sa kanya.

"Do you really have to shout in front of me?"

Natahimik siya, saka lang naalalang ito nga pala ang may-ari ng kompanyang pinagtatrabahuan.

"Sir---I just need an explanation kung bakit kailangan akong maging PA niyo," nakayuko niyang sagot sa mahinang boses. Katatapos lang nitong makipagsuntukan sa kakambal, kung tama ang kanyang hula, natural na galit pa ito ngayon at kung sasabayan niya ang galit nito, seguradong may paglalagyan siya, kaya siya na ang nag-adjust.

"I already gave you my answer. I want you by my side." Malamig ang boses nitong sumagot, kasinlamig ata ng yelong gamit nito.

"Napa'no 'yang labi mo, bakit pumutok?" 'di niya mapigilang mag-usisa.

Tumayo ito at inilagay sa center table ang towel saka humarap sa kanya habang siya'y napaatras nang makitang hahawakan naman siya, subalit 'di pa rin siya nakapalag nang hawakan nito ang kanyang baba at inangat ang nakayuko niyang mukha.

"I'm a jealous and possessive husband, Amor. Nobody can touch even your skin aside from me," anito sa mariing tono saka dahan-dahang tinanggal ang suot niyang sunglasses.

Kumunot ang kanyang noo. Bakit parang narinig na niya ang salitang 'yon noon?

"You're a perfect liar."

"Ha?" Nagblush siya.

"Sore eyes, huh? Takot ka bang malaman kong 'di ka nakatulog kagabi kakaisip sa'kin?"

nanunudyo nitong sambit saka nagpakawala ng isang nakakalokong ngisi.

"You're a conceited man! Hindi ako ang klase ng babaeng pagpapantasyahan ka magdamag! Kapal ng mukha mo!" singhal rito sabay tanggal ng kamay nito sa kanyang baba subalit kapansin-pansin ang pamumula ng pisngi.

"Why are you blushing then?" patuloy nito sa panunukso.

Gigil na pumihit siya patalikod pagkatapos niya itong irapan nang bongga at nang 'di na makita ang mukha ng lalaki'y saka umarko ang dalawa niyang kilay sa pagtataka. Pa'no nito nalamang 'di siya nakatulog kagabi kakaisip dito? Nababasa ba nito ang kanyang isip? Nakarehistro ba 'yon sa kanyang mukha? Ano ba? Nakakaloka naman ang lalaking 'to, lahat na lang ata ng bagay ay alam.

"Make a hot cappuccino for me," narinig niyang utos nito pagkuwan.

Humarap siya rito at sasagot na naman sana nang may biglang pumasok sa utak.

"Saan ba ang cup mo?" sumusuko niyang tanong.

Itinuro nito ang nakabukas na pinto saka naglakad papunta sa swivel chair nito, naghalungkat ng mga folder sa ibabaw ng mesa.

Umaliwalas bigla ang kanyang mukha.

"Lagot ka sa'kin ngayon," humahagikhik niyang sambit habang nagmmadaling nagpunta sa itinuro nitong pintuan.

Napansin niyang organized ang kitchen nito at halos lahat ng kailangan sa pagluluto ay ando'n. Naghalungkat siya sa loob ng mga kabinet, taas at baba. Malinis sa lahat ng bagay ang lalaki, pansin niya.

Kahit loob ng kusina, walang alikabok na masasalat.

Pagkatapos tignan lahat ng mga nakalagay sa loob ng kabinet ay kumuha na siya ng tasa at nagtimpla ng cappuccino ngunit sa halip na Stevia sugar na naroon ang kunin ay naghanap siya ng asin sa mga nakahilirang spices sa malapit sa electric stove at nang makakita ng iodized salt ay dumakot ng isang kutsara doon saka inilagay sa tinimpla niyang cappuccino habang panay ang hagikhik.

"Kala mo mapapasunod mo ako sa lahat ng oras ha?"

Hinalo niyang mabuti ang tinimplang cappuccino saka kumuha ng platito at inilagay doon ang tasa pagkuwa'y lumabas na sa kusina, lumapit sa lalaking busy sa pagbabasa ng mga document.

Tahimik niyang inilapag ang tasa ngunit napansin pa rin nito iyon saka tumingala sa kanya at ngumiti.

"Thanks!" anito.

Namutla siya, nakaramdam ng kakaibang guilt ngunit itinago iyon at nagpakawala ng isang matamis na ngiti habang nanatiling nakatayo sa gilid ng mesa.

Nakaawang ang kanyang bibig nang damputin nito ang tasa at walang anumang uminom ng tinimpla niya.

"Hmmm, perfect!" sambit nito saka muling sumulyap sa kanya.

Nagtaka siya. Isang kutsarang asin ang inilagay niya, bakit 'di man lang kakikitaan ng kakaibang ekspresyon ng mukha ang lalaki? O magaling lang itong magkunwari kasi alam nitong nakatingin siya?

"Ubusin mo habang mainit pa," an'ya, nakapagtatakang sumunod ito at unti-unting tinungga ang laman ng tasa saka muling ngumiti sa kanya.

Napalunok siya. Hindi ba talaga nito nalasahan ang isang kutsarang asin na nilagay niya?

Naguguluhang kinuha niya ang tasa, bumalik sa kusina at nagmamadaling dinampot ang asin sa lalagyan ngunit napamulagat nang makita sa label ng bote ang MSG kasabay ng pamumutla ng kanyang mukha.

Hindi iodized salt ang nailagay niya sa cappuccino ng lalaking 'yon kundi MSG?!


Load failed, please RETRY

สถานะพลังงานรายสัปดาห์

Rank -- การจัดอันดับด้วยพลัง
Stone -- หินพลัง

ป้ายปลดล็อกตอน

สารบัญ

ตัวเลือกแสดง

พื้นหลัง

แบบอักษร

ขนาด

ความคิดเห็นต่อตอน

เขียนรีวิว สถานะการอ่าน: C48
ไม่สามารถโพสต์ได้ กรุณาลองใหม่อีกครั้ง
  • คุณภาพงานเขียน
  • ความเสถียรของการอัปเดต
  • การดำเนินเรื่อง
  • กาสร้างตัวละคร
  • พื้นหลังโลก

คะแนนรวม 0.0

รีวิวโพสต์สําเร็จ! อ่านรีวิวเพิ่มเติม
โหวตด้วย Power Stone
Rank NO.-- การจัดอันดับพลัง
Stone -- หินพลัง
รายงานเนื้อหาที่ไม่เหมาะสม
เคล็ดลับข้อผิดพลาด

รายงานการล่วงละเมิด

ความคิดเห็นย่อหน้า

เข้า สู่ ระบบ