ดาวน์โหลดแอป
47.05% One Night with Mr. Gorgeous / Chapter 8: Chapter Eight

บท 8: Chapter Eight

Masuyong hinalikan ni Arielle ang anak na nasa kuna bago kinuha ang bag at envelope na naglalaman ng credentials niya sa sofa. Araw ng Lunes iyon. Nakabakasyon pa rin si Ate Maring kaya napilitan siyang ibilin at iwanan muna ang anak kay Ate Zeny.

Ang Yaya ni Jiro, ang anim na taong gulang na anak ng kapatid niya ang mag aalaga pansamantala kay TJ. Kagabi pa sila nasa bahay ng kapatid. Higit na malapit ang bahay ni Ate Zeny sa DeMar Hotel Makati kumpara sa apartment niya sa Quezon City.

Ayaw niyang malate sa appointment niya kay Mr Theo De Marco, ang diumano ay ang good looking at sexy'ng boss ni Cecille dati. Wala naman siyang kiber gwapo man o hindi ang bagong boss. Ang gusto niya lang ay ang trabaho at pagkakakitaan na maibibigay ng kumpanya nito sa kanya.

Hired na daw siya agad. Ganun kalakas ang kaibigan niya sa dating amo. Hindi naman nakapagtataka iyon, magaling na empleyado si Cecille at madaling makasundo. Kaya nga agad silang nagkahulihan ng loob at naging matalik na magkaibigan hindi naglaon.

Gusto niya pa ring iabot ang resume o credentials niya sa HR. Kahit ini rekomenda siya ni Cecille kaya siya natanggap, gusto niya pa ring malaman ng mga ito na deserving siya sa pwesto.

Nagpadala na siya ng resignation letter sa dating kumpanyang pinapasukan niya gamit ang email kagabi. Tiyak na mabubuksan at mababasa iyon ng head nila mayamaya lang.

"Alis na 'ko, Ate." aniya sa kapatid na nakasalampak sa sahig at kinukutkot ang sariling kuko sa paa.

"Tuloy tayo kina Mama sa linggo ha? Two weeks na akong hindi nakakabisita." sabi nito na hindi na siya tinapunan ng tingin.

Tumango siya at tuluyan ng umalis. Siya rin naman. Mahigit isang linggo na simula nang huli siyang makauwi sa bahay nila sa Antipolo. Anim na buwan matapos niyang makapanganak ay naghanap na siya ng mapapasukang trabaho.

Nang matanggap siya bilang supervisor sa isang BPO Company ay tuluyan na siyang humiwalay sa mga magulang kasama si Tj.

Sa Ayala kasi siya naka assign noon kaya naghanap siya ng mauupahang apartment sa Makati. Nag offer si Ate Zeny na sa bahay nito sila tumira pero nalalayuan siya sa condo nito sa Quezon City. Graveyard siya at imbes na ipahinga niya na ay nauubos ang libreng oras niya kakabyahe.

Busy ang mga magulang niya ngayon sa promotion sa upcoming teleserye ni Troy. Kababalik lang ng mga ito mula sa isang show sa Davao nung nakaraang buwan. Kung nasaan kasi ang anak ay naroon din ang dalawa. Masaya silang pareho ni Ate Zeny dahil sa patuloy na gumaganda ang career ng bunsong kapatid nila.

Ganunpaman ay hindi ito nakakalimot kagaya ng Mama at Papa niya, madalas pa rin ang mga itong tunawag para kumustahin sina Jiro at TJ.

Ang Papa niya at si Ate Zeny ay civil na ang pakikitungo sa isa't isa. Hindi niya na rin nakakaringgan si Ate Zeny na nagrereklamo tungkol kay Lucio.

Marahil kahit tahimik si Lucio ay sinisisi rin nito ang sarili sa pagkakaroon niya ng anak ng wala sa oras. Lalo na nang iurong ni Busty ang kasal at sabihing imposibleng ito ang ama ng dinadala niya.

She had long forgiven her father for manipulating her life. Ang importante ay hindi natuloy ang kasal nila ni Busty.. sa mga panahong inakala niyang wala na siyang choice kundi sundin ang desisyon ng ama.

Bagaman nagkamali siya sa pagbibigay ng sarili sa lalaking hindi niya kilala, hindi nya naman pinagsisisihan ang naging bunga niyon. She had TJ and that's all that matters now.

Alas sais kwarenta ang nakasaad sa wristwatch niya. Alas otso ng umaga ang appointment nya kay Mr De Marco sa DeMar Hotel.

Doon ang sinabing meeting place ni Mr De Marco kay Cecille imbes na sa opisina nito sa Ayala kung saan nakatayo ang De Marco Building na pag aari ng pamilya nito. Buong araw daw kasing mananatili sa hotel si Mr Theo De Marco ayon sa kaibigan.

Pinasibad niya ang sasakyan nang makasakay. Mahigit kalahating oras din ang ibinyahe niya bago ipinarada ang camri sa parking space ng three star hotel.

Dumeretso siya sa reception nang makapasok.

"Good Morning. I'm looking for Mr Theo De Marco, nariyan na ba siya?" She smiled sweetly at the receptionist na matamis ding nakangiti sa kanya.

"Ms Paulino?"

Tumango siya. Naibilin na marahil siya ni Mr De Marco sa mga ito.

"Nasa suite niya si Mr De Marco ngayon, hinihintay ka na niya." Nakangiting anito pagkatapos ay ibinigay sa kanya ang kapirasong papel kung saan nakasulat ang room number ng sadya niya.

Umusal siya ng 'Thank you.'

Talagang sa suite room ng bago niyang boss sya pupunta? Nagkibit balikat siya. Baka nasa suite na rin nito mismo ang opisina ni Mr De Marco.

Gumamit sya ng elevator paakyat sa 8th floor. Humugot siya ng buntong hininga as she stepped out of the lift. Hindi niya alam kung saan nanggaling ang kabang biglang bumundol sa kanyang dibdib habang humahakbang siya patungo sa nakapinid na pinto ng suite ni Mr De Marco.

Deja vu. Matapos ang dalawang taon, natagpuan nya ulit ang sariling kumakatok sa pinto ng isang hotel room.

Mapait syang napangiti, pagkatapos ay muling itinuon ang pansin sa nakasaradong pinto na dalawang beses nyang kinatok bago niya napansin na bahagya palang nakabukas.

Hinawakan niya ang seradura ng pinto, pinihit at saka maingat at marahang itinulak pabukas. Siya ring pagbukas ng pinto sa bathroom at iluwa roon ang isang matangkad na lalaking literal na nagpabilis sa tibok ng puso ni Arielle.

Pinigil niya ang malakas na singhap nang tuluyang luminaw sa isip nya kung sino ang lalaking nakikipag eye to eye sa kanya.

Nagkamali ba siya ng kwartong pinasok? Tanong ng isang bahagi ng isip niya. Pero nagsusumigaw ang kabilang bahagi ng utak niya..

Hindi.

Malinaw ang nakasulat na numero ng kwarto sa kapirasong papel na iniabot sa kanya ng receptionist.

Ito ang lalaking pinasok niya sa suite nito noon at kinulit niya para pumayag sa one night stand. And the devil was grinning at her from ear to ear nang makita nito ang unti unting pamumula niya.

He was as good looking and as hot as the last time she saw him.. Para bang kahapon lang nangyari ang unang pagtatagpo nilang dalawa. With that white cotton shirt na hapit sa malapad na dibdib nito and that black slacks na nagtatago sa malalakas at balbunin nitong mga binti. She saw and touched them all before kagaya ng walang parte ng katawan niya ang pinalagpas ng lalaki na hindi masalat at mahalikan.

The thought sent delicious shiver down Arielle's spine at gusto niyang mapapikit ng mariin dahil sa sariling kahalayan.

"So, how are you, my little temptress?"

Kung may sarcasm na kasabay sa malalim na tinig ng lalaki ay hindi masiguro ni Arielle. Naroon pa rin kasi ang makahulugang ngiti sa mga labi nito.

Pasimple siyang lumunok, kinakalma pa rin ng husto ang nagwawala niya ng puso. Hindi siya makapag desisyon kung ano ang gagawin, hahakbang papasok ng silid o tatakbo pabalik sa elevator. The latter would make her look stupid and immature at hindi siya ganun para gawin iyon.

Theo De Marco.. Theo ba talaga ang pangalan nito? At nagkataon na may hawig ito kay Theo James? To think na pinangalanan niya pa ang anak kasunod sa pangalan ng sikat na hollywood star... na hindi niya alam ay pangalan din pala ng Tatay nito. Ang tanga niya lang talaga.

"Y-You are Mr Theo De Marco?" Tanong niya, hindi pa rin makapaniwala.

Naninigas ang panga niya, hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman. Naguguluhan siya, hindi niya alam kung tatakbo nang maayos ang isip niya sa sorpresang iyon.

Ganoon ba talaga kaliit ang mundo para magkita pa sila ng lalaking ito? At dati pa itong boss ng best friend niya..

"Puwede kang pumasok at maupo sa sofa bago ka pa tubuan ng ugat riyan." Anito sa kanya. Humakbang ito patungo sa pang isahang sofa at kampanteng naupo roon.

"I-I'm sorry Mr. De Marco pero kaya ako nagpunta para sabihing hindi ako puwede sa pwestong inaalok ng kaibigan ko.." sa wakas nahagilap ni Arielle ang sariling tinig.

She refused to allow her knees to melt some more o tuluyan na siyang titimbuwang sa kinatatayuan niya.

She must refuse the job. Hindi maaring lumawig pa ang pagkikita nilang iyon. Arielle couldn't let the world know sa ginawa niyang kapangahasan noon. At lalo na ang malaman ng lalaking ito na nagbunga ang nangyari ng gabing iyon.

"Is that really so? What's the credentials for, Ms Paulino?" Sarkastikong tanong nito. Nakatingin sa hawak niyang dokumento.

Hindi siya nakasagot. Lalo lang humigpit ang hawak niya sa envelope.

Bored na bumuntong hininga ang lalaki. "To be honest, may nakuha na ang HR last week para maging sekretarya ko."

Nakahinga siya nang maluwang. Kung gayon ay wala na silang dapat pag usapan ng lalaki.

"Pero hindi iyan ang dahilan kung bakit kita pinapunta rito ngayon."

Kumunot ang noo niya.

"A-anong dahilan?"

"May pabor akong hihilingin."

Bumuka ang bibig niya para agad magprotesta pero itinaas nito ang isang kamay para patigilin siya.

"Pinagbigyan kita sa pabor na hiniling mo sa akin two years ago, Ms Paulino.." anito sa tinig na nagpapaalala.

Pinagkadiin diinan ang salitang pabor na tila gustong ipaalala sa kanya kung anong klaseng pabor ang hiningi niya rito noon. Naningkit ang dati ay bilugan niyang mga mata nang maisip na baka iyong pabor din na iyon ang hihingin nito sa kanya.

"Wala akong balak pumayag sa rematch, Mr De Marco. Ialok mo sa iba 'yang katawan mo. Hindi ako interesado."

Umangat ang isang gilid ng bibig ni Theo para sa isang naaaliw na ngiti.

"Rematch." Ulit nito na bumaba ang tingin mula sa mukha patungo sa dibdib niya.

Itinago niya ang pagkapahiya sa pagsimangot.

"Rematch, huh," ang sabi pa na tila ninamnam ang sinabi niya. "Believe me, I'd love to, Ms Paulino pero hindi iyan ang ibig kong sabihin."

"Hindi pa rin ako interesado, Mr De Marco." Mariin niyang tanggi sa kabila ng pagkapahiya sa sarili at sa lalaki.

Nag expect ba siya na pinantasya siya ng lalaki all those years at gusto nitong madugtungan o ulitin ang ginawa nila noon?

"Why don't you get inside first para makapag usap tayo nang maayos?"

"There's no need, really. Dahil unang una hindi ako papayag sa pabor na gusto mo. Anumang pabor iyon."

"Even if I'm going to compensate you for the favor?"

Itinaas niya ang mukha. "Hindi pa rin. If you'll excuse me kailangan ko ng umuwi."

"Then you're leaving me with no choice but to tell your bestfriend about what happened to us two years ago.."

Namilog ang mga mata niya.

"That's blackmail!" Bulalas niya sa hindi makapaniwalang tinig.

Humalukipkip ang lalaki. Parang nakakalokong pinagmasdan ang pagsasalitan ng emosyon sa mukha niya. Pinilit niyang ibalik ang composure o mahahalata nito na kinakabahan siya.

"W-what made you think na hindi ko sinabi kay Cecille ang nangyari?"

Nagkibit balikat ang lalaki. "A wild guess.. pero sa reaksyon mo kanina lang siguradong hindi mo nga sinabi sa kanya o sa kahit sino ang namagitan sating dalawa." Anito. "So, papasok ka ba at pag uusapan natin ito ng maayos o uuwi ka na habang tinatawagan ko ang bestfriend mo?"

Nanlisik ang mga mata ni Arielle. Ang hudyo, pinantasya niya pa naman ito, hayun pala, itinupi lang saglit ang sungay at buntot. Iti take advantage siya nito!

Pero may magagawa ba siya? Ayaw niyang may makaalam sa sekretong malupit niya. Not even her bestfriend. Ayaw niyang magbago ang tingin nito sa kanya kahit tiyak niyang hindi ang kagaya ni Cecille ang huhusgahan siya.

"May choice ba ako?" Sarkastikong tanong niya.

Hindi sumagot ang lalaki pero amused na sinundan ng tingin ang pagsara niya ng pinto at paghakbang patungo sa sofa para maupo. Now that they're closer pakiramdam ni Arielle ay lalong lumakas ang kabog ng kanyang puso.

Nakakatunaw pa rin ang titig ng walanghiya at kanina pa siya ngali ngaling pasadahan ito ng tingin mula ulo hanggang paa at pabalik at pagtatagalin nya ng husto ang mga mata sa ibaba ng katawan nito. The part her immodest eyes and vulgar mind love most. Pero kailan nga ba naging mahalay at bulgar ang mata at isip niya? That was two long years ago.. sa parehong lalaki.

Sa impaktong kaharap nya ngayon.

Hindi nya maimagine ang sariling pinagnanasaan ang ibang lalaki maliban sa lalaking ito. Well, hindi kataka taka iyon, dahil wala pa naman syang nakikilalang lalaki na mas hihigit sa katangiang mayroon ang Theo na ito.

Nakakatawa. Walang pogi sa paningin niya maliban sa lalaking ito na ama ng anak niya.

Kahit kanina pa niya sinasabi sa sarili na hindi siya pwedeng makipaglapit sa kahit anumang paraan sa Theo na ito, wala siyang choice. Kailangan niyang makipag usap sa lalaki tungkol sa kung anumang gusto nitong ihinging pabor sa kanya. And then, she's out. Hindi pwedeng magkaroon silang mag ina ng ugnayan sa lalaking ito gaano man kababaw.

"Ano'ng pabor ba iyon?" Nakasimangot niyang tanong.

"Gusto kong magpanggap kang girlfriend ko for two or three days, Arielle."

Tumuwid siya sa pagkakaupo sa narinig. Maang na napatitig sa lalaki.

"Nasisiraan ka na ba ng bait?"

"I'm dead serious."

"Bakit naman ako papayag na magpagamit sa'yo?"

Bahaw na natawa ang lalaki. "You were the first one to used me, my body, may I remind you, Ms Paulino."

Namula siya.

"Kanina ka pa ah! Paulit ulit ka na lang! Huwag kang sumbat ng sumbat na parang ako lang ang nag enjoy sa nangyari dahil malamang nag enjoy ka rin naman!"

Ngumisi ang lalaki. "So you really did enjoy it, huh?" Anito sa kaswal na tinig at mukha, hindi natigatig sa pagtaas ng boses niya. "Puwede nating ulitin para marefresh ang utak ko, Miss Paulino. Just say so, mas mabilis na akong kausap ngayon.."


Load failed, please RETRY

สถานะพลังงานรายสัปดาห์

Rank -- การจัดอันดับด้วยพลัง
Stone -- หินพลัง

ป้ายปลดล็อกตอน

สารบัญ

ตัวเลือกแสดง

พื้นหลัง

แบบอักษร

ขนาด

ความคิดเห็นต่อตอน

เขียนรีวิว สถานะการอ่าน: C8
ไม่สามารถโพสต์ได้ กรุณาลองใหม่อีกครั้ง
  • คุณภาพงานเขียน
  • ความเสถียรของการอัปเดต
  • การดำเนินเรื่อง
  • กาสร้างตัวละคร
  • พื้นหลังโลก

คะแนนรวม 0.0

รีวิวโพสต์สําเร็จ! อ่านรีวิวเพิ่มเติม
โหวตด้วย Power Stone
Rank NO.-- การจัดอันดับพลัง
Stone -- หินพลัง
รายงานเนื้อหาที่ไม่เหมาะสม
เคล็ดลับข้อผิดพลาด

รายงานการล่วงละเมิด

ความคิดเห็นย่อหน้า

เข้า สู่ ระบบ