"Tinetext mo parin ba si Mr Creeper mo Kay?" tanong sakin ni Ashleen habang nilalagyan nya ng nail polish ang kamay ko. Si Ashleen yung tipo ng babae na mapag-ayos. Isa syang fashionista! Sya yung tipo na saktong kikay.
"Hindi masyado? Busy ako rito eh."
"Thanks sa pag-asikaso mo sa kapatid ko ah?"
"Wala yon. Kapatid mo 'yon eh."
Tumingin naman sya sa akin at ngumiti. "Alam mo Kay, ang cute mo!"
"Palagi mo naman yang sinasabi sa'kin."
"Naiinggit ako sa baby face mo. Ang bata mo tignan. Para kang si Dara, bampira!"
"Paano ako naging bampira?"
"Hindi ka kasi tumatanda. Imortal."
"Ayoko nga ng ganito eh. Ang liit ko na nga mukha pa akong fourteen imbes na eighteen."
"Hindi ka naman ganon kaliit. Di ba nga tumangkad ka na?"
Napangiti ako. "Oo! One inch! Sana madagdagan pa!"
"Halika dito, Kayleen. Try ko sa'yo 'yung French braid. Bagay 'yon sa'yo, mahaba ang buhok mo eh."
"Yun ba 'yung ipinakita mo sakin sa Instagram?"
"Oo 'yun 'yon!"
"Waah! Gusto ko 'yon!"
Inumpisahan na niya ang pag-braid sa buhok ko. Kung minsan nahihigit niya ang ilang hibla ng buhok ko kaya masakit pero hinahayaan ko na lang din siya.
"Kayleen."
"Mm?"
"Ano'ng tingin mo kay Ashton?"
"Ashleen!"
"Gusto ko lang malaman! Hindi ko kasi alam kung ano ba ang tingin sa kanya ng ibang babae."
Ngumuso ako. Sikat si Ashton sa school. Bukod kasi sa nasa banda siya, gwapo rin siya at kapatid niya ang isa sa mga pinakamagandang babae sa school namin. Pero para sakin, si Ashton 'yung batang kasama ko kanina na humawak sa kamay ko para hindi kami lamigin. siya 'yung umihip sa mga kamay ko para maalis ang lamig. Siya 'yung umakbay sakin sa harap nina Steve at April. At siya 'yung lalaking unang humalik sa akin.
"Alam mo sa tingin ko, si Trisha may gusto talaga sa kapatid ko. Kung nandon ka lang sana para makita ang ginawa ni Trisha kay Ashton noong party after graduation. Tsk tsk."
"Bakit? Ano ang nangyari nung party?"
"Nag-confess sya ng feelings nya kay Ash sa harap ng maraming bisita."
"A-Ahh talaga?"
"Pero 'yung kapatid ko, wala eh. Ayaw niya."
"Sinabi niya rin sa harap ng maraming tao?"
"Hindi. Kahit walang sabihin si Ash halata naman na ayaw niya. Di kasi siya mukhang masaya, mas mukha pa siyang disappointed. Sinabi na lang niya na 'thank you' tapos pumasok na siya sa loob ng bahay."
Pinaharap ako ni Ashleen sa salamin. Nakita ko na nakaikot ang buhok ko habang naka-braid. Naalala ko bigla ang Greece at ang ancient greek hairstyle.
"Lakas talaga ng tama ng kapatid ko. Daming humahabol, iisa lang ang hinahabol. Di ko naman siya masisisi."
Kumunot ang noo ko. Bago ko pa matanong si Ashleen kung ano ang ibig niyang sabihin, tumalikod na siya at nagyaya na matulog. Habang nakahiga, hindi maalis sa isip ko ang pag-confess ng feelings ni Trisha kay Ashton. Paano kaya kung natuloy noon ang pagsabi ko kay Ryan na gusto ko siya? Ano kaya ang isasagot niya sakin? 'Thank you' rin kaya? Baka pagtawanan lang ako non. May girlfriend na kasi siya.
Nakapikit na ako at sinusubukan na matulog nang maramdaman kong mag-vibrate ang cellphone ko. Tumingin ako sa katabi kong mahimbing na natutulog. Dahan-dahan akong umupo sa kama at tiningnan ang cellphone ko. Isang text message ni Mr Creeper ang nakita ko.