ดาวน์โหลดแอป
54.76% MY BODYGUARD [TAGALOG - COMPLETED] / Chapter 23: CHAPTER 22

บท 23: CHAPTER 22

SUMMER POV

GABI na ng makauwi kami ni Parker sa bahay. Hindi Ako komportable dahil ito ang unang gabi na matutulog ako na may kasamang ibang tao. At sa iisang bubong pa kami magkasama.

Maglalatag na sana ako ng higaan ko sa sarili kong kama nang makita kong lumabas si Parker dala ang gasera.

Walang kuryente dito tanging gasera at lampara lang ang nagbibigay liwanag. Hindi ako nakaramdam ng gutom dahil may pinakain sila sa akin kanina.

Linupak na kamoteng kahoy daw tawag non hindi na ako nagreklamo dahil panay talim ang titig ni Parker sakin sa twing ibuka ko ang aking bibig.

Pero masarap yung nilupak na kamoteng kahoy. Kunot noo naman akong sumunod kay Parker nakita ko siya sa tabi ng duyan gumagawa ng apoy.

"Anong ginagawa mo jan? "Nakahalukipkip kong tanong.

"Dito ako matutulog sa duyan dun ka sa loob " sagot nito na nakatalikud parin sa akin.

"Ang daming lamok sa loob Parker "reklamo ko

"Magkulambo ka , may kulambo naman dun ,"sagot ni na di parin humarap sa akin.nakatingin lang ako sa likud niya panay parin ang ihip niya sa nagsimula nang umusok na mga kahoy na sinindihan niya.

Inunahan ko siyang naupo sa duyan at komportable akong dumuyan duyan dito gamit ang paa ko.

"Anak ng! , Umalis ka nga jan don ka sa loob matulog ,"

Nginisihan ko lamang siya saka pinatuloy ang pagduyan.

"Aalis ka jan o ihuhulog kita ?"

Hindi ko parin siya pinansin natigil ako ng lumapit siya sa dulo ng duyan at malakas akong dinuyan. Napakapit ako sa magkabilang duyan at tawang tawa. Habang hindi naman maipinta ang mukha ni Parker sa inis dahil tuwang tuwa pa ako sa ginawa niya.

"Gawin mo ulit Parker,"

Hindi ako nito pinansin kumuha ito ng mahabang upuan saka doon humiga at ginawang unan ang dalawang bisig niya saka naka nakatuntong sa upuan ang isa at dumikwatro.

"Parker"tawag ko sa kanya.

"Oh?"sagot nito na nakapikit na ang mga mata.

"Kailan tayo babalik sa manila?"

"Hindi ko pa alam, "

"Namiss kona si Dad, hindi ba tayo pweding tumawag ?"

"Nakikita mo naman seguro ang buong kabahayan no?, may nakita ka bang kuryente dito? May nakikita kang nakacellphone dito?"

"Wala,"

"Yun naman pala ey, "

"Parker,"muli ko namang tawag.

Dumilat ito at nag isang linya ang kilay na tumingin sa akin na nginisihan ko naman.

"Ano na naman?"

"Anong nangyari dun sa Humabol sa atin? Pano tayo nakatakas?"Natigilan ito sa tanong ko halatang nagulat siya at hindi inasahang magtatanong ako.

Gusto ko talagang malaman kong anong nangyari dahil wala akong ka edi ideya kong pano kami napadpad dito.

"Hindi mo magugustuhan Kong sasabihin ko"seryusong saad nito saka muling ibinaling sa iba ang paningin.

"Try me, o di kayay ikwento mo sakin kong pano tayo napadpad dito, "

Bumangon ito saka tumayo.

"Hoy! San ka pupunta?"

"Sa loob ayaw mo dun diba? Kaya ako nalang ang matutulog dun at dito ka , sa totoo lang inaantok na ako bukas nalang tayo mag usap"pagkasabi niyang iyon ay tuluyan na itong pumasok sa bahay.

Nakakiinis naman. Napayakap ako sa mga braso ko ng maramdaman ang pag ihip ng malamig na hangin. Nagmamadali akong bumaba saka patakbong pumasok sa bahay.

Nadatnan kong naglatag na nang banig si Parker sa paanan ng kama.

"Oh akala ko dun ka matutulog?"kunot noong tanong nito.

"Eh malamig dun eh, baka sipunin ako, "pagdadahilan ko.

Napatingin ako sa balde gusto ko sanang maligo pero nilalamig ako.

"Parker , may sabon ba tayo? Maghihilamos lang ako "

"Walang sabon jan, bukas ibibili nalang kita pupunta kami sa kabilang Isla sasama ako kay Tay Lusyo magbibinta kami ng Isda sa palengke ilisda mo nalang yung gusto mong ipabili "sagot nito saka tumalikod ng higa sa akin.

Hindi kona lang tinuloy ang paghihilamos. Maingat akong umakyat at nahiga sa kama.

Tahimik na ang paligid at tanging mga insekto nalang ang naririnig kong nag iingay.

Nakaramdam ako ng lungkot. Saka diko napigilan ang paglandas ng mga luha ko sa mga mata. Namiss kona si Dady. Yung trabaho ko hindi ako sanay sa ganitong buhay. Hindi ko rin alam kong matatagalan ko ba ang ganitong uri ng pamumuhay malayo sa kinagisnan ko.

Mabilis kong pinahid ang mga luha ko saka tumagilid ng higa paharap kay Parker.

"Parker," tawag ko pero hindi na ito sumagot.

Kaya tumihaya ako at napatingin sa bubong.

Panay kamot ako sa binti at braso ko dahil sa dami ng lamok.

Shit! Sirang sira na ang balat ko nito. Ayuko naaaaaaa!! Gusto ko nang umuwi.

Hindi ko alam kong anong oras na ako dinalaw ng antok.

K I N A B U K A S A N

WALA na si Parker ng magising ako gusto kona sanang mataranta ng makita ko si Nay bering na may dalang pagkain.

"Maagang umalis si Parker dae kasama ang Asawa ko baka mamayang hapon andito na ang mga yun kumain na at may gagawin pa ako sa bahay "tumango lang ako saka bumaba sa kama ko at naglakad palapit sa mesa.

Ibang putahi na naman ang inihanda ni Nay bering. Hindi ako pweding mag iinarte nito dahil magugutom ako tska hapon pa ang balik ni Parker.

Napaisip ako bigla. Shit! Bakit di niya ako ginising? Yung ipapabili ko sana. Kainis naman. nanlalagkit na ako gusto ko nang maligo.

PARKER POV.

MADALING araw pa ay umalis na kami ni Tatay Lusyo para daw hindi kami magabihan pag uwi.

"Yung Si Summer ba Doi, ey Artita?"nagulat ako sa tanong ni Tatay Lusyo.

"Bakit mo naitanong Tay?"

"May nakita kase akong newspaper sa bayan nakalagay ang mukha niya kaya inisip ko na artista siya ".

"Ah, Model yun Tay, rumarampa at nagcocommercial kaya Sikat siya "tugon ko.

"Ano ba ang nangyari at napadpad kayo dito sa lugar namin?"

"Hinabol kase kami ng mga taong gustong pumatay sa kanya "

NAgulat na humarap si Tatay Lusyo sa akin.

"Bakit siya pinapatay? "

"Yun nga din ang hindi ko alam kong anong atraso niya sa mga taong gusto siyang patayin bukod sa magaspang niyang ugali wala naman akong nakitang ibang dahilan para patayin siya "

"Hindi naman masama ang ugali niya mukhang may pinagdadaanan lang yata ang batang yun, Eh ikaw ? Bakit kasama mo siya? "

"Ako po kase ang inatasang magbantay sa kanya bali Bodyguard po ganon "

"Bodyguard lang ba? "'Makahulugang tanong ni Tatay

"O-oho Tay , staka may Asawa at Anak po ako "sagot ko.

Tumango tango lang si Tatay. Nang makarating kami sa kabilang Isla namangha ako sa angking ganda ng paligid. Mala paraiso din ng gaya sa Isla paraiso.

Mabubuting buhangin, kulay asul na dagat. Malalaking puno at maraming kabahayan.

Tinulungan kong magbuhat si Tatay ng mga kahon kahong isda na nahuli namin. At dinala namin sa palengke. Natuwa ako ng makitang may mga sariwang karneng baboy at manok dito.

Naubos ang isdang paninda namin ni Tatay Lusyo pagsapit ng tanghalian.

"Doi, ito tatlong libo, bumili ka nang kakailanganin niyo sa bahay "

"Tay masydong malaki naman po ito? Tsaka wala naman kaming gaanong kailangan sa bahay "sagot ko.

"Bilhan mo nang Kailangan niya si Summer atska malaki ang kita natin , bibili lang ako ng bagong lambat at gasera hihintayin kita sa bangka "saka nauna na itong naglakad.

Naglakad lakad ako sa loob ng palengke nahagip ng mata ko ang isang store. Kompleto sila sa gamit mula panlalaki at pambabae.

Pumili ako ng damit ni Summer. Natawa ako ng makita ko ang set ng bikini hindi ko pa ito nagawa sa tanang buhay ko. Nilagay ko iyon sa basket at kumuha pa ako ng tatlong pares pa niyon. Bumili ako ng Toothpaste, toothbrush, shampoo, sabon, Lotion , at iba pang kakailanganin ni Summer for sure magwawala iyon ng diko manlang siya ginsing at hindi siya nakapaglista ng bibilhin ko.

Kahit papano may alam din ako sa gamit ng babae sympre kahit astang lalaki ang anak ko gumagamit din yun ng ganito saka dati si Salvie pag nagpunta kami sa mall at naggogrocery nakikita ko din kong ano ang mga pinapamili niya.

Bumili ako ng baboy at bigas. Matapos kong bayaran iyon ay umalis na ako. Nasa bangka na si Tay Lusyo ng maabotan ko.

"Tay May Cellphone ba dito?"

"Wala doi, telepono lang yata ang meron malapit sa gasoline station yun , bakit may tatawagan ka?"

"Oo sana pero sa susunod nalang Tay "

Sinimulan nang paandarin ni Tay Lusyo ang bangka. Gabi na nang makauwi ako sa bahay.

Nadatnan kong nakahiga na si Summer sa kama at natutulog na. Inilapag ko ang mga pinamili ko saka nagtungo sa kusina para magluto.

Matapos kong makapagluto ay naghain nako.

"Summer? Bumangon kana, kumain kana nagluto ako ng Nilagang baboy "

Hindi ako pinansin nito at tumagilid patalikud sa akin. Problema ng babaeng to?

Lumakad ako palapit sa kanya saka hinablot ang kumot.

"Ano ba! "Natigilan ako ng bigla akong sininghalan nito.

"Ano na naman ba ang problema mo?"

"Natutulog yung tao ang ingay ingay mo "tugon nito.

"Kakain ka o bubuhatin kita papunta sa mesa ?"

"Ayukong kumain "

Umupo ako sa dulo ng kama niya at bumuntong hininga. Nakatagilid parin ito patalikud sa akin.

"Alam mo bang pakiramdam ko nang iwan moko mag isa dito ha Parker? Halos mamatay matay ako sa takot at pag alalala dahil padilim na at hindi ka pa umuuwi ! Tapos ngayon parang wala lang sayo hindi mo ba naiisip na may naghihintay sayo dito ? "Litanya niya sa akin na nakapagpatigil sa akin.

Hindi ko inasahan ang mga sinasabi niya. Seryuso? Nag aalala siya sakin? Kaya ganito ang inaasal niya? Pero bakit?

Umupo ito saka humarap sakin. Natigilan ako ng makitang umiiyak siya.

"Nakakainis ka talaga! Nakakainis ka! " at pinaghahampas niya ako panay salag lang ako sa ginawa niya.

Nang makatyempo ako ay hinila ko siya palapit sakin at niyakap. Ramdam ko ang malakas na pintig ng puso ko. Suminghot singhot pa ito.

"Im sorry, hindi ko naman sinadya na mag aalala ka, malayo kase ang kabilang Isla kaya natagalan ang pag uwi ko, Halikana kumain na tayo nagugutom narin ako at pagod pa "saka kumalas na ako ng yakap sa kanya at nauna nang pumanhik sa mesa.

Sumunod naman siya. Napangiti ako ng makitang pulang pula ang ilong nya, parang bata naman tong babaeng to.

"Okay lang ba? "Tanong ko sa kanya ng makita ko siyang sumubo na.

"Oo, maalam ka pala sa pagluluto ? "

"Medyo lang ,pakabusog ka "

Tahimik lang kaming kumain ng matapos kaming kumain ay nauna na itong lumabas. Dumungaw ako sa bintana at nakita ko siyang tahimik na idinuyan ang sarili.

"May binili ako para sayo ,"sabi ko. Tumigil naman siya sa pagduduyan at bumababa saka patakbong pumasok ulit sa bahay.

Itinuro ko ang malaking bulseta na pinaglagyan ng pinamili ko.

Nakita ko ang pagliwanag ng mukha niya ng ilabas ang mga pinamili ko pero agad napalitan ng kunot na noo niya nang ilabas ang bikining binili ko saka tumungin sa gawi ko.

"Hindi ko alam kong anong gusto mong kulay kaya apat na ang binilu ko and I'm not that sure if kasya nga yan sayo well hindi ka naman mataba kaya kasya yan sayo "

"Alam mo bang nakakahiya tong ginawa mo Parker? Bakit nga pala alam mo ang size ko?"

"I wash your panty and bra "gusto kong humagalpak ng tawa ng makita ko ang reaction niya. Namumula siya at sa tingin ko subrang nahihiya ito sa sinabi ko.

Tinalikuran ako nito ng makita niya ang tuwalya saka binitbit ang supot na pinaglagyan ng gamit panligo.

Ngunit tumigil din ito ng makarating sa pintuan at humarap sa akin.

"Favorite color ko ang mga napili mo, and thank you "saka ito tuluyang lumabas.

Nakaramdam ako ng saya sa sinabi niyang iyon. Bakit parang ang weird ? Bakit parang mas gusto kong marinig ang compliment niya?

Yung pa thank you niya ramdam ko na seryuso at buong puso niya iyong sinabi sa akin.

Naiwan akong tulala at napatingin sa kawalan.

Ayuko sa nararamdaman ko magkakasala ako nito.

Nakakahiya mang aminin pero mukhang nahuhulog na ang loob ko sa kanya at masama ito. Masamang masama.


Load failed, please RETRY

สถานะพลังงานรายสัปดาห์

Rank -- การจัดอันดับด้วยพลัง
Stone -- หินพลัง

ป้ายปลดล็อกตอน

สารบัญ

ตัวเลือกแสดง

พื้นหลัง

แบบอักษร

ขนาด

ความคิดเห็นต่อตอน

เขียนรีวิว สถานะการอ่าน: C23
ไม่สามารถโพสต์ได้ กรุณาลองใหม่อีกครั้ง
  • คุณภาพงานเขียน
  • ความเสถียรของการอัปเดต
  • การดำเนินเรื่อง
  • กาสร้างตัวละคร
  • พื้นหลังโลก

คะแนนรวม 0.0

รีวิวโพสต์สําเร็จ! อ่านรีวิวเพิ่มเติม
โหวตด้วย Power Stone
Rank NO.-- การจัดอันดับพลัง
Stone -- หินพลัง
รายงานเนื้อหาที่ไม่เหมาะสม
เคล็ดลับข้อผิดพลาด

รายงานการล่วงละเมิด

ความคิดเห็นย่อหน้า

เข้า สู่ ระบบ