ELLE
"I-iona?!" Nauutal kong pagtawag sa kanya. Ngunit isang nakakalokong tawa lang ang itinugon niya saakin. "Ang ganda ng joke mo, Elle. Nakakatawa. Kagaya mo!" She sarcastically said that to me.
"Sino ka ba talaga?! Tsaka bakit mo ko tinali at Kyle ano to?!" Pasigaw kong tanong kay Kyle. Tinignan naman niya ako na para bang natatakot na kinakabahan.
"You are asking me kung sino ako?? Well..." Saglit siyang nanahimik.. "Can you please introduce me to your WIFE, Kyle?" She commanded Kyle..
But Kyle just stared at me while shaking his head giving me more clue about everything that has been happening now..
"Oh? Bakit nanahimik ka, Kyle? Natatakot ka bang malaman ni Elle ang totoo?!" Galit niyang tanong kay Kyle.. "Will you shut up?!" Galit ding sabi ni Kyle sa kanya at humarap saakin.
"Elle please... Makinig ka saakin please..." Kyle tried to reach for my hand pero iniwasan ko ito.. "Ano bang dapat mong iexplain, Kyle?! Ano bang hindi ko alam?! Ano bang dapat mong ipaintindi saakin?!" Sambit ko. Gulong-gulo na ang isip ko sa mga nangyayari ngayon.
"Elle..." Kyle mumbled..
"Kung ayaw mong sabihin sa kanya ang totoo, Kyle.. Pwes ako ang gagawa niyan.." Napatingin naman kami sa lugar na kinaroroonan niya.
"NO! AND PLEASE GET LOST!" Kyle exclaimed..
"Marami kang hindi nalalaman, Elle... Akala mo lahat nang ito, totoo.. Akala mo nabubuhay ka sa mundo ng pantasya, na feeling prinsesa ka sa mundong ito na para kang nasa fairytale pero hindi. Walang ganun, Elle..." Nanatiling nasa kanya ang atensyon ko while Kyle tried to take my hand and runaway with him pero gaya kanina ay inayawan ko ito.
"Huwag kang makinig sa kanya, Elle.. Please tara na.. Umalis na tayo dito.." Pagmamakaawa niya pa pero hindi ko siya pinansin.
"Umaasa ka na lahat ay may happy ending, na lahat ay mananatili sa paraang gusto mo, na lahat ay magtatapos sa kwentong nais mo, pero hindi. Maling-mali ang iniisip mo, Elle.. And I pity you for that!" Bakas sa boses niya yung galit..
"ANO BA?! Tigilan mo na nga yang mga pinagsasabi mo! Elle, tara na!" Galit na hinawakan ako sa kamay ni Kyle and tried to pull me away with him..
"Natatakot ka bang malaman niya ang totoo, Kyle?! Bakit?! Sa anong rason?!" Galit niyang tanong ngunit hindi siya pinansin ni Kyle.
Alam kong may dapat akong malaman ngayon. Wala na akong pakialam kung ikakadurog ko man ito o hindi..
"LET GO OF ME!" Utos ko sa kanya. Bahagya siyang tumigil sa kakahila saakin. Hinarap ko ang babaeng ito.
"Who are you to say those words to me?! To my husband?!" Matapang kong tanong sa kanya. Ngunit binigyan niya lang ako ng nangaasar na tawa.
"Bilib din talaga ako sa tapang mo, Elle at proud na proud ka pa para sabihin saakin yan?! Wala ka nga talagang nalalaman.. Pwes para sabihin ko sayo.." She paused.
"Shut up!" Biglang sigaw ni Kyle.
"I'm Ally..." Bahagyang pinigilan ko ang paghinga dahil sa sinabi niya.. "Kyle's mistress..." Pagtutuloy niya..
My world crushed upon hearing her revelation...