ดาวน์โหลดแอป
7.69% Heal My Wounds Once Again / Chapter 2: Legendary Hero

บท 2: Legendary Hero

"Hahahahahaha"

"Hahahahahaha"

Habang nagtatawanan sa training ang magkapatid na Sonata ay may nakita silang nagtatakbuhan at may mga sumisigaw. Maraming tao ang nagtatakbuhan at sumisigaw kaya agad-agad lumabas ang kuya ni Gussion na si Gin Sonata at nagtanong ito sa isa sa mga tumatakbo at sumisigaw.

"Sir!" hinawakan ni Gin ang isang pormadong lalaki na tumatakbo.

"HaaAAa!!" nagulat ang pormadong lalaki kay Gin.

"Sir?! Ano pong nangyayari?"

"Ma-ma-ma-may tatlong villain doon sa okasyon at nanggugulo sila. May isang hero na lumaban sa tatlong villain pero 'di niya kinaya, siguro ha-ha-hanggang ngayon kinakawawa pa rin siya." nangangatog ito ng sinabi ito ng pormadong lalaki na nagmula sa okasyon.

"O-ok, salamat sir, paumanhin po kung nagulat ko kayo." binitiwan ang pormadong lalaki at tumakbo ito palayo sa gulo.

"Gussion, dito kalang. 'Wag na 'wag kang aalis dito sa bahay hanggat wala pa ako. Ok ba?!" hinawakan niya ito sa balikat habang sinasabi niya ito.

"..Opo kuya." sagot ni Gussion at tumango ito.

Agad na nagsuot ng face mask si Gin Sonata at pinuntahan ang gulong nangyayari sa okasyon at para tulungan ang isang hero na naiwan. Kasing bilis ng kidlat kung tumakbo si Gin kaya nakapunta agad siya sa okasyon kung saan ay mayroong gulo.

"Ohhh haaaa? 'Dibba ang tapang mo kanina? Ta's ngayon lampa-lampa ka." pang-aasar ng kalbong villain sa nakahigang hero na walang malay.

"Ohhh may isang hero nanaman na dumating." sabi ng villain na longhair na malaki ang katawan sa mga kasama nito.

Lumingon ang isang pandak na villain at sinabi nito na.

" Si-si-si—" hindi na pinagtapos ng pagsasalita ni Gin ang pandak na villain at agad niya itong sinikmurahan at nawalan ito ng malay.

"Si.. Yellow Flash yan, ang legen—" hindi rin pinagtapos ng pagsasalita ni Gin ang lalaking villain na longhair na may malaking katawan

gamit ang Lightning Slash.

"Oohhhh magaling Yellow Flash, legendary hero. Ba't kaya 'di mo subukang lumapit para malaman mo na 'di ako tulad ng dalawang ugok na 'yun?" payabang na sinabi ng kalbong villain kay Gin.

Tinitigan lang ni Gin ang kalbong villain sa mata at hinagis nito ang dagger sa villain.

At ng makailag ang villain sa dagger na binato ni Gin ay tumakbo ito ng mabilis na kasing bilis ng racing car papunta kay Gin at ginamit ni Gin ang Zone States; Stage 4 at nilabanan niya ito ng short range gamit ang martial arts.

At ng mag-left hook ang villain ay agad na nakailag si Gin, ng yumuko si Gin ay ginamit niya ang right foot niya para gamiting pangcounter attack at sinipa ito sa tuhod at napaluhod ang villain. Hinawakan ni Gin ang fore arm ng villain at nag-iwan ito ng sign letter na letter O na ang ibig sabihin ay One Touch Teleport Technique. At sinipa ni Gin ang villain sa sikmura at sa lakas ng impact ay tumalsik ito sa isang poste.

"Ha..Ha..Ha.." hinihingal ang villain ng tumama sa poste, "Wala, 'di mo ako matatalo, Yellow Flash."

Tumakbo ulit palapit sa kanya si Gin at binato sa kanya ang hawakan ng dagger at sinangga ito ng villain.

"Haa?" pabulong na sinabi ng villain at nagulat ito dahil nag-vanish si Gin. Hinanap ng villain si Gin kaya lumingon ang villain sa kaliwa at kanan. At ng makahanap ng chance si Gin ay nagpakita ito sa kaliwa na kung saan ay napalingon ang villain at isang clone naman ni Gin ang lumitaw sa kanan, napaatras ang villain sa poste na nasa likuran niya.

"HaA hAa!?" hindi na nakaporma ang villain ng may lumabas na kamay ng clone ni Gin sa poste na sinandalan ng villain at ni-lock nito ang villain. Ginamit na ni Gin at ng clone niya ang Exploding Air Palm at pinatamaan nila ito sa sikmura at sa sobrang lakas ay napatalsik ito sa itaas.

"Ahhhhh!!" sigaw na sinabi ng villain habang nasa-ere ito.

At ng nasa-ere na ang villain ay ginamit na ni Gin ang One Touch Teleport Technique na nakalagay sa fore arm ng villain na maliit na letter. Nagteleport si Gin sa likod ng villain at pumatong ang dalawang paa nito sa likod ng kalaban at ginamit nito ang Lotus. Sa lakas ng impact na pagtama nito sa lupa ay nawalan rin ito ng malay 'gaya ng dalawang villain. Pinuntahan agad ni Gin ang hero na nawalan ng malay.

"Rank C siya from Class E" sabi ni Gin at saktong dumating na ang mga pulis hero at hero healer

"May pulso pa siya, nawalan lang siya ng malay." sabi ng isang rank A na Healer.

"Bilisan niyo baka kung ano pa ang mangyari diyan!" sabi ni Kapitan Jayce na isa rin Legendary Hero," Sige na Yellow Flash, kami na ang bahala dito." dagdag sabi pa ni Kapitan Jayce kay Gin at tumango lang ito sa kanya at nag-vanish na ito.

"Magaling Yellow Flash, may araw ka rin sakin." sabi ng pandak na villain.

"Andami mo pang satsat! Pumasok ka na sa kotse!" sabi ni Kapitan Jayce.

"Oo na.."


ความคิดของผู้สร้าง
MicroIsLife MicroIsLife

Sana po magustuhan niyo po yun story.Please rate and comment po hehe?Maraming salamat po kung nabasa mo ang story hehe

Load failed, please RETRY

สถานะพลังงานรายสัปดาห์

Rank -- การจัดอันดับด้วยพลัง
Stone -- หินพลัง

ป้ายปลดล็อกตอน

สารบัญ

ตัวเลือกแสดง

พื้นหลัง

แบบอักษร

ขนาด

ความคิดเห็นต่อตอน

เขียนรีวิว สถานะการอ่าน: C2
ไม่สามารถโพสต์ได้ กรุณาลองใหม่อีกครั้ง
  • คุณภาพงานเขียน
  • ความเสถียรของการอัปเดต
  • การดำเนินเรื่อง
  • กาสร้างตัวละคร
  • พื้นหลังโลก

คะแนนรวม 0.0

รีวิวโพสต์สําเร็จ! อ่านรีวิวเพิ่มเติม
โหวตด้วย Power Stone
Rank NO.-- การจัดอันดับพลัง
Stone -- หินพลัง
รายงานเนื้อหาที่ไม่เหมาะสม
เคล็ดลับข้อผิดพลาด

รายงานการล่วงละเมิด

ความคิดเห็นย่อหน้า

เข้า สู่ ระบบ