SUMMER POV.
AGAD naghiwalay si Thana at River ng makita nila ako. Bakas sa mukha ni River ang subrang pagkagulat at parang wala lang reaksyon si Thana.
Hindi naman ako gaanong apektado pero parang may mali na sa nakikita ko ayaw kong magduda dahil may tiwala naman ako sa kaibigan ko lalo kay River.
"Happy birthday Thana,"pilit ang ngiting ipinaabot ko dito sabay abot narin sa regalo ko.
"Thank you beshy, nag abala ka pa ," tugon nito.
"Napapansin ko lang close na pala kayong dalawa no?,"
"Beshy naman, don't tell me nagseselos ka ? Eh parang kapatid ko lang tong si River eh,"nakangusong saad nito.
" Babe,"tawag ni River sakin pero diko siya pinansin.
"Seguro masyado akong abala kaya hindi kona gaanong napapansin, ang akala ko pa naman sa gubat lang nakatira ang ahas mukhang gumagapang na pala ito palapit sa akin, "makahulugan kong saad na di naman nagets ni Thana ngumiti lang ito.
"Halikana sa loob beshy kumain ka muna,"aya ni Thana.
"It's okay unahin mo muna ang mga bisita mo, dito nalang ako,". Saka naupo sa bakanteng upuan.
Nagkatinginan naman si River at Thana bago nagpaalam si Thana na umalis na. Masama ang tingin na ipinukol ko kay River.
"Babe, talk to me, are you jealous?"tanong nito.
"Bakit River? May dapat ba akong ikaselos?, "pabalik kong tanong sa kanya.
NapBuntong hininga siya saka nag iwas ng tingin sa akin.
I knew it! May something sa dalawang ito. Sana lang mali ako.
"Babe,"muling tawag na naman nito.
"Tigilan mo ako River, wag kang gumawa ng eksina dito , excuse me Cr lang ako"
Pagkapaalam ko ay diretso na ako sa loob ng bahay ni Thana at nakigamit sa family cr nila.
Pilit kong pinakalma ang aking sarili. Hindi ko maintindihan kong bakit naiinis ako sa mga nakikita ko. Alam kong patago ang relasyon namin ni River pero kahit papano minahal ko din naman siya at mahal ko siya.
Naghilamos ako saka nagretouch ulit. Nang makita kong ayos na ang mukha ko ay lumabas na ako sa banyo. Saktong nahagip agad ng mga mata ko si Thana at hila hila niya si River patakbo sa likurang bahagi ng bahay nila.
Kinabahan akong sinundan sila, parang sasabog na ang dibdib ko sa subrang kaba.
Anong gagawin nila dito? Medyo madilim ang parte na iyon ng bahay nila ni Thana.
Pilit kong winawaksi sa aking isipan ang maduduming tumatakbo nito.
Napatingin ako sa dalawa na parang nag kakasagutan pa hindi ko sila marinig dahil di naman ako lumapit sa kanila.
Laking gulat ko sa mga sumunod na nangyari. Parang sasabog ang utak ko at puso ko sa nakikita ko.
Kasunod niyon ay ang pagbagsak ng mga luha ko sa aking mga mata.
Ramdam ang sakit habang nakatitig sa kanila.
Mga hayop! Mga hayop!
Hindi ko napigilan ang paghikbi. Napaka sakit.
Kitang kita ng dalawa kong mga mata ang ginawa ni Thana siya mismo ang humalik kay River na hindi naman tinanggihan ng gago.
Kilan pa nila ako niloloko? Kilan pa nila ito ginawa sa akin?
Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko pakiramdam ko nanghihina ang tuhod ko at hindi kona ito maihakbang.
Masyadong masakit sa akin ang nakikita ko. Patuloy lang ang paglaglag ng mga luha sa mga mata ko.
"You scared me to death Summer andito ka lang pala ano ba ang-"
Natigilan ako ng may magsalita sa likod ko at alam ko kong sino yun si Parker.
Mabilis ko siyang hinarap at walang pasabing yumakap sa kanya at saka humagolhol ng iyak. Iniyak ko lahat ang nararamdaman kong sakit.
"Why they doing this to me Parker ? Why?"
Ramdam ko ang paghagud ng kamay ni Parker sa likod ko. Nanatili lang ako sa posisyon ko nakasubsub sa dibdib niya. Hindi kona din naramdaman ang hiya sa kanya.
Gusto ko talagang ilabas lahat ang nararamdaman ko. Gusto kong magwala pero ayaw kong masira ang reputasyon ko.
"Bakit mo pa sila sinundan? Alam mo naman seguro na ito ang makikita mo diba?"
"Hindi ko rin alam kong bakit ko pa sila sinundan Parker"tugon ko habang di pako tumigil sa paghikbi.
"Gusto mong manegurado ? Malinaw naba sayo ngayon ang lahat? , alam mo Summer hindi lahat ng taong mahal mo ay mahal ka ay di ka kayang saktan , yung iba hindi nila sadyang saktan ka pero kadalasan pinili nilang saktan ka sa dahilang pinairal nila ang pagiging makasarili"
"Hindi ko alam kong san ko ihahanay si River , Masakit Parker , nasasaktan ako, dahil naging mabuting Girlfriend ako kay River kahit pa patago ang relasyon naming dalawa , at naging mabuting kaibigan ako kay Thana bakit sakin pa to nangyari?"
"Diba dapat masaya ka?, mas mabuti ng maaga palang alam mona , para hindi kana gaanong masasaktan pa kong mas lalong tumagal pa panloloko nila sayo, Minsan Kase Kailangan nating masaktan para matuto , At seguro naman may matutunan ka sa pangyayaring ito Summer ,"
Kumalas ako ng yakap sa kanya saka pinahid ang mga luha ko sa mga mata.
"Staka Sauna lang naman yan masakit, Namnamin mo lang hayaan mong kusa yang mawala , wag mong pilitin dahil lalo ka lang mahihirapan kong pipilitin mo sumunod ka lang sa agos, pwera nalang kong may lakas loob ka pang ilaban ang bagay na pag aari mo "sensiro dagdag.
Tumingin ako sa gawi nila hindi parin natapos ang kahayupan nila. Muli akong humarap kay Parker.
"Hindi kona kailangang ilaban ang karapatan ko dahil kong mahal niya talaga ako hindi niya ako sasaktan nang ganito, Masama lang ugali ko Parker pero di ako bobo,Halikana masyado nang malamig gusto ko munang magpainit bago umuwi ".
Hindi kona siya hinintay pang makasagot nauna na akong naglakad pabalik sa party. Uminom ako. Kailangan ko to.
Panay lang ang pag lagok ko sa mga inumin kahit gaano pa kapait at tapang ito na sumaid sa lalamunan ko hindi ko iyon ininda gusto ko munang makalimot kahit panandalian.
"One more shot please " anang ko sa waiter.
"Pero mam hindi na raw kita pweding bigyan marami na ang nainum mo ".
Sinamaan ko siya ng tingin at agad naman siyang nagmamadaling kumuha pa ng alak.
"Kahit laklakin mopa lahat ng alak dito Summer hindi mo parin malilimutan ang sakit , malalasing ka lang magkaka hang over dagdag sakit sa ulo and then babalik ulit maalala mo pa din, napaisip tuloy ako bakit sa alak kumakapit ang mga taong broken? Eh mas lalo ka lang naman papahirapan niyan , susuka ka ng susuka , mahihilo ka pa worse sasakit pa ulo at bulsa mo, Now! Get up fix yourself uuwi na tayo"
Hindi ako nakinig sa kanya patuloy lang ako sa pag inum at wala paring tigil sa paglaglag ang mga luha ko.
Hinila niya ang braso ko pero iwinaksi ko rin iyon.
"Ayuko munang umuwi ,"mahinang sambit ko.
Naramdaman ko nalang na tumabi siya sa akin.
At napabuntong hininga.
"Ngayon lang ulit ako nakalabas nang walang balang sumusunod sa atin"pait kong tawa.
"Napapagod na seguro ang mga yun sa kakahabol sa atin," pagsakay niya sa biro ko.
Inayos niya ang jacket niya na nakapatong sa balikat ko saka ginulo ang buhok ko. Inis ko siyang inirapan.
"Guluhin talaga ang buhok ko? Ano bang akala mo sa akin Parker bata? " iritado kong sabi.
"Dalagang dalaga kana Summer "seryusong saad nito at nakatitig pa sakin diritso sa mga mata ko. Naasiwaan ako sa tingin ko kaya umiwas ako at sa ibang direksyon ako tumingin.
"Ano bang pinagsasabi mo jan?,"
"Hindi muna ba ako natatandaan? Sa bagay 5 years old ka pa lang non kaya malabong maalala mo ako, "
Ano bang pinagsasabi nito? Wala naman akong maalala. Akmang tatayo sana ako ng bigla akong mahilo buti nalang at nahawakan ni Parker ang braso ko.
Mukhang tinamaan na ako sa ininum ko.
"Parker umuwi na tayo lasing na yata ako".
Inalalayan ako ni Parker palabas. Natigilan pa kami ng biglang humabol si River. Ang kapal talaga ng mukha ng lalaking to.
"Babe? Uuwi kana ba?"
"Ano pa ba sa tingin mo ?"
"Hey May problema ba tayo?,"
"Bumalik ka nalang sa loob River, iuwi kona si Summer "sabad ni Parker.
"Teka lang kakausapin ko muna si Summer "
"Hindi kita gustong makausap at wag kana ring magpapakita pa sa akin River "
"What? Bakit? Anong nagawa ko?"
"Ang galing mo ring magdrama no? ,umayos ako ng tayo saka matalim ang mga tingin kong tumitig sa kanya. Namutla siya at nag iwas ng tingin mukhang nakuha na niya.
"Babe, babe im sorry "
"Why are you saying sorry?,"
"I know na nagseselos ka kay Thana promise wala kaming relasyon , i love you "giit nito.
Hindi ko napigilan ang pagtulo ng mga luha ko. Napakasinungaling niya talaga.
"Babe? May nagawa ba akong mali?"
"Pagod ako River saka na tayo mag usap halikana Parker "
"Babe naman, come on let's talk"
"She's tired you heard it right? Saka nalang kayo mag usap "
Tinalikuran na namin si River nakailang hakbang palang kami ng tumigil ako ng marinig ko ang boses ni Thana na tinawag si River.
"Wag ka nang tumingin at umakto kang walang narinig mas lalo ka lang masasaktan niyan. At please be brave hindi kita kayang iligtas jan sa nararamdaman mo ngayon. Pakiusap maging matapang ka lilipas din naman yan hindi man ngayon pero soon Summer". Seryuso nitong saad.
Dami namang alam ng lalaking to. Wala na akong lakas pang lumingon nanghihina ang tuhod ko at gusto ko nalang na maglaho bigla.
Wala nang mas sasakit pa nito. Ang saklap ng lovelife ko. Mawawalan na ako ng Jowa mukhang pati best friend ko pa.
Malakas talaga ang instinct ko sa lahat ng bagay.
Hindi ko namalayan na nasa loob na pala ako ng sasakyan at umaandar na iyon. Maraming pumasok sa isip ko hindi ko rin alam kong pano komprontahin ang dalawa.
Nag iingat ako dahil ayaw kong masira ang carrier ko.
"Mugto na yang mata mo sa kakaiyak tumahan kana magtaka yung Ama mo pag makita ka niyang ganyan "ani Parker.
"Malalaman din naman niya soon bat patatagalin ko pa?"
"Tigas din ng Jowa mo no? Hindi lang naman nakahalata para siyang tanga "komento nito.
Hindi na ako nagsalita. Huminga ako ng malalim saka ibinaling sa labas ang aking paningin.
Ayuko munang umuwi pero baka may mangyari na naman kaya wala akong choice. Magkukulong nalang ako sa kwarto ko. Bukas magiging okay din lahat. Pakiramdam ko bumaba lahat ang alcohol na nilaklak ko kanina namanhid na ako at hindi kona alam kong ano pa ang maramdaman ko.h