MrCreeper: Do you like Harry Potter? :)
You: Hindi ako mahilig sa fantasy eh. Tsaka di ko pa nababasa yung books. Bakit?
MrCreeper: Why not?
You: Ang daming books. Tsaka mas gusto ko ng bike noon kaysa books.
MrCreeper: Ganon ba? Ano na ang gusto mo ngayon?
You: Gusto ko ng cook books. Bakit?
MrCreeper: No reason. :)
You: Hindi parin tayo bati.
MrCreeper: Galit ka ba sakin?
You: Hindi.
MrCreeper: Bakit di tayo bati?
You: Gusto ko lang. :P
MrCreeper: Hanggang kailan tayo hindi bati?
You: Basta. Anong ginagawa mo ngayon?
MrCreeper: Nakatingin sa langit.
You: Stargazing?
MrCreeper: Maybe. Tumingin ka rin.
You: Bakit? May shooting stars ba ngayon?
MrCreeper: Hindi ko alam.
You: Bakit mo ko pinapatingin sa langit?
MrCreeper: Para may gawin tayong dalawa na magkasama. Kung pareho tayo ng nakikita, mas madaling ma-imagine na magkasama tayo ngayon. :)
You: Sige na nga. Bati na tayo. Nakatingin na ako sa stars.
MrCreeper: Thank you, Kayleen. I miss you. :)
mama, ang pabebe nila mamaaaa! hahaha XD