SUMMER POV
"Dad si Parker gising na ba?" Tanong ko kay Dady ng maabotan ko sa sala.
" Oh ang aga mo yata san ka ba pupunta at ganito mo kaaga hinanap si Parker? "
" Dadalaw ako sa puntod ni Momy Dad , at May photoshoot kami sa Auvergne mamayang 10 am," sagot ko.
" Hindi ko pa nakita dito si Parker baka nasa kwarto niya pa puntahan mo nalang."
' Ano ba naman yan! Bakit ang late niyang magising tsk! '
Alam ko naman kong san ang pad niya kaya pinuntahan ko nalang. Akmang kakatok na sana ako ng bigla itong bumukas at bumungad sa akin si Parker. Naamoy ko kaagad ang panlalaking pabango nito nanunuot agad sa ilong ko. Napatitig ako sa mukha niya at napalunok. Gumwapo siya lalo sa malapitan ngayon ko lamang siya natitigan ng ganito kalapit. Ang ilong niya subrang tangos, ang kilay na maykakapalan din mahahaba niyang pilik mata bumaba ang mga mata ko sa labi niya. Nakita ko ang pagguhit ng ngiti nito kaya napaangat uli ako ng tingin sa kanya nakita ko rin na basa pa ang buhok nito pero nakabihis na ng maayos. Pakiramdam ko na hi- hepnotize ako sa mga nakikita ko sa kanya. At ayaw ko sa ganitong pakiramdam
" May kailangan ka?," biglang tanong nito na ikinabalik agad ng katinuan ko.
Nakakahiya mukha akong tanga nakatunganga sa harap niya. Agad akong nakabawi sa kahihiyan sa harap niya at umayos ng tayo.
" Ahm may lakad tayo, bilisan mo jan baka malate ako ," pagsusungit ko saka nauna na akong naglakad sa kanya.
Nadaanan ko si Dad kaya nagpaalam ako dito saka tuluyan nang lumabas ng bahay.
Tumaas agad ang kilay ko ng nauna nang sumakay si Parker. Di man lang ako pinagbuksan ng pinto ang bastos!
Inis akong pumasok sa sasakyan at padabog na isinara iyon. Nang magsimula nang umandar ang sasakyan ay saka pa ito nagsalita.
" San ang lakad?, "
" Sa sementeryo after nito sa Auvergne tayo May photoshoot ako ,"
Hindi na ito nagsalita saka nagmaneho nalang. Ayuko na din siyang tarayan hindi ko pa Kase nakalimutan yung nangyari at nahihiya ako sa ginagawa ko.
Nang makarating kami sa sementeryo.
" Wag kang masyadong magtagal sa loob dito lang ako sa labas magbabantay " ma autoridad nitong saad habang seryusong nakatingin ang mga mata niya sa akin.
Hindi kona siya pinansin at nagtuloy na ako sa loob ng sementeryo.
Nakaramdam ako ng kaba kaya tumigil ako sa paglalakad.
Ayuko nang maglakad mag isa natatakot ako. Humarap ako kay Parker at nakita kong nakasandal na siya sa sasakyan nakadikwatro ang mga binte at nakapamulsa ang dalawang kamay sa bulsa ng pantalon.
" May kailangan ka pa?," nakakunot noong tanong nito.
" Pwede mo ba akong samahan sa loob?, "
" Nakabantay ako , wag kang mag alala" seryusong saad nito.
Nalukot naman ang mukha ko sa sagot niya. Grabe siya wala ba siyang instinct na natatakot ako? Nakakainis siya !
Naglakad na muli ako at nagtuloy na sa puntod ni momy kahit na kabado at binabalot ng takot.
" Mom, kumusta kana? Sorry kong ngayon lang ulit ako nakadalaw sayo paano may hindi magandang nangyayari sa akin, sana mom bantayan mo kami ni dady palage ,"
Ilang oras din akong tumambay dito. Bago ako tumayo at lumabas na sa sementeryo. Nasa loob na ng sasakyan si Parker. Kaya agad din akong sumakay.
Tahimik lang ako sa labas ng bintana ng sasakyan ko ang aking paningin. Nahihirapan ako sa sitwasyon ko ngayon. Hindi ako malaya.
" Honey ,"
Natigilan ako ng biglang magsalita si Parker napatingin ako sa direksyon niya at nakita kong may kausap siya sa cellphone.
" Can't make it now! May trabaho pa ako ,hindi ba yan makahintay this weekend? Okay tatawagan ko nalang siya mamaya ," binaba na nito ang phone saka muling ibinaling ang attensyun sa pagmamaneho.
" Pwedi bang i off mo muna yang cellphone mo habang nagmamaneho ka? Baka nakalimutan mo bawal yan dito sa kalsada at may pasahero ka pa ! "
" Importante ang tawag na iniintertain ko Summer at isa pa teynga ko lang ang ginamit hindi mata ," pamemelosopo nito.
" Bwesit ka ! ," singhal ko dito. Saka muling ibinalik ang tingin sa labas ng bintana.
Mahaba nang binyahe namin ng biglang tumigil ang sasakyan na minamaneho ni Parker. Nagtaka akong tumingin sa gawi niya.
Nanlaki ang mga mata ko ng may tatlong itim na sasakyan ang humarang sa dadaanan namin.
Sumiklab ang kaba at takot sa puso ko. Ano na naman to?
" P - Parker? A-Anong nangyari? Bakit nila tayo hinaharangan?," takot kong tanong sa kanya hindi kona rin magawang magtaray dahil subrang takot na ang nararamdaman ko.
" Dito ka lang baba ako , wag kang susunod sa akin , magtago ka jan sa likod at wag kang maingay ," utos nito saka binuksan ang pinto ng sasakyan at lumabas na.
" Parker ! ," muling tawag ko dito at tumigil din naman siya saka muling humarap sa akin.
" Mag iingat ka Parker ," tanging nasabi ko.
Tumango lang ito saka naglakad palapit sa kinaroronan ng tatlong sasakyan. Nakita ko ang pagbukas ng pintoan ng isang sasakyan saka dumungaw doon si Parker at tila nag uusap.
Hindi na Ako mapakali pakiramdam ko may hindi magandang mangyayari wag naman sana natatakot na ako ng subra.
Nakahinga lang ako ng maluwag nang makita ko si Parker na pabalik na pero di parin umalis ang mga itim na sasakyan na nakaharang sa gitna ng kalsada.
" Parker? Sino ang mga yun?," Diko napigilan ang pagtatanong.
" Natatakot ka ba?,"
Baliw ba to? Ang layo ng sagot niya sa tanong ko pabalik pa niya akong tinanong kaasar !
" Sino ba namang hindi matatakot dalang dala na ako sa mga nangyari sa akin , " inis kong sabi dito wala talagang kwentang kausap tong gago na to!
" Don't be scared I am here to protect you ," seryusong saad nito.
" At anong akala mo jan sa katawan mo? May superpowers ka? Hindi ka matatablan ng bala? Ang oa mo rin eh no? ,"nakataas kilay kong tugon dito.
" Kahit na wala akong powers naililigtas din naman kita at diko na rin naman yan kailangan yan with or without powers i am all here to Protect my Summer ". pagmamayabang nito.
Napatitig ako sa tinuran niya. At pasimpling tinapik ang nagwawala kong puso. Pesti talaga tong lalaki na to!
" Umalis na tayo malalate na ako sa appointment ko Parker,"
" Hindi nila tayo padadaanin ,"
Para akong binuhusan ng yelo sa narinig ko. Nanlamig ang buo kong katawan.
" Anong sabi mo?,"
" Ganda mong babae pero di ka nakakarinig? Lapit mo lang sakin oh ," pang aasar nito.
Sinapak ko siya sa subrang inis na nararamdaman ko.
" Bwesit ka! Kinlaro ko lang ang sagot mo !,"
" Lakas mong manapak di naman masakit ," nakatawa nitong saad.
Di ba ito natatakot ? Abnormal talaga tong lalaki na to.
" San tayo dadaan kong ganon? ,"
Hindi na kumibo si Parker bagkus inistart nya uli ang sasakyan.
Kinakabahan ako dahil mukhang may hindi magandang ideya ang kumag na to.
" Magtago ka lang sa ilalim ng upuan Summer. Wag kang aalis kong hindi ko sasabihin dahil oras na pinaulanan tayo ng bala hindi kita maliligtas dahil nagmamaneho ako kaya ikasya mong maigi ang sarili mo jan ,"
" Gago ka ba! Ano bang balak mong gawin ha? Bumalik nalang tayo ,"
Hindi na ito nakinig at bigla niyang pinaharurut ang sasakyan.
Pakiramdam ko nagslow motion ang lahat. Wala akong ibang narinig kundi ang malakas na kabog ng dibdib ko.
Pakiramdam ko na umangat yung sasakyan namin sa eri kong pano niya nagawa iyon. Wag niyo na akong tanungin dahil halos mahimatay na ako sa subrang takot at kaba.
Napasigaw ako ng bumalik sa lupa ang sasakyan. Dahil umalog ito at gumiwang giwang.
Mabilis parin ang pagharurot hindi ko makita kong anong nangyari dahil nakatago ako dito sa ilalim at ayaw kong lumabas natatakot ako.
" P - Parker Nakatakas na ba tayo?, Okay na bang Lumabas?," nanginginig kong tanong dito.
Wala akong sagot na narinig. Mas domble pa ang kaba at takot na nararamdman ko ng pinaputukan kami.
" Ahhhhhhh!!! " napatakip ako sa teynga ko at napikit.
Nabasag na yung mga salamin ng kotse at nasa paanan ko ang mga bala na wala ng laman.
" Parker do something! Im scared! Im really really scared!! " sigaw ko dito at diko na mapigilan ang mahinang pag iyak ko.
Damn this life! Ano bang gusto nila sakin at palagi nila akong sinusundan!
" Oh God! not now please ! I promise magpapakabait na ako! Hindi na ako magtataray! Pleas patigilin muna ang taong bumabaril samin Amen ! ". Seryusong dasal ko. Hindi kona inisip kong ano ang sasabihin ni Parker sa mga ginawa ko dahil ang totoo halo halo na ang nararamdaman ko ngayon.
Mabilis parin ang takbo ng sasakyan at narinig ko parin na pinapaputukan kami.
" Shit! Shit! "
Natigilan ako ng marinig ko ang sunod sunod na mura ni Parker lalo akong kinabahan at natakot. Hindi ko rin siya magawang silipin dahil basag na ang likuran ng salamin ng sasakyan niya.
" Summer ! Lumabas ka jan at ikaw muna ang magmaneho ,"
Natigilan ako sa sinabi niya.
" What ? Are you crazy?,"
Ngunit ng makalabas ako sa tinataguan ko tumambad sa akin ang dumudugong braso si Parker.
Taranta akong napalapit sa kanya.
" T -tell me what to do? , your bleeding , i wil bring you to the hospital," sunod sunod kong sabi pakiramdam ko hindi na ako humihinga ng sabihin ko ang mga iyon.
Nagulat ako ng hawakan ni Parker ang kamay ko. Napatitig ako sa kanya.
" Hey, Relax. Don't panic , Im okay kailangan ko lang tong talian kaya ikaw muna ang magdrive. ,"
Parang may humaplos sa puso ko sa sinabi at ginawa ni Parker. Napabitaw agad ako sa kamay ko na hawak niya ng makita ulit ang itim na sasakyan na bumuntot sa amin.
Mabilis ko iyong pinaandar saka nagfucos sa pagmamaneho.
" Magmaneho ka lang ," saad nito.
Nanlaki ang mga mata ko ng may binuksan ito sa harap ng driver seat at may inilabas na baril.
" May baril ka pala bakit hindi mo yan ginamit kanina?! " singhal ko dito.
Hindi na ito nagsalita at pinaputukan niya rin ang nasa likuran namin.
Hindi ko alam kong asentado ba siya dahil nagsitigalan ang mga ito at hindi na kami nagawang masundan.
Agad niyang ibinalik sa kinalalagyan ang baril
Napatingin ako sa mga kamay niya. Kunot na kunot ang noo ko ng makita ang hitsura ng mga kamay niya.
Maraming piklat ang mga ito may mahabang piklat meron ding pabilog na parang may ibinaon dito.
Ang pangit tignan ng kamay niya hindi kamay ng ordinaryong lalaki lang.
Pero ibinaling ko muli sa daan ang mga mata ko ng maramdaman kong nakatingin siya sa akin.
Ang awkward lang kanina halos mamatay na kami tapos ngayon ito ang tahimik namin.
" Dumirtso kana sa Photoshoot mo at wag kang lalabas hanggat hindi ka ako ang susundo sayo sa loob ,"
" Ikaw san ka pupunta? Hindi ka ba magpapagamot?,"
" Okay na to daplis lang naman , kailangan ko ng bagong sasakyan di na pwede to ".
Tumango lang ako sa kanya. At saka ako hinatid sa Studio. Kabado parin ako pero hindi kona naramdaman ang takot. Pakiramdam ko may assurance sa mga sinasabi ni Parker ang weird lang.