SIX YEARS LATER
"Wala ka pa bang nakukuhang yaya para sa apo ko, Daniel?" Ang mama ni Daniel na si Andrea De Marco ang nagtanong. Magkasabay silang nagdi dinner sa isang restaurant sa Makati. Kasama sa dinner si Lian, ang apat na taong gulang nyang anak na lalake.
Inalis ni Daniel ang tingin sa isang pares na kakapasok pa lang sa loob ng restaurant. Naupo ang mga ito sa pandalawang upuan malapit sa kanila.
Kilala nya ang lalake. Asawa ito ng nag iisang tagapagmana ng isang malaking lending company sa Pilipinas. Si Morgan Torrecampo.
Bakit pakiramdam nya nakita nya na dati ang babaeng kasama nito? Hindi nya lang maalala kung saan. Those almond shaped eyes and kissable pink lips were familar. Kulot ang buhok at may kaputian. Maliit lang ang babae, siguro ay 5'0 lang ang height at maliit ang baywang.
Simpleng polo shirt ang suot nito at maong na pantalon na punit pa ang bandang tuhod at hita.
"Ipinapaasikaso ko na kay Eli, 'Ma." Tugon nya nang makitang naghihintay ng sagot ang Mama nya.
"Bakit ba kasi hindi ka pa mag asawa, Daniel. Para naman may titingin tingin sa apo ko. Isa pa, ilang buwan na lang bente nueve ka na. Tumatanda ka na."
"Hindi madaling maghanap ng mapapangasawa, Ma." Sagot nya hindi na umalma sa huling sinabi ng Ina. He was twenty nine and he doesn't consider himself old.
"Anong hindi madali doon? Maghahanap ka lang ng babaeng magmamahal sa anak mo ng totoo. Mahirap ba 'yon?"
"Hindi mo magugustuhan kung sakaling si Paula ang yayain ko ng kasal, diba?"
"Hindi ako makikialam kung sino ang babaeng gusto mong iharap sa altar, Daniel. Nasa tamang edad ka na para magdesisyon, pero kung si Paula ang napipisil mong pakasalan isipin mo ng ilang beses bago mo ituloy."
Napailing si Daniel. Inihatid nya ng tingin ang anak at Mama nya na papunta sa restroom. May punto naman ang Mama nya. Bata pa si Lian at kailangan nito ng pag aaruga ng isang ina.
Namatay si Faith, ang Mama ni Lian matapos nitong iluwal sa mundo ang bata. Nagkaroon ng komplikasyon ang panganganak nito. She sufferred from Eclampsia.
Natuon muli ang pansin ni Daniel sa pinto ng restaurant. Agaw-atensyon kasi ang pagpasok ng isang matangkad at blonde na babae sa loob ng kainan. Ngumisi sya. Nag aamoy away kung pagbabasehan ang hitsura ng bagong dating. Si Reina Torrecampo. Ito ang asawa ni Morgan Torrecampo.
Nabalitaan nya ang pagpapakasal ng dalawa ilang taon na rin ang nakakalipas. He also heard that their marriage was on the rocks.
Nag iingay ang takong ng suot na kulay pulang stiletto nito. Nakamamatay ang titig na nakatuon sa babaeng kasama ng asawa nito.
Dinampot ni Reina ang may lamang water goblet sa nadaanan nitong lamesa at buong panggigigil na ibinuhos ang laman sa ulo ng babaeng hindi agad nakahuma.
Dinig nya ang malakas na singhap ng babaeng nabasa, hindi nito inaasahan ang ginawa ni Reina.
Napatayo si Morgan. Hindi makapagdesisyon kung sino ang lalapitan. Ang babaeng bagong dating o ang babaeng binuhusan ng tubig.
"Matagal ko ng alam ang relasyon mo sa babaeng 'yan, Morgan! Kaya pala ikaw pa mismo ang nag approved ng loan ng walangyang 'yan sa Onefold Capital kahit alam mong wala syang ipangbabayad!" Kahit galit ay mangiyak ngiyak na sigaw nito.
"Please.. huwag kang mag eskandalo dito.."
Lalapit sana si Morgan pero umatras ang babae.
"Eskandalo? Ako pa ngayon ang nag e eskandalo, ganun? Eh diba mas malaking eskandalo ang ginawa ng gold digger na yan umpisa nang patulan ka nya?"
Napailing si Daniel. Para syang nanonood ng drama sa Tv. Paulit ulit lang ang linya.
"Ang kapal ng mukha mo!" Baling ni Reina sa babaeng wala pa ring kibo. "You will pay for this, I will make sure!"
"Stop it, Reina! Hindi mo alam ang sinasabi mo!"
Malakas na sampal ang sagot ni Reina sa lalake.
"How dare you! How dare you, Morgan! Ipinagpalit mo ako sa babaeng walang pinag aralan! Nakakainsulto ka!"
Napangiwi ang babaeng binuhusan ng tubig. Nakita nyang dahan dahang pagtayo nito sa kinauupuan.
"Excuse me. Exit lang ako... Kayo na lang siguro ang mag usap."
"Wag mo akong tinatalikuran! Sino ka ba sa akala mo ha!?" Hahablutin sana ito ng babae pero pumagitna si Morgan.
Nagpapapalag naman si Reina. Sapilitan itong inilalabas ni Morgan sa restaurant nang lumapit na ang dalawang security sa mga ito.
Wala na ang mag asawa ay nanatili pa rin sa pagkakatayo ang babae. Nagtama ang mga mata nila nang tumalima ito. Unti unting nagkulay rosas ang mga pisngi sa pagkakatitig sa kanya.
Tumaas ang isang kilay nya nang ngitian sya nito, sinisikap na huwag ipahalata ang pagkapahiya. Pagkatapos ay nilampasan na sya.
Hindi malaman ni Abby kung paano sya nakarating sa rest room ng restaurant na iyon nang hindi bumibigay ang mga tuhod nya. Pak na pak ang eksena nila ni Reina! Kulang na lang humiling sya kanina ng himala. Yung naglaho na lang sya na parang bula para hindi nya na kailangang harapin ang ganung klaseng kahihiyan.
Halos lahat ng cellphone ng mga customers sa restaurant sa kanya nakatutok habang wina warla sya ng asawa ni Morgan. Galit na galit ito. Super halata. Paulit ulit yong 'How dare you, Morgan' eh.
Hindi sya magtataka kung magte trending sa twitter o facebook ang eksena nila ni Reina. Kung kagandahan sana ang pinag aawayan nila, walang problema kaso eskandalo e - pang aagaw ng asawa ng me asawa. Dehado pa sya.
Pinagmasdan nya ang sarili sa salamin sa loob ng restroom. Basa ang ulo at buhok nya. Kahit ang suot nyang uniporme ay basa din dahil sa tubig na ibinuhos sa kanya ni Reina. Daig nya pa ang basang sisiw.
Sana binabangungot lang sya at hindi totoong nangyari ang nangyari kanina. Nasa balintataw nya kasi ang gwapong mukha ng lalakeng saglit na nakatitigan nya.
Sino ba naman ang hindi nakakakilala kay Daniel De Marco? Matangkad, simpatiko, ngiti pa lang ulam na, laman pa lang ng bulsa magbubuhay reyna ka. Ang nag iisang lalakeng pantasya nya mapa umaga man o gabi. Ito ang dahilan kung bakit nalaman nya ang totoong kahulugan ng wet dreams.
Dinawnload nya ang mga litrato nito sa social media at inipon sa mumurahing cellphone nya na may camera. Sa nakalipas na anim na taon, nagkaroon din naman sya ng mga crushes pero si Daniel lang yata ang crush na hindi nya kayang pagsawaan.
Siguro dahil ito ang epitome ng dream man nya. Ganun sya katayog mangarap. Pero di bale, pangarap lang naman. Bukas naman sya sa past six years ng buhay nya sa manliligaw, pero siguro hindi pa lang talaga dumarating ang lalakeng karapat dapat sa kanya.
Yung magpaparamdam sa kanya ng kakaibang kilig kagaya ng pagpapakilig ni Daniel sa kanya hindi man nito sadyain. Yung magpapawala ng tibok ng puso nya matanaw pa lang nya gaya ng nangyayari sa kanya noon at kanina pag malapit lang ang binata.
Pabuntong hiningang sumandal sya sa sink. Inihilamos nya ang kamay sa mukha, nakakahiya na saksi pa si Daniel sa ginawang pagsugod sa kanya ni Reina. Ano na lang ang iisipin nito sa kanya?
'Wag kang oa, Abby. Hindi ka nya personal na kilala.' Sita sa kanya ng isang bahagi ng isip nya. Baka nga hindi ka nya na natatandaan.
Oo nga. Pero paano kung magkrus ulit ang mga landas nila at maalala nito ang nangyari kanina? Hindi naman ganun kalaki ang mundo. Kita mo nga at pagkatapos ng mahigit anim na taon, nagkita uli sila nito.
Ipinikit nya ang mga mata. Ilusyon lang naman ang kanya, alam nya namang walang pag asang magkagusto sa kanya ang kagaya ni Daniel. Kumbaga sa kuko, sya ang engrone. Hindi magugustuhan kahit kailan.
"Sakit ulo mo?" Iyon ang maliit na tinig na nagpadilat sa kanya.
Isang batang lalake ang nasa harap nya. Worried ito sa pagkakatitig sa kanya. Nasa apat hanggang limang taong gulang, may dimple sa kaliwang pisngi at agaw pansin ang nunal sa itaas ng kanang kilay. Poging bata.. at pamilyar sa kanya.
Nginitian nya ito. "Hindi po. Anong pangalan mo? Asaan ang kasama mo?"
"Lian?" Tawag ng tinig. Kinabahan naman sya. Lian? As in Lian De Marco? Napalingon sila ng bata pareho.
"Mrs De Marco?" Hindi makapaniwalang anas nya.
Kumunot naman ang noo ng Ginang. Pilit syang inaalala. "Ms Macapagong?"
"Yes Maam.."
Ngumiti ito. Lumapit sa kanila. "Kumusta ka na, hija.. at bakit basa ka?"
"Katatapos ko lang pong maligo.. Dito sa lababo." Ngiti nya. Teka, lababo ba ang tawag doon?
Natawa naman si Mrs De Marco. "Hindi ka pa rin nagbabago. Kumusta ka na? Long time no see. Ilang taon na ba? Ang ganda mo pa rin."
"Ayos naman ho, Maam. Salamat ho don sa maganda pa rin ako."
"Hindi ka na ba nakabalik sa pag aaral? Sayang naman, hindi ba at dalawang taon na lang graduate ka na?"
"Financial problem po maam eh." Kibit balikat nya.
"Eh saan ka na ngayon? Are you working?"
"Call center agent po ako dati, graveyard. Nakatulog ho ako one time sa restroom, nahuli ako ng supervisor. Nalate ng dalawang beses. Napagalitan at naireklamo ng client kaya fired na po two weeks ago. Pero nag a aply na po ako uli. Pansamantala nagtatrabaho po ako bilang florist malapit sa bahay namin habang hinihintay ko yung tawag ng mga napag aplayan kong trabaho."
"Ahh." Tango ng matandang babae. "Magkano ang sinusweldo mo sa pagiging florist?"
"Naku Maam, hindi po ako nagpapautang."
"Sira."
Natawa na din sya. "Two fifty po per day ang usapan namin ng may ari. Pero sideline ko lang yun Maam habang hinihintay ko nga po yung tawag ng mga agencies na pinag aplyan ko."
"Naghahanap nga din ang anak ko, si Daniel ng yaya para dito sa apo ko. Yong dati kasing Yaya, umuwi na sa probinsya nila kasama yung napangasawa nya. Baka may kakilala kang naghahanap ng trabaho?"
Na curious sya bigla.
"Magkano po ba ang sweldo?"
"Well, twenty thousand a month plus benefits. Stay in. Every Sunday ang day off."
"Twenty maam as in Twenty K? Plus benefits pa?" Ulit nya. "Ako na lang, Maam." Kulang na lang magtaas sya ng kamay sa eagerness nyang magpresinta. Tinalo pa nun ang sweldo nya bilang callcenter agent. Kung stay in sya at libre ang pagkain, makakatipid sya.
"Okay lang ba sa'yo ang magyaya? Kaya mo ba? Are you serious?"
"Naku, no sweat ho. Maning mani. Yung dalawang nakababata kong kapatid, ako ho yung nag alaga sa mga yun nung bata pa. May experience na rin ako sa pagiging Yaya nung highschool ako, Maam. Kambal pa. Hayun ho, mga dalagita na. Close pa nga kami hanggang ngayon eh."
Patawarin sana sya ng Dyos sa mga kasinungalingan nya. Pero madali lang naman ang pag aalala ng bata. Ano ba ang pinagkaiba nun sa pag aalaga nya sa Nanay nyang bagong opera? Isa pa ay mukha namang mabait si Lian. Hindi sya mahihirapan sa bata, may libreng silay pa sya araw araw sa Tatay nito. Kinilig sya sa naisip. Na excite bigla.
Pero ang tanong, tatanggapin ba sya ni Daniel bilang yaya ng anak nito kahit saksi ito sa eskandalo kanina?
"Kailan ka pwedeng magsimula, hija?"tanong ni Mrs De Marco.
"ASAP Maam. Pwede ho ako anytime."
Inabot nito sa kanya ang isang calling card. "Itext mo sa akin ang address mo, ipapasundo kita sa driver ko para hindi ka na mahirapang mag commute papunta sa bahay."
"Thank you Maam. Pero si Daniel po, okay lang kaya sa kanya?"
"Well, he badly needed a nanny for his son. Kung personal kitang irerekomenda, hindi na yun makakatanggi pa."
Tumango sya. Sana nga.
"O sya, mauna na kami."
"Maam.." tawag nya dito nang nasa may pinto na ng restroom ang maglola. "Pwede pong mag Cash advance?"
"Totoo na ba yan o joke pa rin?" Ngiti nito sa kanya.
Nagpeace sign sya kasabay ng ngiting may halong ngiwi. "Joke po."
"See you, Abby."
"Bye Lian.." kumaway sya. Ibinaba nya ang kamay na nakapeace sign. Totoo yung c.a. Wala syang budget pang iwan sa mga magulang sa loob ng isang buwan. Pero di bale na, may mahihiraman sya ng pera para sa allowance ng mga ito habang wala sya.
Ang mahalaga, may bago na syang trabaho. Malaki pa ang sweldo. Kung ganun sana lagi sya kaswerte, kahit ilang drum ng malamig na tubig ang ibuhos sa kanya ni Reina okay lang sa kanya. Magpapasalamat pa sya ng bongga.
"Thank you, Lord." Usal nya.