Chapter 4. "Saving the Ice Prince"
Laarni's POV
"Nandito na po ako!" pumasok na ako sa bahay.
"Oh anak, buti nandiyan ka na, hindi ka ba naligaw?" tanong ni Mama habang naglilinis ng mga bintana. Naupo naman ako sa sofa at nagtanggal ng sapatos ko.
"Hindi naman po, nasaan na si Tito Fred?"
"Ah, umuwi na. Bukas na daw siya babalik para tumulong sa pagpipintura ng bahay."
"Ay, wag mo na papuntahin Ma, ako na lang gagawa nun. Maaga naman ang uwian ko bukas." Sabi ko rito at tsaka tumayo para umakyat sa kwarto ko.
"Ganun? Sige bahala ka. Bukas nga pala, may pasok na ako sa trabaho. Kaya baka gabihin ako. May aasikasuhin pa ako papeles." Narinig ko sigaw ni Mama habang nasa hagdan na ako papunta ng kwarto ko.
"Sure Ma, do your things, saan ang kwarto ko?" sigaw ko rin dito.
"Sa kanan anak! Yung may pink na baboy na nakasabit sa pinto." Sigaw nito.
Ano daw? Baboy? Pagdating ko sa taas. Hinanap ko agad ang kwarto ko. At nasa unahan lang ito. Sa pinto may nakasabit na pink na piggy stuff toy. Ang cute nga eh. Pumasok na ako sa kwarto ko. At nagulat sa laki nito. Hindi naman sobrang laki, pero mas malaki ito kaysa sa kwarto ko dati. Hindi pa nga pala ito nalilinis. Makikita mo pa sa sahig ang mga gamit ko. Mga libro, teffy bear, at kung ano ano pa. Kasama na rin ang maleta ko. Mabuti na lamang at may cabinet na dito. Ilalagay ko na lang.
"Okay! Let's do this!"
Sinumulan ko na ang maglinis. Una kong inayos ang kama ko. Nilagyan koi to ng bed sheet at pinundahan ang tatlo kong unan. Pinagpagan ang foam at inayos ang hihigaan ko mamaya. Okay na ang kama ko. Next naman ang mga libro ko. Inayos koi to sa book shelf ko. Kasama na don yung mga fictions novel at text book ko. Sa taas ang mga text book at sa baba ang fictions novel. Hiwalay dapat. Sa tabi ng side table ko, katapat ng window ang studying table ko. Inayos ko na rin ang lamp shade ko dahil mamaya gagawa pa ako ng home work.
*Knock-knock*
"Anak? Tapos ka na ba?" kumatok si Mama sa pinto.
"Hindi pa po pero malapit na."
"May naghahanap sayo sa baba." Nagulat ako sa sinabi ni Mama.
"May naghahanap? Sa akin po?"
"Oo, kaklase mo raw. Nasa sala na siya anak. Bumaba ka muna. Magluluto na ako."
"Ah sige po." Narinig ko na ang pagbaba ni Mama. "Sino naman kaya 'yon? Imposible namang magkaroon ako ng bisita?"
Hindi na ako naghintay pa ng oras. Bumaba na ako agad para malaman kung sino yung bisita ko raw. Nasa hagdan na ako nang naririnig kong kinakausap ni Mama ang bisita ko raw.
"Ah, ikaw pala ang anak ni Boss."
"Opo, Tita."
"Ay, ano ka ba, wag mo ko tawaging Tita. Empleyado ako ng Daddy mo."
"Hehehe, ayos lang po 'yon."
"Nagpapasalamat talaga ako sa Daddy mo, dahil dito. Pasabi ulit salamat ah?"
"Opo."
Parang pamilyar sa akin ang boses na 'yon. Bumaba na ako diretso at laking gulat ko nang makita ko siya.
"I-ikaw? A-anong ginagawa mo dito!" sigaw ko nang makita ko si Lexter na nasa loob ng bahay ko.
"Oh, nandiyan ka na pala anak. Ipaghahanda ko kayo ng meryenda"
"No, wag na Mama, ayokong tumanggap ng bisita." Tumalikod na ako at inismiran si Lexter. Akala niya nakakalimutan ko na ang ginawa niya kanina. Ugh! Hindi ko akalain na isang mokong na tulad niya ang makakanakaw ng unang halik ko. My goodness, gusto ko siyang sakalin.
"Oh? Anong problema nun?" narinig kong tanong ni Mama kay Lexter.
"Hindi ko po alam." Maang-maangan nito. Hinarap ko ulit ito.
"Hindi mo alam? Huh, ang kapal mo din pala eh no?" pagtataray ko rito.
"Anak, respect. Anak siya ng Boss ko."
"Wala akong pake Ma, yang lalaking yan!" turo ko kay Lexter. "He stole my first kiss!"
Nakita ko naman ang gulat sa mukha ni Mama at ang pagkahiya sa mukha ni Lexter.
"Is that true?" naguguluhang tanong ni Mama.
"Yes, Ma. And I can't—"
"Wah! Ang galing mo Lexter hijo!"
"What?" nawindang ako nang matuwa pa si Mama sa sinabi ko at hinawakan ang kamay ni Lexter at nagtatatalon sa tuwa.
"Naku, hijo, good deed! Alam mo kasi natatakot ako nab aka maging lesbian na yang anak ko. Mabuti hinalikan mo."
"WHAT?" Laglag na ang panga ko sa gulat sa sinabi ni Mama.
"Pero, I'm glad na may first kiss na ang anak ko. Akala ko nga man-hater na siya eh dahil sa ginawa ng Daddy niya sa amin pero thank you hijo ah!"
"Ah—eh, wala po 'yon Tita, gusto ko pa nga ulitin eh Hahahah." Napa-facepalm na lamang ako. Inatake na naman ng kayabangan ang isang 'to.
"Oh, sige na. Maghahanda muna ako ng meryenda. Anak, kausapin mo naman siya. Entertain your guest and future boyfriend." Natatawang sabi ni Mama.
"What the hell?" nandidiri kong sabi at tsaka siya pumanik sa kusina. Ngayon dalawa na lamang kami ng mokong na 'to sa sala.
"Anong bang balak mo? Paano mo nalaman na dito ako nakatira? Bakit ka nandito?" sunod-sunod na tanong ko dito habang nakataas ang kilay at parang isang host sa isang showbiz talk show.
"Eh kasi, alam kong nagalit ka don sa ginawa ko. Pero Arni, I did it in purpose." Pagpapaliwanag niya.
"Purpose? Huh! Ang galing mo din magpalusot no."
"Okay, look. Let me explain okay? Pero…labas tayo."
"Huh?" pinaghahanda ka ng Mama ko sa snack."
"Balik na lang tayo."
Wala na akong nagawa. Sumama na ako sa kanya sa labas. Naglalakad kami ngayon habang pinapaliwanag niya sa akin kung bakit daw ginawa ang bagay na 'yon kanina.
"Eh kasi, alam kong mainit na ang mata sayo ng mga kaklase natin. Dahil nga iyon kay Abrylle." Sabi nito.
"Si Abrylle na naman? Ano bang kasing meron sa taong 'yon?" naguguluhan kong tanong dito.
Kanina pa nila sinasabi sa akin na dahil kay Abrylle. Si Abrylle daw kasi. Eh ano bang meron sa Abrylle na 'yon? Bukod sa suplado at malamig makitungo sa mga tao. Hindi nagsasalita. Tahimik. Mr. Cold dawn g campus. At Prince Abrylle naman ng mga mahaharot kong kaklase.
"Okay. Mukhang di mo pa nga talaga alam. Pero alam mo naman na siguro na si Abrylle ang anak ng may ari ng school di ba?" tanong nito sa akin.
"Yup. Nasabi na sa akin ni Leicy." Sagot ko dito.
Naglalakad pa rin kami hanggang sa makarating kami sa tulay. Hapon na at papalubog na ang araw. Huminto kami doon at napamasid sa ilong na kita ang sinag ng papalubog na araw.
"Abrylle was kidnapped 5 years ago. And that is the reason kung bakit siya ganyan."
"What?"
"Yeah, sa incident na 'yon. Namatay ang Mom niya to save him. Me and Abrylle are really close friend dahil mag-kasosyo sa business ang father namin. They own the best food corporation here in our country and our family owning the popular hotels here in Philippines. Kaya magka-sosyo sila."
Nakamasid lang si Lexter sa ilog habang ako naman ay nakatingin sa mukha niyang takatagilid sa akin. Seryoso ang mukha nito habang nagkukwento at nagbabalik tanaw sa nakaraan.
"Simula noon, naging mailap na sa tao si Abrylle, kahit nga ako di na kinakausap non eh."
"Ah, so? Ano naman ang kinalaman ko?" lumingon ito sa akin. Kinabahan ako dahil sa seryoso nitong mukha. Walang nagsasalita sa amin. Naghihintay ako sa sasabihin niya. Diresto siyang nakatingin sa mukha ko.
"You really look like her..." Sabi nito.
"Ano?" narinig ko naman ang sinabi niya, pero hindi ko maintindihan.
"Hay, tsaka na ang mga susunod na detalye, pagod na ako." Tumalikod ito sa akin at naglakad na palayo. Hinabol ko naman ito.
"Oy sandali lang, akala ko ba babalik ka pa sa bahay ko?" sigaw ko dito.
"Tsaka na, pasabi sa Mom mo, thank you na lang." tuluyan na itong naglakad palayo.
"Psh, baliw talaga 'yon."
Umuwi na ako sa bahay. Pero habang papauwi ako. Hindi mawala sa isip ko ang sinabi ni Lexter kanina tungkol kay Abrylle. Nalulungkot ako sa nangyari sa kanya. Ngayon ay nauunawaan ko na kung bakit ganon siya. Papaano niya kaya 'yon nakakaya? Pero mukhang nakaya naman niya. Naging mailap nga lang siya sa mga tao. Tila naging isang malamig na yelo ang puso niya.
Habang naglalakad ako, naisip ko ang hitsura ng mukha niya. Noong mga palihim ko siyang nililingon kanina. Ang tangos ng ilong nito. Makinis ang kutis. Maninipis at mapupulang labi. Mahaba ang buhok na parang Korean hairstyle.
"Mukha yatang magiging challenging ang last year ko sa high school." Sabi ko sa aking sarili.
Habang naglalakad ako. May lumapit sa akin isang matandang babae, parang nagbebenta siya ng kung ano.
"Hija, bili ka naman nitong lucky bracelet." Sabi nito sa akin. Tinignan ko yung bracelet na pinakita niya sa akin. "Swerte ang bracelet na iyan hija. Ipapakita sayo ng bracelet na 'yan ang dapat mong gawin sa buhay, ipapakita nito sayo ang tamang desisyon sa buhay." Napatingin ako sa matandang babaeng nasa harap ko.
"Totoo po ba 'yo?" tanong ko dito.
"Oo, hija. Bilhin mo na, 'yan na ang huli." Sabi nito sa akin.
"Ah, sige po. Sandali." Kinuha ko ang wallet ko sa bulsa ko. Pero nang maipasok ko sa bulsa ko ang kamay ko. Wala akong nakapa o nakuha. "Ay sandali lang po, mukhang naihulog ko ang wallet ko."
"Hija, hindi na. Ibibigay ko na lamang sayo ito ng libre. Mukhang mabait ka namang bata. At ngayon lang kita nakita sa lugar na ito."
"Ah, nakakahiya naman po. Bagong lipat lang po kami rito."
"Sige na." kinuha nito ang kamay ko at nilagay ang binibenta niyang bracelet "Tanggapin mo na ito, parang welcome gift ko na sayo."
"Nakakahiya naman po, pero sige po. Maraming salamat po Lola."
"Sige hija, maiingat ka ah? Marami kang haharaping problema pero maging matatag ka." Pangaral nito sa akin.
"Opo Lola." Umalis na yung matandang babae. Bigla kong naalala yung sinabi niya. "Ano kayang ibig niyang sabihin? Ugh! Yung wallet ko. Hindi pwede mawala 'yon."
Tumakbo ako pabalik kung saan ako nanggaling. Ano ba yan. Maggagabi na. Napatingin ako sa relo ko. 5: 30 na ng hapon. Nakarating ako agad sa tulay kung saan ako nanggaling kanina. At sa wakas, mabuti na lamang at nakita ko yung wallet ko.
"Mukhang lucky charm nga itong bracelet." Sabi ko habang nakataas ang kanang braso at tinitignan ang bracelet. "Thank you Lola."
Nakaharang ang braso ko pero hindi ako maaaring magkamali sa nakikita ko. Naibaba ko agad ang braso ko nang makita ko siyang nakatayo sa tulay habang nakahawak sa railings.
"Si Abrylle yun ah?"
Hindi ko alam, pero may kung ano sa isip ko na nagsasabing lumapit ako sa kanya. Kusang humakbang ang mga paa ko papalapit sa kanya. Nang malapit na ako sa kanya. Nakita ko ang lumuluha niyang mata at ang malungkot niyang mukha habang nakayuko. Naririnig ko rin ang paghikbi niya at ang mahigpit na paghawak nito sa railings ng tulay.
Parang nasaktan ako ng makita siya nang ganoon. Tila kumikirot ang puso ko at nagdadalamhati dahil sa nakikita ko. Napayuko na lang din ako. Nang ibalik ko ang tingin sa kanya. Laking gulat ko nang nasa labas na siyang tulay nakatayo habang patalikod na nakahawak sa railings ng tulad. Nanglaki ang mata ko sa sunod na nangyari. Wala pang ilang segundo ng tumalon ito sa ilog.
"Abrylle!" tumakbo ako papunta sa puwesto niya at tinanaw siya sa ilog. "Diyos ko." Tinitignan ko yung pinaghulugan niya mula sa tulay pero wala akong nakikitang bakas kung nasaan siya. "Patay na ba siya? Hindi."
Mabilis pa sa alas-quatro akong tumalon rin sa tulay. Hindi ko alam, dahil naging mabilis ang pangyayari. At ang pumasok na lamang sa isip ko, ay ang iligtas siya.
Pagtalon ko, hinanap ko siya sa ilalim ng tubig. At nakita ko siyang papalubog na habang nakapikit ang mga mata at walang malay. Nilakasan ko ang loob ko at sinisid siya at nang mahawakan ko ang kamay niya. Naglakas loob akong hilain siya paakyat. Nang mga oras na iyon. Para akong isang malakas na babae at nakaya kong buhatin ang isang lalaki. Hindi ko alam, pero isa lang ang tumatakbo sa isip ko. Kailangan ko siyang tulungan.