ดาวน์โหลดแอป
96.18% AFTER ALL (Tagalog Novel)(Book 1) / Chapter 126: C-125: THE REVELATION OF SECRETS

บท 126: C-125: THE REVELATION OF SECRETS

Kasalukuyan nang nasa biyahe sila Lester ng makatanggap ito ng tawag mula kay Dustin. Kasunod nila ang sinasakyan nila Joaquin. Mula sa Ospital bumiyahe na sila pauwi.

Nagpalit rin sila ng sasakyan siya na ngayon ang nagdadrive ng van kasama si Nanay Sol, ang mga bata at mga Yaya nito.

Habang ito na ang nagdrive ng AUV niyang dala kasama nito si Amanda.

Dahil iyon rin kasi ang gusto ni  Amanda, hindi naman kasi ito makapagtanong mukha kasing hindi rin maganda ang timing.

"Hello, Boss?" Alanganing sagot nito siguradong magtatanong na naman ulit ito naisip ni Lester.

"Nasaan na kayo, matutuloy ba kayong umuwi ngayon?!" Tanong nito sa kabilang linya na tila ba excited pa sa sagot ni Lester.

Kayà lalo lang itong kinabahan sa maaaring maging reaksyon ni Dustin oras na malaman nito ang nangyari ngayon.

Ngunit kailangan pa rin nitong malaman at kailangan pa ring sabihin ni Lester ang totoo.

Dahil isa ito sa trabaho ni Lester ang i-monitor dito ang ano mang mangyayari sa kapatid ng kanyang Boss.

Kahit pa ang pinaka maliit na detalye. Dahil iyon ang tungkulin ni Lester at ipinangako nito kay Dustin.

"Pauwi na Boss naatrasado lang galing kasi kami sa Ospital."

"Ha' bakit sino ang na-ospital?" Agad na usisa nito.

"Ah' Boss si Ma'am Amanda po kasi nawalan ng Malay kanina. Hindi ko pa kasi alam kung ano talaga ang nangyari?

'Mas mabuti kung si Sir Joaquin na lang ang tatanungin n'yo Sir! Pero huwag kayong mag-alala mukhang okay naman na si Ma'am Amanda. Kaya lumabas na rin kami agad ng Ospital."

"Ano daw bang sabi ng Doctor hindi mo man lang ba inalam?" Pag-uusisa pa rin nito.

"Ah' Boss malapit naman na kami nasa South bound na. I-off ko muna Sir sa bahay na lang..." Pag-iwas na nito sa mga tanong ni Dust.

___

Kayà naman hindi na katakataka nang pagdating nila inabutan na nila itong naghihintay sa loob ng bakuran ng bahay nila Joaquin.

Kausap nito ang mga guards na ang isa ay agad na nagbukas ng gate para sa kanila.

Magkasunuran na huminto ang sasakyan nila sa tapat mismo ng main entrance ng bahay.

Agad na lumapit sa sinasakyan nila Joaquin si Dustin upang salubungin na salubungin na ito.

Habang sa loob ng sasakyan nanatiling tahimik pa rin ang lahat. Mabuti na lang nakatulog na rin ang mga bata. Panay rin kasi ang tanong ng mga ito lalo na si VJ.

Mabuti na lang rin kasama nila si Nanay Sol. Ito ang matiyagang nagpapaliwanag sa mga bata.

____

"Narito na tayo, narito na rin si Dustin, kung ayaw mo akong kausapin okay. Pero please naman kausapin mo kahit ang kapatid mo!" Pakiusap na ni Joaquin kay Amanda.

Kanina pa kasi ito walang kibo at nababahala na siya.

Mula kanina sa Ospital matapos nitong sabihin na bumalik na sila ng Maynila.

Hindi na ulit ito nagsalita kahit pa sinisikap niya itong kausapin sa buong biyahe nila. Iyak lang ito ng iyak at sobrang nag-aalala na siya.

Kung ano man ang nasa isip nito ngayon hindi na niya magawang hulaan.

"Kailan mo pa alam?" Nang sa wakas ay magsalita rin ito.

Huminga muna siya ng malalim bago pa niya ito tinugon.

"Mahalaga pa ba kung kailan ko nalaman? Hindi ko ito sinabi sa'yo dahil ayokong pangunahan ang mga kapatid mo!

'Nakiusap sila sa akin gusto ko  silang bigyan ng pagkakataon na sabihin sa'yo. Dahil usapin ito ng pamilya n'yo! Kausapin mo ang mga kapatid mo, naniniwala ako na ayaw ka lang nilang biglain at masaktan." Saad pa ni Joaquin.

"Kaya balak n'yong lokohin na lang ako habang buhay!" Muli na naman itong sumigok at pilit pinipigilan ang pag-iyak.

Alam ni Joaquin na nahihirapan ito ngayon na tanggapin ang sitwasyon.

Mabilis na binuksan na ni Angela ang sasakyan at saka lumabas.

"Angela sandali..." Hindi nito pinakinggan ang pagtawag niya.

Tuloy tuloy lang itong lumabas ng sasakyan at deretsong naglakad nang hindi na ulit siya nilingon.

Nagtaka naman si Dustin ng lumabas si Amanda at tuloy tuloy lang itong naglakad patungo sa bahay. Hindi man lang siya nito pinansin, gayung imposibleng hindi siya nito nakita.

Paglingon niya kay Joaquin umiling lang ito ng tumingin sa kanya.

"A-anong nangyari, galing daw kayo sa Ospital o-okay na ba si Amanda?" Tanong ni Dust.

"No, she's not okay! Alam na niya ang totoo. Bro, kausapin mo siya please..." Pigil ang emosyong pakiusap na rin niya kay Dustin.

"A-ano?!" Tanging nasabi nito at napabilis rin ang pagsunod nito kay Amanda na papasok na nang kabahayan.

"Amanda sandali, mag-usap muna tayo please!" Sinundan nito si Amanda at nang tuluyan itong makalapit agad nitong hinawakan si Amanda sa braso.

Kaya naman biglang napatigil si Amanda sa paglalakad...

"Mag-usap, meron pa ba akong hindi alam may itinatago ka pa ba sa'kin?" Kahit ano pang pigil ni Amanda kusang bumalong ang luha sa kanyang mga mata.

"Amanda..." Hirap na saad ni Dustin.

Tumingin ito sa kanya na parang ang daming gustong sabihin. Ngunit walang lumabas sa bibig nito.

"Gusto mo akong kausapin, pagkatapos mong maglihim sa'kin! Pagkatapos n'yo akong pagkaisahang lokohin ha'?"

Magkakahalong galit, pait at kabiguan ang nararamdaman ni Amanda sa sarili ng mga oras na iyon.

Tila ba naglaho rin ang lahat ng pundasyon na pilit niyang binuo at sa isang iglap lang gumuho na ang lahat. 

"Hindi totoo 'yan maniwala ka, wala kaming hinangad kun'di ang protektahan ka. Ayaw ka lang naming masaktan."

"At sa tingin n'yo ngayon hindi ako nasasaktan? Buong buhay ko nagkunwari kayong lahat sa'kin!

'Buong buhay ko palagi ka nang nasa tabi ko. Pero kahit kailan hindi ka naging totoo. Kahit nang mawalan ako ng alaala nariyan ka pa rin. Hindi ko alam kung bakit?

'Palagi kong itinatanong sa sarili ko kung bakit palagi mo na lang akong sinusundan. Para na ngang ikaw ang anino ko pero bakit mo ba ito ginagawa kahit na walang kapalit.

'Nang malaman ko na Anak ka niya gusto kong magalit sa'yo! Gusto kitang kasuklaman, kung p'wede lang...

'Gusto kong putulin ang kahit anong parte ng katawan mo at ipadala sa Tatay mo! Para lang iganti ang Mamang at Papang ko, naiintindihan mo ba iyon?!

'Pero hindi ko magawa! Dahil pakiramdam ko sa sobrang lapit mo sa'kin. Parang karugtong ka na ng buhay ko. Pero bakit mo ba hinayaang kasuklaman kita?!

'Aaahhh! Bakit ka nagsinungaling sa'kiiin!huhuhu.." Mabigat ang loob at malakas niyang sigaw.

"Amanda tama na, ayokong makita kang gan'yan. Dahil lang sa walang kwentang taong iyon!"

Pilit siyang inabot nito at niyakap ng mahigpit.

Ngunit pilit rin siyang nagpumiglas ngunit hindi siya nito hinayaang makalayo. 

At sa nanlalabo pa rin niyang mga mata na tigmak ng luha. Muli niya itong hinarap...

"S-siguro pinagtatawanan mo ako sa tuwing itatanggi kita. Dahil ang totoo pareho lang tayo na may dugo ng walanghiya!"

"Hindi totoo 'yan! Ano bang sinasabi mo? Kahit kailan hindi kita pinagtawanan. Dahil wala akong pinangarap at gusto kun'di ang maging kapatid mo.

'Mula noon hanggang ngayon, ang gusto ko lang tawagin mo akong Kuya at ituring mo akong kapatid. Kahit na peke pa, wala akong pakîalam!

'Dahil ang mahalaga lang sa'kin palagi kang makitang masaya at ligtas. Mahal na mahal kita bilang kapatid ko.

'Kahit pa ang nag-uugnay sa ating dalawa ay dugo ng kriminal nating Ama. Dahil alam kong hindi niya tayo katulad iba tayo sa kanya at kahit kailan hindi tayo matutulad sa kanya, naiintindihan mo ba?

'Buong buhay ko sinikap kong protektahan ka hangga't kaya ko. Mailayo ka lang sa kanya, ginawa ko ang lahat para hindi siya makalapit sa'yo. Dahil hindi ako papayag na makuha ka niya sa'kin! Ikaw na lang ang pamilya ko magmula ng ipapatay rin niya ang Nanang ko."

Sumabay sa pagdilim ng mukha nito at pagtalim ng tingin ang biglang pagkuyom ng mga palad.

"Ipinapatay rin niya ang iyong Ina?" Biglang nakaramdam ng lungkot si Amanda para kay Dustin. Dahil pareho lang pala silang biktima ng walanghiyang si Anselmo.

"Matagal na, kaya ako inilipat ng Papang mo sa Cebu. Para doon na tumira at mag-aral. Dahil inilayo nila ako kay Anselmo!"

"A-ang Papang ang nagdala sa'yo sa Cebu?" Takang tanong niya.

"Oo at si Tatay Kanor! Ibinilin nila ako sa isang kaibigan, umupa sila ng isang kwarto para sa'kin na malapit rin sa school.

'Mula noon namuhay na ako ng mag-isa, noong buhay pa si Tito Darius pinadadalhan niya ako ng pera at siya rin ang nagbabayad ng tinutuluyan pati ng tuition ko.

'Pero dahil nahihiya ako sa kanya kaya naman sinikap kong mag-aral ng mabuti. Kahit paano nagsikap rin akong makakuha ng scholarship.

'Para kalahati na lang ng tuition ko ang babayaran ko sa school. Ngunit buo pa rin ang ibinibigay sa akin ni Tito Darius.

'Kaya nang bigla siyang nawala daig ko pa noon ang napilayan. Pero dahil nangako ako sa kanya noon na palagi akong magiging malakas at matatag para sa inyo lalo na sa'yo.

'Kaya naman ginawa ko ang lahat para matulungan kayo sa paraang alam ko at kaya ko. Pero sa bandang huli...

'Nasira pa rin ng walanghiyang iyon ang mga buhay natin. Hindi ko pa rin nagawang protektahan ang Mamang mo.

'Tulad rin ng Nanang ko noon. Patawarin mo ako dahil naging mahina ako noon at hindi ko siya nailigtas laban kay Anselmo!

'Kaya ipinangako ko sa sarili ko na hindi ko na, hahayaan pang pati ikaw masaktan ng hay*p na iyon!" Bakas ang labis na galit sa mukha na saad nito.

"Pero bakit itinago n'yo sa akin ang totoo! Karapatan ko pa ring malaman 'yun." Hindi pa rin  kasi niya matanggap kung bakit nagawa itong ilihim sa kanya ng lahat sa mahabang panahon?

"Gusto mong malaman kung bakit?!" Saad nito sa mataas nang tono.

"Dahil tulad ng Papang mo ayaw ko ring masira ang buhay mo! Akala mo ba ginusto kong laging maglihim sa'yo?

'Kung alam mo lang kung gaano ko kagustong sabihin sa'yo na ako ang Kapatid mo! Pero sa tuwing makikita ko na masaya ka natitigilan ako.

"Paano ko ba magagawang sirain ang magandang ngiti sa iyong mukha sabihin mo nga, kung alam ko na ito ang nag-iisang pangarap para sa iyo ng iyong Papang, ha' paano?

Noon pa man gustong gusto ko na sanang sabihin sa'yo. Pero tama si Manong masisira ko lang ang buhay mo kapag nalaman mo na ang totoo.

'Ang sabi niya sabihin ko sa'yo sa tamang panahon kapag mas matatag ka na! Pero nalaman mo pa rin ito ng mas maaga pa sa inaasahan ko.

'Ang totoo gusto ko sana itong sabihin sa'yo kapag narito na rin si Amara. Upang dalawa kaming magpaliwanag sa'yo pero hindi na rin pala kailangan.

'Ngayong alam mo na ang totoo at hindi mo pa rin ako kayang tanggapin bilang kapatid mo, okay lang sanay naman na ako!" May lungkot sa mga mata at tila may pagsuko nang tugon nito.

Malungkot na tumalikod na ito sa kanya at nagsimula na ring humakbang.

"Kuya..." Ahh' bakit ba kailangan pa niyang gawing komplikado ang kanilang sitwasyon?

Gayung kahit ano pa ang dahilan ng kaugnayan nila. Hindi pa rin mababago ang katotohanan na magkapatid pa rin sila.

Biglang tumigil si Dustin sa paghakbang ng marinig nito ang pagtawag niya. Ngunit nanatili pa itong nakatayo at nakatalikod sa kanya.

Tila saglit rin itong huminga ng malalim. Kaya naman muli rin siyang nagpatuloy.

"Ngayon mo pa ba ako iiwan, kung kailan alam ko na, na totoong kapatid pala kita..." Saglit muna niyang pinahiran ang luha sa kanyang mga mata at muli itong tinawag.

"Kuya!"

Bigla naman itong napalingon, mababakas rin sa mukha nito ang hindi maipaliwanag na saya.

Saglit niya itong pinagmasdan at ano ba itong nakikita niya?

Tila may sumungaw na butil ng luha sa mga mata nito na pilit lang nitong pinipigilan.

Bakit ba ngayon lang niya ito nabigyan ng pansin. Ang laki na ng hirap nito sa kanya, ngunit kahit kailan hindi ito tumanggi o nagreklamo sa kanya.

Palaging kabutihan niya ang iniisip nito mula noon hanggang ngayon. Lagi itong pumapapel bilang Kuya niya, kahit madalas maaaring nasasaktan niya ang kalooban nito.

Dahil sa mga pagtanggi niya sa pag-aakalang hindi totoo ang ugnayan nila. Ngunit palagi pa rin itong gumagawa ng mga mabuting bagay para sa kanya.

Sa isiping iyon naging mabilis ang kanyang paghakbang at paglapit sa lalaki. Dahil ngayon wala nang pag-aalinlangan pa sa kanyang isip, agad rin niya itong niyakap.

Kapatid niya ito kadugo magkaiba man ang kanilang Ina. Ngunit iisa pa rin ang kanilang pinagmulan, hindi na mahalaga kung sino ang kanilang Ama?

Ang mahalaga iisa ang kanilang layunin at kahit hindi pa nila sabihin. Alam niya at ramdam niya na mahal nila ang isa't-isa.

Dahil magkapatid sila...

"A-Amanda!"

"Dustin, I'm sorry..." Hindi na niya napigilan pa ang impit na paghikbi.

"Ssshhh! Akala ko hindi mo na talaga ako matatanggap, hindi mo lang alam kung gaano ako kasaya ngayon?" Saad nito sabay hawak sa dalawa niyang kamay.

Tila ba hindi maipaliwanag ang emosyong ipinakikita nito ngayon sa kanya.

Mababakas ang pamumula sa mga mata nito. Ngunit naroon pa rin ang masaya nitong ngiti.

"Kuya..." Hinawakan pa niya ito sa magkabilang pisngi at saka siya nagpatuloy sa pagsasalita.

"Basta ipangako mo wala na tayong itatago pa isa't-isa, okay?!"

Aniya.

"Pangako wala na talaga! Mahal na mahal kita kapatid ko!" Muli siyang kinabig nito at niyakap.

"Mahal din kita Kuya noon pa, natakot lang ako noong una iniisip ko na baka Anak ka ng Papang sa ibang babae.

'Ngayon natakot rin ako sa isang posibilidad na matagal nang itinatanggi ng isip ko subalit iyon pala ang totoo. Pero dahil nariyan ka lumakas ang loob ko.

'Dahil alam ko hindi ako dapat magpatalo sa katotohanang iyon at kailangan rin natin ang isa't-isa Kuya. Para harapin siya at pagbayarin sa lahat ng ginawa niya sa atin!"

"Tama ka magbabayad siya sa lahat ng atraso niya sa atin. Pero ayokong ma-involve ka pa sa sitwasyong iyon. Hayaan mo nang kami na lang ni Gavin ang gumawa ng paraan kung paano siya mahuhuli?

'Dahil hindi ko gusto ang ginawa mo noong pumunta ka sa Iloilo nagpadalos-dalos ka! Tinakot mo ako noon alam mo ba? Lalo na nang malaman ko na muntik ka na pa lang madisgrasya. Mabuti na lang naroon si Gavin."

"Hmmm, buti naman pinaalala mo. Pero bakit sinabi mo na hindi mo siya kilala, iyon pala magkasabwat kayo noon pa lang niloloko n'yo na ako!" Nakaismid niyang sinita si Dust ng maalala niya ang ginawa ng mga ito.

"Simple lang dahil ayoko nang makulit na kapatid. Siguradong hindi mo ako tatantanan ng katatanong tungkol sa kanya.

'Nasa isang misyon si Gavin that time walang p'wedeng makagulo at makakilala sa kanya. Alam mo bang muntik siyang malagay sa alanganin?

'Dahil sa ginawa mong iyon muntik nang masira ang lahat ng pinaghirapan nila!"

"So may kasalanan pa ako, pagkatapos niya akong pabayaan na lapastanganin ng isa sa mga kasama niyang tauhan ni Anselmo?

'Pinabayaan nga niya akong hawak hawakan ng lalaking iyon at halikan! Nakakadiri ang mga ginawa nila sa'kin at dahil doon parang gusto ko na ring mamatay at saka kaya ako hinimatay noon dahil..." Hindi pa siya tapos magsalita ng halos mabingi na ang kanyang tenga sa...

"ANO?!" Halos sabay na bulalas ni Dustin at Joaquin na nakalapit na rin pala at nakikinig.

"Tang***! Bakit hindi niya sinabi sa'kin iyon?!" Galit na bulalas ni Dustin.

"GAGONG 'YUN GINAWA NIYA YUN SA'YO?!" Magkakahalong gulat at galit naman ang mababakas sa mukha ni Joaquin.

Ito ang bulalas ng dalawang lalaki habang parehong nakakuyom ang mga kamao.

Bigla tuloy siyang kinabahan.

Nang halos sabay rin itong kumilos at tumalikod sa kanya doon na siya tuluyang nabahala.

"SANDALIII!"

Malakas niyang sigaw ang nagpatigil at muling nagpalingon sa mga ito.

*****

By: LadyGem25

      (08-26-21)


Load failed, please RETRY

สถานะพลังงานรายสัปดาห์

Rank -- การจัดอันดับด้วยพลัง
Stone -- หินพลัง

ป้ายปลดล็อกตอน

สารบัญ

ตัวเลือกแสดง

พื้นหลัง

แบบอักษร

ขนาด

ความคิดเห็นต่อตอน

เขียนรีวิว สถานะการอ่าน: C126
ไม่สามารถโพสต์ได้ กรุณาลองใหม่อีกครั้ง
  • คุณภาพงานเขียน
  • ความเสถียรของการอัปเดต
  • การดำเนินเรื่อง
  • กาสร้างตัวละคร
  • พื้นหลังโลก

คะแนนรวม 0.0

รีวิวโพสต์สําเร็จ! อ่านรีวิวเพิ่มเติม
โหวตด้วย Power Stone
Rank NO.-- การจัดอันดับพลัง
Stone -- หินพลัง
รายงานเนื้อหาที่ไม่เหมาะสม
เคล็ดลับข้อผิดพลาด

รายงานการล่วงละเมิด

ความคิดเห็นย่อหน้า

เข้า สู่ ระบบ