Makalipas ang ilang oras,
Knock... knock...
"Buksan mo ang pinto alam kong di ka pa natutulog." Ang sambit ni Kenny sa mahinang tono.
"Anong problema mo?!"
"Buksan mo ang pinto!"
Hindi na sumagot sa kaniya si Barbie kaya kumatok syang muli.
"Bukasan mo kung ayaw mong bukas na bukas sasabihin ko kay daddy na nakabasag ka ng plato."
At wala pa ngang limang segundo dali-daling binuksan ni Barbie ang pintuan ng kwarto nya at hinila si Kenny sa loob.
"Kahit kailan epal ka! Hindi ko binasag yung plato dumulas sa kamay ka!"
"Huh! Eh sino ang may hawak? Ikaw di ba? Edi ikaw ang naka basag."
Naupo si Kenny sa kama ni Barbie na para bang ini-interrogate nya ito.
"Huh! Di ko kasalanan na dumulas ang plato sa kamay ko."
Sa isip-isip ni Kenny "mababaliw ako sa babaeng ito yung plato talaga yung focus nya? At anong klase ang kwarto nya napaka kalat dito."
"Hoy! Oras na sabihin mo yung about sa plato isusumbong rin kita kay tito na di mo ko inaalagaan na parati mo kong inaasar."
"Ano? Hahahaha...."
"At anong nakakatawa?"
Tinawanan lang sya ni Kenny pero nainis sya kaya binato nya ito ng tsinelas nya pero naka ilag ito "sorry di ka asintado."
"Ahh... ganon sige tignan natin kung makaka ilag ka pa dine."
Kinuha ni Barbie ang isa pa nyang tsinelas na ihahataw nya sana kay Kenny pero pinigilan sya nito "bitawan mo ko!" Pero hindi sya binitawan ni Kenny at hawak na rin nito ang dalawa nyang kamay.
"Di ko akalain na masyado palang agressive ang isang Barbie."
"Talaga!" She try to bonked her head to Kenny pero naka ilag na naman ito.
"Sinabi ko na sayo di ka asintado."
"Ohhhh... I see, tignan natin kung maka ilag ka pa rito."
Tinamaan ni Barbie ng tuhod nya ang private part ni Kenny "see, ano ka ngayon? Hindi pala ko..." bigla naman syang napa tigil sa pagbsasalita dahil bigla nalang syang binuhat sya ni Kenny at inihiga sa kama hawak ang dalawa nyang kamay.
"Lemme go! Pervert!"
"Huh! Alam ko ng mangyayari ito kaya prepared ako."
"A— Ano?"
"Oo, alam kong pag dating sakin parati kang brutal kaya itinago ko muna ang alam mo na alam ko kasing baka sipain o tuhudin mo."
"Bastos!!! Bitawan mo ko!!!"
Nag pupumiglas naman si Barbie pero di na sya makagalaw dahil hawak ni Kenny ang dalawa nyang kamay tapos bahagya naman syang inuupuan nito kay di rin nya masipa ang down part nito.
"Wag ka ng mag pumiglas pa dahil di kita pakakawalan."
"Pervert! Isusumbong kita kay Tito!"
"Huh! Kung kaya mo."
Hinalikan nya si Barbie sa lips at nagulat ito sa ginawa nya kaya kinagat nito ang labi nya.
"Ahhhh!!!! Manyak!!! Tito Bruce!!! Tulungan nyo po ako!!!"
"Wag ka ng sumigaw dahil wala ring maririnig si Dad dahil umalis sya ng bahay."
"Manyak!!!"
Natahimik namang bigla si Kenny dahil nakita nyang lumuluha si Barbie.
"So— Sorry..."
Boohoo....
Nag simula na ngang umiyak ng umiyak si Barbie kaya naman binitawan na sya ni Kenny at na upo sa gilid ng kama.
"So— Sorry I just carried away gusto ko lang naman na patahimikin ka. Wala naman akong intensyong masama."
Umusod lang ng bahagya si Barbie at tumalikod kay Kenny habang naiyak.
"Sorry... pangako hindi na mauulit ayoko lang kasing kung kani-kanino ka sumasama ayos lang kung kay Gaile pero kasama nyo si Jemie tapos pumunta pa kayo sa condo nya? Hindi maganda ng tignan yon."
"Pero yung ginawa mo sakin sa tingin mo magandang tignan yon?"
Nag salita si Barbie pero nakatalikod sya kay Kenny at patuloy na naiyak.
"Hi— Hindi ko nga sinasadya. Nag sorry naman na ko ah."
Bumangon si Barbie at humarap ng naiyak kay Kenny "sorry? Sa tingin mo mababalik ng sorry mo ang first kiss ko?! Ang sabi sakin ni Lola dapat daw ibigay ko lang ang first kiss ko sa taong mahal ko! Pero anong ginawa mo?!" Binato nya ng unan si Kenny at inis na inis talaga sya dito kaya iyak rin sya ng iyak. "Magnanakaw ka! Manyak!" Dagdag pa nya.
"So— Sorry... hindi ko naman alam na yun pala ang first kiss mo."
"Wahhhhh!!! Susumbong talaga kita kay Tito at kay mommy kala mo dyan." Iyak sya ng iyak at di na tiis ni Kenny niyakap sya nito.
"Bitawan mo ko!"
"Sandali lang, may sasabihin AKO!!!"
Napatigil naman si Barbie sa sigaw na yon ni Kenny "sorry kung ako ang first kiss mo pero gusto kong malaman mo na ikaw rin ang first kiss KO!!!"
Hindi naman nakapag salita si Barbie sa rebelasyong sinabi sa kaniya ni Kenny "matanda lang ako sayo ng isang taon pero ni minsan hindi pa ko nagkakaroon ng girlfriend kaya wala pa rin akong first kiss. Kung ayaw mong maniwala tanungin mo si Gaile kilalang kilala niya ko simula bata kaibigan ko na sya."
Bigla namang may nag bukas ng pinto "anong..."
"Da— Dad!"
***
Matapos ang insidenteng iyon mag isang linggo ng di nag kikibuan sila Kenny at Barbie kahit sa school at hindi rin sila nag papansinan.
"Yow, nakikita mo ba ang nakikita ko?" Sambit ni Uno kay Gaile na busy mag sulat.
"Ano ba? Pagka ikaw nakita ni Sir Mariano bahala kang tumayo sa labas."
"Shhh... wag kang maingay di naman nya tayo mapapansin busy sya mag sulat sa white board."
"Bahala ka dyan."
"Hindi ka ba nag aalala kila Kenny at Barbie?"
Napalingon naman si Gaile sa may likurang upuan kung saan sila Kenny at Barbie ay busy na mag sulat gayon rin naman itong si Thew na seryoso din.
"Sa tingin ko kasi mag kaaway sila."
Binatukan naman sya ni Gaile "engot ka rin eh no? Obvious naman gunggong."
"Aray naman."
"Pero alam mo ba kung bakit sila mag kaaway? Wala kasing nababanggit sakin si Barbie nito kasing nakakaraang mga araw parati nalang syang wala sa mood tapos di na rin sya nasabay sakin parati kasi syang nasa library."
"See, kahit ikaw curious rin si Kenny rin madalas wala sa mood tapos umuwi na rin sya agad pagkagaling sa school di ko nga sya mayakag mag chill."
"Maka chill ka naman dyan."
"Eh kasi madalas na punta kami sa isang café o sa isang arcade tapos pustahan kami pero ngayon tamad na tamad sya."
"Bakit nga kaya sila mag kaaway?"
"Bakit kasi di niyo tanungin?" Ang pag singit na sambit ni Sam na ka seat mate nila.
"Aba, andyan ka pala." Sabi ni Uno.
"Parang di ka ata updated sa mga chika ngayon?" Opinyon naman ni Gaile.
"Busy ako sa org.namin dahil sa bagong Director ng school gusto kasi nya every three days may newspaper kami about sa nangyayare dito sa school."
"Oh? Masyado palang strict yung bagong director?" Sabi ni Uno.
"Baka ganun talaga ang mga mayayamang negosyante gusto parating updated kaya pala parating busy ang org. nyo hirap siguro maging journalist." Say naman ni Gaile.
"Di naman sakto lang pero ang naiinis lang kami bago palang yung director ang dami na agad demand pero alam nyo ba kaya daw ganun yun may hinahanap daw na anak na naririto sa academy."
"Eh?" Reaction nung dalawa.
"Oo kaya gusto nya na every 3 days may labas kaming newspaper para sa school buti nga di everyday nakakabaliw yun guys."
"Oo nga no? Sabagay di naman kasi kayo yung mga talagang nagawa ng newspaper para sa bansa." Opinyon naman ni Gaile.
"Kaya nga eh."
"Pero totoo na may anak dito yung director?" Sambit naman ni Uno.
"Oo yun din ang narinig namin sa mga teacher eh."
"Ohhh... sino nga kaya no? Swerte nun ang yaman kaya ng mga Tang."
"Shhh... Quiet!!!" Pagalit na sambit ni Sir Mariano na patuloy na nag susulat.
Pero nag papatuloy naman sa pag bubulungan yung tatlo "anyways, kung gusto n'yo makabati sila Kenny at Barbie may alam akong place na pwede silang mag usap dalawa." Ang sabi ni Sam.
Nagkatinginan naman sila Gaile at Uno at sumagot ng "San?"
"."
Hapon na at uwian na niyakag ni Thew na mag practice si Barbie pero tinanggihan s'ya nito.
"Ah, ayos lang naiintindihan ko sasabihan ko nalang si coach na di ka makakapunta ngayon."
"Thankies, may pinapatapos pa kasi sakin si Ms. Elmundo."
"Okay lang, sana bukas makasama ka na."
"Oo sige tatapusin ko mamaya yun nalang naman tapos okay na ang mga notes ko."
"Mabuti kung ganun."
"Um. Tapos pede na kong sumama sayo mag practice tapos mag start na rin tayo mag recruit para sa softball team ko."
"Sure alam mo meron na talaga na nag aaplay kaso di pa namin ma entertain kasi busy pa ang captain nila."
"May captain na ang softball? Sino?"
"Syempre ikaw."
"Eh?"
"Oo, ikaw magaling ka kasi. Kung pwede nga sana sa baseball team ka nalang eh palitan mo si Niro. Hehe..."
"Silly..."
Napangiti si Barbie at nun lang uli nakita ni Kenny na ngumiti ito simula nung nagka galit sila.
Nakikinig lang si Kenny sa usapan nung dalawa habang inaayos ang kaniyang gamit at inisip nyang "pag kausap n'ya talaga si Thew parang ibang iba s'ya pero pag ako parati nalang syang galit."
"Bro!" Sambit ni Uno kay Kenny at nag greet rin s'ya kay Barbie at Thew.
Kaya napalingon naman si Barbie at Thew at kasunod na rin naman ni Uno si Gaile na kinausap naman si Barbie.
"Hindi, uuwi na ko may kailangan pa kasi akong gawin sa bahay." Sabi naman ni Kenny kay Uno.
Habang kausap naman ni Barbie si Gaile at Thew iniisip n'yang "ano namang gagawin nya sa bahay eh parati naman syang nanood lang ng TV tapos nakahiga lang sa sofa sa sala kapag hindi s'ya pupunta sa baranggay. Kala mo naman talagang busy. Tsss!"
Nagkatinginan naman sila Uno at Gaile na para bang may pinaplano.
"Sige Bro, sabay nalang tayo palabas."
"Sige."
"Kayo guys? Uwi na rin ba kayo?"
"Ha? Hindi pa ko. Sasamahan ko si Bie ngayon sa library." Sagot naman ni Gaile at nagulat naman si Barbie sa sinabi nyang iyon.
"Pero Gaile..."
"Okay lang, friday naman na at wala naman tayong assignment."
"Si— Sige."
"Ako rin pag natapos agad ang practice puntahan kita sa library." Sabi naman ni Thew.
"Um."
"Oh... may nalimutan pala ko susunduin nga pala ako ni ate wala nga pala akong motor na dala." Ang sabi naman ni Uno.
"Oh eh, wala pa naman ang ate mo sumama ka na muna samin ni Barbie." Suhestiyon naman ni Gaile.
"Well, ayos kang naman sakin pero baka kasi maka istorbo ako kay Bie."
"Ha? Nako, hindi naman pero ikaw kung gusto mo ayos lang naman."
"Oh, yun naman pala eh ano G ka na Uno?"
"G!"
"So, paano mauna na kami sayo Kenny?" Sabi naman ni Gaile.
"Ah... O— Oo sige."
"Sige Bro kita kits nalang sa monday." Sambit naman ni Uno.
Kenny smirked and he thought "bwiset na ito, ni hindi man lang yakagin sa library. Kanina lang sabi n'ya sasabay s'ya sakin sa labasan tas ngayon feeling close na naman ang ugok na ito kay Barbie."
Nauna na nga yung tatlo na lumabas at ang naiwan ay sila Kenny at Thew "buti pa si Uno marunong makaramdam." Sambit ni Thew bago s'ya lumabas.
"Huh! Edi ako na ang manhid mga kala mo naman kung sinong tropa ni Barbie! Ayos lang, sige pakasaya kayo mamaya naman eh nasa bahay na rin si Barbie sakin parin s'ya uuwi." Ang naiinis na sambit ni Kenny sa mahinang tono habang sinasarado n'ya ang bag n'ya.
"Uuwi sakin? Hindi ba mag pinsan lang kayo ni Barbie?" Ang bungad na sambit ni Sam na bigla nalang sumulpot sa tabi ni Kenny kaya nagulat n'ya ito.
"What the?! Ano ba?!!!"
"Chill Bro, masyado ka kasing seryoso may bibigay lang kasi ako sayo."
"Wala akong panahon sa mga interview n'yo kaya tantanan mo ko."
"Ito naman interview agad? May ibibigay ka ko ako sayo hindi kita iinterviewhin."
"Ano naman yon? Bilisan mo nag mamadali ako."
"Pasalamat ka anak ka ng principal."
"Heh! Kung wala kang sasabihing matino dyan ka na."
"Teka nga, ere na oh."
Iniabot n'ya kay Kenny ang dalawang brown envelope na para sa daddy nito.
"At para san naman ito?"
"Hindi san? Kung hindi kanino. Dahil sa daddy mo yan pinabibigay ni Ms. Elmundo. Paki bigay mo nalang daw kasi wala na s'ya sa office eh."
"Tsk! Kala ko naman kung ano na. Sige na dyan ka na."
"Teka meron pa."
"Ano na naman?"
"Pinapatawag ka kasi ni Pres. Jemie sa student council room."
"Ano? At bakit naman daw?"
"Di ko alam pumunta ka nalang ikaw rin baka magalit ang mga SC members sayo ikaw pa naman ang anak ng principal nakakahiya yun Bro pag pinag intay mo sila."
"Ikaw!!!"
"Okay, bye na."
"Hoy!!!"
Kinuha na ni Kenny ang bag n'ya at isinukbit na at umalis ng kanilang classroom "bwiset!" Aniya habang papalabas at nakita naman s'ya ni Ellaine and friends na pauwi pa lang at kukunin ang bag nila sa classroom.
"Hmm? San pupunta si Kenny?" Ang sabi ni Dana.
"Where do you think he is going pa, ha? Of course uwian na mabait na student at anak si Kenny my loves kaya diretso bahay na sya right, girls?" Sabi naman ni Ellaine.
"Yes." Ang sabi nila Hannah at Sheilla.
Pero hindi convince si Dana sa kay Ellaine dahil ibang direksyon ang nilalakad ni Kenny papunta iyon sa may library bilang malapit kasi roon ang student council room.
Happy New Year Everyone! (>_<)