ดาวน์โหลดแอป
34.88% FLOWER OF LOVE / Chapter 45: COINCIDENCE?

บท 45: COINCIDENCE?

Sinipat ni Flora Amor ang suot na relo, alas tres pa lang, saka siya nag-unat ng katawan. Ilang oras din siyang nakaupo at nakaharap sa computer para tapusin ang ipinagawa ng kanyang superior. Ngayon ay may time pa siyang magrelax muna.

Umayos siya ng upo. Parang ang tagal ng isang oras na paghihintay. Nang biglang pumasok sa kanyang isip ang pangalan ng chairman nila at muling isinalpak ang USB na ibinigay ni Elaine sa kanya kanina tungkol sa personal information ng lalaki.

Tapos na niyang basahin ang lahat ng naruon pero naguguluhan pa rin siya't muling binasa ang nakalagay sa screen.

Dixal Lehman Amorillo ang full name nito, walang status na nakalagay doon. At Age 20, CEO na ito ng AMORILLO CONSTRUCTION COMPANY na pagmamay-ari ng lolo nito ngunit seven years ago biglang na-bankrupt ang naturang company. Subalit sa taon ding 'yon, itinayo nito ang FLOWER OF LOVE BUILDERS INC. kasama ang lolo nito at ina bilang mga shareholders na naging matunog sa mga kliyente kahit noon pa, at sa kalahating taon lang ay tumaas agad ang profit niyon.

Subalit after a year, ibinenta ng dalawa ang shares sa lalaki kaya umabot ng 70% ang total shares nito pero saka naman ito tumanggap ng ilang shareholders. Ngunit nagtataka siya kung bakit kaya naman nitong i-monopolize ang kompanya ay gano'n ang ginawa nito, takot ba ang chairman na ma-bankrupt na naman ang negosyong itinayo katulad ng nangyari sa kompanya ng lolo nito?

Naalala niyang ikinuwento ng manager sa kanyang ang mga shareholders na 'yun ay same shareholders ng Amorillo Construction Company. Sa taas ng profit ng kompanya, bakit hindi ito nag-eexpand abroad? Gumawa kaya siya ng proposal para pag-usapan ang gano'ng bagay? Pero imposibleng hindi nito naisip ang bagay na 'yon kung gusto talaga nitong yumaman pa lalo, unless na lang may hidden reason ito kung bakit hindi nagta-try i-expand ang negosyo sa labas ng bansa.

"Dixal Lehman Amorillo," usal niya.

Wala siyang naaalalang nakilala ito noon pero bakit tila pamilyar sa kanya ang pangalan nito?

Nakapagdesisyon na siyang kumunsulta ng isang neurologist mamaya pagkalabas ng building. Gusto niyang malaman kung paanong maibabalik ang nawala niyang alaala sa apat na buwang 'yon bago sila lumipat sa Cavite. Ang natatandaan niya lang na sabi ng tumingin sa kanyang doctor, dahil daw 'yon sa psychological trauma na naranasan niya. Posible rin namang dahil sa pagkamatay ng kanyang papa kaya siya nagkagano'n.

Seventeen pa lang siya noon, wala pang muwang sa mundo at ang lahat ng atensyon niya'y nakatuon sa kanyang pag-aaral at sa P

lapa niya dahil no'ng mga panahong 'yon, ang kanyang ama ang pinakamamahal niyang inspirasyon sa kanyang pag-aaral. Inaamin niyang mas mahal niya ang ama kesa sa kanyang mama at nang mamatay ito'y hindi niya marahil nakayanang tanggapin kaya pinilit kalimutan ng kanyang utak. Kaya kahit kung paano ito namatay ay 'di rin niya matandaan?

Inihilig niya ang ulo. Hindi siya naniniwalang dahil lang 'yon sa ama. Paano pala siyang nabuntis at nagkaanak nang 'di niya alam? Segurado siyang ang alaala ng ama ni Devon ay naruon din sa nabura niyang memory. At kung tama ang hula niyang isa sa magkambal ang ama ng bata, dapat na marahil niyang halungkatin ang nangyari noon pitong taon na ang nakararaan.

Nasa gano'n siyang pag-iisip nang biglang tumunog ang phone sa loob ng kanyang hand bag. Kinuha niya 'yon at sinagot ang tawag.

"Flor, papunta na ako d'yan." anang kanyang kuya Ricky.

"Ah oK po kuya. Pakihintay na lang ako sa labas nang 4PM," wika at muling sinipat ang suot na relo, twenty minutes pa bago mag alas kwatro.

"Okay sige, bye," paalam nito't pinatay na ang tawag.

Siya nama'y nagligpit na ng mga gamit. Buti na lang tumawag ito sa kanya. Sa dami ng iniisip, nakalimutan na niyang may usapan pala silang bibili ng regalo para sa asawa nito. Isasabay na niya ang pagbili ng libro para sa anak.

Pagkalabas lang ng building ay tanaw na niya ang kanyang kuya Ricky sa 'di kalayuan, nakangiting kumakaway sa kanya, nakadamit pang security guard.

Gumanti siya ng kaway saka mabilis ang mga hakbang na lumapit dito at umangkas agad sa motor nito.

"Saan tayo kuya?" tanong niya.

"Sa MOA na lang."

Sandali siyang nag-isip bago magpatianod.

Sa MALL OF ASIA nga sila nagpunta.

Pagkapasok pa lang sa loob ng Mall ay nakapagtatakang bigla itong nagpaalam sa kanya.

"May bibilhin lang ako sa banda ro'n. Tawagan na lang kita pag kailangan na nating umalis."

"Ha?"

'Akala ko ba sabay tayong bibili?' gusto niyang sabihin ngunit tumango na lang siya at nagtatakang hinabol ito ng tingin habang naglalakad papalayo.

Ano'ng nangyari do'n? Ang usapan nila, sabay silang bibili ng regalo para sa asawa nito ngunit ngayong andito na sila, sukat bang mang-iwan?

Napapailing na lang siyang dumeretso ng lakad papunta sa national bookstore. Ngayon pa lang, pinag-iisipan na niya ang bibilhing libro. Sabagay kahit ano namang aklat ang bilhin niya, balewala 'yon sa anak. 'Di naman nito maiintindihan ang laman ng aklat na 'yon. Six years old at that, magbabasa ng pang-college na libro, siya nga lutang na do'n, ito pa kaya?

Bago pa makalapit sa national bookstore ay napatigil siya nang maagaw ng isang necklace na nakadisplay sa harap ng jewelry store ang atensyon.

"Woww, type ko 'yan!" parang teenager na sambit niya at tinitigang mabuti ang naturang alahas. Silver iyon ngunit maganda ang pagkakagawa ng chain lalo na ang heart-shaped na pendant at may letrang F sa gitna na tugma sa initial ng pangalan niya.

"Ma'am, 700 lang po 'yan, merun pa pong iba niyan sa loob," anang saleslady nang makalapit sa kanya.

Bumaling siya rito saka itinuro ang nagustuhang necklace.

"Patingin po ako niyan," an'ya saka pumasok na sa loob ng store kasunod ng saleslady.

Isang minuto lang ay hawak na niya ang alahas. Pinagmasdan niya iyong mabuti. Ano kaya kung iyon ang iregalo niya sa asawa ng kanyang kuya Ricky?

"Miss, may iba pa po bang katulad nito?" usisa niya sa babaeng kaharap.

"Wala na po, 'yan na lang. Pero marami pa po kaming magagandang designs baka magustuhan niyo po," sagot nito.

"Tulad nito ang gusto ko pero may letter D sa gitna."

"Wala na po ma'am eh. Kung gusto niyo po may ibang design kaming pendant kaso 'di po heart-shaped pero may letter D din po do'n."

Pinakuha niya ang sinasabi nito. Maganda din naman 'yon pero mas gusto pa rin niya ang unang napili. May ipinakita uling ibang design ng necklace ang saleslady at nang may magustuhan sa mga 'yong iregalo sa kanyang ate Divina ay kinuha niya ang wallet sa hand bag ngunit nadismaya nang 1500 lang ang laman ng kanyang wallet. Gusto niyang bilhin 'yong dalawang necklace pero parang 'di yata mangyayari ang nasa isip at bibili pa siyang libro ni Devon.

"Wala po bang discount 'pag dalawa kunin ko?"

"Sige 1500 na lang po lahat. 1000 po kasi 'yong actual price ng isa niyong kinuha, makapal po kasi 'yonn kesa sa una niyong pinili, pero ginawa ko na lang 800," sagot nitong ang tinutukoy ay ang ireregalo niyang necklace.

Matagal bago siya nakapagdecide.

"Ito na lang munang 800 ang kukunin ko." aniya saka inilagay sa ibabaw ng salamin kung saan nagpakadisplay ang ibat-ibang uri ng mga jelwery.

Ngunit may isang malaking kamay ang dumampot sa alahas na balak sanang bitawan.

Takang bumaling siya sa gumawa no'n at gulantang na napanganga pagkakita sa mukha ng chairman.

Ano'ng ginagawa nito don?

"We'll take both," wika nitong iniabot sa saleslady ang necklace.

Lalo siyang napanganga at nagtatakang tumitig rito.

Isang ngiti lang ang isinagot ng lalaki na lalo niyang ikanlito. First time na nakita niya itong ngumiti. Ano'ng nakain ng lalaking ito? Kaninang umaga lang ay galit na galit ito sa kanya. Ngayon nama'y nakangiti na?

"No, miss. 'Yong isa lang ang bibilhin ko," nang makabawi'y wika niya sabay baling sa saleslady.

Napapitlag siya nang biglang hawakan ng lalaki ang kanyang beywang at maang na napatingin dito.

"We'll buy those two sweetie," anito.

"Sir--"

"Bibilhin na po ng asawa niyo ma'am. Ibabalot ko na po ba?"

"'Wag!"

"Yup, ibalot mo na."

Sabay pa silang nagsalita, nalito tuloy ang nasa harap na babae.

"Don't worry, Miss. Ibalot mo na. Don't mind my wife's word," anang lalaki saka humigpit ang hawak sa kanyang beywang.

"Anong wife ang ---" hindi na niya naituloy ang sasabihin nang agad siya nitong bigyan ng smack kiss.

'How dare you! You conceited man!' gusto niyang isigaw ngunit tila umurong ang kanyang dila at 'di nakapagsalita, sa halip ay namumula ang pisnging natigagal sa ginawa nito.

Nang makabawi'y tumingin siya sa saleslady.

"He's not my hus--" ngunit natigilan siya nang bigla siya nitong kabigin at mahigpit na niyakap , bagay na lalo niyang ikinagulat.

"You really wanted to rebel, huh? Let's see what I can do this time," anas nito sa likod ng kanyang tenga saka 'yon hinalikan ngunit nasa boses nito ang pagbabanta sakaling ituloy niya ang gustong sabihin.

Napalunok siya sa takot dahil ramdam na uli niya ang galit nito, o sa dama niya ang mabilis na tibok ng puso nito dahilan upang magreciprocate ang kanyang dibdib? At ano iyong nararamdaman niyang kiliti sa ginawa nitong paghalik sa kanya, as if may bahagi ng kanyang pusong tila sanay na sa gano'ng ginagawa ng lalaki kasabay ng paninindig ng kanyang balahibo? Such feelings she couldn't tell kung saan nanggagaling at bakit niya nararamdaman giving her headache and chestpain at the same time.

"Dixal, let me go." paanas niyang sambit ngunit nagulat siya sa paraan ng pagtawag na 'yonn sa lalaki. Bahagya nitong inilayo ang katawan sa kanya at siya nama'y nagtatakang nag-angat ng mukha at nagtatanong ang mga matang tumitig rito, but unexpectedly reached his lips instead na noo'y nakayuko pala ang ulong nagtataka ring napatitig sa kanya. In an unexpected moment they kissed each other at nakalimutang may mga tao sa paligid.

Naramdaman niyang bumuka ang bibig nito at bahagyang inilabas ang dila trying to taste her sweet lips and where did the moan come from?

Nagulat siya sa naging reaksyon ng katawan. Sa kanya nagmula ang ungol na 'yon?

"No!"sobrang pagpipigil sa sarili ang kanyang ginawa para maitulak ito nang malakas at abot ang paghingang tumalikod.

"Sir, Ma'am, nakabalot na po ang gusto niyong bilhin," untag ng saleslady.

"Here," iniabot ng lalaki ang dalawang libo saka agad na kinuha ang nakasupot nang binili at hinawakan sa kamay ang asawang tulala pa rin nang mga sandaling 'yon saka mabilis na hinatak palabas ng store.


Load failed, please RETRY

สถานะพลังงานรายสัปดาห์

Rank -- การจัดอันดับด้วยพลัง
Stone -- หินพลัง

ป้ายปลดล็อกตอน

สารบัญ

ตัวเลือกแสดง

พื้นหลัง

แบบอักษร

ขนาด

ความคิดเห็นต่อตอน

เขียนรีวิว สถานะการอ่าน: C45
ไม่สามารถโพสต์ได้ กรุณาลองใหม่อีกครั้ง
  • คุณภาพงานเขียน
  • ความเสถียรของการอัปเดต
  • การดำเนินเรื่อง
  • กาสร้างตัวละคร
  • พื้นหลังโลก

คะแนนรวม 0.0

รีวิวโพสต์สําเร็จ! อ่านรีวิวเพิ่มเติม
โหวตด้วย Power Stone
Rank NO.-- การจัดอันดับพลัง
Stone -- หินพลัง
รายงานเนื้อหาที่ไม่เหมาะสม
เคล็ดลับข้อผิดพลาด

รายงานการล่วงละเมิด

ความคิดเห็นย่อหน้า

เข้า สู่ ระบบ