Chapter 30. "Wrong Feelings"
Leicy's POV
Paglabas namin ng room, napansin kong kanina pa tahimik si Lexter, tsaka nitong mga nakaraang araw. Pakiramdam ko, iniiwasan niya ako. Maybe it is just me, but I really feel it. He's avoiding me. Kaya naman nag-prisinta akong sumama sa kanya at sinabi kong may kukunin ako sa reception ng hotel pero the truth is, wala.
Kahit kanina sa buong byahe. Wala man lang kaming imikin. This is so unsual. Kadalasan kasi, nag-uusap naman kaming dalawa. Lagi siyang nagkukwento ng kung ano ano at hindi ako nagsasawang makinig sa boses niya, but now? I felt like, Lexter is changing.
Habang naglalakad kami papunta sa kitchen, huminto ako. Napansin naman niya 'to.
"Is there anything wrong?" tanong nito. Alam kong alam niya kung bakit ako nagkakaganito. "Leicy?"
"Lexter, iniiwasan mo ba ako?" diretsuhang tanong ko. Nakita ko naman ang gulat sa mukha niya. Hindi siya agad na nagsalita. At iniwas ang tingin nito sa akin.
"Of course not. Why am I gonna do that? You'r— you're such a good friend to me. Ever since."
Natahimik ako dahil sa gulat mula sa narinig kong sinabi niya. Para bang may malakas na energy na biglang humampas sa akin matapos kong marinig 'yon. Kasabay 'non ang pagsikip ng nararamdaman ko.
"Haha, oo naman. Bakit nga naman," sagot dito. Alam kong anytime, bubuhos na ang luha ko, pero pilit kong pinipigilan. Hindi dapat ako umiyak, hindi dapat sa harap niya.
"Let's go, they're waiting for us." Hindi na niya ako nilingon pa nagpatuloy na sa paglalakad, pero hindi ko makuhang sumunod sa kanya kaya naman tumakbo ako pauna sa kanya at hindi dumiretso papunta sa kitchen.
Akala ko tatawagin niya ako para pigilan pero hindi, ni isang banggit o sigaw ng pangalan ko wala akong narinig. Ano na naman bang katangahan 'to? Bakit ba kasi ako patuloy na umaasa.
Sa kakatakbo ko, may nakabangga ako at nakaupo sa sahig dahil sa lakas ng pagbunggo sa akin.
"Leicy?" tumingala ako para tignan kung sino ang tumawag sa akin. Habang umiiyak, tumayo ako at niyakap siya.
"Jerod, ang sakit...sobrang sakit..."
Jerod's POV
Do you know how it feels when you can't able to say what you really feel? I mean, ayokong masira ang pagkakaibigan namin. She's almost like a sister for me, but I cant help myself falling for her. Since then, she captures my heart. Matagal-tagal na din 'tong katorpehan ng puso ko. Torpe na nga takot pa kaya naman, nakukutento na lang ako sa pasilip-silip sa kanya mula sa malayo.
Nasa bar ako, madalas akong nandito kapag off ko at kapag napapaisip ako tungkol sa kahayupan ng puso ko. Tanging alak lang ang nakakaalam ng buong kwento ng buhay pagibig ko. Siya ang unang babaeng nagpatibok ng puso ko, pero hindi ko masabi. Baka kapag sinabi ko, iwasan niya lang ako at ang mas masama. Iwan niya ako.
Alam ko ring labis ang paghanga niya sa anak ng amo ko. Pero hindi ko mapipigilan ang puso niya.
Paglinga ko sa bar counter, may pigura ng isang pamilyar na babae. Siya na naman, nag-iisa at nagpapakalunod sa alak. Para bang nakikita ko ang sarili ko sa kanya. Nilapitan ko siya at pinigilan sa pagtungga ng alak.
"What the hell are you doing here again? Are you stalking me?" she asked in pissed. I met her at siya pala ang anak ng isa sa mga ka-business ni Master Lourd.
"Isn't it, I am too good looking to be your stalker?" sagot ko sa kanya habang nakangiti ng nakakaloko, dala na rin siguro ng kalasingan kaya wala na ako sa wisyo. Kilala ako bilang formal na tao, but once na masaniban ako ng spirit ng alak. Nagbabago ako at nagiging tuso.
"Is that a joke? Kasi kung joke 'yon, I'm telling you. Its not funny." Tinawanan ko lang siya sa sinabi niya. She's cute when she's pissed. Iniwas ko ang tingin sa kanya.
"Grabe 'no? Pareho kami ng kapalaran ng babaeng gusto ko! Whoa!" that time, di napigilan ng luha ko na lumabas mula sa mga mata ko. Pakiramdam ko, ang tanga ko.
"Huh, so ngayon? Nasa MMK ka na? Kanina maka-tawa ka parang walang bukas ah! Ugh! Akin na 'yang baso ko!"
Kukunin niya sana ang baso ng alak ng pigilan ko siya. Dahil sa pagpigil ako, nahawakan ko ang kamay niya. Ang ganda ng kamay niya, para bang ang sarap ka-holding hands, ramdam ko ang init ng kamay niya at ang lambot nito. Tumingin ako sa kanya.
"Wag ka ng uminom. Baka ako na naman ang maghatid sayo at yamutin mo lang ako." Pang-aasar ko rito. Napansin ko naman ang pagkunot ng noon nito.
"Excuse me? Ikaw kaya ang lasing sa atin. And for your information? Hindi kita ihahatid sa bahay niyo o tutulungan umuwi!"
After that. Hindi ko na siya nakita. Pero hindi siya mawala sa isip ko, kanina pa. Pumasok na ako sa hotel to fix and to arrange all the preparations for the engagement next month. I only have more 2 weeks to do this.
Pauwi na sana ako ng may nakalimutan ako sa office ni Master Lourd kaya naman binalikan ko 'to. Pagbalik ko may nakabangga ako, at ng makita ko ito. Si Leicy. Tumayo ito sa pagkakaupo sa sahig at bigla akong niyakap.
Nanglaki na lamang ang mata ko nang makita ko siyang umiiyak at yumakap sa akin. Ramdam ko ang sakit na nararanasan niya. Kaya naman parang kumikirot din ang aking puso.
"Jerod, ang sakit...sobrang sakit..."
"Shhh, everything will be alright."
"No Jerod, he already end it up. Ayoko na." inihiwalay ko siya sa pagkakayakap niya sa akin.
"What?" I asked curiously.
"Ayoko na Jerod." Iiling iling niyang sabi at yumakap muli sa akin. Hinipos hipos ko ang likod niya habang umiiyak sa balikat ko. Pagtingin ko sa harap ko. Nakita ko si Master Lexter na nakatingin sa amin. Binigyan ko siya ng isang matalim na tingin. Habang nakikita ko ang pagaalala sa mukha niya.
Bumitaw si Leicy sa pagkakayakap sa akin, pero iniwas kong makita ni si Master Lexter.
"Tara, ihahatid na kita."
"Hindi, magre-review pa kami. Samahan mo na lang muna ako sa labas, magpapahangin lang." sabi niya sa pagitan ng paghikbi niya.
"Sige." Inalalayan ko siyang maglakad at tinalikuran na namin si Master Lexter, pero nilingon ko 'to at tinitigan muli ng masama.
Lexter's POV
Ang tahimik namin ni Leicy habang naglalakad. It looks like, there's something between us, and I don't really know what it is. Alam kong, mali pero dapat na iwasan ko na lang siya. Ayaw kong maging panakip butas ang isang tulad niya. She's so kind para maging ganon. And I don't want to lose a friend dahil lang din sa kagaguhan ko.
Nauuna akong maglakad sa kanya. Ramdam at rinig ko namang sumusunod siya sa akin. Ilang sandali pa, napansin kong huminto ito. Kaya naman nilingon ko siya at tinanong.
"Is there anything wrong?" tanong ko. Nakita ko naman na nakatayo lang siya habang nakayuko ang mukha. "Leicy?"
"Lexter, iniiwasan mo ba ako?" she asked as she look at me, directly to my eyes. Nagulat naman ako sa tinanong nito. I felt so guilty kasi totoo 'yon and I admit it to myself. Pero should I say that? Alam kong masasaktan siya kapag sinabi ko 'yon. I already saw it, like what happened right now.
"Of course not. Why am I gonna do that? You'r— you're such a good friend to me. Ever since."
Matapos kong sabihin 'yon, iniwas ko ang tingin ko sa kanya. At naglakad na ulit.
"Haha, oo naman. Bakit nga naman,"
"Let's go, they're waiting for us." Nagpatuloy ako sa paglalakad habang naiinis sa sinabi ko. Gulong gulo ang isip ko ngayon. Mayamaya pa, bigla siyang tumakbo pauna sa akin. Narinig ko pa ang hikbi nito ng mapadaan sa akin. Nalungkot ako dahil na rin sa kagagawan ko. Napahinto ako at pinanuod na lamang siya palayo sa akin.
Naihakbang ko ang isa kong paa. Para bang gusto ko siyang habulin, pero pinigilan ako ng isip ko. Naguguluhan na ako.
Naglakas loob ako at tumakbo ako para habulin siya, pero pagliko ko sa pasilyo. Napahinto ako dahil sa nakita ko. Nakita kong may kayakap siya. Minabuti ko ng hindi na siya puntahan at lumabas silang dalawa ng hotel. Pero bakit parang hindi ko gusto ang nakita ko kanina? Bakit parang naiinis ako?
Leicy's POV
Dinala ako ni Jerod dito sa café sa labas ng hotel. Iyak lang ako ng iyak sa harap niya, mayamaya pa tumayo siya at pumunta sa counter. Pagbalik niya, may dala na siyang ice coffee. Dalawa tig isa kami. Napatingin ako rito at nakita kong nakangiti siya, hindi naman sobrang saya pero base sa ngiti na 'yon. I know that he's encouraging me to be happy.
"Alam mo bang memorable sa akin ang ice coffee na 'to?" tanong nito sa akin. Pinunasan ko naman ang luha ko at kinuha ang ice coffee na nasa harap ko.
"Hehehe, pasensya na ah. Oh? Bakit naman memorable sayo 'to?" ngayon, ngumiti na ako para sa kanya. Alam kong hindi lahat ng tao iiwan ako. Alam kong nandiyan pa ang iba na handing umalalay sa akin.
"Ito? Haha di mo ba naaalala?" tinaas naman niya ang ice coffee na hawak niya para ipakita sa akin. Inisip ko naman ang sinabi niya.
"Ah! Alam ko na, ito yung unang bagay na nilibre mo sa akin! Hahah di ko makakalimutan 'yon, bago pa lang ako 'nun na nagtatrabaho kay Master Lourd ng minsan niya akong masigawan. Pero hinila mo ako palabas ng office niya at dinala dito at binilhan ng ice coffee." Kwento ko sa kanya. Nakita ko naman ang kislap sa mga mata niya.
"Haha, oo. Mukha ka kasing magwawala 'nun eh, frustrate na frustrate ka at sensitive pa that time, pero ngayon. Hindi naman na. Emotional na nga lang." natatawa niyang sabi,
Natahimik ako sa sinabi nito at ang kaninang ngiti ay nawala muli sa aking labi.
"Sorry."
"Hindi, Haha, ano ka ba okay lang, tsaka totoo naman eh."
"Mahal mo ba talaga siya?" napatingin ako bigla sa kanya. Ang kanina ay nakangiti niyang mukha ay napalitan ng seryosong mukha. Tila ba hinihintay niya ang isasagot ko sa tanong niya.
Tumingin ako sa relo. "Ay, 9:30 na pala. Baka hinahanap na nila ako, magre-review pa kami." Tumayo na ako. "Jerod mauna na ako ah, salamat sa pagsama."
Hindi ko na hinintay na magsalita pa siya at dali-daling lumabas ng café. Pagpasok ko ng hotel, napahinto naman ako ng makita ko siya, nakatayo habang nakapamulsa at nakatingin sa akin. Seryoso ang mga mata nito. Lumapit 'to sa akin.
"Tara na." yaya nito sa akin.
"Hinintay mo ako?" naguguluhan kong tanong sa kanya.
"Oo." Nagulat ako sa sinagot nito.
"B-Bakit?" Nakatingin ako sa kanya at hinihintay ang isasagot niya. Nakita ko naman ang pagiisip nito. Malalim at tila ba naguguluhan.
"Hindi ko alam, pero..." bigla niyang hinawakan ang kamay ko. "Gusto ko kasama kita palagi." Nanglaki na lamang ang mga mata ko at hinila na niya ako papuntang room namin. Nang mga oras na 'yon, nawala ang lungkot sa puso ko at imusbong ang tuwa at kilig.
Alam ko, hindi pa ako talo. Alam kong, malapit na.