Stacey's POV
Kagabi sobrang daming nangyari.. Nakakahiya na tuloy pumasok ngayon.. Pano ba naman kasi.. Umalis lang kami ng ganun ganun eh..
Gusto ko magpakain sa lupa..
Oh gosh.. Late na ko..
8:05am School.
Buti nalang wala yung teacher namin.. Safe ako..
Kaso.. Bakit parang ang weird ng atmosphere? Nakatingin silang lahat sakin.. Sabay nagbubulungan.. Wala pa naman akong kaibigan sa room.. Hay nako.. Anong gagawin ko?
Lumabas ako at pinagtitinginan parin nila ako.. Sabay nakita ko si Maximus na nasa Hall naka sandal sa pader.. Nilapitan ko sya at paglapit na paglapit ko nagulat sya..
"Gulat na gulat? Nakakita ka ng multo?" Tanong ko sa kanya..
"Ah.. Hindi mo pa nakita no?" Tanong nya sakin..
"Ang ano?" Tanong ko pabalik..
"Buksan mo yung Twitter mo." Sabi nya sakin sabay binuksan ko yng twitter ko.. At.. Ito ang nakita ko.

May post na tungkol sakin.. Na-publish na Jowa ko si JARED DATI at nanligaw sakin si Gio.. This is so frustrating.. Nagcomment pa talaga si Jared.. Ngayon tuloy lalong nagkagulo.
Ito pala yung rason kung bakit nila ako pinagtitinginan.. Sobrang nakakahiya..
-Breaktime-
Kumain nanaman ako mag-isa.. I should not invite Maximus and Ethan today.. Baka madamay pa sila dito...
For sure tingin na ng mga tao sakin nilandi ko yung mag bestfriend.. Hindi ko nga alam na magkaibigan si Jared at Gio noon eh.. Yun din yung dahilan kung bakit pinatigil ko si Gio sa panliligaw..
I really can't do this anymore.
Wala na nga akong kaibigan tapos mai issue pa..
"Anong iniisip mo?" Tanong ng tao sa likod ko..
"Ah.. Maximus.. You should not hang out with me today.. Alam mo na.. Kase..."sabi ko habang nahihiya..
"Why not? Pinagkakatiwalaan kita." Sabi nya sakin..
Napatahimik nalang ako bigla.. Well.. Hindi ko naman masyadong kilala si Maximus pero kumportable akong kasama sya..
"Maximus.. You're really weird." Sabi ko sa kanya..
"Sinabi din nila sakin yan noon.." Sagot nya sakin..
Kung magiging kaibigan ko lang si Maximus buong Senior Highschool.. Sobrang swerte ko na..
-School Bell Rang-
"Tara.. Sabay na tayong umakyat." Sabi ni Maximus..
"Ah.. O.. Okay..." Sabi ko sa kanya. Sabay umakyat na kaming dalawa sa taas.
-Uwian-
Nakita ko si Jared at Gio na magkasama na naglalakad papasalubong sakin..
Nakikita ko na yung bulong ni Jared kay Gio habang tumatawa ng nakakaasar..
Palapit na sila ng palapit sakin..
Nung tatawagin na sana ako ni Jared..
May biglang tumawag sakin.
"Stacey!" Sigaw ni Maximus sakin ng parang naiirita..
Naka kunot-noo sya at papalapit na sakin.. Parang nag slow-mo amg lahat.. Ganto ba talaga kapogi si Maximus? Bakit ngayon ko lang napansin? Gosh... He's coming..
"Stacey! Kanina pa kita tinatawag." Sigaw nya..
"H-huh?" Gulat na tanong ko..
Jusko masyado ako na carried-away.. Nakakahiya...
"Sumunod ka sakin." Sabi nya sakin. Inutusan nya ba ako?
Bahala na! Basta hindi ko lang makasalubong tong dalawang pakhinayu na to..
"Stacey, Pwede ba tayong mag-usap?" Tanong ni Jared sabay hawak sa wrist ko..
Nagbulungan nanaman yung mga estudyante.. Sabay hinila na sana ako ni Jared paalis.. Pero hinawakan ako ni Maximus sa kabilang wrist.. Kaya napahinto ako..
"San ka pupunta? Sinabi kong sundan mo ko diba?" Tanong ni Maximus.. I feel chills.. Nakakatakot yung Aura ni Maximus.. Kala mo nasa Antartica ka kahit na nasa school ka lang..
"Ihahatid ko na sya pauwi.. Wag ka mag-alala.. She's safe with me." Sabi ni Jared.
"Hindi sya aalis na kasama ka." Tanging sagot ni Maximus.
"Ihahatid ko na sya." Sabi ni Jared sabay hinila ako ulit..
"Ang sabi ko.. Hindi sya aalis ng kasama ka." Sabi ni Maximus in cold and handsome way..
"I said I'll take her home." Sabi ni Jared..
Humigpit naman yung pagkakahawak sakin ni Maximus..
"She's not going anywhere.. Diba Stacey?" Sabi ni Maximus sabay tingin sakin..
Madami nang tao yung nakatingin.. Pero wala paring bumibitaw sa kanila..
"Mag-uusap kami. Leave." Sabi ni Jared..
"Ang sabi ko hindi sya aalis.. Stacey.. Susuway kana ba sa Master mo?" Tanong ni Maximus..
Wait.. First of all kailan pa kita naging master..
Bahala naaa
Tinanggal ko yung pagkakahawak ni Jared sakin sabay pumunta ako sa likod ni Maximus.. Hindi na mahigpit ang pagkakahawak nya sa wrist ko pero hawak nya parin..
"Now.. Tabi." Sabi ni Maximus kay Jared..
Tumabi naman si Jared.. At hinila ako ni Maximus..
Hindi ko akalain na nakakatakot pala si Maximus..
I swear to heaven and earth I'll never offend him..
— ตอนใหม่กำลังมาในเร็วๆ นี้ — เขียนรีวิว