Maximus's POV
Nandito ako ngayon sa School.. Syempre nag-start na agad yung school... Well.. Kilala ako ng mga teacher kasi kilala din dun yung dad ko..
Hindi muna ako pumasok instead.. Naglibot ako.. At science lab ang pinakanagustuhan ko kaya dun ako nag stay... Well.. Wala naman nagklase dun kaya ang swerte ko..
Natanaw ko naman si Stacey sa labas kaya naisipan ko na sundan sya...
Kinuha ko ang sumbrero ko at mask sabay sinundan sya.. I wore my mask and cap.. Mukha na nga akong stalker o magnanakaw eh.. Magnanakaw ng puso mo Yieeee joke lang... Basta ayon nga sinundan ko na sya..
Nag-iisa lang sya na nag-rerecess.. Hindi ko alam kung wala ba talaga syang kaibigan o ayaw nya lang mahingian ng pagkain eh.. Tatawagin ko sana sya kaso lang may lumapit sa kanya..
"Uy.. Nakita nyo na ba si Gio?" Pagkakarinig ko sa isang babae.
"Anong meron sa kanya?" Tanong ni Stacey..
"Ang payat na nya Stacey... At ang tangkad din.. Sure ako na Ideal man mo na sya." Sabi nung babae..
I clenched my fist habang nakikinig ako sa kanila.
"Alam nyo.. Yung dati... Mistake lang yun ayoko na maulit kahit na pumogi pa sya at pumayat sa tingin nyo magugustuhan ko sya? He's just... Not my type." Sabi ni Stacey sa kanila sabay kuha ng binili nya..
Napangiti nalang ako at sinabi sa sarili..
"Ofcourse.. She's not that easy."
Nakita ko naman si Sir Basquez sa Science Lab kaya pumunta ako doon..
"Sir Basquez.. Pwede po ba kita makausap?" Tanong ko sa kanya..
"Oo naman ano ba yun?" Sagot nya habang nakangiti..
"Saang Class po ba ako mapupunta?" Tanong ko kay Sir Basquez..
"Well.. Ang Adviser mo is si Mrs.Wilson." sagot nya habang nakatingin sa papel na hawak nya..
"Gusto ko pong pumasok sa class kung nasaan si Stacey." Sabi ko sa kanya..
"Stacey? Stacey Montenaro?" Tanong ni Sir Basquez sakin..
"Yes po.. Sya po.. Pano nyo nalaman?" Tanong ko habang gulat na gulat..
"Mabait na bata si Stacey.. Nasa klase sya ng asawa ko.. Kilala mo na.. Si Mrs.Basquez.. At nasa klase ko din si Stacey.. Kaya kilala ko na sya.." Sabi ni Sir Basquez sakin..
"Anyway.. Sir.. Kahit anong klase nya pa po.. Dun nyo ko ipasok." Sabi ko kay Sir Basquez..
"Gusto mo kahit saan?" Tanong ni Sir sakin..
"Opo.. Kahit saan." Determinadong sagot ko..
"Nasa Cookery sya at ang adviser nya is yung asawa ko. Gusto mo talaga doon?" Tanong ni Sir Basquez..
"Uhm.. Ang ibig ko pong sabihi--"
"Okay sige.. Dun ka nalang sa katabi nilang room.. Dun ka sa Class ko.. STEM kami alam ko naman na science ang gusto mo eh." Sabi ni Sir Basquez..
I guess.. Okay na yun.. Kesa naman malayo ako sa kanya lalo..
Di ko alam pero gusto ko talagang mapalapit kay Stacey..