ดาวน์โหลดแอป
35.71% MY BODYGUARD [TAGALOG - COMPLETED] / Chapter 15: CHAPTER 14

บท 15: CHAPTER 14

SUMMER POV.

NATIGILAN ako sa pagbaba sa kotse ni Parker ng makita kong nag isa isang nagsilabasan ang mga lalaking nakasuit at may mga dark shade pa ang mga ito at pormal na pormal.

Napatingin ako sa gawi ni Parker na kausap si Dady. Ito ba yung mga bagong Bodyguards? Bakit hindi ganito ang suot ni Parker?

Palagi lang itong naka leather jacket at tattered pants parang siga sa kalsada ang ayos ni Parker. Samantalang itong mga lalaking nasa harapan ko napakapormal manamit at parang mga agent pa.

Uniform lahat ng suot nila mula sa dark shade , nicktie , tuxedo , slacks , sapatos saka relo.

Hindi ko tuloy makita kong sakin ba sila nakatingin dahil tented ang mga shade na suot nila. Nahihiwagaan ako kay Dad pano niya kayang bayaran ang mga ito.

Tuluyan na akong bumaba sa sasakyan , Nakaramdam na rin kase ako ng pagod dahil sa sunod sunod na photoshoot na ginagawa ko kanina.

Sinulyapan ko lang si Dady na patuloy parin ang pag uusap nila, nagsihawian naman ang mga kalalakihan at binigyan ako ng daan.

Nang tuluyan na akong makapasok sa bahay dumiritso na ako sa kwarto ko at agad hinubad ang mga damit saka pumasok na sa banyo para makaligo.

Bigla na namang sumagi sa isip ko kanina ang nangyari pagkalabas ko sa studio. Ang pagkalapit ng mukha namin ni Parker.

Nakapa ko ang dibdib ko kong san naron ang puso ko nandon parin ang kakaibang kaba nito.

'Be careful, Sa lalakaran ikaw tumingin wag sa akin'

'Be careful, Sa lalakaran ikaw tumingin wag sa akin'

Nagpaulit ulit iyon sa pandinig ko.

Ang kapal naman niya di naman ako nakatingin sa kanya aa! Diko lang talaga namalayan na may isang step pa pala bago ako makababang tuluyan aksidente lang yun ! Asik ko.

Kalma Summer , Kalma ka lang! Good vibes please! Wag munang bigyan ng meaning ang nangyari.

Matapos kong maligo ay pumili na ako ng dami na maisusuot sa party ni Thana. Nakalimutan ko ding bumili ng regalo kaya kailangan kong agahan ang pag alis.

Napatingin ako sa gawi ng wall clock ko. Damn! 7pm na ang bilis naman ng oras!

Isang silver na long dress sng sinuot ko na hapit na hapit sa katawan ko malaki ang bukas nito sa likuran ko at kumikinang sa silver beads ang buong damit ko.

Naglagay ako ng konteng pabango at make up saka sinuot ko narin ang black high heels ko.

Kinuha kona ang handbag ko saka bumaba na. Natigilan ako sa pagbaba ng magtama ang mga mata namin ni Parker.

Gusto kong humagalpak sa tawa dahil sa hitsura niya literal na napanganga siya at nanlaki ang mga matang nakatingin sa akin.

Hindi niya namalayan na naka Baba na ako ng tuluyan nag matapat na ako sa kanya hinawakan ko ang baba niya at aktong isasara.

"Isara mo yan pamamahayan na yan ng Langaw ,"pagsabi kong yun ay kininditan ko siya at nilampasan siya. Nagsihawian narin ang mga Bodyguard nang tuluyan akong makalabas sa mansyon.

"You look so gorgeous Anak, enjoy mo lang ang party bubuntot lang sayo ang mga yan "turo niya sa limang Bodyguard na isa isa nang pumasok sa sasakyan.

"Thank you dady, Alam ko naman na maganda ako you don't need to say that and flatter me more ,"hinalikan ko sa noo si Dad saka nauna nang pumasok sa sasakyan ni Parker.

Nakakunot na ang noo nitong pumasok sasakyan. Tinapik ko ang balikat niya para kunin ang attensyun niya saka ito lumingon sa akin.

"Sa mall muna tayo , nakalimutan Kong bumili ng regalo para kay Thana ".

Hindi na ito sumagot saka nagsimula nang magmaneho. Akmang pipikit na ako ng bigla siyang magpatutug. Hindi Ako familiar sa kanta pero ang sarap niya sa teynga.

Napatingin ako sa gawi ni Parker na sinusundan na niya din ang kanta.

"Hoy ! "Kuha ko ng attensyun niya.

Lumingon naman ito. Nakakainis bakit ang cool niya paring tignan kahit ganyan ang ayos niya?

"What?"nakaekis kilay niyong tanong.

"Patayin mo yang sounds mona yan nababadtrip ako di ako familiar parang sa kapanahunan pa yan ni Dady ".

" I honestly love you"

Natigilan ako sa sinabi niya, biglang bumilis nang tibok ang puso na sa subrang bilis gusto na niyang kumawala sa dibdib ko. Ano bang pinagsasabi ng lalaking to?

"Ang title ng kanta"dugtong nito.

Saka ako nakabawi ng pagkapahiyang nararamdaman ko.

"J-just turn it of i don't like it "ikli kong saad saka isinandal ko ang likod ko sa upuan at ibinaling sa labas ang aking paningin.

Walang hiya !Napaka assumera kona lately diko naman to ugali. And what the hell is wrong with me?

Umayos ka Summer! May River kana mukha kang tanga! Pagalit ko sa aking sarili.

Kakaiba talaga ang epekto ng lalaking ito sa akin lately hindi kona naramdaman ang inis sa kanya. Ang weird narin ng nararamdaman ko ngayon.

🎼 I love you , I honestly love you🎼

Dinig na dinig ko pa ang huling linya ng kanta bago ito tuluyang inoff ni Parker. Nang iinis yata ang kumag nato. Pero infairness ang ganda ng kantang yun. Kahit diko napapakinggan ng maayos.

Nang makarating kami sa mall bumaba na ako saka bumili ng regalo. Dahil mahilig magoleksyon ng bag si Thana bumili ako ng handbag na gucci limited edition na color peach at saka malaking paper bag. After kong bayaran ay bumalik na ako sa kotse.

Napalingon Ako sa likuran nakasunod parin sakin ang mga puting sasakyan na kinalulunan ng mga Bodyguard ko.

Hindi na ako nakaramdam ng takot pakiramdam ko kase safe ako kapag si Parker ang kasama ko. Ngayon ko lang ito nararamdaman sa buong buhay ko. Ang matakot, ang maiyak sa subrang takot. Ang maniwala sa ibang tao.

Inaamin ko man na hindi ganon kaganda ang ugali ko. Nahihirapan lang talaga kong magtiwala sa tao. Ayukong makita nila na mahina ako kaya dinadaan ko sila sa ganong pag uugali ko hindi ko naman talaga intensyon na saktan ang mga damdamin nila diko lang mapigilan minsan ang tabas ng dila ko.

Napabuntong hininga ako. Nasulyap ako sa front mirorr nakita kong nakatingin sa gawi ko si Parker pero agad din itong umiwas ng tingin.

Hindi kona lang siya pinansin saka muli kong ibinaling sa labas ang paningin ko. Ilang minuto pang byahe at narating namin agad ang bahay ni Thana safe and sound bagay na ipinagtaka ko.

Bababa na sana ako ng sasakyan ng makita ko si Parker at pinagbuksan ako ng sasakyan. Ang weird din ng isang to.

Nahigit ko ang aking hiningi ng bigla niyang hapitin ang beywang ko at kamuntikan ng masubsub ang mukha ko sa dibdib niya buti nalang at naiharang ko ang mga kamay ko.

Pinanlakihan ko siya ng mata ng iangat ko ang aking paningin saka sinamaan ng tingin.

"What the hell is your problem?"pabulong kong sabi nito na galit ang tuno.

"Hindi ba alam kong anong okasyon tong pinuntahan mo?,"nakaisang linyang kilay na tanong nito.

"Of course i know,"saka bahagya ko siyang itinulak pero parang pader yata ang taong to dahil di manlang natinag.

"You should wear a proper dress lady! Hindi to Fassion show to catch everyone's attention!,"

Halos malaglag ang panga ko sa tinuran niya. Diko akalain na sasabihin niya ito sa mismong mukha ko pa. Ang kapal niya talaga.

"Ano bang pakialam mo?"inis kong tanong dito.

"Kahit wala akong karapatan , i still have the rights to protect you cause im your Bodyguard, and as a bodyguard it is my duty to protect you ,"tigas nitong saad. Saka hinubad nito ang jacket niya at ipinatong sa balikat ko.

"Enjoy the party , dito lang kami sa labas "

Hindi kona siya pinansin at nagtuloy na sa loob. Masyadong marami ang ganap at hindi na iyon kayang iproseso sa maliit kong utak.

Nakakatanga ang mga sinasabi niya.

"Oh look si Summer!, oh my goodness ang ganda niya sa personal,"

"Magpapicture tayo mamaya "

"So gorgeous "

Rinig na rinig ko ang bulong bulongan sa paligid habang papasok ako sa bahay ni Thana.

Malaki rin ang bahay niya at dahil mahilig siya nature. Puro bulaklak ang nakikita ko sa paligid na nakadesinyo sa labas ng bahay nila.

May mga maraming upuan at mesa din na puno na.

"Oh my God ! Summer !"

Napalingon ako sa tumawag sakin. Napangiti ako ng makita si Tita Ason. Momy ni Thana

"Tita, "nakangiti kong salubong nito at nakipagbeso beso

"Ang ganda muna lalo ihaj?, where is your father? ," agad na tanong nito.

"Hindi siya sumama tita you know him he hates party, si Thana po? "

"Nasa loob pa , lalabas na yun, feel at home ihaj, aasekasuhin ko pa ang ibang bisita "

"Okay po "

May namataan akong bakanteng upuan na di kalayuan sa may malaking stage na ginawa para kay Thana lumakad ako papunta dito at naupo.

Naramdman kona din ang ginaw kaya inayos ko ng pagkabalot ang jacket ni parker sa likud ko. Nagsisi tuloy ako kong bakit ito pa ang sinuot ko.

Napalinga linga ako sa paligid. Hindi ko gaanong kilala ang mga bisita nila pero sa tingin ko may kaya rin.

Nahagip ng mata ko si Thana at gulat ako ng makitang si River ang kasama niya nakapulopot pa ang braso niya sa braso ni River.

Kunot noo ko silang tinitigan. Hindi mapuknat ang ngiti sa labi ni Thana habang inisa isang e welcome ang bisita samantalang nakakunot noo naman si River.

What the hell is going on them? May dapat ba akong malaman sa mga inakto ng mga ito?


Load failed, please RETRY

สถานะพลังงานรายสัปดาห์

Rank -- การจัดอันดับด้วยพลัง
Stone -- หินพลัง

ป้ายปลดล็อกตอน

สารบัญ

ตัวเลือกแสดง

พื้นหลัง

แบบอักษร

ขนาด

ความคิดเห็นต่อตอน

เขียนรีวิว สถานะการอ่าน: C15
ไม่สามารถโพสต์ได้ กรุณาลองใหม่อีกครั้ง
  • คุณภาพงานเขียน
  • ความเสถียรของการอัปเดต
  • การดำเนินเรื่อง
  • กาสร้างตัวละคร
  • พื้นหลังโลก

คะแนนรวม 0.0

รีวิวโพสต์สําเร็จ! อ่านรีวิวเพิ่มเติม
โหวตด้วย Power Stone
Rank NO.-- การจัดอันดับพลัง
Stone -- หินพลัง
รายงานเนื้อหาที่ไม่เหมาะสม
เคล็ดลับข้อผิดพลาด

รายงานการล่วงละเมิด

ความคิดเห็นย่อหน้า

เข้า สู่ ระบบ