ดาวน์โหลดแอป
42.85% The Coldest Heart / Chapter 15: Chapter 14. "Hidden Jealousy"

บท 15: Chapter 14. "Hidden Jealousy"

Chapter 14. "Hidden Jealousy"

Laarni's POV

"Arni, mauna ka na ah, pupunta pa kasi kami ni Lexter sa theater club para mag-practice ng piece namin next week." Pagpapaalam ni Leicy sa akin. Halata naman sa mukha nito ange excitement. Mukhang tama nga ako ng hinala.

"Ah, ganun ba? Haha. Sige, ayos lang. Tsaka may dadaanan pa naman ako eh." Sagot ko rito habang nag-aayos ng mga libro ko. Nakangiti ako.

"Oh? Bakit mukhang masaya ka?" nagtataka namang tanong ni Leicy.

"Huh?" napatingin ako rito. "Wala lang." sagot ko sa kanya.

"Weh? Mukhang kinikilig ka eh." Pang-uusisa nito.

"Haha. Hindi 'no! Hmmm medyo." Nilapit ko ang mukha ko sa tainga niya. "Do your best!" bulong ko rito. At natatawang inilayo ang mukha ko.

"A-anong d-do y-your best?" namumulang tanong nito.

"Sus, nahiya pa. Halata naman Leicy."

"Ah? Anong halata?"

"Haha. Basta. Sige na. pumunta ka na sa theater club" sabi ko rito. "Sandali, bakit sa theater club kayo magpa-practice?" tanong ko rito.

"Ah, di ko pa nga pala nasabi sayo. Member si Lexter ng theater club." Masayang sabi nito. Nagulat naman ako sa nalaman ko.

"Talaga?" tumango tango naman siya. "Di ko ma-imagine"

"Ano ka ba, magaling kaya umarte si Lexter. Bukod pa 'ron. Magaling din siyang sumayaw."

"Wow, ang galing naman niya."

"Ako bang pinaguusapan niyo?" bigla namang sulpot ni Lexter sa likod ko.

"Ah—eh, sinabi ko lang kay Arni na member ka ng theater club." Sagot ni Leicy kay Lexter.

"Hahahaha. Ikaw talaga Leicy, sinabi mo pa. Alam ko namang best actor ako eh. Hahaha nakakahiya naman kay Arni."

Naningkit ang mga mata ko at tinignan ang kayabangan ng kumag na 'to.

"Tara na Leicy!" niyaya na nito si Leicy. "Arnibabes, maiwan ka na muna namin ah? Mag-practice na rin kayo." Sabi nito sabay nguso nito. Napatingin ako sa gilid ko. Nandito pa pala si Abrylle. Binalik ko ang tingin kay Lexter. Nakangiti na naman ang kumag.

"Oo, baka bukas—"

"Magpa-practice tayo ngayon." Napatingin kaming lahat kay Abrylle nang magsalita 'to. Kukurap kurap ang mata ko. Ano daw?

"Ah—eh, ganun ba? Sige." Sagot ko rito.

"Hahaha. Sige Arnibabes! Alis na kami ni Leicy. Uhm, Abrylle pare alagaan mo 'yang soon-to-be-girlfriend ko ah! Hahaha"

"Ano? Girlfriend ka diyan!" singhal k okay Lexter at lumabas na sila ng room ni Leicy.

Napansin kong, kami na lang pala ang nasa loob ng room. Kaming dalawa lang ni Abrylle. Ang awkward. Ang tahimik ng buong classroom. Inayos ko na ang bag ko at sinukbit sa likod ko. Napatingin ako kay Abrylle.

"Abrylle. Tara na." masayang yaya ko rito. Tumayo naman 'to sa upuan niya at naglakad na palabas ng pinto. Sumunod na lang ako rito.

Leicy's POV

Habang naglalakad kami papunta sa theater club. Sige pa rin ang kwento at tanong ni Lexter tungkol kay Arni. Sinasagot ko na lang siya base sa mga nalalaman ko.

"Alam mo Leicy, kakaiba talaga si Arni 'no?" tanong nito.

"Bakit naman?"

"Wala lang. Basta, pakiramdam ko may kakaiba sa kanya."

Nakatingin siya sa malayo habang sinasabi ang mga salitang 'yon. That time, I felt like I was stabbed in my back. Ewan ko kung bakit ganoon.

"Hahaha, tara na nga. May gagawin pa ako eh." Nauna na siyang naglakad papunta sa theater club. Tanaw ko naman ang likuran nitong palayo sa akin.

"Alam mo Lexter, kakaiba ka rin para sa akin." Ang nasabi ko na lang sa sarili ko habang nakadampi ang palad ko sa dibdib ko.

Pagdating sa theater club. Maraming taong kumakausap kay Lexter. Marami ring babae ang sige ang papicture sa kanya. Gwapo nga naman kasi si Lexter. Kaya ganoon. Parang celebrity.

Iniwas ko na lang ang tingin ko sa kanya habang nakaupo sa upuan rito sa harap ng stage. Malaki ang theater club. At katulad talaga 'to ng isang theater sa labas.

"Leicy! Tara na sa stage!" napatingin ako rito ng tawagin niya ako. Pumunta naman na ako sa stage.

Pagakyat ko ng stage. Umalis muna siya sandali at pumunat sa likod ng stage. Pagdating nito. May dala na siyang gitara.

"Mag-gigitara ka?" tanong ko.

"Oo, Hahaha. Tapos ikaw ang kakanta. Alam mo namang si ganun kaganda ang boses ko Leicy." Nakanguso nitong sabi. Natawa ako sa hitsura ng mukha nito. Kahit na ganun siya, ang gwapo pa rin nito.

"Ah, sige" natatawa kong sagot dito.

"Ano bang kakantahin natin?" tanong niya habang tinotono ang hawak na gitara. I cleared my throat and I get that piece of paper in my pocket.

"Ito baka magustuhan mo..." sabi ko rito sabay abot ng papel sa kanya.

"Hmmm, "Superstar" by Taylor Swift. Pwede na rin." Pag-sangayon nito. "Ano bang tono niyan? Hahaha."

Oo nga pala. Hindi music lover si Lexter. Pero marunong siyang mag-gitara. Ang sabi niya sa akin. Required daw kasi sa theater club na marunong kang tumugtog ng kahit isang musical instrument.

"Ito oh, pakinggan mo." Inabot ko sa kanya ang cell phone ko na may nakakabit na earphone. Kinuha naman niya ito at naupo habang nakasabit ang gitara sa katawan niya.

Habang pinapakinggan niya ang kanta. Tahimik lang ito. Nang mga oras na 'yon. Pinagmasdan ko ang mukha niya. Ang mukha niyang, perpekto para sa aking mga mata.

"Maganda ah." Natigil ang pagtitig ko sa kanya ng bigla siyang magsalita.

"Oo, maganda talaga 'yan."

"Oo nga, pati ang meaning ng song maganda. Tara practice na tayo." Nakangiti nitong sabi sa akin. Napangiti na lamang din ako at nagsimula na kaming mag-practice.

Habang nagpa-practice kami. Ang gaan ng pakiramdam ko. Lalo na habang nag-uusap kami at nagkakatinginan. Tuwing ngingiti naman siya sa akin. Automatic na guguhit din ang ngiti sa aking mga labi.

Kinakapa na niya ang tono ng kanta sa gitara. Hindi makakailang, magaling nga siyang mag-gitara dahil saglit niya lang nakapag ang tono at nagawa na niya ng maayos.

"Haha, ang galing ko talaga!" bilib na bilib nitong sabi sa sarili. Sumang-ayon naman ako rito.

"Oo nga, ang bilis mong nalaman ang tono! Naks naman." Masayang sabi ko rito.

"Game, kantahin mo na." sabi nito. Nagulat naman ako sa sinabi niya.

"Eh? Ako? Kakanta na?"

"Oo, ano ka ba naman Leicy," maktol nito. "Ikaw ang kakanta di ba?" Natawa naman ako sa inasal nito. Ang cute kasi ni Lexter.

"Oo na po, Sir" pang-aasar ko rito pagtapos ay nagpractice na kami ng kanta.

Abrylle's POV

Hindi ko naman sinasadya at intension na makinig sa usapan nila. Pero ayaw ko pang tumayo sa upuan ko.

"Ano ka ba, magaling kaya umarte si Lexter. Bukod pa 'ron. Magaling din siyang sumayaw."

"Wow, ang galing naman niya." Kumunot ang noo ko ng purihin niya ang mokong na 'yon.

"Ako bang pinaguusapan niyo?" bigla namang dumating ang tinutukoy ko sa likod niya.

"Ah—eh, sinabi ko lang kay Arni na member ka ng theater club."

"Hahahaha. Ikaw talaga Leicy, sinabi mo pa. Alam ko namang best actor ako eh. Hahaha nakakahiya naman kay Arni. Tara na Leicy! Arnibabes, maiwan ka na muna namin ah? Mag-practice na rin kayo." Mas lalong kumunot ang noo ko at nagtagpo ang mga kilay sa sinabi ng mokong na 'to. Naramdaman ko namang tumingin sa gawi ko si Laarni.

"Oo, baka bukas—"

"Magpa-practice tayo ngayon." Hinarap ko sila. Lahat sila gulat sa sinabi ko. Napatingin ako sa mukha ni Laarni.

"Ah—eh, ganun ba? Sige." Sagot nito sa akin at mukhang nabigla sa sinabi ko.

"Hahaha. Sige Arnibabes! Alis na kami ni Leicy." Nagpanting ang tainga ko sa sinabi ng mokong na 'to at patago kong kinuyom ang kamao ko dahil sa inis. "Uhm, Abrylle pare alagaan mo 'yang soon-to-be-girlfriend ko ah! Hahaha" parang gusto ko na siyang suntukin sa sinabi niya.

"Ano? Girlfriend ka diyan!" natigil naman ang pagkuyom ko sa kamao ko at kusa na itong lumuwag nang sigawa ni Laarni si Lexter.

Nang lumabas ang dalawa. Kami na lang ang naiwan ni Laarni sa loob ng classroom. Ang tahimik. Nakatingin lang ako sa kanya. Ang ganda ng mukha niya kahit nakatagili siya sa akin.

"Abrylle. Tara na." nabigla ako ng lumingon 'to at tinawag ako. Iniwas ko ang tingin dito at tumayo na sa upuan ko tsaka naglakad palabas ng classroom.

Habang naglalakad kami palabas ng school. Ramdam ko ang presensya niyang nakasunod sa akin.

"Ahm, Abrylle, saan tayo magpa-practice?" tanong nito sa aking nang maabutan ako nito at nasa tabi ko na siya.

"Sa bahay namin." Sagot ko rito habang diretso ang tingin sa nilalakaran ko.

"Ah, ganun ba? Malayo ba bahay niyo? Kasi may dadaanan pa ako eh." Sabi nito.

"May sasakyan ako." Maikli kong sagot dito.

"Ah, sabihin mo na lang sakin ang address at susunod na lang ako sa inyo" rinig ko ang tuwa sa mga sinabi niya. Huminto ako sa paglalakad at tinignan niya.

"Saan ka ba pupunta?" inis na tanong ko rito.

"Ah, kasi dadaan pa ako sa bookstore. May bibilhin akong libro." Kalmadong sabi nito sa akin.

Kakaiba rin ang isang 'to. Ang mga tao kapag tinignan ko ng masama, natatakot na. Kapag naman kinausap ko at alam nilang inis na ako, bigla na lang silang aalis sa harapan ko. Pero ang isang 'to. Kalmado lang at minsan naman ay nakangiti pa.

"Sasamahan na kita." Sabi ko rito at tsaka iniwas ang tingin sa kanya at nagpatuloy sa paglalakad.

"Wag na—"

"I insist." Hindi na siya tumanggi pa sa alok ko at sumunod na lang sa akin sa parking area ng school.

Pumasok na ako sa loob ng kotse ng buksan ng driver namin ang kotse. Doon ako naupo sa backseat. Pagpasok ko sa loob. Hindi pa siya pumapasok. Bumaba ako ulit ng sasakyan.

"Pagbubuksan pa ba kita ng pinto?" inis kong sabi rito.

"Ah, hindi na." agad agad naman niyang binuksan ang pinto sa backseat at pumasok sa loob.

Pagtapos ay pumasok na rin ako sa loob ng kotse. Ngayon ay magkatabi kami nito sa loob ng kotse sa backseat.

"Sa bookstore tayo." Sabi ko sa driver.

Habang nasa byahe kami. Nakatingin lang siya sa labas ng kotse. Napatingin ako rito. Ang tahimik niya, tila may malalim na inisip.

Huminto naman na ang kotse.

"Narito na po tayo Young Master." Sabi ng driver. Bumaba na ako ng kotse at ganun din siya.

"Ah, Abrylle hintayin mo na lang ako—"

"Sasama ako sa loob." Walang emosyon kong sabi rito at pagputol sa pagsasalita niya. Nagulat naman siya sa sinabi ko.

"Ah, sige. Bahala ka." Naglakad na 'to papasok ng bookstore. Sumunod na rin ako. Nakasunod lang ako rito habang paikot-ikot siya sa loob ng bookstore. Baka hinahanap na niya ang librong bibilhin niya.

Pinapanuod ko lang siya. Tahimik naman itong naghahanap. Minsa may kukunin siyang libro at babasahin ang likod nito. Tapos ibabalik din sa shelf at kukuha naman ng iba.

"Ayun! Ito, nandito lang pala sila." Masayang sabi nito nang makita ang hinahanap na libro. Kumuha ito ng isang libro.

"Ano 'yan?" tanong ko. Napalingon naman siya sa akin.

"Ah, ito yung gusto kong basahin libro. Ang pamagat niya "The 100th Guy who passed by Her" maganda ito sabi ng kakilala ko sa facebook." Masayang sabi nito. Di ko na siya pinansin at iniwas ang tingin ko sa kanya.

Naglakad naman 'to papuntang counter.

"Ito po—" napatingin 'to sa akin ng pigilan ko ang pag-aabot niya ng pera sa counter. Gulat ang mukha nito. Inabot ko naman sa babaeng nasa counter ang credit card ko. "Ah Abrylle wag na, ako na lang." sabi nito.

"Na-swipe na." maikli kong sagot dito.

"Babayaran na lang kita."

"Wag na. Tara na bilisan mo" nauna na akong umalis sa kanya sa counter.

Nasa pinto na ako ng bookstore ng may mga babaeng nahuli kong nakatingin sa akin. Mga naka-school uniform ng ibang school.

"Ang gwapo naman niya."

"Gosh! Crush ko na siya."

"Teka, taga West Bridge Academy siya girls."

"Wow, bukod sa gwapo, mayaman pa."

"Nakatingin siya sa atin. Gosh!" Pigil naman ang mga tili ng mga babaeng 'to.

Bigla namang dumating si Laarni. Napatingin na ako rito. Ganun din siya, nagtatakang nakatingin sa akin.

"Oh? Bakit?" tanong nito.

Hinawakan ko ang kamay nito at tsaka kami lumabas ng bookstore.

"Gosh, taken na yata girls!"

"Ang swerte naman ng babae"

"Sus, di naman maganda"

Rinig ko pang sabi ng mga babae paglabas namin ng bookstore. Paglabas ng bookstore hanggang sa makarating kami sa sasakyan. Di ko namalayang hawak ko pa rin pala ang kamay niya. Agad kong binitawan ito.

"Pasensya na." sabi ko rito at tsaka pumasok sa kotse.

Pagpasok ko sa kotse. Iba ang naramdaman ng dibdib ko. Bigla itong kumabog ng mabilis na para bang may tumatakbo sa loob ng katawan ko. Para namang nag-init ang mukha ko.

Nang pumasok si Laarni.

"Bukas na lang tayo mag-practice." Sabi ko rito.

"Ah? Bakit?"

"Pagod na ako. Ihahatid na lang kita sa inyo."


Load failed, please RETRY

สถานะพลังงานรายสัปดาห์

Rank -- การจัดอันดับด้วยพลัง
Stone -- หินพลัง

ป้ายปลดล็อกตอน

สารบัญ

ตัวเลือกแสดง

พื้นหลัง

แบบอักษร

ขนาด

ความคิดเห็นต่อตอน

เขียนรีวิว สถานะการอ่าน: C15
ไม่สามารถโพสต์ได้ กรุณาลองใหม่อีกครั้ง
  • คุณภาพงานเขียน
  • ความเสถียรของการอัปเดต
  • การดำเนินเรื่อง
  • กาสร้างตัวละคร
  • พื้นหลังโลก

คะแนนรวม 0.0

รีวิวโพสต์สําเร็จ! อ่านรีวิวเพิ่มเติม
โหวตด้วย Power Stone
Rank NO.-- การจัดอันดับพลัง
Stone -- หินพลัง
รายงานเนื้อหาที่ไม่เหมาะสม
เคล็ดลับข้อผิดพลาด

รายงานการล่วงละเมิด

ความคิดเห็นย่อหน้า

เข้า สู่ ระบบ