ดาวน์โหลดแอป
82.85% The Coldest Heart / Chapter 29: Chapter 28. "Heart don't lie"

บท 29: Chapter 28. "Heart don't lie"

Chapter 28. "Heart don't lie"

Lexter's's POV

Tulala ako habang naglalakad papasok sa classroom. Hindi rin ako nakatulog ng maayos kagabi dahil hindi maalis sa isip ko ang nalaman ko. Magpapakasal ako, sandali? Sino nga ba ang anak ni Mr. Andrew? Dad didn't tell what's her name. Alam na kaya ni Abrylle ang tungkol dito? Pero alam na ni Courtney, malamang alam na rin niya.

Pagpasok ko sa room. Nagkakagulo na ang mga kaklase ko habang kanya kanya silang nagbabasa sa mga phone nila. Tama nga ako, they already know the news.

Nakita ko rin si Arni at Leicy na nag-uusap. Bakas ang lungkot sa mukha ni Arni habang nag-aalala naman si Leicy sa kalagayan niya. Napatingin si Leicy sa akin at tinawag ako.

"Hey Arni! Okay ka lang ba?"

"Hindi ko alam—"

"Lexter!" tawag ni Leicy sa akin, nakita ko naman ang paglingon ni Arni, pero blanko lang ang mukha nito. "Narinig mo na ba ang balita?" tanong ni Leicy.

"Oo Leicy." Maikling sagot ko rito. Habang nakatuon pa rin ang tingin kay Arni.

"Anong masasabi mo? Totoo ba 'to Lexter?" tanong ulit ni Leicy. Tumango tango naman ako bilang sagot sa tanong niya. Nang mapansin niyang iba ang mga kinikilos ko. "Okay ka lang ba? Para ka ring si Arni ah." Nagaalalang sabi ni Leicy sa akin, napatingin ako ulit kay Arni at nagkatinginan kami.

"Alam mo na?" seryoso kong tanong kay Arni, pero hindi siya nagsasalita at parang kinakabahan. "Ayos ka lang ba?" tanong ko rito. Iniwas niya ang tingin niya sa akin na wari'y nag-iisip.

Nagkagulo naman ang buong klase at sabay sabay na napatingin sa bintana.

"Gosh, totoo nga ang balita."

"Sila na nga?! I can't believe this!"

"Oh my gosh, Courtney win the crown!"

"Nakakainggit naman!"

"Ugh, I wish I was her"

Napatingin ako kay Arni at kita ko ang lungkot at pagdadawalang isip sa mukha niya. Alam na niya, at alam kong nasasaktan siya sa nalaman niya. Pero nagulat ako ng tumayo ito at nakisilip sa mga kaklase namin. Bumalik ito sa upuan niya, tulala at bakas ang pagtataka sa mukha.

"Come with me." Hinawakan ko siya sa wrist para yayaing lumabas. Pero tinignan lang ako nito at dahan-dahan na tinanggal ang kamay ko sa kanya. Nagulat ako sa ginawa niya.

"I'm fine." Sagot nito kasabay ng pagpatak ng mga luha niya. Nang mga oras na 'yon, doble ang naramdaman kong sakit nang makita kong lumuluha siya.

"Ano ba 'yan, naiiyak na ako sa sakit ng ulo ko. Hahaha, Ahm Leicy, samahan mo naman ako sa clinic." Niyaya niya si Leicy at sabay silang lumabas ng room.

Naiwan akong nagtataka at labis na pinipigilan ang emosyon ko. Nahihirapan ako para sa kanya, at ganon na rin para sa akin. Ang sakit...sobrang sakit...ang makita umiiyak ang taong gusto mo dahil sa ibang tao.

Ilang saglit lang pagtapos umalis nila Leicy at Arni, dumating naman si Abrylle at Courtney. Nagkatitigan kami ni Abrylle. Gusto ko siyang sapakin, pero ayaw ko din namang gumawa ng eksena sa loob ng classroom.

Mayamaya pa bumalik na si Leicy.

"Okay lang bas i Arni?" tanong ko.

"Oo, nagpaiwan na siya eh, alam mo, naiiyak ako para sa kanya." Marahang sabi ni Leicy, halata rin ang pag-aalala niya kay Arni.

Bigla namang lumapit sa amin si Abrylle. "Where's Arni?" tanong nito kay Leicy, pero hindi sumagot si Leicy. "Dammit! Answer me!" sigaw nito, sa init ng ulo ko, kwenelyuhan ko 'to.

"Don't you dare talk to her like that!" sabi ko rito habang gigil ang tingin sa kanya. "You know what? Kanina ko pang gustong gawin 'to, pero wala akong reason to this, pero ngayon, meron na." I was about to hit him, pero pinigilan ako ni Leicy, napatingin ako sa mukha nito at nagaalala siya sa akin.

"Wag Lexter..." mahina nitong sinabi. With that, binitawan ko ang mokong at tinulak palayo sa amin ni Leicy. Hinawakan ko ang kamay ni Leicy at hinila palabas ng room.

Palabas na sana kami ni Leicy ng room ng matigilan kami dahil sa pagtakbo ni Abrylle palabas.

"San 'yun pupunta?" tanong ni Leicy. Binitawan ko naman ang braso nito.

"Kay Arni..."

Courtney's POV

Narito na naman ako sa bar na 'to. Mag-isang umiinom dahil si Tracy isinama ng Mommy niya sa Hongkong at wala man lang kaalam-alam ang bruha sa mga nangyayari dito. Nakakadalawang bottle na ako ng wine. Naiinis ako, kahit na nasa akin na siya, hindi pa rin ako masaya. Kung paano niya tignan ang babaeng 'yon, at kung paano niya ito puntahan. Para akong tangang naiwan kanina sa loob ng room matapos nitong tumakbo palabas. Bwisit.

I was about to drink again nang may biglang kumuha ng baso ko. Pagtingin ko, siya na naman. Sinisira ang kaligayahan ko.

"What the hell are you doing here again? Are you stalking me?" I aksed in pissed. Nilapag naman nito ang baso na may wine at tumingin sa akin.

"Isn't it, I am too good looking to be your stalker?" mayabang na sabi nito habang nakangiti ng pang-asar. Nagulat naman ako sa sinabi nito at natawa na lang, isang sarcastic na tawa.

"Is that a joke? Kasi kung joke 'yon, I'm telling you. Its not funny." Sabi ko rito. Tumawa naman 'to habang ako napakunot na lang sa ginawa niya.

"Grabe 'no? Pareho kami ng kapalaran ng babaeng gusto ko! Whoa!" sigaw nito. Kumunot naman ang noo ko dahil malay ko ba sa sinasabi ng isang 'to. Nakatingin lang ako rito nang mapansin kong umiiyak siya.

"Huh, so ngayon? Nasa MMK ka na? Kanina maka-tawa ka parang walang bukas ah! Ugh! Akin na 'yang baso ko!"

Kukunin ko sana ang baso ko ng bigla niya akong pigilan. At sa pagpigil niyang 'yon. Nahawakan niya ang kamay ko. Nanglaki naman ang mata ko sa nangyari. Hindi ko maipaliwanag ang naramdaman ko ng hawakan niya ang kamay ko. Ang init ng mga palad nito na nakadikit sa aking balat. Malambot rin ito at parang bang ayaw ng bumitaw ng kamay ko.

"Wag ka ng uminom. Baka ako na naman ang maghatid sayo at yamutin mo lang ako." Base sa tono ng boses niya, parang lasing siya.

"Excuse me? Ikaw kaya ang lasing sa atin. And for your information? Hindi kita ihahatid sa bahay niyo o tutulungan umuwi!"

Five minutes later.

"Ugh! Ano ba, umayos ka nga! Ang bigat bigat mo kaya! Ugh! Ano ba?" akay-akay ko ang bwisit na lalaking 'to. Dahil sobrang lasing na lasing na siya. Mukhang kinain ko rin ang mga sinabi ko kanina ah.

Paano ba naman kasi, sige lang siya iyak ng iyak kanina habang tumutungga ng alak. Ako naman pinapanuod na lang siya sa ginagawa niya. Kanina, habang pinapanuod ko siya, kitang kita kong sobra ang sakit na nararamdaman niya.

"Ano ba? Umayos ka nga! Bwisit ka, pasalamat ka mabait pa akong tao, kundi iniwan na kita!"

"Bakit? Gantihan lang 'yan, he-he-he." Aba gising pa pala 'to.

"Gantihan? Kung iwan kaya kita dito!" sigaw ko. Pero natigilan ako ng bigla niya akong yakapin.

"'Wag ka namang ganyan. Pati ba naman ikaw iiwan ako. Please, stay." Nang marinig ko 'yon, parang huminto ang oras at ang mga tao sa paligid ko. Pakiramdam ko, may kung ano sa dibdib ko dahil lang sa narinig ko ang mga sinabi ng lasing na 'to.

"Hay, wala na akong magagawa."

Dinala ko siya sa condo ko. Since di ko siya pwedeng dalhin sa bahay. Dito na lang muna ako magpapalipas ng gabi, hay nako. Imbis na ako ang malasing, may isang lalaki naman ang nalasing. Pero siguro, bayad ko na lang din 'to sa ginawa niya sa akin nung ako ang nalasing.

Inihiga ko siya sa kama. Tulog na tulog na siya. Pero napansin kong pawis na pawis siya.

"Hoy!" kalabit ko dito. "Pawis na pawis ka, baka magkasakit ka!" gumalaw naman 'to pero hindi ako kinikibo. "Hoy!"

"Hmm? Ano ba? Pagod na ako." Sabi nito.

"Huh, magbihis ka man lang ng damit!" singhal ko rito. Naupo naman 'to sa kama, pinapanudo ko lang siya kung anong gagawin niya. Nakapikit pa ito nang bigla niyang hubarin ang polong suot niya at tinapon ang polo niya sa sahig.

Paghubad niya nito. Napalunok ako ng laway sa nakita ko. He's now tottaly half naked in front of me, and his oh-so-drop-dead body. Ang abs, parang mina-magnet ang kamay ko.

"Ayan na ah. Tulog na ako." Nahiga naman 'to at natulog na.

"Gosh, ngayon lang ako nakakita nun ah." Nasabi ko na lang sa sarili ko. Napatingin naman ako sa sahig kung saan niya hinagis ang polo niya.

Kinuha ko ito, mula sa bulsa ng polo niya nahulog ang isang ID. ID ng Monterverde Hotel 'to ah. Tinignan ko ito.

"Jerod James Santos, so yun pala ang full niya?" tinignan ko naman 'to at nakita ko ang mukha niyang natutulog.

That time, parang ang attractive ng mukha niya sa akin. Para bang ang liwanag ang paligid ng mukha niya. And the fact that he's like angel while sleeping. Parang ang sarap niyang gahasain. Gosh, no freaking way. Not for him, he's just a secretary.

Tumayo na ako at lumabas ng kwarto ng makaramdam ako ng antok. Napaisip ako, saan ako matutulog?

Bago pa man 'yon. Nag-shower muna ako at nag-toothbrush at uminom ng vitamnis. After that, bumalik ako sa kwarto. He's still sleeping.

"Mali 'to eh, saan naman ako matutulog?" pinuntahan ko siya at kinalabit. "Hoy, 'dun ka sa couch, ako dito." Sabi ko rito. Pero ang bwisit, hindi man lang magising. "Aba, hoy! Alangin namang ako ang sa couch? Tumayo nan a diyan!" sigaw ko.

"Ano ba? Ang ingay mo naman eh." Angal pa nito habang pikit pa rin.

"Aba, ako pa ah? Tumayo ka na diyan at lumipat."

"Ayoko, tabi na lang tayo." Bigla naman 'tong humarap sa akin at hinila ako sa tabi niya. Nanglaki naman ang mata ko sa gulat sa ginawa niya. And now, he's hugging me while we both lying in bed.

"Hey! Let me go!" pilit kong tinatanggal ang pagkakayakap niya sa akin, pero matigas ang isang 'to. "Hay nako, bahala ka nga."

Hinayaan ko na lang na matulog kami ng ganoon. Dahil, for pete's sake. I'm so tired.

The Next day.

Nagising ako dahil sa sigaw ng isang lalaki.

"Ano ba?" napaupo ako sa kama habang kukusot-kusot pa ng mata. "Ang aga aga eh!"

"Hoy! Ikaw!" tuluyan nang napamulat ang mata ko at nakita ko siyang nakatayo na.

"Oh? Bakit? Para kang ewan diyan." Para kasi siyang baliw na takot na takot habang yakap yakap ang sarili niya.

"M-may n-angyari ba?" nauutal niyang tanong.

"F*ck you, wala 'no! Asa ka naman!" sigaw ko dito.

"Eh bakit ako naka—" hindi niya pa natatapos ang sasabihin niya ng makita kong wala pa nga pala siyang damit pang-taas.

"Hay, bwisit ka, ikaw ang naghubad niyan sa sarili mo! Tsaka nako, lumayas ka na nga." Napatingin ako sa clock sa side table. "Ang aga aga pa, 6am pa lang 'oh!"

"Sandali! So? Wala talagang nangyari?" tanong pa nito.

"Kung meron man, for sure bangkay ka na. Of course wala! Ano akala mo? Pinagnanasaan kita?"

"Hindi ba?" ngumiti naman ng nakakaloko ang mokong.

"Aba!" kinuha ko ang unan at binato sa kanya. Tatawa tawa naman ang mokong.

Around 6:30am umalis na kami sa condo ko. Papasok na ako habang siya pauwi palang sa bahay nila.

"Thank nga pala ah." Sabi nito. Nakisakay pa sa akin.

"Your not welcome." Sagot ko rito. Bumaba na siya ng kotse. Habang palayo ang kotse, tinatanaw ko pa rin siya gamit ang side mirror, and he's waving his hands habang paalis na ako. That time, I automatically raised my hands and wave it for him.

"What the hell is going on? He's just a secretary."

Pagdating sa classroom. The usual lang, nakaupo lang ako sa seat ko. Pero ang nakakainis, hindi maalis sa isip ko ang mga nangyari kagabi. Dapat ba sinabi ko sa kanya?

After kasi ng hug na 'yon. Bigla niya ako hinarap sa kanya. And he kissed me.

"UGH! NO FREAKING WAY!!!"


Load failed, please RETRY

สถานะพลังงานรายสัปดาห์

Rank -- การจัดอันดับด้วยพลัง
Stone -- หินพลัง

ป้ายปลดล็อกตอน

สารบัญ

ตัวเลือกแสดง

พื้นหลัง

แบบอักษร

ขนาด

ความคิดเห็นต่อตอน

เขียนรีวิว สถานะการอ่าน: C29
ไม่สามารถโพสต์ได้ กรุณาลองใหม่อีกครั้ง
  • คุณภาพงานเขียน
  • ความเสถียรของการอัปเดต
  • การดำเนินเรื่อง
  • กาสร้างตัวละคร
  • พื้นหลังโลก

คะแนนรวม 0.0

รีวิวโพสต์สําเร็จ! อ่านรีวิวเพิ่มเติม
โหวตด้วย Power Stone
Rank NO.-- การจัดอันดับพลัง
Stone -- หินพลัง
รายงานเนื้อหาที่ไม่เหมาะสม
เคล็ดลับข้อผิดพลาด

รายงานการล่วงละเมิด

ความคิดเห็นย่อหน้า

เข้า สู่ ระบบ