Narinig ko ang instrumental na music. Bumukas ang pulang kurtina at nakita ko ang mga bisita sa ibaba na nakatingala lahat sa akin. Pumalakpak sila at masayang nakatingin sa akin.
Mabagal akong bumaba ng hagdan. Ayokong mapahiya dahil lang sa hindi ko kayang maglakad sa hagdan gamit ang stilleto at mahabang gown ko.
Nang nasa gitna na ako nang hagdan ay saka ko lang nakita si Ashton na naghihintay sa akin sa dulo. Hindi niya inaalis ang tingin sa akin. Naka-itim syang tux na may itim din na bow tie. Ngayon ko lang sya nakita na nakasuot ng tux. Bagay sa kanya. Nagmukha syang mas matanda kaysa sa tunay nyang edad. Siguro ginawa nya yon para sa akin.
Inabot nya ang kamay ko at pinakapit sa braso nya nang makababa na ako.
"You're really beautiful Kayleen," bulong nya sa akin. "Can I keep you forever?"
Bumilis ang tibok ng puso ko. Naramdaman ko nalang ang labi ko na sobrang lapad ng ngiti. Hindi ko alam kung narinig ba ng mga bisita ang sinabi ni Ashton, nagtilian ang iba sa kanila at nag-cheer. Ang nangunguna ay ang bestfriend ko na si Ashleen.
Pink at white ang naging motif ng debut ko. May mangilan ngilan din akong nakikitang kulay yellow katulad ng ilang bulaklak at table napkins. Nakaupo ako sa center stage, napapaligiran ng bulaklak ang upuan ko na mukhang kinuha pa mula sa Princess Diaries.
Nagsasayaw sa gitna ang mga bata kong pinsan para sa akin. Nasa pito silang bata na di tataas ang edad ng sampu, apat na babae at tatlong lalaki. Natapos ang tugtog na Wiggle Wiggle at isa ako sa mga pumalakpak para sa kanila.
Tinawag ng emcee ang next performer at nakita kong tumayo mula sa silya nya si Ashleen. Lumapit sya sa emcee at kinuha ang inaabot nitong mic.
"Hi Sissy," nakangiting bati nya sa akin. "Hi everyone, uhm, my name is Ashleen. Ako po ang bestfriend ni Kayleen," pakilala nya sa sarili nya sa mga bisita. "Sissy happy birtday. Naghanda ako ng song for you and secret lang ito pero kumuha pa ako ng singing lessons para naman hindi ako mapahiya."
Nagtawanan ang mga bisita at isa na rin ako don. Nag-uumpisa nang uminit ang sulok ng mga mata ko. Pinigilan ko na maiyak.
"Pumili ako ng kanta na parehong special sa ating dalawa. Remember na na-obssess tayo noon dito. So, here it goes. Sana magustuhan nyo." Sumenyas sya sa DJ at nagumpisang tumugtog ang isang musika.
"I am unwritten, can't read my mind, I'm undefined. I'm just beginning, the pen's in my hand, ending unplanned. Staring at the blank page before you. Open up the dirty window. Let the sun illuminate the words that you could not find."
Nagulat ako sa improvement ng boses nya. Ngiting-ngiti ako na pinapanood sya. Ilang araw kaya syang nagpractice? Sinabayan ko ang kanta nya mula sa kinauupuan ko. Hindi ko na napigilan nang may tumulong luha mula sa mga mata ko.
"Feel the rain on your skin. No one else can feel it for you. Only you can let it in. No one else, no one else. Can speak the words on your lips. Drench yourself in words unspoken. Live your life with arms wide open. Today is where your book begins. The rest is still unwritten."
Nagpalakpakan ang lahat nang matapos syang kumanta. Tumayo ako sa upuan ko at nilapitan sya para yakapin.
"Thank you Ashleen."
"Anything for you Kay."
Ang sunod na tinawag ng emcee ay si Kuya Kean. Maraming nagtilian nang tawagin na sya bilang next na performer. Ang dami nyang fans dito.
"Happy birthday, Kay." Tumingin sya sa mga bisita. "Good evening everyone. My name is Kean. Bestfrien ko ang kapatid ng debutant at tinuturing ko na rin na parang kapatid si Kayleen." Tumingin sa akin si Kuya Kean. "I wish all the happiness in the world, Kay. This song is for you."
Muling nagtilian at halos mabaliw ang mga pinsan ko at mga kaibigan ko nang tumugtog na ang isang pamilyar na musika.
"Oh, her eyes, her eyes make the stars look like they're not shinin'. Her hair, her hair falls perfectly without her trying. She's so beautiful. And I tell her everyday."
Ang ganda talaga ng boses ni kuya Kean. Sobrang talented nya, hindi lang acting ang kaya nya. Napaka-humble din nya na kahit sikat na sya di parin sya nakakalimot. Lumapit sya sa akin nang matapos ang kanta nya. Humalik sya sa pisngi ko. Tumayo ako at niyakap ko sya.
"Happy birthday bunso."
"Thank you kuya Kean. Alam kong busy ka, thank you sa pagpunta."
"Basta ikaw Kayleen, anytime. Malakas ka sa'kin eh."
Nabigla ako nang tawagin ng emcee ang pangalan ng banda nina Ashton. Kasama rin nila si Trisha. May mga tumulong sa kanila para sa mga gamit ng banda nila. Tutugtog sila ngayon sa party.
"Hi birthday girl," kaway sa akin ni Warren. Nakasukbit sa balikat nya ang isang gitara. "Kung hindi nyo po naitatanong, si Kayleen po ang aming savior sa tuwing nagpapractice kami ng banda. Palagi nya po kaming binibigyan ng mga magic cookies para mas gumanda pa ang performance namin. Hindi mo man nahahalata Kayleen pero palagi kaming excited tuwing pupunta ka sa practice namin dahil alam namin na always, walang palya, may cookies kang dala." Dito natawa ang mga bisita pati na rin ako. "Kayleen, ngayong birthday mo, kami naman ang naghanda para sa'yo. Sana magustuhan mo."
Nasa gitna nina Ashton at Trisha si Warren. Si Gio ang nasa drums, keyboard ang kay Trisha, electric guitar ang kina Ashton at Warren na bass naman. Nakasuot sila ng black suit and tie. Nanibago ako sa look ni Gio dahil mukhang nag-abala na sya ngayon na magsuklay. Si Trisha ay nakasuot ng white dress na puro lace.
"She's cold and she's cruel. But she knows what she's doin'. She pushed me in the pool at our last school reunion. She laughs at my dreams. But I dream about her laughter. Strange as it seems, she's the one I'm after."
Medyo natulala ako nang si Ashton ang kumanta. Ang akala ko kasi ay si Warren dahil sya ang nasa gitna. Hindi kumakanta sa banda si Ashton. Never syang kumanta. Sa tinagal tagal ng banda nila, ngayon ko lang sya narinig na kumanta. Kumanta na ba sya noon? Hindi ko matandaan. Ito ang unang beses na kumanta sya and oh boy, he can sing!
"'Cause she's bittersweet. She knocks me off of my feet. And I can't help myself. I don't want anyone else. She's a mystery. She's too much for me. But I keep comin' back for more. She's just the girl I'm lookin' for."
Magiging selfish ba ako kung hihilingin ko na sana ako lang ang nakakarinig ng boses nya ngayon? Hindi ko maalis ang tingin ko sa nangungusap nyang mga mata. Umangat ang isang gilid ng kanyang labi habang kumakanta.
"And the more she ignores me. The more I adore her. What can I do? I'd do anything for her."
Uminit ang pisngi ko. Para sa akin talaga ang kantang pinili nya! Muling uminit ang sulok ng mga mata ko. Ito ba yung pinapractice nila? Ito ba yung inasikaso nya nang di sya nagpakita sa akin ng ilang araw? Pinakiramdaman ko ang mabilis na tibok ng puso ko. Ang sarap sa pakiramdam. Ashton, bakit ba ang sarap mong magmahal?
"She's just the girl I'm lookin' for."